Press Release
March 14, 2021

Senator Win Gatchalian's press briefing in Legazpi City on the 2022 elections, COVID-19, economy, electricity and education

2022 elections

Q: Senator punta po tayo sa national issue, what's your thought on the issue about doon sa Bong Go for President and President Duterte for Vice President. As far as NPC, your political party, is there an initial laban or alliance in the coming elections?

SEN. WIN: Sa pulitika, ako NPC ako mula't sapul tayo ay miyembro ng NPC. Nang tayo ay pumasok sa serbisyo publiko galing ng pribadong sektor, NPC na po ang aking sinalihan, hindi na tayo umalis dahil di ako naniniwala sa palipat-lipat na partido. Wala pa kaming pormal na pag-uusap patungkol po sa NPC-PDP Alliance, wala pa hong ganun. Pagdating naman kay Senator Bong Go, alam niyo ho ka-trabaho ko si Senator Bong Go since 2019 nung nanalo siya. Isa lang ang masasabi ko, masipag at dedicated si Senator Bong Go at hindi ko ito sinasabi dahil kapwa senador ko siya pero nakita ko ang kanyang dedication. Importante ang dedication dahil ang trabahong ito, kagaya ng sinasabi ko, madaming problema so importante dedicated ka sa trabaho at yun ang nakita ko sa kanya. Ngayon, kung anong posisyon ang tatakbuhan niya di ko makokomento dahil siya lang ang makakasagot niyan. Yung nangyayari sa loob ng PDP di rin ako makakomento dahil di naman tayo PDP pero isa lang masasabi ko, si Senator Bong Go ay napaka sipag na lingkod-bayan.

Q: Ano po ang possibility na hindi matuloy ang halalan?

SEN. WIN: Tingin ko zero possibility na NO-EL. Zero possibility ho yan. Minomonitor ko ho ang plebesito sa Palawan. Nabalitaan niyo ho meron silang plebesito para hatiin ang Palawan at mukha hong maayos. Maayos may mga kaibigan ako doon na tinatanungan ko, mukhang maayos at smooth at ang safety protocol talagang sinundan. Ito na ang preview na pwedeng mangyari next year. Hopefully kung mag-herd immunity tayo, darating na ang mga bakuna at mag-70 percent tayo at the end of the year. By next year, tingin ko medyo magaan na ang sitwasyon. Pero assuming ma-delay tayo sa bakuna, yung ginawa sa Palawan, yun ang mangyayari next year. So ang ibig sabihin pwedeng magkaroon ng halalan. Hindi posibilidad ng NO-EL. Tuloy po ang eleksyon, ang tanong ko lang ilang tao po ang susugal para bumoto. Di ba marami tayong senior citizen ngayon baka matakot silang bumoto. Di ba marami tayo ngayong senior citizen, tingin ko mga 30 percent din sila ng mga botante natin. Let say meron kayong sakit, hindi ka lalabas para bumoto. So ang aking, kinakabahan po ako sa turnout. Kasi traditionally, ang national election nasa 70-75 percent ang turnout. Tingin ko kapag tuloy-tuloy pa rin itong pandemya, baka bumagsak po yan. Siguro swerte na tayo kapag 30 percent ang lumabas para bumoto kasi matatakot ang tao. Matatakot, tanggalin mo na ang mga senior citizen,tanggalin mo ang mga may kapansanan, napakalaking chunk po yun. Para lumabas. Tapos ang mga nasa abroad pa. Syempre ang sitwasyon po sa Overseas Voting natin, iba rin ang depende sa nangyayari. So yung turnout ang magiging problema natin.

Q: Hindi na po maiiwasan pagusapan yung 2022 national elections. Ano ho yung plano ninyo para mapagpatuloy yung mga sinimulan niyo sa Senado sa 2022 po?

SEN. WIN: Ako personally, tayo po ay magre-reelect sa Senado. Sana mabigyan tayo uli ng pagkakataon ng ating mga kababayan na maglingkod muli sa buong bansa. Marami po akong natutunan sa Senado nitong huli, limang taon ko na at marami akong natutunan. Marami pong problema ang ating bansa. Maganda ang bansa natin, marami pong potensyal pero kasama sa potensyal ay problema rin. Nakikita kong maganda pa rin sa akin na ma-reelect para pag-aralan ang mga issues at gawan ng solusyon. Tulad po sa education, talagang binubuhos natin ang oras natin doon para pag-aralan ang edukasyon natin dahil talagang pababa ng pabababa, yun po ang ating plano. Pero alam niyo sa pulitika, hindi rin natin pwedeng isara ang mga posibilidad at mga pwedeng dumating. So kung meron pang dumating na posibilidad ay bukas ang aking isipan. Pero ang ating direksyon ay reelection.

Q: Ano mga nagawa sa inyong termino? Ano pa ang plano?

