Press Release
March 22, 2021

Senator Imee R. Marcos Senate Media Presscon

Meanne: Ma'am, yung bagong IATF rules lang po, "No non-essential travels, bawal din po yung gatherings like mass, no dine-in". So, basically almost like ECQ or MECQ pero hindi sila ECQ o MECQ.

SIM: Sa totoo lang, dalang-dala nako diyan eh. At higit sa lahat, tayong lahat dalang-dala na. Isang taon na yan. Palitan-palitan pa lang yung pangalan ek-ek na. Circuit Breaker, na alam naman nating kinopya lang sa Singapore. May daan sa pagpalit ng pangalang. Pagkatapos niyan, may hard and soft pa, ano bang meaning noon? Tapos may GCQ (inaudible), ano ngayon yung lockdown? Pareho rin ng virus, may mga variant. Nakakaloka siya. Alam ninyo, kung hindi rin i-implement nang maayos yan, tapos yung mga LGU nanaman ang pinag-utusan, wag na nating pilitin yan. Ang tunay na solusyon, balik sa dati. Testing, contact tracing, higit sa lahat, teka nga, nasaan naba yung mga bakuna.

Interviewer 1: Ma'am, what can you say sa seemingly confuse, confuse po yung public ano. Ano po ba talaga, what are we in the current IATF rules. Kasi yun nga po, walang non-essential travels and these things, nakita po natin siya sa ECQ pero hindi siya bina-brand as MECQ or ECQ. So...

SIM: Kaya nga Meanne, nakakaloka. Bakit naman dinadaan sa pagpalit ng pangalan para lang masabi na hindi tayo balik sa dati from one horrific year after one horrible year na nakapreso tayo sa bahay na walang kinikita at lahta ninenerbyos nang todo-todo after one awful year, back to square one, arguable worst with almost 8,000 a day getting infected. And in the meantime, we still do not have the systems in place for thoroughgoing testing, comprehensive contact tracing, and most of all, while we're here we the rest of the world, going back to normal. Na-vaccinate na silang lahat, pati sa Africa, sa Bangladesh, at kung saan-saan, wala parin tayong bakuna. Meanne: I can sense, ma'am, that you are frustrated po no. You're frustrated with what's happening?

SIM: I think that like the rest of the public we're very, very angry and frustrated kaya iniiwasan ko kayo kasi yun nga, hindi na maganda yung sasabihin ko, hindi na ko natutuwa and I'm really hopeful that we can sort this out. Mula noong na-leak yung Administrative Order with that mahiwagang Section 5 na pinag-babawal ang lahat ng nangangalakal ng tobacco, ng breastmilk supplements, lahat ng may sugar at softdrinks, lahat ng may alcohol, lahat yan bawal daw tumanggan ng donasyon at bawal mag-import na bakuna. Nagulat naman ako kasi pagkarami-rami naman natin na hindi isasama diyan na hindi pwedeng mag-donate, bawal mag-donate. Aling bansa ba, dito lang sa Pilipinas hindi yung gobyerno ang bibili, nagmagandang loob na yung private sector na sila na ang bibili, ayaw pa natin. Bawal. Saan ka nakarinig ng ganon? Nakakasindak naman talaga ito. Talagang nagulat naman ako at ibang usapan na kung bakit nmana whole industries are being banned from importing, they are our only hope at the rate we are going with the IATF. This is ridiculous. And yun, yung buong tobacco industry. Lahat ng Ilokano, hindi na pwede diyan kasi kasama rin yung mga magsasaka eh nagtatanim rin yan ng palay, edi zero na rin yung bigas. Tapos, kasama din diyan, ang sinasabi rin, kasali rin daw yung mga sugar, o edi wala na rin yung Negros at Panay. Ano ba talaga?

Meanne: Ma'am, balikan ko lang yung sa IATF no. Any suggestions, ma'am? Kasi overwhelming na rin talaga yung 8000 yung cases and yung mga hospitals din daw po talagang puno na sila ngayon. You think it's really about time to say "it is really a lockdown", what we're doing right now? Or is there a need for a lockdown po?

