Press Release
March 22, 2021

Gatchalian bats anew for prioritization of teachers in COVID-19 vaccination

Senator Win Gatchalian is urging the National Task Force (NTF) Against COVID-19 and the Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) to move teachers up in the priority list for the COVID-19 vaccination program, adding that he supports a similar call from at least 33 education, business and medical groups who signed a position paper calling on the government to move teachers from B1 to the A4 priority list.

The A4 priority list includes frontline personnel in essential sectors. The category also includes uniformed personnel and those belonging to other essential sectors. Under the current prioritization of the COVID-19 vaccine deployment plan, teachers have been placed in the B1 priority list together with social workers.

In the said plan, teachers can receive their jabs after frontline healthcare workers, senior citizens, persons with comorbidities, those in the indigent population, and those in the A4 list have been vaccinated.

Gatchalian stressed that teachers are also frontliners, risking their health and safety to ensure learning continuity for more than 26 million learners in the basic education sector. He added that inoculating teachers as quickly as possible would hasten the safe reopening of schools and curb adult-to-adult transmission of the virus when face-to-face classes resume.

The lawmaker also cited the example of Indonesia, which inoculated teachers ahead of vulnerable groups.

"Ang ating mga guro ay maituturing nating mga frontliners dahil isinasakripisyo nila ang kanilang kaligtasan para magpatuloy ang edukasyon sa gitna ng pandemya. Ngayong inaasahan natin ang malawakang pagpapabakuna kontra COVID-19 sa mga susunod na buwan, isinusulong nating mabigyan ng mas mataas na prayoridad ang mga guro upang matiyak natin ang ligtas na pagpapatuloy ng edukasyon at muling pagbubukas ng mga paaralan," said Gatchalian.

Last year, international bodies like the United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) and the United Nations Children's Fund (UNICEF) called on governments to prioritize teachers in the COVID-19 vaccination program.

###

Gatchalian suportado ang panawagang isama ang mga guro sa mga unang babakunahan kontra COVID-19

Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang National Task Force (NTF) Against COVID-19 at ang Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na itaas ang mga guro sa listahan ng mga grupong bibigyan ng prayoridad sa COVID-19 vaccination program.

Suportado ng senador ang panawagan ng may tatlumpu't tatlong (33) mga organisasyon mula sa pribadong sektor, mga grupong pang-edukasyon at pangkalusugan na nagsusulong na gawing bahagi ang mga guro ng A4 priority list. Ayon kasi sa kasalukuyang listahan ng mga grupong prayoridad na mabigyan ng bakuna kontra COVID-19, nasa B1 priority list ang mga guro kasama ng social workers.

Matatandaang nauna nang manawagan noon ang Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture na masama ang mga guro sa A4 priority list, kung saan kabilang ang mga frontline personnel, mga essential sectors at uniformed personnel.

Sa madaling salita, sa ilalim ng COVID-19 vaccination program, dapat mabakunahan muna ang mga frontline healthcare workers, senior citizens, ang mga may comorbidity, at mga kasapi ng indigent population bago bakunahan ang mga guro.

Para kay Gatchalian, maituturing na frontliners ang mga guro dahil mula noong nagsimula ang distance learning, nag-iikot na rin sila sa iba't ibang baranggay para mamigay ng self-learning modules. May ilan din sa mga guro na bumibisita sa mismong mga bahay ng kanilang mga estudyante. Dagdag pa ng senador, ang pagpapabakuna ng mga guro ay mahalagang hakbang upang maiwasan ang hawaan kapag binuksan na uli ang mga paaralan para sa face-to-face classes.

Ibinahagi rin ng senador ang sitwasyon sa Indonesia kung saan unang binakunahan ang mga guro bago ang mga nasa tinaguriang vulnerable groups.

"Ang ating mga guro ay maituturing nating mga frontliners dahil isinasakripisyo nila ang kanilang kaligtasan para magpatuloy ang edukasyon sa gitna ng pandemya. Ngayong inaasahan natin ang malawakang pagpapabakuna kontra COVID-19 sa mga susunod na buwan, isinusulong nating mabigyan ng mas mataas na prayoridad ang mga guro upang matiyak natin ang ligtas na pagpapatuloy ng edukasyon at muling pagbubukas ng mga paaralan," ani Gatchalian.

Noong nakaraang taon, ipinanawagan ng mga grupong tulad ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) at United Nations Children's Fund (UNICEF) ang pagbibigay prayoridad sa mga guro sa pagpapabakuna kontra COVID-19.

# # #

News Latest News Feed