Press Release
March 13, 2021

Transcript of interview of Senate President Vicente C. Sotto III
with Cely Bueno and Raoul Esperas of DWIZ

Q: On Monday, March 15, one-year na nating binubuo itong Covid-19 pandemic. Hanggang ngayon naka community quarantine tayo pero sa halip na bumaba yung kaso, ngayon ay lalo pang tumataas ang Covid cases sa ating bansa lalo na sa Metro Manila. Ano sa tingin ninyo ang problema?

SP Sotto: Ang tingin ko ang problema nasa atin. Nakakabahala, pero wala tayong magagawa. Sino ang sisisihin natin? Lahat naman ng dapat gawin, ginagawa natin. Yung mga ginagawa ng ibang bansa, ginagawa din natin, kaya lang, itong mga nakaraan na mga apat o limang buwan napansin ko, or half of the year, napansin ko, bumalik na. Bumalik yung traffic, bumalik yung tao, bumalik lahat. May mga party, may mga ano, parang nabale-wala na. Tingin ko, parang ang akas na ng mga loob ng mga kababayan natin. Ngayon, padami ng padami. Imbis na umasenso tayo, lalong lumalala.

Q: Parang nagkaroon na rin ng fatigue yung publiko o naging kampante na, akala okay na?

SP Sotto: Tingin ko, nagkampante, naging sobrang kampante, narelax.

Q: Pero kung ganoon ang observation, nagkaroon din kaya ng pagkukulang lalo na yung mga LGUs to remind them na hindi pa sila dapat maging kampante?

SP Sotto: Hindi rin. Ako, ang tingin ko, hindi natin dapat sinisisi yung mga LGU, o national government. Lahat ng dapat sabihin, sinasabi nila. Lahat ng dapat gawin, ginagawa nila. Tayo ang hindi sumusunod.

Q: Tao talaga ang problema.

SP Sotto: Oo kaya talagang kumbinasyon yan. Ngayon, ano dapat ang gawin ng gobyerno? Maghigpit pa? Hindi ba nagagalit ang tao pag naghihigpit? Kaya tayo na lang ang maghigpit ng sarili natin para makaiwas tayo sa paglala nito.

Q: Parang ang nangyari back to square one tayo dahil (unclear) na ulit ng curfew, nag deploy din ng mga pulis, at pinahigpit na ulit yung mga restrictions.

SP Sotto: Yun nga, kasi nga lumala, imbis na bumuti. Pabuti na, di ba? After mga six months, seven months, pabuti na. Going towards Christmas pabuti na. Pagdating nung Christmas, medyo nagkaroon ng kaunting surge kung sabihin, pero holiday surge lang yun dahil medyo narelax ng kaunti. Ang tingin ko, after that, pagdating ng January, pumasok sa utak ng ating mga kababayan natin na relaxed na. Parang nag carry-over yung holiday mood. Sunod-sunod ang party.

Q: At saka mga out-of-town, marami ng nagsu-swimming...

SP Sotto: O di ba? Correct. Tapos yung contact-tracing naman natin, hindi naman nagbabago. Yun ang kahinaan natin, yung contact-tracing.

Q: Siguro mas lalong naging kampante nung nag start na yung inoculation, nitong vaccination. Akala nila nung nag start na ay okay na.

SP Sotto: Oo. Hindi nila alam na kahit ikaw ma-vaccine ka, mavaccinate ka, pwede ka pa ring magkaroon, kaya lang, 100 percent, hindi ka mamamatay. Sumobrang lakas ng loob nung mabalitaan na ganoon, kaya lang magkakaroon ka pa rin at ang problema nito, makakahawa ka pa rin. Dapat isipin natin yun, para hindi tayo magiging pabaya.

Q: Para sa inyo, kumporme kayo na habaan na ulit yung curfew, (unclear) yung mga pulis, tama rin ba na ipagbawal itong PDA? Yung public display of affection or OA na yun?

SP Sotto: Hindi, okay lang lahat yun. Ikumpara natin yung sarili natin sa bansa na mahigpit nung umpisa hanggang ngayon, ano na sila ngayon, eh di ang ganda na nila? Husay na ngayon. Ngayon ang ganda na ng statistics ng Singapore, pero ang higpit pa. Pag punta mo, 14-day quarantine ka pa rin. Di ba? Ang higpit. Mahigpit pa lahat, pati yung PDA na sinasabi ninyo, mahigpit pa rin. Maganda na ang statistics niya, pero mahigpit pa rin, bakit? Kasi may martial law doon, dictatorial doon, alam naman natin. Dito sa atin, hindi. Kaunting maghigpit ang gobyerno, palag ang tao, nagrererklamo kaagad, di ba?