SIM: Well, I'm not a great believer of lockdowns. Nakita naman natin 1 year tayong nag-lockdown, anong nangyari? Ang kailangan talaga natin maging very, very careful. Once again, we go back to the medical prescriptions. It's not the lockdown, it's not using the PNP for the pasaway, and please stop saying pasaway. Napapagod na ako. Dahil ang Pilipino ay hindi pasaway. Kaya lang, kapit na tayo patalim, iyun yon. Kasi kailangang maghanap-buhay. At talaga, kung titignan mo naman, ikumpara mo sa ibang bansa, talaga naman yung paggamit ng face mask dito, sa takot na lang natin, mas mataas sa ibang bansa. Subalit ayan, wala naman tayong testing, at higit sa lahat, asan na ang bakuna? Iyan lang ang maitatanong ko. Ano ang solusyon? I think, once again, we go back, as I said, to the medical questions. Sino ang nagbigay sa akin ng Administrative Order? Isang natatakos, isang galit na galit rin na galing Gabinete. Sa awa ng Diyos, and with all due respect, most of the cabinet is violently against this refusal of so many industries to be allowed to donate. Meanne: Last on my part, ma'am. Are you also among the public po na nako-confuse sa ginagawa ng IATF ngayon? Or at least doon sa nilalabas nilang regulations, are you also confused?

SIM: Eh hindi ko na pinapansin eh. Matagal ko nang hindi masyadong pinapansin. Ginagawa ko nalang ng yung mga kinakailangan na, para sa akin, karapat dapat no. Hindi naman sa hindi ako sumusunod. Ang gusto ko nga, talagang sundan at, hilong-hilo nako sa kanilang ruling na mag-face mask sa loob ng bahay tapos wag magholding-hands. Eh nakakaloka naman yung mga ruling nila kaya wag na nating patulan yung mga ganon. (inaudible) pag-iisip. Pero tigilan na yung mga ruling na ganyan at saka yung mga order na walang katuturan, please lang.

Meanne: Thank you, ma'am.

SIM: So, what I'm saying is, the Administrative Order, ngayon talagang denied to death sila na hindi daw final Administrative Order yon. Okay, given na hindi final, bakit buong-buo yon na nilagay? Iyon ang tanong ko. Kitang-kita natin dun na all these industries cannot donate. Ano ba naman yan. So, I'm really mystified. Ngayon, yung tungkol naman sa Chinese. Yung tatlong federation, nagsabi sa akin yan, hindi lang itong grupo-grupo diyan kundi...hindi lang yung mga grupo-grupo na sinasabi o isang kompanya o dalawang negosyante, hindi ito. Tatlo na itong federeations. First, the one led by Henry Lim Bon Liong, Federation of Philippine Chinese Chambers. Ikalawa, The New Chinese Organization led by Mr. Lu Gin Ang. Ikatlo, Yang Hua Hong and The Philippine Chinese Association. Ngayon, sinasabi ni Secretary Galvez, ibebenta raw yon kasi taga-Binondo. Anong klase yon? May racist slant yata. Palibhasa taga-Binondo, ibebenta. Eh lahat tayo may dugong Intsik eh. Hindi naman yata magandang pakinggan yon. Hindi ba (inaudible) kahit tsinoy ka? Kung talagang nanganganib si Secretary Galvez na ibebenta 'to, bakit hindi pa listahin, gawan ng iba't-ibang safeguards? Iyan naman ang solusyon. Ilista mo lahat ng beneficiary. Saan ituturok yan? Pagkatapos, papirmahin mo bawat isa. Ipa-livestream mo pa kung anong gusto mo. Pero wag naman sabihin na palibhasa taga-Binondo, ibebenta na lang.