SEN. WIN: Yung dalawang kumite na pinangunahan natin itong first term ko ang Energy Committee at Basic Education Committee. Bibigyan ko lang kayo ng snapshot ng mga batas na naipasa natin. Nung mga unang taon natin sa Senado ay isa po tayo sa nagtulak at batas na ngayon ang Free Higher Education Act. Ito ay yung wala nang tuition sa state universities, local universities. Kung maaalala niyo, noong 2016 isa lang ang aking adbokasiya, ilibre na ang tuition fee sa ating mga pampublikong kolehiyo at unibersidad, yun po ay nangyari first 3 years ko sa Senate. Ngayon ang mga napatupad naming batas, unang-una ay ang pagbabalik ng Good Manners and Right Conduct. Ito po ay matagal nang ninanais ng ating mga guro at magulang. Pangalawa po meron na tayong National Academy for Sports. So ang mga high school student natin na may potential sa sports ay meron nang sariling eskwelahan para sa kanila, Ito ay itatayo muna sa Tarlac pero ikakalat din sa Pilipinas. Pagdating po sa kuryente, naimplement na ang Murang Kuryente Act na nagbawas ng presyo ng kuryente na mahigit one peso na bawat kilowatt-hour. Ito po ay ilang batas na naipatupad at sa mga susunod na taon ang aking focus naman po ay patuloy ang aking focus sa education. Dahil ang quality ay napakalaking problema. Huling huli na tayo sa buong mundo. At ang problema ang susunod na henerasyon at kapag di sila nabigyan ng tamang edukasyon at magaapply sila sa abroad di sila makaka-apply dahil huli ang kanilang pinag-aralan. Ang mga nagtatrabaho naman po dito sa ating bansa hindi magiging world class yung kanilang trabaho dahil ang antas ng kanilang pinagaralan ay malayo na sa world class na tinatawag natin. So para maging world class ang tinatawag nating output, dapat maging world class din ang pagtuturo natin sa eskwelahan at yun po ang assignment na gusto nating maiayos dahil malaki po ang magiging problema ng ating bansa at malaking solusyon ito kapag naiayos natin ang antas ng edukasyon natin.

COVID-19

Q: Magkano na ba ang lahat ng utang ng Pilipinas dahil sa COVID? Nagagamit ba ito sa tama?

SEN. WIN: Yung umutang ang ating bansa mga $400 million yun from World Bank para pondohan ang pagbibili ng bakuna. World Bank is the lead bank pero maraming kasamang bangko diyan, ADB so marami po but World Bank is the lead agency. In fairness po sa national government, December pa lang nakaplano na yan. Pero hindi ibig sabihin kulang ang pera natin. Dahil naglaan din tayo ng pondo sa loob ng 2021 budget. Close to about, lahat-lahat kung susumahin natin estimate ko siguro may P20 billion din. Pagbili ng PPE, pag-ayos ng ospital, anything to do with addressing COVID. Pero dinagdagan pa po yan ng $400 million para po meron tayong standby fund na gagamitin pambili ng bakuna. Kung ako ang tatanungin niyo, my analysis on this, yung utang po sa isang bansa, normal po yan. Wala akong nakitang bansang walang utang. Ang importante po, ang inutang hindi pumupunta sa corruption. Kasi kung umuutang ka, napupunta sa corruption, mababaon tayo sa utang. Pangalaw, ang utang mababayaran, so ibig sabihin ang ekonomiya mo lumalaki. Kapag ang ekonomiya mo lumalaki, mababayaran at mababayaran mo yan. So ang aking analisa dito, importante ngayong 2021, lumaki po ang ekonomiya natin para mabayaran ang utang natin. Prior to COVID nadagdag po ang estado ng tinatawag kong fiscal management, yung pagsasaayos ng ating mga pondo at isa tayo sa pinakamatibay, dahil ito talaga tinututukan ko talaga. Pagdating sa fiscal management, isa tayo sa pinakamatibay sa buong mundo. Naririnig niyo ho yan, credit ratings, mataas na. At yun ang tingin sa ating bansa dahil in fairness, hindi lang naman itong administration. the past administration pa, maganda ang pagma-manage ng ating fiscal position kaya gumaganda ang ating credit standing. Itong COVID lang po ang nating problema. Kaya ang importante dito dalawang bagay, dapat hindi pumunta sa corruption yuung inutang natin. Kayo man kung uutang kayo tapos pupunta sa corruption ang pera, paano mababayaran. Pangalawa, itong mga susunod na buwan hanggang next year dapat lumaki ang ating ekonomiya para mabayaran po natin.

Q: Sa Senate may nakikita na bang corruption sa paggamit ng utang?

SEN. WIN: Kami ho sa Senado babantayan po namin ito. Pagdating ho sa pagbili sa bakuna in fairness din wala pa ho kaming nadi-detect. So kung nasundan niyo po yung hearing ng COVID vaccine madiin po ang Senado sa presyo eh, magkano ba talaga ang ibinibigay natin? And so far sa disclosure ho ng Ayala wala pa tayong nadi-detect. Pero babantayan po natin yan hanggang huli dahil nagumpisa pa lang naman ho tayo eh. At iyong mga kontrata papasok pa lang ng papasok so babantayan ho namin iyan at sisiguraduhin namin na iyong inutang natin hindi yan pupunta sa korapsyon dahil pag iyan ho ang nangyari diyan ho tayo malilintikan.

Vaccine rollout

Q: How can you help to speed up the rollout of the vaccination program for us to achieve herd immunization?