Q: Kahit nga daw sa loob ng bahay, mag face mask na daw, sabi ng mga ilang health experts at iobserve pa rin yung physical distancing kasi marami daw kaso na nagka hawaan sa loob ng bahay.

SP Sotto: Sana ganoon ang gawin ng mga kababayan natin. Kasi ako, hindi naman sa pagyayabang, ganito sa amin eh. Lahat ng kasama namin dito sa bahay, hangga't maaari, naka mask. Lalo na pag may dumating. Let's say may darating sa gate, mayroong iaabot na papel o papeles, mga ganyan, yung lumalabas doon sa amin, oras na hindi naka face mask, napapagalitan ni Helen yun.

Q: So, sina-sanitize muna kung ano man yung inaabot sa inyo?

SP Sotto: Oo, lahat yun although sinasabi ng iba, hindi naman daw nakakahawa yun, wala naman daw ganoon, pero kahit na, ano kung paranoid ka? Lamang yung paranoid kesa sa pabaya. Yung mga paranoid na bansa, Taiwan, Singapore, Vietnam, puro paranoid yun, tapos ang higpit doon, walang freedom of speech doon, walang freedom of expression doon, ano ang nangyayari sa kanila? Eh di ang ganda ng sitwasyon nila. Dito sa atin, tayo ang number one sa demokrasya sa buong mundo...totoo naman, at saka maganda yun, kaya lang, naaabuso natin, di ba? Kaunting sabihin ng gobyerno, katakot-takot na reklamo sa social media.

Q: Sa halip na sumunod?

SP Sotto: Oo. Ngayon lang, habang naguusap tayo, tiyak ang mga nakikinig, sasabihin naku, reklamo na naman yang mga yan, magagalit sa atin.

Q: Minsan hindi na dapat pansinin yung mga...

SP Sotto: Ako, hindi ko na pinapansin, magsawa sila.

Q: Kasiyahan na lang nila yung bumatikos ng bumatikos.

SP Sotto: Oo, kung ano yung sa tingin ko mabuti para sa atin, sa bansa natin, saka makakatulong ako, ginagawa ko.

Q: Oo, hindi tayo mabubuhay dahil sa mga basher.

SP Sotto: Hindi, huwag ng pansinin yan.

Q: Nabanggit ninyo yung dapat na gawin para sa bansa ang gusto ninyong gawin, eh napapabalita ang tandem na Grace Poe at saka Vicente Sotto. Ano ba ang latest?

SP Sotto: Wala po kaming pinaguusapang ganoon at saka malayong-malayo sa kaisipan namin sa ngayon yun, kaya nga medyo nung isang gabi na-turn off ako, dahil ang problema, pandemya, ang problema, inflation, ang problema napakarami, patayan, yung utter disregard of law di ba pagkatapos doon sa ibang patayan doon sa south at saka dito sa atin. Ang nangyayari pagka sinabi ng Senado na hindi dapat ganito, ganyan, ang institution ay dapat sundin, biglang ang sagot ng Executive Department ay (unclear) hindi raw, tama raw sila, mali daw yung interpretasyon namin. Nakaka dismaya, tapos biglang maririnig ko pulitika ang paguusapan? Susmaryosep! Hindi pa tapos yung term ng Presidente, gusto nilang patakbuhin ulit ng ibang pwesto naman. Bakit hindi asikasuhin yung problema natin, ganoon ang nasa isip ko, kaya sabi ko, Diyos ko, kawawa naman tayo.

Q: Baka nagpu-pwestuhan na.

SP Sotto: Kaya nagtataka ako doon sa iba na hot na hot eh, 2022 na ang nasa utak, kung anu-anong pairing na ang ginagawa, mali pa yung pairing.

Q: Pero kailan ba kailangan na mag-start? The mere fact na may hinaharap tayong pandemic, kailan ba dapat na pagusapan yang pulitika na yan?

SP Sotto: October. Sa October kasi wala, hindi naipilit yung hybrid eh. Delikado na naman tayo.

Q: So, nadidisappoint kayo sa Executive?