Cherry: Ma'am, kumusta ang LGUs? Kasi sabi niyo kanina "overburden" na. Kumusta sila ngayon, ang daming order, ngayon meron na naman, extended ang GCQ etcetera etcetera?

SIM: Iyan ang hindi ko maintindihan kung bakit pinasa sa LGU lahat ng responsibilidad. Alam ko, na yung mga NCR LGUs are very competent. They are also financially very capable. Kaya lang, sagad na rin. Kasi pag tawiran ang LGU, hanggang doon ang baot kaya mo, talaga naman magtatawiran yan eh. Kaya nagkakaroon ng infection from one LGU to the next because there's no Overarching National Plan. There's no authority. We have, we've just past the bulk, basically, to the poor, harassed LGUs that have been carrying the ball for the last year.

Cherry:" Ano ang sobra, ano ang kulang sa ginagawa ng IATF for that matter, ma'am?

SIM: Eh kasi nag-surrender na ko sa IATF diba last week pa. Pinapabuwag ko na yan eh. Kasi, ano ba talaga? Hilong-hilo na tayo sa kanila. For me, sobra, sobra ang kanilang, ano bang tawag doon, yung utak-lockdown ba. Sobra yung arrest, yung pagpapara sa mga tao. Kulang sa medical, sa science, sa testing, higit sa lahat, asan yung bakuna?

Cherry: Oo. Kanin, ma'am, sa isang interview, pati yung mga United Nurses - organization ng mga nurses dito sa atin, nanawagan na rin ng resignation ni Secretary Duque because of all of this. Sa tingin niyo, primarily, siya talaga yung mas nananig dito considering IATF, as a whole yung nagdedesisyon?

SIM: Well, definitely yung mahiwagang DOH Administrative Order na draft nanggaling sa DOH yun. Definitely, hindi mapagkakaila na while I got it from a semi-official sources, talagang galing sa kanila na ayaw nilang magpa-donate sa kung saan-saan. Lumang tugtugin na yung sinasabi kong mag-resign na si Secretary Duque, pinag-reresign ko na siya noon pa. Tiniwalag na namin yan sa Pangasinan noon pa dahil sa mga scam ng PhilHealth. Ang hirap talaga. At question talga at the end of the day, I don't know who's in charge if it's Secretary Galvez, Secreaty Duque, kung sinu-sino nandiyan. Sino ba talaga ang amo. The question really boils down to why are we back to square one or worse after 1 whole horrific year? Na lahat tayo nakapreso sa bahay, ang mga bata hindi nakakapag-aral, walang kumikita, walang pera sa bulsa, ano ba talaga? Huwag nang papalit-palit na circuit breaker kuno na hiram lang sa UK, sa Singapore. Huwag ng ECQ, GCQ with variant katulad ng virus. Ano bayan, hello? Higit sa lahat, may hard and soft pa, anong meaning nun? Walang silbi ang lockdown kung hindi rin maayos ang pagi-implement at wag itulak ang implementation solely sa mga LGU kasi may tawiran ang bawat isa. Nakakagulo lang ng buhay ng mga Pilipinong pagod na pagod dito sa lockdown.

Cherry: Ma'am, last na lang from my end. Sabi ng ibang political analyst, kahit na isang IATF yung kumikilos, at the end of the day, nagre-reflect pa rin ito, o magre-reflect pa rin ito sa kung papaano hinandle ng Duterte Administration itong pandemic. And it may cause the administration, the sitting administration, 2022 Elections. What can you...

SIM: Ako'y nalulungkot sa mga... That's right cherry. I think this will inevitably be the barometer for the 2022 Elections and ako's nalulungkot dahil alam na alam ko na ayaw na ayaw ni President Duterte itong mga nangyayari. At dahil dito, napilitan akong manawagan na ibuwag na yung IATF. Start from scratch na lang po tayo total klarong-klaro na walang plano, walang bakuna, walang maski ano.

Cherry: So talagang nagbo-boil down sa kanya whether...

