Press Release
March 22, 2021

Transcript of Zoom interview of Senate President Vicente C. Sotto III

On the rise of Covid-19 cases in the country.

Q: Your reaction po muna, since Friday ba yun SP, hindi na po tayo bumaba sa 7,000 cases, umabot pa tayo sa 7,900 COVID cases per day, it's one year into the lockdown, what does it say po?

SP Sotto: Hindi ko nga maintindihan. Kaya hindi ako, original na sagot ko agad nung tinanong sa akin yan, I'm speechless eh. Something was wrong. I think most of you will agree with me na (unclear), imbis na mag-subside pababa eh tumaas eh after one year. So, what went wrong? That's the question. Pagkatapos, nagkapatong-patong pa yung mga ibang issues katulad nung... Sumabay pa yung issue na ayaw nilang payagan yung private sector na bumili ng sarili nilang vaccine. Talagang sabi ko nga, what's wrong, what's happening in our country?

Q: Nagulat din po ba kayo doon sa sudden spike? Or did you see it coming because we were really kind of late with the roll out of vaccines?

SP Sotto: I was suspecting it to have gone up after the holidays. So mga bandang January up to February, siguro sabi ko, meron pang ano yan... Tapos ang expected ko by March, magsu-subside na yan, dahil dapat, ika nga eh, nandiyan na yung vaccines, ang mga tao mas aware na, hindi ba? Eh baliktad eh. Mukhang... Una, hindi natin kaagad nakuha yung mga vaccines. Pangalawa, yung mga tao parang carry over yung holiday mood. Nagtuloy-tuloy. Kahit saan ka pumunta grabe. Siguro ayun, nagkapatong-patong ngayon yan. And then dumadami yung mga tests. Hindi lang swab ngayon, may saliva test na mas mabilis, mas marami so mas maraming nagpapatest ngayon. So ang ibig sabihin ba niyan, dati hindi lang nagpapatest yung iba kaya hindi nalalaman? Kaya siguro itong mga tinatanong mo hindi ako ang dapat sumagot nito. Ang dapat sumagot nito, IATF at saka DOH. Sila ang may hawak nito, sila ang namamahala nito eh. Executive Department ang may kargo nito, hindi kami. Eh miron lang kami, miron. Kaya ayun. Eh yung mga hindi nirereport, ang dami nating... Nag-spike daw di ba. Marami daw ang hindi narereport eh, so ibig sabihin niyan, hindi lang yan ang numbers kahit na dati.

Q: Are you as frustrated and disappointed as the public, with this spike? Masyado po siyang mataas eh. And one year in the pandemic, di ba supposedly, mas dapat gamay na natin siya. Bakit parang lumalala po?

SP Sotto: I'm disappointed. Kasi expected ko, dahil nga sa lumalabas na yung vaccines at saka noon pa sina-suggest na natin, panahon pa nung budget hearing, sinasabing mag-concentrate sa treatment and cure, because meron. Merong mga lumalabas na nagagamit eh. Even in Japan, in other places. Aren't you surprised that Japan didn't invent or discover a vaccine? Why? Because they have their... they're using Avigan, they're using (unclear). Naka-concentrate sila doon eh. Kung kino-kumbinasyon natin yan, tapos merong prophylaxis naman yung ibang treatment na yun, hindi sana aabot na ganyan. Eh kaso hindi eh. Pinipigilan pa natin ang pag-import ng vaccine. May nag-import ng kung ano, ginamit ng PSG, parang nagalit pa sila. Sinisita pa nila. Idedemanda pa yata. Baliktad eh. Ako tingin ko, hindi ganoon ang diskarte eh. Very difficult to say dahil sila yung nandoon. Noong araw, 1 year ago, Indonesia, umabot sila ng 13,000 a day na COVID cases. Now they're down to 5,000. Pero wala pa silang vaccines. So huwag nating sisisihin din yung, delayed yung vaccines. It's a combination eh - hindi tayo nakikisamang mabuti at merong hindi ginagawang tama ang namamahala.

Q: Another set of new policies by the IATF that somehow caused confusion to the public because it seems like ECQ or MECQ, parang it has the components of ECQ: no essential travels, walang dine-in sa restaurants, mga ganon. Para rin siyang MECQ but it's not. So, it's kind of confusing the public. What can you say about it po?

