Press Release
March 14, 2021

Gatchalian seeks protection for vulnerable school girls amid new lockdown measures

Following the released survey which identified violence against women as a top concern during the COVID-19 pandemic, Gatchalian reiterated the need to ensure continued education and protection programs for vulnerable girls to combat gender-based violence amid new lockdown and curfew measures.

The Commission on Population and Development (POPCOM) recently cited the results of a Social Weather Stations (SWS) survey which revealed that for 25 percent of Filipinos, harmful acts in various forms---including physical (11 percent), sexual (7 percent), and emotional (7 percent) violence---are among the most pressing problems of women.

Gatchalian added that since school-age girls have been confined to their homes since the start of lockdowns a year ago, they are also more vulnerable to domestic violence and dropping out.

The senator emphasized that even if schools are implementing remote learning, they should continuously provide safety nets to learners, including child protection programs."

The lawmaker also flagged the role of school closures in the increased exposure of young girls to early pregnancies. A two-month study by the Department of Science and Technology - National Research Council of the Philippines (DOST-NRCP) identified school closures, dysfunctional family, and lack of access to sexual and reproductive health education as among the factors of teenage pregnancy.

"Sa patuloy na pagdiriwang natin ng National Women's Month, mahalagang alalahanin natin na dapat nating paigtingin ang pagbibigay proteksyon sa ating mga batang kababaihan laban sa ano mang uri ng pang-aabuso at karahasan. Isa sa mga pinakamahalagang hakbang na maaari nating gawin ay hindi sila mahinto sa pag-aaral sa kabila ng mga hamong kinakaharap natin, lalo na't ang mga paaralan ay may mga programa para sa kanilang proteksyon," Gatchalian said.

The Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture also cited the role of child protection committees (CPC) in schools, which should identify vulnerable learners, report cases of abuse, and coordinate with institutions like the Philippine National Police-Women and Children's Protection Desk, the Local Social Welfare and Development Office, and other government agencies, and non-government organizations.

# # #

Gatchalian: kaligtasan ng mga batang babaeng nasa panganib dapat itaguyod

Sa gitna ng mga bagong paghihigpit dahil sa pag-akyat ng mga kaso ng COVID-19, muling binigyang-diin ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng edukasyon at ng mga programang nagbibigay proteksyon sa mga batang kababaihang nahaharap sa matinding panganib.

Kamakailan ay ibinahagi ng Commission on Population and Development (POPCOM) ang naging resulta ng isang survey ng Social Weather Stations (SWS), kung saan lumabas na dalawampu't limang (25) porsyento ng mga Pilipino ay nababahala sa karahasan at pang-aabuso sa mga kababaihan. Ayon sa naturang survey, labing-isang (11) porsyento ang nababahala sa pisikal na pang-aabuso, pitong (7) porsyento naman ang sa karahasang sekswal, at pitong (7) porsyento rin sa pang-aabusong emosyonal.

Dahil ang mga kababaihang mag-aaral ay halos isang taon nang nananatili sa kanilang mga tahanan, nanganganib silang makaranas ng karahasan at mataas din ang posibilidad na sila ay huminto ng pag-aaral, babala ni Gatchalian. Ito ay dahil madalas silang inaasahang magbigay ng suporta upang maitawid ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya. Kahit na ipinapatupad ng mga paaralan ang distance learning, mahalaga ang pagpapatuloy ng mga safety nets, kabilang ang mga child protection programs, paliwanag ng senador.

Dagdag ng mambabatas, may papel din ang pagsasara ng mga paaralan sa pag-akyat ng mga bilang ng batang ina. Ayon sa isang pag-aaral ng Department of Science and Technology - National Research Council of the Philippines (DOST-NRCP), ang pagsasara ng mga paaralan, ang pagkakaroon ng mga dysfunctional families, at ang kawalan ng access sa sexual at reproductive health education ay ilan sa mga maituturing na sanhi ng maagang pagbubuntis o teenage pregnancy.

"Sa patuloy na pagdiriwang natin ng National Women's Month, mahalagang alalahanin natin na dapat nating paigtingin ang pagbibigay proteksyon sa ating mga batang kababaihan laban sa ano mang uri ng pang-aabuso at karahasan. Isa sa mga pinakamahalagang hakbang na maaari nating gawin ay hindi sila mahinto sa pag-aaral sa kabila ng mga hamong kinakaharap natin, lalo na't ang mga paaralan ay may mga programa para sa kanilang proteksyon," ani Gatchalian.

Dagdag ng Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, mahalaga ang papel ng mga child protection committee ng mga paaralan sa pagbibigay proteksyon sa mga kababaihang mag-aaral. Tungkulin ng mga naturang komite na tulungan ang mga mag-aaral na nasa panganib, iulat ang mga kaso ng pang-aabuso, at makipag-ugnayan sa mga tanggapan tulad ng Philippine National Police-Women and Children's Protection Desk, ang Local Social Welfare and Development Office, mga non-government organizations, at iba pang ahensya ng pamahalaan.

# # #

News Latest News Feed