SEN. WIN: Alam niyo pag 11 years patay na ho tayong lahat dahil ang ekonomiya natin mamamatay at pag namatay ang ekonomiya natin damay na tayo doon. Actually meron hong inaprubahan ang Senado na batas ito yung vaccination roll-out law na magbibigay ng kapangyarihan sa lokal na pamahalaan at mga pribadong korporasyon para po bumili ng sari-sarili nilang bakuna. Sa lokal na pamahalaan ho kasi nakatali iyong kamay nila dahil doon sa tinatawag natin na procurement law. So for example kami sa Valenzuela, bawal kaming magbigay ng down payment dahil sa batas ho natin kaliwaan deliver muna ang produkto saka ka pwedeng magbayad, pero bawal hong mag-downpayment at dahil doon nakatali po ang kamay ng ating lokal na pamahalaan. Itong batas na ito tinanggal na ho iyan para bumilis ang pagbili dahil kung yung 1,500 LGUs ang bibili ng bakuna mabilis ho talaga. And for example nga sa amin ho bumili, nag-book na kami di pa kami nag-down nagbook na kami sa AstraZeneca dadating ho iyan ng mga June at naka-program na ang ilang barangay kung makakakuha ng ganitong bakuna, nag-identify na ho kami ng vaccination sites sa mga barangay hall, nag-identify na rin kami ng tao. So kung buong LGUs ng ating bansa ganun ang gagawin, tingin ko lang ha, kakayanin ang 70 percent by the end of the year kung sabay-sabay gagawin, pero kung for example national government lang ang gagawa kagaya ngayon sila ang umiikot eh, talagang mabagal ho. Dalawang linggo na tayong nandito ang na-vaccine nila is what? Less than 50,000? Talagang mabagal pero kung lahat tayo sabay-sabay mabilis talaga iyan. Iyong view kaya naisabatas ang vaccination law para ho bumilis ang pag-rollout. Pero in fairness rin sa nagpapatupad ng vaccination, talagang very tight ang supply. Kaya ko nasabi iyan dahil kami rin sa Valenzuela kinukulit rin namin ang AstraZeneca dalhin niyo na ngayon babayaran namin kayo kung gusto niyo 100% no? Pero sabi nila kahit ho magbayad kayo ngayon July pa, June-July dadating ang inyong bakuna. So ibig sabihin talagang mahigpit at gusto ko lang maging fair sa ating gobyerno. Talagang ang itinutulak namin sa Senado magbakuna, magdala ng bakuna, Sinovac man basta meron. Ang problema very tight po ang supply dahil po ang buong mundo nag-aagawan. Ang pinakamabilis hong paraan ay maimplement itong vaccination law para ho lahat ng lokal na pamahalaan ay makakabili na at sabay-sabay pong mag-implement at pati ang pribadong sektor, for example mga ganitong hotel puwede silang bumili ng sarili nila at bakunahan ang kanilang mga empleyado.

Q: What about the poor LGUs who cannot afford to buy?

SEN. WIN: Maganda hong tanong iyan. In fact iyon ang majority, mga maliliit, iyong mga 3rd, 4th, 5th class municipalities. Iyong national government, pwede silang mag-MOA. So as early as now pwede na ho silang mag-MOA, for example ho municipality A mag-mo-MOA for 50,000 pwede na nilang umpisahan iyan. Naka-lock-in na yung 50,000 sa municipality na yan. So ang importante dito yung tinatawag natin na roll-out, dahil yung roll-out yung municipality na ang maga-identify ng lugar, siya na ang kukuha ng nurses, doctors, siya na rin ang magmo-monitor sa mga tao at kukuha ng pangalan ng tao kung sino-sino. Tatlong pinakamahalaga ho iyan pagdating sa roll-out at ang kailangan ho ng tulong rin ng munisipalidad dahil hindi naman po yung Manila pa ang pupunta at sila ang magbabakuna, imposible na ho iyon. Yung munisipalidad na po ang mag-iimplement ng pagbabakuna.

Face-to-face classes

Q: May tsansa ba na magkaroon ng face-to-face classes?

SEN. WIN: Ako, noon pa man talagang tutulak na natin ang face-to-face classes doon sa mga zero COVID. Dito ho sa Albay, marami pong munisipalidad dito lalo na sa may bundok, malapit sa dagat marami dito zero-COVID dahil hindi naman pinupuntahan ng tao. Dito talaga sa Legazpi dahil meeting path ito, dinadaanan ito ng tao, meron talagang positive. Itinutulak po natin last year pa na magbukas ng face-to-face classes sa mga zero COVID. Umpisahan po natin yan sa pilot testing so ibig sabihin buong Pilipinas may na-identify na 1,000 eskwelahan na mag-pilot testing. For example, sa isang munisipalidad, isang eskwelahan, hindi po lahat ha. Makita natin kung paano ang operasyon, paano ang pagpasok ng bata. Ano po yung mga pangangailangan. For example, paghugas ng kamay, PPEs, alcohol, etc. Umpisahan natin sa pilot testing, tingin ko mga dalawang buwan, tatlong buwan. Tapos buksan na natin sa COVID free. Kung natapos ang pilot testing marami tayong natutunan, buksan na natin sa COVID free. Dito po sa urban areas, for example NCR, yan matatagalan po. Kagaya kahapon siguro nabalitaan nyo sa NCR mataas na naman ang cases so imposible hong buksan po doon ang face-to-face. Pero sa mga COVID free at matagal nang walang COVID pwede na hong subukan yung pilot testing.

Sagot for Sale at Christmas Sale

Q: May kumakalat na mga balita na ang learners ay iba nainvoled sa grade for sale at porn video for sale? As Chairman of Basic Eduation, may ginagawa na ba kayo?