SIM: So, I'm very, very sad about what's happening. Sorry...

Cherry: Sorry, ma'am. So, talagang whether he likes it or not, the President likes it or not, talagang magbo-boil down sa kanya, sa administration niya or sa kind of leadership niya itong mga nangyayaring ito.

SIM: Well, hindi ko naman sasabihin yan kasi ang biro nga, Teflon President nga si Presidente Duterte. Mahal na mahal siya ng tao. At alam ko naman kasi na sinsero at ayaw niyang mangyari itong nangyayari. Pero siguro, panahon na na buwagin yung IATF at umpisa na tayo sa umpisa na totoo na medical, na science-based at talagang makakatulong sa tao. Frankly, I find it offensive that we keep talking about Election. We are in the middle of a war, a war against Covid. Wag muna yung politika, please lang.

Cherry: Ma'am, last na lang. Ano ang dapat, in the event na dapat makinig ang Presidente tapos "o sige, tanggaling natin yung IATF", magre-reorganize, ano yung dapat na composition ng bagong IATF or whatever name na ibigay doon ng Presidente?

SIM: Well, I think, higit sa lahat, dapat mga doctor, mga public health experts yung talgang nakaka-intindi nito. At sila yung magdi-diretso ng policy and after that, yung implementation paghati-hatian. Iyan ang problema. At ikonsulta na yung mga LGU, wag nalang itutulak at ipapasa nang basta basta sa mga LGU. Lalong-lalo na yung mga LGU na maliliit na malalayo, hindi (inaudible). I think, if there's a new IATF, let's begin with the new policy establishment by the medical and science people. At alam natin nabago itong mga virus na to so there's a lot of changing discoveries, changing of protocols, at sila na ang magsabi. Pagkatapos, yung implementation ibabagsak rin pala sa mga Local Government, pwede bang i-involve na sila. Tapos, yung bilihan ng bakuna, hindi pala kaya eh. Edi i-pass na natin sa ating mga korporasyon at yung ating mga establishments. Eh ayung karamihan pala ng vaccines eh manggagaling sa Chinal, why don't you involve the Binondo group? Bakit tayo galit sa mga federation ng Chinese na sila naman ang ating mga employers.

Cherry: ...Pwede kaming humingi ng AO na ikinaggagalit niyo?

SIM: Yeah. I actually sent it na. I can send it again to you a very, very clear copy, by denying its existence, they're saying that it's a mere draft na it's gonna be finalized at tatanggalin daw yon. Ang tanong ko lang, promisea ha, talagang wala na yon ha?

Cherry: Ma'am, even just the, not just the part but the page itself if you may.

SIM: okay. I'll try and look for it.

Meanne: Ma'am, sulutin ko lang yung pinapabuwag niyo yung IATF. Just to be clear, pinapabuwag niyo yung IATF because? You think incompetence is the...

SIM: Ito ha, because, because the handling has been inept and unduly difficult for the Filipino People.

Meanne: What about the people who are now composing the IATF, you think they are incompetent too? Kasi sabi niyo dapat medical practitioners yung mga dapat nangunguna sa IATF and we know right now that the leaders of IATF aren't medical people.

SIM: Well, siguro naman klaro no, this is a health issue. Ang dapat mamuno, public health experts at immunologist, obvious ba?

Nimfa: Hi, ma'am. Yung kay Secretary Galvez po, ano ang tingin niyo sa kanya? Should he also be replaced?

SIM: ...Yung kay Secretary Galvez po, I know he's an officer and a gentleman. He is, perhaps, too good a soldier. Baka marami siyang masyadong bossing. Nimfa: Ma'am, anong ibig sabihin noon?

SIM: Hindi ko alam. Patutsada lang. Kasi alam ko naman na magaling siyang sundalo. Eh ang sundalo, siyempre susunod sa mga amo. Eh kaso ngayon, baka nahihilo siya sa dinami-daming ng utos.