SP Sotto: Well, they're probably as confused as we are.

Q: And Sen. Imee Marcos is suggesting, (na gulong-gulo na rin daw po siya sa mga policies na nilalabas ng IATF), to just abolish, palitan na lang daw po yung mga leaders and make it possible na mga public health experts yung mag-lead sa war na ito. Do you agree to that?

SP Sotto: I concur with that. As matter of fact, they should've done that Day 1. Especially when we were complaining, around June that there's a gross incompetence in the handling as far as the Department of Health is concerned on that particular issue. Maraming mga, don't get me wrong, DOH na nagtatrabaho at employees na magagaling ah. Pero yung particular na handling ng COVID-19, palagay ko naligaw eh. Dapat diyan, pababa na ng pababa, nasa 1,000 na tayo. Dapat niyan after 1 year, nasa less than 1,000 na tayo a day. Yun ang ini-expect ko eh.

Q: Gross incompetence sa DOH lang o sa buong IATF po yung tinutukoy ninyo?

SP Sotto: Mahirap naman lahatin eh. Pero sino ba yung in-charge? Sino ba ang nagsasabi ng mga dapat gawin ng IATF? Eh diba nanggagaling sa DOH yan? If they contacted the medical profession as a whole, yung mga PMA, ang dami nating naririnig eh, ang dami kong nababasa at naririnig na mga doctor na maraming sinasabi na magaganda, na tama. Pero hindi ginagawa ng IATF o ng DOH. Ang problema kasi sa atin, pag hindi galing sa kanila ang idea, parang hindi nila gusto eh. Gusto nila galing sa kanila eh. Yan ang problema nila. Kaya lahat ng mga sina-suggest natin, hindi pinapakinggan. Kaya when you were asking me a while back, (unclear), sabi ko ayaw ko nang magsalita because, pasok dito labas dito. Ganoon sila. Pag hindi sa kanila ang ideya, hindi nila tinatanggap.

Q: Kumbaga sarado ang utak, SP?

SP Sotto: Hindi. Baka ang akala magaling na magaling sila.

Q: Yung kino-concur ninyo na dapat iabolish yung IATF ngayon?

SP Sotto: I concur doon sa proposal ni Sen. Imee Marcos. Si Senator Marcos ang nagsabi noon. Sabi ko lang, sumasang-ayon ako, kung ganito lang, na hindi rin lang mahahandle ng matino.

Q: Ang IATF to Sir ano?

SP Sotto: Oo. Pa-handle nila sa mga doktor.

Q: Anong tingin ninyo, yung kapalpakan po ba basically nanggagaling lang sa DOH o combination din ito, kasi kulang yung expertise nung ibang nakaupo. Like sina Sec. Galvez, Sec. Dizon na wala naman talagang background din sa medicine.

SP Sotto: Kumbinasyon na eh. It's a combination. For us to reach this stage, ibig sabihin kumbinasyon na yun ng mga tamang hindi ginagawa--maging tayo sa publiko at maging sa mga namamahala.

Q: Tapos SP, kasi itong number natin na ito, hindi pa tayo nagfa-flatten at all, first wave pa rin to kung tutuusin, di po ba?

SP Sotto: Oo, never tayong nakatikim na nag-flatten eh.

Q: SP anong tingin ninyo, anong naging kulang, anong sobra?

SP Sotto: Well, ewan ko, mahirap talagang isipin yon. Kasi ang ideal na sitwasyon pareho ng ginawa ng Singapore, ng Taiwan, ng Vietnam. Pero yung mga yon, nung mag-lockdown, tunay na lockdown, walang umaangal. Dito sa atin, madaming umaangal eh. Ang iniisip eh agad ekonomiya, iniisip yung kita nila. Kaya Day 1, sinuggest na namin, personally ako nag-suggest kay Sec. Dominguez na bigyan ng, gamitin ang pera ng gobyerno, bigyan ng ayuda ang ating mga kababayan. Ginawa naman eh, although hindi (unclear). Pero dapat yun, ang sinasabi kong lockdown na sumusunod lahat, dapat ganoon. So hindi pwedeng ang buong Executive Department, ang namamahala, ang IATF ang pagbibintangan dito. Kumbinasyon ito natin. Kasi kumbaga sa ano, sinabi ito ng isang tagapamuno din eh, sa isang bansa, kumbaga sa gyera, itong kinakasagupa natin, gyera. This is war. It's a war against Covid-19. Pag gyera, meron bang umaangal na wala silang makain? Umaangal ka ba? Titiisin mo lahat yan eh. Susunod ka sa kung anumang usapan eh. Lahat ng reklamo natin, hindi reklamo ng nasa gyera eh. Masyado tayong comfortable.