SEN. WIN: Grade for sale, tawag ko nga po dun, sagot for sale, marami po kasing mga, nakakalungkot isipin kasi marami tayong mga magulang na nahihirapang turuan ang mga anak tapos ang mga anak kulit ng kulit para sagutan ang module. So ang ginagawa ng mga magulang nagbabayad na lang para sagutan ng kanilang kapitbahay o sinuman sa barangay. Nakakalungkot kasi ang mga magulang hindi naman pantay-pantay ang pinag-aralan at pangalawa, nakakalungkot dahil yung mga bata na dapat natututo sila ang dehado ngayon dahil iba ang sumasagot. So ipapasa nga nila ang self learning module pasado nga pero hindi naman ang bata ang sumasagot. So ang bata kapag nalipat sa susunod na baitang ay nahihirapan kaya marami ring problema ang tinatawag nating distance learning. Kaya nga ako isa sa mga tumutulak na buksan na ang klase natin doon sa COVID free, doon sa mga walang COVID ha. There are about 433 municipalities and cities out of 1,500 na walang COVID. So unahin na natin doon ang pilot testing. Doon sa sinasabi niyong video, totoo po yun. Marami rin akong nakukuha sa social media na may mga bata po. Alam niyo ang cellphone mabilis na ngayon dahil ngayong pandemya ang mga bata natutong gumamit ng cellphone. Isa sa masamang natutunan nila ay ang magbenta ng litrato, magbenta ng kung anu-ano at doon sa siguro may mas edad, pati malalaswang litrato nabebenta na nila. Inalerto na namin ang DOJ sa ilalim ng DOJ meron silang InterAgency Task Force na tumitingin nito. Inalerto na namin. In fairness, ang bilis ng galaw at naimbestigahan na ito. Pero ganun pa man kung may nakikita tayong ganito ay ireport na rin natin. Unang-una, payuhan na natin ang mga nagbebenta na wag na nilang gawin yun. Pangalawa, kapag may bumibili payuhan niyo rin sila na itinigil na rin yun dahil kulong po ang katapat niyan. Under our law kasama ito sa child abuse, ang pagbibili po ng pornographic material. So kung meron talagang sindikato diyan ay ipakulong na natin dahil hindi tamang bumibili ng malalaswang litrato galing sa mga estudyante.

Distance learning

Q: Real assessment sa distance learning? Ano sagot ng executive branch sa pilot testing ng face-to-face?

SEN. WIN: Actually, kung ako ang tatanungin niyo, my assessment on the success nitong distance learning through the self learning module, masasabi kong 60 percent successful, hindi 100 percent. Hindi rin naman bagsak, Ang kadahilanan diyan, kailangan mag-aral ang bata. Ano ba ang pinakamainam na paraan para makapag-aral sila nang ligtas ang kanilang buhay, na hindi ma-eexpose sa corona virus? Kaya itong module ang pinakamainam. Dahil hindi lahat ng bata may access sa internet, hindi lahat ng bata may laptop. Hindi lahat ng bata ay may internet sa bahay so ang pinakamainam ay ang self learning module pero malaki rin ang limitasyon nito. Tama kayo marami akong nakakausap ang sabi nila, ang nanay at tatay ang tumatalino hindi ang bata kaya may limitasyon yan. At ang aking pananaw po diyan talagang hindi maaaring mahabang panahon ginagamit ang module. Talagang shotgun lang yan, three months, mahaba na siguro ang mga six months pero hindi pwedeng sobrang haba dahil hindi nga siya naka-disenyo para diyan. Having said that, kaya paulit ulit nating tinutulak ang face-to-face sa mga zero COVID dahil nakita ko po ang limitasyon ng self learning modules. Ngayon ang tanong niyo, ang DepEd in fairness, gusto na rin nilang mag-face-to-face dahil nakita rin po nila ang pagkukulang, ang kahirapan sa paggamit ng self learning modules. Honestly, last week kausap ko lang po ang superintendent at supervisors namin sa Valenzuela, kahit na mga guro ay hirap sa self learning modules. Kasi tatanungin daw ng mga bata, 'teacher explain mo nga ang ganitong subject' tatawag ang teacher. Ang hirap mag-explain sa telepono o sa messsenger. Kahit ang mga guro ay hirap din silang ituro ang self learning modules. Kaya ang DepEd sang-ayon sila na magkaroon na ng pilot testing, ang IATF ay sang-ayon na rin sila pero ang ating Pangulo tinitignan ang nangyayari sa kabuuan ng bansa kaya ingat na ingat siya sa desisyon sa face to face dahil ang tinitignan niya ang kabuuan. So tingin ko ho talaga, ang pinaka way forward ay ang pilot testing muna. Ang pilot testing konti lang, meron tayong 60,000 schools nationwide, eh ang pilot testing 1,000 lang po so kakaunti lang para lang matuto tayo paano po dahan-dahang buksan ang paaralan.

Q: Anong levels?

SEN. WIN: Lahat mula kindergarten all the way to Grade 12 pero walang pilitan ito. For example ang magulang ayaw talaga, hindi kayo pipilitin. Sa mga pag-aaral yung mga 12 years old and below yun ang hindi nahahawahan. Yung 12 years old and above ay mas nahahawahan pa. Kaya nga po sa ibang bansa ang mga 12 years old and below hindi pinapasuot ng mask dahil hindi nahahawahan. Pero sa atin naman lahat pinapasuot ng mask ultimo maliit na bata. Kaya ang pilot testing wala pong pilitan yan. Kung ang magulang ay hindi kumportable at ayaw pa niya palabasin ang kanyang anak ay di siya pipilitin. Dun lang sa mga magulang na sa tingin nila ay ligtas ang kanilang lugar.