Nimfa: Ma'am, meron kayong information kung sino yung pumipigil talaga o kumokontrol sa pagbili ng bakuna? Kagaya ng binggit niyong tatlong groups, yung mga Binondo groups. Sino yung possible na humagarang po talaga?

SIM: Yung pumirma nung prohibition, ang pumirma was Secretary Galvez. So, on its face he's the one who signed the document. He also came forward and said na ayaw niyang ibigay sa Binondo groups dahil ibebenta't pagkikitaan lamang ng mga intsik. Parang mga ganun na dating. So, he's the one who signed it. Ngayon, yung sa Administrative Order, clearly, it's a DOH draft. In-admit naman nila. Deny to death dila na final yon but they certainly admitted that the Administrative Order was finalized, circulated, and pending the President's signature.

Nimfa: Ma'am, would you suggest po na mag-meeting si Presidente tsaka si Leadership ng Congress kasi may mga magagandang idea na galing sa inyo, sa house din para mai-recalibrate yung Covid response kesa yung mga Cabinet members lang yung nakakahrap niya, siyempre kung ano lang po yung isubo sa kanyang information, yun lang yung papasok kay Presidente.

SIM: Ang pagkaalam ko, nagmeeting naman yata yung LEDAC, finally. Nakipag-meeting naman yata sa LEDAC si Presidente nakaraang buwan. At diba may listahan na nga nung mga priority bills. Pero sana imbis na priority legislation, pwede ba i-prioritize itong napakahirap nating dinadanas na pandemonyo?

Cely: Hi, ma'am. Dahil mukhang pikon na pikon at frustrated na kayo sa mga pinatutupad na measure ng executive, kilala po kayo na pro-Duterte. Suportado niyo pa rin po ba ang administration o nawawalan na ho kayo ng gana?

SIM: Full support ako kay Presidente Duterte kasi nakikita ko ang sinseridad at kabuuan ng loob ni Presidente. Ang problema, kulang siya sa tauhan.

Cely: Pero ma'am, sabi niyo diba lahat naman nung pinatutupad subject for approval ni Presidente bago po nila iyon i-implement for approval ni Presidente?

SIM: Palagay ko, sa kaguluhan ng Pilipinas, hindi ka pwedeng mamuno nang mag-isa. Kahit maganda angintensyon mo kbilang pangulo. Kung wala ka namang tauhan, wala ka namang gabinete, wala ka namang mga IATF na maganda, eh mahirap namang mag-isa ka lang. Hindi nila kakayanin.

Cely: So, ano yun, hindi muna naaaral nang husto bago ho i-approve ni Presidente yung mga nirerekomenda ho ng IATF?

SIM: I truly believe that on many occasions, the President has been very poorly advised and he himself has admitted that which is why on many occasions as well, he has changed his mind and policy. So, siguro, pwede naman na baguhin na rin ang mga lider ng mga war against Covid. Kapag gyera, kailangan ng magagaling.

Cely: And then sabi niyo, ma'am, wala munang politika dahil ang tindi nga ng problema natin dito sa Covid pero meron ba kayong concern o kaya'y any info na baka kino-kontrol yung pagdating ng maraming bakuna dahil gustong ityempo ito one month before the filing ng Certificate of Candidacy para may mapaboran po ritong kandidato?

SIM: Dito sa desperayon na dinadanas natin, napapaisip ka tuloy nang malisyoso eh. Noong una, sabi "Naku, sino bang kumite sa Sinovac?" diba. So, yung kita-kita, kickback, raket, yung pinag-uusapan noon. Eh ngayon naman, palibhasa nagging mainit na rin ang usapin tungkol sa eleksyon, ang sabi "Wag kayong mag-alala, hindi naman walang bakuna, dadagsa lang sa September. Tamang-tama sa Filing of Candidacy in October. Nakakapikon na itong mga birong ito. Wag naman sanang totoo.

Cely: So, yun po yung nagiging biruan lang yun, ma'am, o may bahid ng katotohanan?