Q: Pero SP di ba nung first natin, nung first two months lalo na, talagang religiously lahat, sumunod di po ba. Lalo na yung general public.

SP: Yeah, oo, dapat lahat yun nagtuloy eh. Kasi nga ang pinoproblema yung ekonomiya eh. Gusto natin ikumbinasyon yung bukas ng ekonomiya at tsaka yung paghihigpit.

Q: Tapos ito, ang daming mali, kahit sila Sen. Drilon, sinasabi rin niya na isang taon na puro kapalpakan, puro mali yung karamihan ng malalaking steps. Kayo ba sa Senate, again, nakikita ninyo ba yung pangangailangan ng oversight function ng Senado na pabalikin itong IATF officials at pag-explainin na naman sa Committee of the Whole? Anong nangyari? Bakit tumataas na naman tayo?

SP: Tingnan ko kung dapat pang tumawag ng hearing ulit at mag-convene yung Committee of the Whole as far as the health issue is concerned or COVID-19 is concerned, roll-out... The reason for the Committee of the Whole then was the roll-out of the vaccination program...

On the reason why covid-19 cases are rising again.

SP Sotto: The reason for the Committee of the Whole then was the roll out so far of the vaccination program. At saka, nagpa ano kami ng batas. Na (unclear) kasi meron doon national vaccine indemnity fund. Kine-create natin doon para sa mga nasasaktan. National Task Force against covid. Dami natin nagawa doon eh at nakuha din natin sa hearing na iyon eh. Pati mga amendment ng mga local government code and auditing code. Doon sa hearing na iyon ng Committee of the Whole, iyon ang mga pakinabang natin doon na kahit isabatas natin doon. Kailangan pa ba? Ang tanong is sasagutin ba nila? Masasagot ba nila ang nangyari? Meron ba sila masagot kung ano nangyari? Siguro tatawag tayo ng hearing so sa ngayon kasi pinaghahandaan naming ang hearing noong agriculture na issue.

Q: Pero sa tingin ninyo may masasagot sila sa inyo?

SP Sotto: Mahirap manghula. I do not know what they are going to say. Sometimes the reaction that we get from there is correct and sometimes it is not. Lately, I understand, that there is a statement issued by Gen. Galvez saying that inalis daw doon ang proposal na pinagbabawalan na mag import ang mga private companies and private corporations. Mabuti naman kung ganoon. Pero who's idea is that in the first place? Lahat sila (unclear), pipigilan mo? Iyon ang mga sinasabi ko. (unclear) sa mga department, sino sa kanila iyon? Iyong mga (bright) boys na madidilim ang utak, iyon dapat ang hinahanap nila. Huwag na nila dapat pakinggan iyon. Ang pakinggan nila ay dapat iyong may mga magagandang suggestions. Kaso nga, at the risk of (unclear) a record, at sa iba nanggaling ang idea, ay hindi nila pinapakinggan.

Q: May mga political scientist na nagsasabi whether we like it or not, although quite early pa, magiging parang barometer din ng Duterte administration ang naging manner ng handling nitong pandemic pagdating ng 2022 na parang Mamasapano noong panahon ni Aquino. Do you agree on this, that it can break the image of Duterte presidency?

SP Sotto: I will go to the first part of your predicate and question. I rather not to answer the last part. I will go to the first part. Whether we like it or not, makaka affect iyon. Ngayon, doon sa second part, going into the political side, come election, I rather not dwell into that. Kasi babalik na naman sa pulitika iyon... papunta na naman sa pulitika iyon. Alam ko naman iyong mga nagsasalita ng tatakbo at hindi tatakbo, pagdating ng last minute, may palusot lahat iyan eh.