SP Sotto: Hindi naman. Nadidisappoint ako sa political thinking. Maraming maayos na kilos ang Executive Department, pero yung nadidisappoint ako doon sa nag iisip ng pulitika. At saka hindi naman confined sa Executive ha? Meron din sa amin. Saan ba galing yung mga kwentuhan na yan, eh di sa amin din, sa Kongreso din o sa Senado, hindi ba? Hindi naman sa Executive Department nanggaling yan, pero ang maganda rito, dapat ang Executive Department, huwag patulan.

Q: Eh si Presidente mismo yung nag speech nung isang araw, sabi niya si Bong Go tatakbong presidente.

SP Sotto: Kaya nga, to each his own. Ganoon ang thinking niya, hayaan mo siya. Dapat (unclear) patulan. Tayo rin, ang media, dapat ang (unclear) patulan yung balita ba yun? Hindi na binabalita yung mga ganoon.

Q: Pero siyempre pagka ganoong nagsalita ang Pangulo, ang dating sa iba, balita yun.

SP Sotto: Eh nagbibiro daw siya. Balita ba yung nagbibiro?

Q: Wala naman sinabi si Presidenteng joke lang, ang nagsabi ng joke, si Bong Go.

SP Sotto: Kaya nga, eh sino ba ang spokesman ni Presidente, di ba si Bong Go?

Q: Although sabi ni Bong Go doon sa kanyang statement, wala pa sa utak niya ang pulitika, pero maaari daw magbago ang isip niya kung makukumbinsi ang Presidente na tumakbong bise-presidente.

SP Sotto: Narinig ko rin yun, eh ganoon din yun. Kaming mga pulitiko, alam mo, pagka pulitika ang pinaguusapan, merong mga kasamang mga ano yan, merong kasamang maybe, o baka, yung mga ganoon pero sabi ko nga, hindi balita yun. Pang karaniwang kwentuhan nung araw na kanto lang yun, hindi dapat pinapansin yun. Ang intindihin muna natin, yung P13 trillion debt natin. Sana yun ang pinaguusapan, yung Mandanas ruling next year. After election, Mandanas ruling, doblado ang internal revenue allotment ng mga local, walang matitirang pondo sa national government. Yung ang isipin natin. Huwag yung election ang pag-isipan natin, pag-isipan natin ano ang gagawin natin doon.

Q: Kasi naman, paanong hindi mapag-uusapan, may nagpapagawa na ng survey, nandoon sa survey nandoon na yung mga tandem, yun ang nakikita namin.

SP Sotto: Kaya nga, mali pa nga. Alam mo, unreliable yun, pagka naglagay ka ng mga tandem-tandem kasi ang iboboto noon, isang tao lang, hindi naman ganoon yung ano, so unreliable yun.

Q: Baka ang gusto lang nung kung sino man ang nag commission noon...

SP Sotto: Nagpapa-ingay lang.

Q: O kaya gusto nilang kunin ang pulso ng bayan kung okay ba sa kanila ang tandem na yun?

SP Sotto: Siguro, ganoon. Pero hindi, may nakakalimutan sila pagka ganoon. Ang tanda ko dito, 1960s pa, nakikialam na ako sa pulitika, sa mga nanay ko at sa mga lolo ko, may nakakalimutan sila, ang Pilipino, two weeks before, nagbabago ang isip. Huwag silang maniwala sa mga ika nga ay pa-press release ng kung sino-sino. Two weeks before, nagbabago ang isip ng Pilipino, naku.

Q: Depende sa nagiging development or kaya may masabi lang yung isang pulitiko na hindi nagustuhan, di ba? Biglang magbabago.

SP Sotto: Ay naku, oo. Ang daming (unclear), ang taas-taas ng survey...

Q: Pero yung Grace Poe-Vicente Sotto maganda rin ang pairing, maganda rin ang naririnig kong review.

SP Sotto: Ay, opinion mo yun. Hinuhuli mo ako Raoul ha, wala kaming pinaguusapan, sila lang ang (unclear) noon. Wal kaming pinaguusapang ganoon, sila lang nag imbento noon. Hindi ko naman naririnig si Grace na interesado na tumakbo eh. Ang naririnig ko na mga grupo-grupo ng mga reform group, mga ganoong group, tapos may mga military group na naririnig ko, ang gusto nilang tumakbo, si Ping Lacson eh.

Q: Kayong dalawa?