SIM: Yung mga hindi nakakatuwa, it would be funny if it weren't tantamount to mass murder.

Cely: Hindi ma'am, diba cabinet member yung nagleak sa inyo nung draft ng Administrative Order, ano ito, marami na rin bang cabinet members na hindi na rin nagugustuhan yung mga ginagawa ho o ipinatutupad nung IATF?

SIM: Maraming Deputy, maraming secretary, marami ring mga staff na talagang ayaw na ayaw itong nangyayari. So, iyon lang ang masasabi ko. Semi-official source.

Cely: So, anong nakikita niyo kahihinatnan natin kung ganito yung nagiging handling? Parang, sab inga ni Senator Drilon, patong-patong daw na problema, may mismanagement talaga sa paghandle ho nitong Covid...

SIM: Habang hindi binabago itong IATF, hindi binabago ang pamamalakad, sige palpak pa more, infection pa more, Covid pa more.

Mav: Ma'am, ngayon lang po, kakasabi lang po ng World Health Organization na meron daw po kasing pinarmihan tayo sa Covaxx na may limitation sa pagbibigay ng opportunities dito sa mga industries na to, yung tobacco, alcohol, ganyan. Ang concern daw po kasi nila, baka magamit daw po as advocacy or marketing for these products. Ano pong reaksyon niyo rito, ma'am?

SIM: Edi ipagbawal, tapos. Meron naman pagbabawal sa advertising sa lahat ng tobacoo. meron din mga warnings sa alcohol at syntaxes, anong problema doon? Talaga namang may ban diyan he. It's already in place, it's always been in place.

Mav: Ma'am, kung pagbabawalan nga po talaga itong mga industries na ito, sa tingin niyo po gaano karaming Pilipino yung maaapektuhan na hindi makakakuha sana ng bakuna.

SIM: Naku, ubod ng dami niyan. Tignan natin. Let's see ah, sa breastmilk supplements, ilan yan - Nestle, Alaska, San Miguel, lahat ng dairy products. Iyan yung sugar, Coca-cola, Pepsi cola, RC cola, lahat ng sugar. Buong industry eh. Kapag buong industry, pati yung miller, sugar planter, lahat kasama na naman. Pagkatapos, sa tobacco, ganoon din. Ano ba yon ang dami-dami? Kaya, yung Lucio-Tan Group, Universal Leaf, lahat ng tobacco farmers na tulad ng binaggit ko kanina, sila rin yung nagtatanim ng palay at gulay. Maloloko tayo. Magkakanda loko-loko tayo niyan. Tapos yung alcohol, diba ang dami ng alcohol yung buong Anrew Tan Group, yung buong...Eh ayan yung mga donor natin na masidhi na talagang puspusang namimigay .Talagang (inaudible), ano ba yun? Mav: At saka, ma'am, itong mga kompanya na binaggit niyo, hindi lang naman (inaudible) tong mga to.

SIM: Talaga. Totoo 'yan. Ang laking tulong nila sa atin at hindi naman masasabi na masasamang tao lahat yan. At saka, alam mo, hindi kompanya ang binan ha, buong industry ang binan. All of them are banned per industry. Like alcohol, the whole industry. Eh pambihira naman yan pati yung mga namimitas ng bugnay sa gubat at gagawa ng kung ano-anong mga homemade wines, ban din. Nakakatuwa naman talaga.

Mav: Ma'am, panghuli naman po sa akin. Doon po sa mga representatives ng business sector na nakausap ninyo, ano po yung reaksyon nila rito sa lumabas po na draft na ito?