K-12 program

Q: Na-serve po ba ang purpose ng K-12 program?

SEN. WIN: Napakagandang tanong niyan. That is the problem of the day. Yung quality ng ating education at marami pong magulang ang hindi masyadong na-aappreciate ito ang tinatawag nating learner's outcome, yung natututunan ng bata. Marami pong national examination ang lumabas tayo po ang kulelat. Pinakakulelat tayo pagdating sa Math, Science at sa Reading, hindi lang po yan sa isang eksaminasyon, tatlo po yan na international examination so konektado ito sa K-12, konektado rin ito sa ating Teacher Education dahil pinakamahalagang sangkap ng ating edukasyon ay ang teacher education at dapat nating siguraduhin na suportado sila at nabibigyan ng tamang edukasyon. Ang mga magulang natin, masisipag pero ang pumapasok sa kanila pagdating ng pag-aaral, iba po sa pangangailangan sa K-12 kaya ang natututunan ng bata ay iba rin po sa dapat niyang matutunan. So may ganun na problema na aayusin natin doon. At isa rin po sa aayusin namin ay ang tinatawag na TechVoc. Dahil sa Senior High School meron nang TechVoc. Kung matatandaan natin 10 years lang naging 12 years yung dagdag na dalawa ay dapat daragdagan ang kaalam ng bata pagdating sa techvoc, pagdating sa pagnenegosyo para paggraduate niya ng senior high school ay pwede na magtrabaho. Pero hindi po ganun ang nangyayari. Kaya yan po ang isa sa titignan natin dahil maraming magulang ang nagrereklamo, dinagdagan lang ng 2 taon. Dagdag pamasahe, dagdag pambilli ng libro pero paggraduate ng bata ganun pa rin walang trabaho, hindi makapasok ng kolehiyo so anong nangyari sa 2 taon yun po ang aming pag-aaralan at kikilatising mabuti.

Q: Saan po ang diperensya sa pag-iimplement ng mga batas katulad sa K-12 program?

SEN. WIN: Actually, alam niyo ho, ako ang pananaw ko diyan, malaki rin ang pagkukulang sa pagpaplano. Yung mga ganito kalaking implementasyon, kailangan planuhing mabuti para pag inimplementa na ay walang problema. Meron ho talagang pagkukulang sa pagpaplano. Pagdating po sa Senior High School kailangang ma-review na mabuti ang senior high school. Ako aaminin ko po, sangayon ako sa senior high school dahil nakita ko buong mundo senior high school na. Hindi tayo nakakasabay. Kaya yung ibang bata bago tayo mag K-12, kapag mag-aaral sa abroad, pinag-aaral pa ulit. So sa ganung punto ang K-12 kumbaga naghabol lang tayo doon pero ang implementasyon kailangan ireview dahil marami akong nakitang pagkukulang. For example, Tech-Voc di siya nagagamit ng pribadong sektor Kaya ang bata pag graduate di makahanap ng trabaho.

School rehabilitation

Q: Mapabilis ang release ng budget para sa rehabilitation ng mga schools na tinamaan ng bagyo?

SEN. WIN: Actually ang budget hindi problema sa DepEd. Ang problema po yung implementation.

Q: Hindi pa narelease ang budget.

SEN. WIN: For example po in 2020, idineclare na 11 classroom lang ang nagawa sa buong Pilipinas but the budget is there. The budget is about close to P20 billion pero 11 classroom lang ang nagawa nila. So may problema po sa tinatawag nating absorptive capacity and implementation. So what we are doing right now, ako mismo nag-mediate na between DPWH and DepEd para mabalis ang execution dahil nitong last few years, hindi problema ang budget. Ang problema execution. Kaya sa gobyerno kapag hindi pa nagagamit ang budget mo, inislash yan kaya this 2021 na-slash siya. But rest assured po we will push DPWH and DepEd to build more classrooms. Especially here po dapat resilient na ang classrooms. Nanggaling po ako sa Catanduanes nung bumagyo talagang kailangan ng bagong classrooms dun dahil kung repair ng repair sayang ang pera.

Q: Bakit matagal ang implementation?

SEN. WIN: That's a good question. Yung process po kasi ng DepEd, the DepEd allocates the money, DPWH constructs the classroom and then DepEd pays the contracts so meron siyang two step process so ang nangyayari ngayon yung download ng DepEd ng pera sa DPWH is a problem and then yung download ng papeles ng DepEd sa contractor is a problem din. So yun po ang inaayos naming problema para mas mapabilis. In short ang problema po dun may double handling. Unlike sa DPWH single handling lang. Siya ang gumagawa, siya ang nagbabayad. Dito iba ang gumagawa, iba ang nagbabayad.

Alternative Learning System

Q: And number two, tungkol ito sa edukasyon ito naman is yung sa Alternative Learning System, paki expound lang po yung pag-institutionalize ng kumite ninyo sa ALS?