SP Sotto: Nung nag uusap kami ni Grace, wala siyang sinasabi, hindi kami nag uusap ng pulitika. Ang inaasikaso ni Grace, yung Public Service Act, yung Public Service Law, 1930s pa yung batas na yun, finally naisponsoran niya, yan ang pinaguusapan namin.

Q: Pero sabi ninyo, balikan namin kayo ng June 30, 2021 di ba, doon namin malalaman yung plano mo sa 2022, tama po ba?

SP Sotto: Hindi, sa July sabi ko, after the SONA. Matatantiya ko na noon kung sino-sino yung tatakbo, o maganda bang si ganito suportahan, o wala bang ka-kwenta-kwentang suportahan sila ganito, malalaman na natin yun by that time.

Q: Pero the mere fact that you are graduating, wala ba kayong kino-consider na mga option after your term as senator?

SP Sotto: Well, number one na kino-consider ko, mag-retire.

Q: Pero ano yung number two?

SP Sotto: Wala pa. Wala pa, hindi pa ako nag-iisip noon.

Q: Sayang naman kung magre-retire ka.

SP Sotto: Medyo pagod na rin tayo, at saka kung wala namang ka-kwenta-kwenta yung nakikita natin (unclear) bakit naman tayo, bakit natin isusubo yung sarili natin.

Q: Balikan ko lang itong tungkol sa Covid-19 pandemic. Naalala ko, meron kayong resolution na ifinile na nagsusulong na iconsider na yung pagbabalik ng face to face classes. The mere fact na ganito yun g nangyayari ngayon na tumataas na naman yung kaso ng Covid at meron na daw ngayong Brazilian variant, ito yung mas matindi pa kesa sa African at saka sa UK variant, sa tingin ninyo, huwag munang iconsider yung nauna ninyong resolution?

SP Sotto: May caveat yung resolution namin na yun. Ang nakalagay doon, is in areas that are Covid-free. Hindi sa kabuuan, kungdi sa mga lugar na wala. Sa mga lugar na (unclear), yun ang punto roon. Kaya, eh kasi hirap na hirap na sa eskwelahan, nakita mo naman ang mga nangyayari, eh yung mga module-module, sino ang sumasagot, kapitbahay? May natutunan ba yung mga bata? Lalo na yung medyo hindi available ang internet or walang mga tablet, o walang mga kagamitan, paano? Isang taon na silang ganoon. Pero, sana, at least yung mga walang problema sa Covid, yun ang hayaan na mag face to face classes.

Q: So, pwede pa rin, kasi yun namang pagtaas ay dito lang halos sa Metro Manila at ilang mga siyudad, so pwedeng iconsider yung inyong resolution doon sa mga lugar na safe na.

SP Sotto: Oo, nandoon naman sa resolution yun. Yung local school board din ang magde-deklara kung yung lugar nila ay safe o hindi.

Q: Si Senator Lacson, mukhang nagsagawa siya ng computation, kung ang pagbabasehan ay itong tinatakbo nitong vaccination, parang yung target na herd immunity tatagal ng labing isang taon bago matapos kung ganito kabagal?

SP Sotto: Wala, statistics don't lie as long as you are looking at accurate statistics. So, siguro baka dapat bilisan. Dapat hayaan, at saka hayaan nila yung private, huwag sikilin yung mga private, yung mga private companies, mga private na ano, gusto rin nila, (unclear) nila tapos sila ang magpapagawa sa mga kumpaniya nila, ang dami noon, eh mas bibilis yun pag pinayagan nila yun.

Q: So, sinasabi ninyo hayaan na yung mga private na bumili ng vaccine para mas mabilis?

SP Sotto: Oo.

Q: So, challenge ito ngayon sa government kung paano nila mas bibilisan pa ang mass vaccination para hindi naman tumagal ng labing-isang taon?

SP Sotto: Correct, at saka yung pinu-push namin na pag-aralan nila sa Department of Health, sa FDA, bilis-bilisan naman nila yung mga gamot na nakakatulong. Sa Amerika, pinayagan na yun ganito, sa Europa, pinayagan yung ganito, dito eh pinag-iisipan pa, di ba?

Q: Alin po, yung iba pang bakuna?

SP Sotto: Hindi, mga gamot. May mga natutuklasan na nakakagaling eh, at saka may immunity, may ganoon, may immunity, di ba? Merong mga, kahit wala ka, itake mo yung gamot na yun, para ka na ring may vaccine na, vaccination. Maraming ganoon, pinadala ko nga sa kanila. Ako, lahat ng nakikita namin, nakukuha namin, fino-forward ko kay Sec. Duque, pati kay Sec. Galvez.