SIM: Well, lahat na-shock. Unang-una, na-shock dun sa draft kung bakit ganoon ang hitsura. And yung higit sa lahat, it looks like in its final form. Muntik-muntikan na. Talagang mapipirma na yon any minute now kasi on its face, it looks like quite unoffensive. Eh ngayon yung tinuturo ni Secretary Roque, tinuturo ni Secretary Duque, merong daw Civil Service na ruling. Hinihingi ko ngayon sa Civil Service, hindi pa sumasagot si Chairman Bala. Pero may sinasabi naman nung isang commissioner na hindi raw legal yun na dineklara na "No donations from tobacco and other unhealth companies". Kung ganoon, hindi rin pala legal yung kino-quote ng Secretary Duque at Secretary Cabral sa dati nilang sulat. Nalilito ako kasi nagkakaturuan na. Naku, kanya-kanyang laglalagan na to.

Mav: Thank you po, ma'am.

SIM: Yeah, they're now saying in the Civil Service that that order was never confirmed by the Board. Hence, its of dubious legality. Eh ayun yung base ng DOH. So, ngayon, litong-lito na ako. Kasi, turuan na nang turuan eh.

Myla: Ma'am, clarify ko lang. You mentioned kanina na parang staff at cabinet members na ayaw yung sitwasyon. Ano yung exactly na ayaw nila, ma'am? According to Senate Official na sinasabi niyong source.

SIM: Well, I think that most of our cabinet officials would like to accept donation from anyone will give it. We're fully aware, for some reason other than National Government, has still been unable to import these vaccines. So, gusto nila na kung sino magdo-donate, aba'y tanggapin nan ang dali-dali pagkat kailangan natin. So, I think yung karamihan naman are very sensible and practical and realized that this is one way for us to get the vaccines that we deserve. And certainly, yung ruling na 50% naman ng ipapasok ay ibibigay sa publiko, maganda naman yun. At willing na willing naman yung private sector na gawin yun. Nagmagandang loob na yung private sector, ano ba naman. Tapos yung mga LGU na gusto rin na bumili na lamang kasi nga naiinip na sa kaiintay na walang kaliwanagan, aba'y pinahihirapan din. Kaya di ko maintindihan, saan manggagaling ang bakuna kahit marami ng loan na ADB, World Bank, sangkatutak na ang inutang, wala naman nabibili yung National Government na maramihan. Pagkatapos, ganoon din, para sa private sector, hinaharang naman. Whole industries are being blocked from importing. Pagkatapos, sa LGU, pahirapan din sa LGU, sangkatutak na papeles naman. Talagang hindi mo maintindihan. Myla: Pero, ma'am, so ang general sentiment is parang not satisfied doon sa handling ng task force?

SIM: Sentiment nino?

Myla: Yung sinasabi niyo, ma'am, na deputy, mga cabinet members.

SIM: Sabihin ko na lang na significant yung objection sa ganoong mga prohibition. Hindi ko alam kung majority kasi I haven't taken a vote but certainly, there are those who seriously question such a policy.

Myla: Na-mention po ba, ma'am, kung ilang cabinet members yung...

SIM: I haven't in a poll, I'm sorry. Tuwang-tuwa lang ako doon sa Administrative Order kasi nakakainis talaga.

Meanne: Ma'am, pwedeng isang clarification lang. Yung copy niyo po ng AO ay nanggaling po sa isang cabinet secretary, ma'am, tama po?

SIM: Staff. Staff. From my official leak.

Meanne: Sorry, ma'am, isa pa, staff sa loob po ng...

SIM: Kayo , ang daya ninyo ha. The media doesn't have to divulge sources, kami...

Meanne: Pero ma'am, sa loob po yun, can we say it's a staff from DOH po?

SIM: Hindi, sa ibang department.

Meanne: Okay, okay. Alright. That's enough, ma'am. Thank you po.

Cherry: Ma'am, yung after niyo na i-disclose, i-expose yang Admistrative Order na yan tapos kahapon sabi ng DOH "Ay, hindi. Under discussion pa lang naman yan". Anong feedback sa inyo? Medyo umaatras na ang DOH dito sa plano?