SEN. WIN: Sa Alternative Learning System, isa na pong batas yan na ating isinulong yung pag institutionalize ng ALS. Mahigit 20 million ng mga kababayan natin ang di nakatapos ng elementarya at high school. Itong 20 million na ito walang pagkakataon na pumasok sa kolehiyo at wala ring pagkakataon na makakuha ng magandang trabaho dahil importante po ang college degree. So ang ALS system ngayon ay batas na ito na palalakasin, daragdagan ang guro, daragdagan ang budget at gagamitin din natin ang pribadong sektor para sa pagpapalawak nitong ALS, nasa batas po yan. So ito ay isa sa mga batas na isinulong natin. Ang aking pangarap nga ay wala nang hindi magtatapos ng elementarya at high school. Lahat dapat merong high school diploma at kung di ka nagtapos meron kang ALS na pwedeng gamitin para makapagtapos ng high school. Ito ay isang batas na ating isinulong noong congressman pa ako at ngayon ay ganap na batas na po.

Q: Hindi po ba meron kayong issue doon sa mga non-readers. Mukhang lala pa yung isyu dito dahil po sa no face-to-face classes at the same time dahil sa pandemya, thoughts po?

SEN. WIN: Meron tayong close to about 5 million ang tawag natin frustrated readers. Ibig sabihin hirap siyang magbasa at 5 million frustrated and non-readers, hirap siya magbasa at hindi nakakabasa. Ang pagbasa kailangan mo ng isang guro na mag ga-guide sayo dahil hindi ka nga marunong magbasa o hirap ka magbasa. So hindi mo matuturuan ang sarili mo dahil hindi ka nga nakakabasa so kailangan talaga ng interaction sa pagitan ng guro at bata. At tama ka lalala yan kaya nga isa yan sa mga dahilan na isinusulong natin itong face-to-face classes sa zero COVID dahil nakita ko lalala ang hirap sa pagbasa at ang kinatatakutan ko yung 5 million baka tumaas pa yan. Tingin ko 90 percent tataas pa yan. Dahil ang bata kapag di marunong magbasa di rin rin yan marunong mag-Mathematics, Araling Panlipunan dahil dugtong dugtong na po yan. Dahil ang pinaka-foundation yung pagbasa so dugtong dugtong na ang problema.

Slow internet connectivity

Q: Maraming area ang walang internet access, paano magkakaroon ng internet connection?

SEN. WIN: Doon po sa DITO Telecom, part ng kanilang terms of reference na unahin ang far flung areas dahil nga ayaw natin na ang bagong telco ay magkumpol kumpol na lang sila sa urban areas tulad ng Legazpi dahil andito po ang tao. Andito ang buying power. Ang ayaw natin magkumpol kumpol sila dito dahil meron din naman silang corporate social responsibility sa kanilang prangkisa. So ang ibig sabihin po dun pati malalayong lugar dapat lagyan nila ng cellsite dahil mas kailangan po doon. For example, yung mga nasa liblib na lugar may bata rin doon, meron ding nakatira doon na nangangailangan ng internet. So doon po sa Terms of Reference at prangkisa ng DITO dapat ding maglagay sa iba't ibang parte ng bansa natin. Hindi sila mamimili kung saan lang parte. Sa existing Telco sa Globe at Smart meron din pong ganun na resolution na galing sa NTC na dapat damihan pa po ang mga cellsites pero bibigyan ko rin kayo ng isang update sa pagpapatayo ng cellsite. Ang pagpapatayo ng cellsite napakabusisi talaga dahil kakausapin mo si kapitan, homeowner, land owner, ang daming iikutan. So doon po under the Bayanihan 2 sinimplify nila ito, kakausapin mo na lang si Mayor. Kasi ang nagiging problema rin sa pagpapatayo ng cellsite ay ang red tape at ngayon ho under Bayanihan 2 ay si Mayor na lang ang kakausapin kaya mas mabilis na po at bibilisan pa dahil may isang bagong batas na nagbibigay kapangyarihan sa ating Pangulo na talagang tanggalin na ang lahat ng klase ng red tape sa ating bansa. Kasama na rito ang pagpapatayo ng cell tower.

Q: Sana di po drawing.

SEN. WIN: Oo nga. Actually ang mga batas na yun andyan na so implementation na lang.

Q: Ano ang magagawa ng Senado sa mahinang internet connection?

SEN. WIN: Talagang ano ho yan, kahit kami sa Valenzuela, minumura na po namin. Dalawang bagay: una ang internet connectivity at kaya ako suportado ko po ang desisyon ng ating Pangulo na padamihin pa ang players ng telco dito sa ating bansa at yung DITO Telecom nabasa ko sa internet, nag-umpisa na ang operasyon sa Visayas at Mindanao. Malaking bagay po yan sa atin. Kapag umabot na po yan dito sa Luzon, makikita natin na ako malaki ang paniniwala ko na bibilis ang internet dahil magkakaroon na ng kompetisyon. Pangalawa, yung Mobile Portability Act, iniimplement na po ngayon. Like for example yung DITO pumunta na dito at gusto niyong lumipat sa kanila pwede niyo nang gawin sa bagong network. Madali na sa atin ang magpalipat-lipat. Hindi na problema ang pagpapalit ng number. Meron din akong isang batas na ihahain ito ang tinatawag kong One Learner, One Laptop, dahil nakita ko na ang internet at laptop hindi na luho. Pangunahing pangangailangan na. Basic requirement na parang kuryente at tubig. Kung wala kang internet ang hirap nang matuto, ang hirap nang mabuhay parang tubig kuryente napakahirap mabuhay. So ang internet at gadget napakahalaga po niyan. So ihahain po namin ang tinatawag na One Learner One Laptop pero di ko pa po inilalabas yan sa media dahil ang abbreviation po may problema, OLOL...baka magkaproblema tayo so baka palitan ko ang branding na yun dahil baka murahin tayo nun.