Q: May sagot ba?

SP Sotto: Oo, pinag-aaralan daw ng FDA.

Q: Pero nasabi ninyo na sa kanila yung idea ninyong yun na mas para mas bibilis yung vaccination, hayaan na yung pribadong...

SP Sotto: Payagan na. Nabanggit na namin yan one time or another.

Q: Ano ang sabi nila?

SP Sotto: Pag-aaralan.

Q: Mga fifteen years pag-aaralan?

SP Sotto: Ewan ko.

Q: Di ba ang Senado, yung Pasay ay isa sa mga critical area dahil ang taas ng Covid. Yung Barangay 76, katabi pala yun ng Senado, may pinakamataas na kaso. Ano ba ito, yung Senate maghihigpit ulit, skeletal force?

SP Sotto: Mahigpit pa rin. Naka skeletal force pa rin ang Senate. Mahigpit, wala namang nakakapunta roon ng hindi merong at least two days before nag swab ka or nag PCR test ka. Ngayon, yung mga empleyado, supposed to be, yung mga empleyadong pumapasok doon, puro supposed to be, negative yun. Oras na may nagpakita ng ano doon, quarantine kaagad.

Q: So, hindi basta-basta nakakapasok yung mga guest kung wala silang...

SP Sotto: Hindi eh.

Q: Kasi yung kapitbahay ninyo, ung GSIS, parang nag skeletal force sila dahil dito sa nangyayari.

SP Sotto: Oo. Yung Senate ngayon is skeletal naman, pero gagawin nating mas skeletal pa. Kasi yung mga official namin ay (unclear) kaya naman medyo skeletal namin, medyo pinapasok kami, kasi merong ruling doon sa (unclear) na pagka hindi pumapasok within let's say sa loob ng isang linggo or sa loob ng dalawang linggo hindi pumapasok ng isa o dalawang beses, hindi tatanggap nung mga allowances. Merong mga extra allowances yung mga empleyado namin na hindi pwede pag hindi pumapasok, merong ruling na ganoon. Ngayon, yung ibang pumapasok, nakakatanggap sila, eh yung hindi pumapasok, makakatanggap din? Magagalit at magtatampo yung mga pumapasok. Hindi madali yun. Anyway, pag-aaralan namin kung paano, rotation na lang siguro.

Q: Oo, kasi medyo sa Pasay parang yun ang number one na mataas ang kaso, eh paano kung nagco-commute?

SP Sotto: Kaya nga. Mahigpit na kami, mas hihigpitan pa namin, ganoon na talaga ang mangyayari doon, at saka siguro, baka panawagan sa Pasay City government na medyo maghigpit pa lalo.

Q: At saka minsan 8 o'clock ang pasok ng mga Senate employees, paano yun, may curfew na ng 10PM, eh kung magco-commute sila, baka abutin ng curfew?

SP Sotto: Kaya nga. Pakikiusapan ko yung mga kasama natin, lalo na yung mga virtual, na maaga kaming matapos. Kasi ang nangyayari, (unclear) hindi narerealize yung oras.

Q: Kasi yung iba nasa bahay lang, okay lang sila kahit anong oras unlike sa iba nasa Senate.

SP Sotto: Oo, so, pakikiusapan ko sila sa Lunes, sasabihin ko. May caucus naman kami after rollcall sa Monday, mga gustong pagusapan. Makikiusap na rin, sabihin ko by 6 o'clock dapat adjourned.

Q: Pero ang mga Senate workers at saka mga Senador, ano kayo di ba, APOR, kasama kayo sa mga authorized persons outside of residence di ba?

SP Sotto: Oo, pero hindi lahat ng empleyado namin may mga sariling sasakyan eh.

Q: May nagco-commute.

SP Sotto: Oo. Kung kami lang, okay lang, authorized naman kami, pero kawawa yung mga empleyado eh.

Q: Hindi pa ba nasisimulan ang inoculation sa Senate? Wala pa yung bakunang inoorder?

SP Sotto: Umorder pa lang, wala pa.

Q: Kailan ang dating?

SP Sotto: Hindi ko masabi. Alamin ko kay Senate Secretary kasi lumalabas ngayon, mas (unclear), kasi ang gusto nilang i-order nung una, yung Moderna, eh lumalabas ngayon sa findings sa number one, (unclear). Number two yung Sinovac eh.