SIM: Masasabi ko na si Secretary Vince Dizon at mukhang kasama niya si Secretary Galvez, wala pang alas-otso ng umaga tumatawag na. Medyo nataranta sila bakit may kopya sa publiko. Sabi ko nanggaling rin sa loob. Kaya sabi nila hindi raw final. Sabi ko "promise ha", wala raw ganoong prohibition, hindi raw. Tapos, iba naman yung sagot ni Secretary Harry Roque. Nabasa ko na ang sabi ni Secretary Harry na kasi may prohibition raw data, may ruling na dati. Okay lang na may ruling dati kasi ang tinutukoy nila yung Civil Service. Yung tinanong naman yung Civil Service, naghuhugas kamay yung Civil Sercvice because the Board never voted on it daw. Therefore, it is a dubious legality. Naku po. Ano na ito, nagging magulo na.

Cherry: So, ma'am, the likelihood na tanggalin yung section na yun, Malaki yung possibility?

SIM: Well cherry, they promised me they would remove it. That it was only one of the suggestions deriving from the stakeholders "kuno" but yung nakita ko yung hitsura, buong-buo eh. Tignan natin, hopefully they're true to their word. I'm counting on them to delete these absurd provisions. That would be deleterious for our vaccine rollout.

Cherry: And if they will not keep their word, what will be your next move then?

SIM: Palagay ko, tama yung kay Senator Drilon, labag sa batas yun eh. Kapag talaga itinuloy yan at nagging pinal, that definitely is an Administrative Order clearly in violation of the Law.

Cherry: Paano yun, ma'am, you will saw, ma'am, kasi budget season na rin in the coming months diba? Although first quarter pa lang. What will happen, paano niyo sila...

SIM: Nagba-budget call na nga agad diba yung mga DBC at saka yung DBM.

Cherry: Considering that you're also handling a sensitive committee of Economic Affairs (inaudible). Ano pong magiging next move niyo on this kung hindi nila tutuparin yung commitment nila sa inyo that they would delete this provision?

SIM: Well, maghanda sila. Talagang, talagang kukuwestiyonin sila nang todo-todo niyan. Hindi na siguro aabot sa Senate yan, sa House pa lang nagwawala na yung mga Congressman.

Cherry: Kasi nga yung sectors, no ma'am?

SIM: Yes, kasi very broad ranging eh. Ibang pagkasulat, no companies, no definition, its entire industries are blocked. So, parang, siyempre, kung hindi hahayaan na mag-import itong mga industriyang ito, lahat ng nagtatrabaho diyan, lahat ng nagsasaka na may kinalaman diyan, lahat yan, hindi mo na rin maba-vaccinate. Ganoon ba?

Cherry: It's safe to say, it runs to million diba, ma'am?

SIM: Millions. Ilan yung tobacco? Ilan ang bugnay sabihin na natin, small time. Ilan ang sugar planters. Napakarami po namin.

Nimfa: Tama ho ba ang dinig ko sa inyo, if they don't shape up, parang that will be tantamount to mass murder?

SIM: eh napipikon na ko. Mainit na ulo ko, Nimfa. Hindi ko alam kung tama yon pero parang ang dami kasing mamamatay kapag hindi nabakunahan at 8000 a day virtually. Talaga namang napakaraming madadali niyan. Takot na takot kami, tiga-Ilocos ako, we have the oldest population in the Philippines, we're terrified.

Meanne: Ma'am, who promised you to move the provision doon sa pagtanggal sa mga companies na mag-import?

SIM: Well, Secretary Dizon was the one who called and I'm assuming he had the word of Secretary Galvez. I am hoping he had on board Secretary Duque. Meanne: Pero, ma'am, yung AO na meron kayo, even if dine-deny ng DOH, sure po tayo na, yun nga, A1, A1 source naman po yung pinagkuhanan niyo? hindi siya...

SIM: In-admit naman nila Meanne. They admitted the draft. All they were saying is that it's not final. Therefore, klaro, caught in the act, muntik na makalusot. Muntik-muntikan na lang.

News Latest News Feed