Q: DITO nakiki-ride on lang sa Smart at Globe kaya paano na makakarating sa liblib na lugar?

SEN. WIN: Dalawang bagay yun. Meron na kasing bagong resolution ang NTC ang tawag nila ay common tower. Dahil dati, ang dating sistema isang telco isang tower. Minsan sa isang tower makikita mo isang equipment lang pwede mo naman gamitan ng maraming equipment. Sa ibang bansa isang tower lang pero maraming equipment. Dito lang sa atin one telco, one tower. Kaya may bagong resolution ang NTC na papayagan na ang common tower so pwede silang magkabit-kabit sa isang tower. Pero nakapaloob din sa Term of Reference na wag lang sila magkumpol-kumpol sa cities. Maglagay din sila sa liblib na lugar siguro hindi kasing dami tulad ng sa Legazpi City dahil ang Legazpi talaga matao pero hindi sila pwedeng mamili na Legazpi lang ako dahil ang gusto natin makacommunicate sa buong bansa natin at makausap natin kahit na sa liblib na lugar. Hindi sila pwedeng pumili lahat dapat kabitan.

Q: Negosyo po ito eh.

SEN. WIN: Kasama po sa binabayaran natin ay ang subsidiya sa mga liblib na lugar. Hindi lang natin nararamdaman yan sa telephone bill natin dahil for example sa Bacacay kapag nagtayo ka ng tower dun dahil konti lang ang tao dun lugi sigurado. Dito naman sa Legazpi maraming tao kita ka so ma-ooffset lang ang kita mo sa lugi mo. Ganun ang sistema nila. In effect, sinasubsidize natin dito sa mga syudad sa mga luging lugar. Talagang ganyan ang sistema dahil hindi naman pwede sa mga isla na walang cellsite paano mo sila makakausap. So ganyan talaga ang sistema, Globe, Smart at Dito.

Q: Pwede bang gobyerno ang magpatayo ng cell sites?

SEN.WIN: Sa China at Vietnam, ganyan. Unang-una, magastos yan para sa pamahalaan dahil ang gobyerno natin maraming gastusin. Sa China at Vietnam kaya mabilis ang kanilang pag-rollout gobyerno ang nagtayo, tayo lang sila ng tayo, kahit saan tapos kabit na lang ng kabit dahil may pondo sila. Dito sa atin dahil limitado ang pondo, ipinaubaya na natin sa mga pribado. Ang pribado naman ay obligado silang magpatayo, mga third party companies na ang negosyo ang pagpapatayo ng tower.

Economy

Q: Ano ang ginagawa ng Senado para sa recovery phase ng bansa?

SEN. WIN: Napakahalagang tanong po yan. Yan po ang aming itinutulak sa ngayon. Maraming batas ang nakasalang. Unang-una, isa dun kanina ang Vaccination Law, aprubado na po yun. Yung CREATE Law na magpapababa po sa corporate income tax from 30 percent all the way to 25 percent. And then yung 2021 budget, itong budget po napakalaki po ito. Almost P4.5 trillion. So nakapaloob dito, ang daming bagay sa edukasyon, sa imprastraktura. Tapos meron pa pong isang batas na ako naman po ang chair, itong GUIDE, gagawing mas mura ang pagpapautang sa maliliit na negosyo. Meron ding probisyon dun na hindi na kailangan magbayad pa ng karadagdagang buwis kung sila ay uutang. In other words, gagawing abot kaya at mas mura pa po ang pagpapautang sa malilit na negosyo.

Electricity

Q: Pangarap po ng mga Bicolano bumaba ang singil ng kuryente. Ano po ang pwedeng gawin ng isang mabuting Senador Gatchalian?

SEN. WIN: Actually meron na po tayong batas. Ito yung Murang Kuryente Act na nagpapababa ng halos piso sa ating electricity bill dahil tinanggal na po ang tinatawag nating stranded cost. Almost piso din yan. Kung ikaw ay kumukonsumo ng 200 kwh per month, almost P200 din yan na natipid. Makakabili na siguro yan ng apat na kilong bigas. So nakatipid na tayo doon. Dito naman po sa Bicol, malaki talaga ang power plant niyo dito. Ito yung geothermal plant. Pero ang sistema ng kuryente sa ating bansa, ang lahat ng power plant nagbebenta yan sa grid. Tapos from the grid idi-distribute na yan sa iba't ibang lugar. Titignan ko po dahil very technical ang issue dito dahil siguro ang tinatanong niyo meron nga kaming sariling power plant at geothermal bakit pumupunta pa sa Maynila yun. Technical issue po yan na dapat pag-aralan dahil ang nakadisenyo po dun ay nasa isang pool and in the same manner din, for example, minemaintain at nagshutdown, pwede rin kumuha ang mga taga-Bicol doon sa grid. So hindi po nawawalan ng kuryente. In the same manner, ang mga taga Maynila pwede ring bumili ng kuryente sa Bicol.

Q: May possibility ba na magkaroon kami ng sarili naming Grid?