Q: Sinopharm yata ang pinaka maganda. Ayaw ninyo yung Johnson and Johnson na one dose lang?

SP Sotto: Baka umorder tayo noon sa isang taon pa.

Q: Wala pa silang application para sa EUA.

SP Sotto: Oo, eh yung Sinovac at yung Sinopharm, nandiyan lang sa kapitbahay eh, (unclear).

Q: May nag-aalok sa akin, meron sa black market.

SP Sotto: O kita mo, meron pa pala sa black market, delikado yan, medyo baka fake yan makuha ninyo.

Q: Kahit yung pamangkin ko na nurse, ang gusto Sinopharm.

SP Sotto: Oo, tama. (Unclear) kasi ang virus na gamit doon, hindi yung synthesized na pareho doon sa Pfizer at saka sa Moderna. Pero kahit anong vaccine yan, basta sana maisip ng mga kababayan natin, ang tamang eksplanasyon, sinasabi ko ito sa PCOO at saka sa DOH, tumira kayo ng information dissemination para yung mga natatakot, mawala (unclear). Pag ikaw ay (unclear) navaccinate, 100 percent ang efficacy ng death, yun ang hindi nila sinasabi, tapos 80 percent ang efficacy ng hindi ka mao-ospital. Kasi puro sila efficacy-efficacy, tapos 50-70 percent, malamang hindi ka na magkaroon. Pero (unclear) ang bino-broadcast nila, naku, 50 percent lang pala ang efficacy niyan, mahina yan...

Q: Bino-broadcast nila na dumating na yung ano, so nag-eexpect ngayon.

SP Sotto: Oo, mali, hindi yun. Lahat ng vaccine, ganoon yun, more or less, hindi nagkakalayo ang figures noon.

Q: At saka di ba yung takot sa possible side effect, gaya dito sa AstraZeneca, di ba sa abroad parang pinatigil, may blood clot daw.

SP Sotto: Pero ako, paulit-ulit kong sinasabi, mas mabigat at mas matindi ang benepisyo ng navaccinate ka kesa sa matakot ka sa side effect

Q: Ano ang pipillin mo na vaccine?

SP Sotto: Ako, Sinopharm or Sinovac.

Q: So dapat yun na rin ang maging target na bilhin ng gobyerno?

SP Sotto: Sa akin, opinion ko lang naman yun, eh marami silang ano. Ang mga local gusto AstraZeneca.

Q: Ang Pangulo, dahil nga ganito ang sitwasyon tumataas na naman, pero sabi niya na baka papayagan na niya na magbukas ang economy dahil kailangan na talagang magbukas ang ekonomiya?

SP Sotto: Ewan natin, ika nga ay hindi ako makakapagbigay ng matino-tinong opinion diyan, sapagkat sila ang may hawak ng statistics eh. Kung ano ang position ng IATF at this point, susundin natin, susuportahan natin.

Q: Pero I am sure naman ang Presidente di ba lagi namang kumokunsulta sa mga eksperto, kung sabihin ng mga expert na hindi pa pwede, eh di...

SP Sotto: Oo, hindi niya pabubuksan yun. Hindi ba nung nakaraang buwan, meron ng sinasabi na buksan na ayaw niya.

Q: Ito namang si PNP Chief Gen. Sinas, sabi nag skip siya ng screening, hindi siya dumaan doon sa protocol, sabi nung Oriental Mindoro provincial official. May violation dito si Sinas dahil nag positive siya sa Covid?

SP Sotto: Meron, may violation yun. Kung yung mga mayor nga at mga senador at saka yung Senate President, pag nagpupunta sa isang lugar na kailangan dumaan sa triage or dumaan sa protocol, sumusunod lahat, anong meron ang PNP chief na hindi siya susunod sa protocol?

Q: Dapat siya muna ang magpakita ng ehemplo di ba?

SP Sotto: Kaya nga. Mali.

Q: Sino ang huhuli sa kanya?

SP Sotto: Eh di ang Presidente, o DILG secretary. O kaya ang Pangulo, because napapailalim sila sa kanila.

Q: Hindi ito dapat palampasin di ba? Dahil kung yung maliliit na tao pinagmumulta, kinukulong kung may violation, di ba?

SP Sotto: Oo nga.

Q: Pagmultahin man lang.

SP Sotto: May mga penalties yun. Anyway, may mga hearing kami tungkol diyan in the next few days, kung hindi ako nagkakamali, Monday or Tuesday. Ngayon, hindi naman dapat umiiwas yung mga umiiwas, hindi makaka-attend, eh pwede namang virtual eh. Walang lusot.

Q: Pero naka quarantine si Gen. Sinas.

SP Sotto: Eh may virtual eh.

Q: Tungkol saan yung hearing?

SP Sotto: Hindi ko alam kay Bato. Yung ano yata, yung barilan, kung anu-ano. Yun ang sinasabi ko na kasama sa kalungkutan ko nung isang gabi. Yang mga yan ang problemang asikasuhin natin, huwag yung pulitika.

Q: Ano ang nakikita ninyo, nagkakaroon ng series of killings, ano ito, wala ng takot?

SP Sotto: Hindi ko alam, medyo mahirap sagutin yan.

Q: May kakulangan o kapabayaan ang authorities dahil yun ang kanilang trabaho, lalo na ng PNP, panatilihin ang peace and order, tigilan yung mga ganitong crimes.

SP Sotto: Hindi, kasi dapat ang isa sa mga asikasuhin sana natin, yung moral regeneration, kailangan talaga may upgrading or updating ng ating mga enforcers.

Q: At saka orientation.

SP Sotto: Oo, ganoon. Hindi ba nung isang araw, naalala ninyo nung nag privilege speech ako during the budget, yung sinasabi kong palpak yung highway patrol na pag trato nila doon sa hinuhuli? Di ba sabi ko, wala ba kayong seminar, wala ba kayong ginagawang reorientation, may budget kayo para diyan. Magkano ang kailangan ninyong budget, ilalagay namin. Di ba sinabi ko, naalala ninyo, sa budget? Bakit kamo? Eh di ba nabaril pa sila? Sila ang napatay nung carnapper? Na pinagbibintangan pala, sorry, pinagbibintangan nilang carnapper?

Q: Sa Cavite ba yun?

SP Sotto: Nasita, walang plate number, walang rehistro, walang niha-niho, walang conduction sticker, ayaw bumaba, sinasaran pa sila ng bintana, ano ang ginawa nila? Nagkwentuhan. Binaril sila. Inunahan sila. Sa Amerika yun, hinihingi ang lisensiya, hindi ka nagbigay ng lisensiya, nakabunot na ng baril yung pulis eh, di ba?

Q: Dapat mataas ang expectation natin sa mga authorities, sa laki na ng mga sahod nila di ba?

SP Sotto: Kaya nga eh, mali ang orientation pagka ganoon. Ang banat kaagad sa iyo, please step out of the car, di ba? Ayaw mo magbigay ng lisensiya, step out of the car. Dito sa atin, kung sino-sino ayaw magbigay ng lisensiya, inaaway pa yung enforcer.

Q: Ganoon sa Amerika, show me your hands.

SP Sotto: Kaya nga. Kasi nga, ewan ko yung orientation, kulang ng refresher courses tapos tayo rin yung mga kababayan natin, ang tatapang. Sobrang ang tatapang.

Q: Going back to Sinas, disappointed kayo dahil PNP chief pa naman siya, siya yung hindi sumunod?

SP Sotto: Oo, sana hindi ganoon, kasi ako, nung guest ako ng PMA nitong nakaraang buwan, dinala ako ni Mayor Magalong doon sa triage eh. Nag test kami lahat. Nag fill-up ako ng mga form, ng mga papeles, pati lahat ng kasama ko. Sabagay isa lang naman yung kasama ko.

Q: Do you think may breakdown sa leadership ng PNP because of what is happening?

SP Sotto: I don't know, ayaw ko namang maging judgmental pag dating diyan. Ang sinasabi ko lang, hindi pwede yung sa ibang tao ay dapat, sa ibang tao, hindi. Hindi pwede yun, yun lang ang sinasabi ko.

Q: At saka nakakadisappoint, maraming crime na nai-involve ang mga pulis. Buti na lang yung hepe ng Calbayog sinibak. Last na lang, so March 25, mag adjourn na yung session, balik ninyo na sa May?

SP Sotto: Oo, May 17.

Q: Pero before mag break ang session, ano yung target ninyo pa na matapos diyan sa Senado?

SP Sotto: Yung Public Service Act, yung mga nakapending ngayon doon, tapos yung GUIDE, at saka yung BARMM elections. Yun ang mga kailangang habulin namin.

News Latest News Feed