SEN. WIN: It's a technical question, dapat pag-aralang mabuti dahil ang pumapasok sa isipan ko dyan kung posible po yun, magkano naman. Kasi kung exclusive syempre mas mahal po yun, ikaw lang ang bibili. Sa ngayon po kasi pwedeng pumili ang taga Bicol, let's say gusto nyo sa Pangasinan, Zambales, may power plant po dun, pwede rin kayong bumili dun na mas mura. So pwede rin kayong bumili doon. Pero in short sa tanong mo, posible yan depende lang kung magkano. Pag-aaralan na lang po namin.

Q: Extension ng lifeline rate, ano na po ang update doon dahil alam namin mage-expire na this June yung extension rate?

SEN. WIN: This coming Tuesday, ipafinalize na ho namin yan. Yung lifeline po, ito ang diskwento na ibinibigay sa pinakamahihirap nating mga kababayan at mag-expire na yun ng June of this year. So on Tuesday, ipafinalize na po namin yan. Ang tingin ko naman hahabol sa extension. Na-extend na po ito ng 30 years at ma-eextend pa ng another 30 years. Marami po tayong mga kababayan na tatagal ang pagbangon so para di sila matanggalan ng diskwento hinabaan na rin namin ang extension.

Q: Ano po programs para sa energy system at service sa Bicol?

SEN. WIN: Meron po tayong ipinasa nang batas technical law ito, tawag namin dito Electric Cooperative Resiliency Fund. For example dito sa Region 5, talagang daanan ng bagyo ito, year in year out. Ang nangyayari pag tinamaan ang poste ng electric coop, ang ginagawa nila nangungutang para makumpuni ang poste. Ang ginagawa nila chinacharge sa tao na nasalanta rin. Sa Resiliency Fund na itinayo natin, hindi na uutang ang mga kooperatiba. Bibigyan na sila ng pera para sa pagkukumpuni, dun lang sa nasalanta para hindi na icharge sila sa nasalanta. Pangalawa, pinag-aaralan namin ang mga poste parang sa Amerika nasa ilalim na ng kalsada lalo na sa mga lugar na madalas daanan ng bagyo. Magastos lang, ibabaon na ang kuryente sa ilalim ng kalsada pero in the long run mas maganda po hindi na babagsak hindi na irerepair. Sa maraming bansa ganito na ang ginagawa dahil mas matibay. Ang kalaban mo lang ay baha pero pagdating sa hangin hindi na babagsak. Mas madali pong lutasin ang baha dahil may mga water proofing na.

Charter Change

Q: Reaction sa Charter Change and ano ang chances? What is your personal position on this?

SEN. WIN: Ako po nag-file ng isang resolution calling to amend the economic provision of the Constitution in 2019. Ibig sabihin po bago pa man napag-usapan ito sa Kongreso, naghain na tayo ng isang resolution para po amendahan ang economic provisions ng constitution at simple lang naman po ang aking dahilan, 'pag binuksan po natin ang iba't ibang industriya sa ating bansa, dadagsa po ang mga investors dito, mamumuhunan dito sa ating bansa at lalaki ang mga industriya natin. Mas maraming trabaho at lalaki po. So in other words, personally pabor po ako sa pag-amyenda ng economic provisions ng ating saligang batas but I have to put emphasis on economic provisions po. Yung political provisions, ibang usapan po yun. So ako personally, I am in favor at ngayon po sa panahon ng pandemya lalo ho natin dapat pag-usapan ito dahil ang tawag ko nga sa susunod na taon ay recovery year. So ibig sabihin paano natin palalakasin ang ekonomiya pagkatapos po nitong pandemya. Ang dami pong nawalan ng trabaho, almost 4 million plus ang nawala at wala pang trabaho at alam naman natin ang ating ekonomiya ang laki ng ibinaba last year, almost 9 percent. Ibig sabihin marami talagang negosyo ang lumiit, maraming mga kababayan nawalan ng trabaho so isang paraan para po pumasok ang mga mamumuhunan dito ay i-liberalize natin ang ating saligang batas. Next question, ay ang chances in the Senate, yan magandang tanong po yan. In fact, mahaba po ang usapan natin kagabi. Sabi ko pag strictly economic provisions ang aking estimate ay 50-50. Dahil aside from me, si Senator Gordon nag-file din ng economic provisions. Si Senator Bato at Senator Tolentino ay nagfile ng amendment on the entire constitution. So in other words, apat ho kami doon. So at alam ko marami rin sa ating ibang mga senador ang kanilang pananaw ay palakihin ang ating ekonomiya sa pamamagitan ng mas maraming mamumuhunan. So ang aking estimate ay 50-50 pag economic provisions lang po.

Q: May possibility na beyond economic provisions? Ano ang safety nets?

SEN. WIN: Sa ngayon, ang proseso ay mag-uumpisa yan sa Kongreso then aakyat sa Senado. So kung aakyat sa Senado ay maraming palaman, for example may political provisions ay wala na pong tsansa po yan. Dead on arrival na ho yan pero kung limitado sa economic provisions paguusapan po yan. Di ko maga-guarantee na maaaprub pero pag-uusapan dahil isa nga sa interesado doon ay ako, personally. So magandang pag-usapan yan, pagdebatehan. Subalit kung may nakapalaman doon example extension of terms, wala na dead on arrival na po yan.

News Latest News Feed