Q: Tapos tatakbo?

SP Sotto: Tatakbo at merong hindi. Sigurado iyan. Palusot. First week of October, sasabihin ninyo, tama ako.

Q: Parang issue na ito, gagamitin nila against...?

SP Sotto: Magagamit iyan. Bakit hindi? Pero, hindi ako palo sa ganoon. Kasi kung ikaw kakandidato ka, gusto mo tumulong sa bansa, ipakita mo, sabihin mo sa taumbayan kung ano ang gagawin mo at magagawa mo at maibibigay mo. Ano ang track record mo? Ganoon ang dapat. Hindi iyong sisiraan mo iyong ibang tao. Maninira ka ng administrasyon at sisirain din ang ibang kandidato para lang mapansin ka? Hindi ako papatol sa ganoon, hindi ako ganoon. Kung kakandidato ka, i-offer mo sarili mo kung ano magagawa mo sa kanila, ganoon dapat eh. Kaya ayaw ko sagutin ang 2nd part ng question mo, which is na ito magagamit laban sa mga kandidato, eh kung walang kandidato si Presidente Duterte? One time, nasabi niya iyon. Wala siyang i-endorse. Sabi niya iyon eh. Papaano kung ganoon? Eh di nawala ang effect doon sa mga sinasabi na makakaapekto sa mga kandidato niya. Kaya doon tayo sa first part, na oo, makakaapekto sa mga pananaw ng mga kababayan natin sa gobyerno.

Q: Maraming pulitiko na ngayon ang pomopronta at may kanya kanyang expression ng kanilang mga sentiments at saka supposedly pagmamalasakit sa mga tao. Matagal na kayong nasa public service, paano titingnan ng tao kung politicking ang style ng isang public servant, every time na ina approach itong issue ng pandemic.

SP Sotto: Well, mga kababayan natin, doon sa mga nag iisip, alam na alam naman nila eh. Pati iyong mga paikot ikot (unclear) na mga ganoon. Alam nila iyon. Alam nilang pulitika iyon. Ang problema lang, sa pagdami ng covid ang mga iyon dahil nag iipon ng tao kapag umiikot ka eh. So, alam nila iyon. Alam ng mga kababayan natin iyon. Ngayon, we always get the government that we deserve. Kung sino iboboto mo eh. Kung namimili ka eh. Kaya balik tayo sa dapat na mentality ng mga Pilipino, sa lokal kasi ito. Talab na talab ito noong araw pa eh. Tanggapin ang pera, iboboto ang kursunada.

Q: In a DOH statement that the 2 variants of coronavirus - UK and South African variants - are now present in NCR in all cities. Do you think that the GCQ is enough, or do you think that a drastic measure should be added?

SP Sotto: Kasi hindi natin... mahirap din naman, kasi hindi naman iniisplika sa atin, ng DOH ba ang nagsasabi niyan. Hindi iniisplika ng DOH sa atin, kung ito ay mutation dito or galing sa labas. Nanghuhula yata sila eh. Ito ba mutation na? Kaya nagkaroon ng variants na ganyan kasi nag mutate ang mga virus? O may mga pumasok dito sa loob na galing sa merong ganoon? At, kung sinu-sino iyon? Bakit hindi ninyo kinontact trace?

Q: Kung ganoon nga, sa tingin inyo, enough na ang GCQ or may additional dapat na drastic measure to control iyong pagtaas ng kaso?

SP Sotto: You know, I don't want to be in the shoes of our government right now dito sa issue na iyan. Pero, kung tutuusin at basta't mahigpit ang pagpapatupad at makikisama ang mga kababayan natin, kasi kung anuman ang paghihigpit nila kung ang mga kababayan natin ay matitigas ang mga ulo, wala din eh. Kailangan talaga kumbinasyon eh. Noong naka lockdown, sige pa rin ang inuman. Sige pa rin ang mga lakaran eh. May mga party pa.

Q: Sa Senate, ano nag magiging sitwasyon? Ili-lift ninyo na ba ang lockdown or pwede pa ring ma extend pa rin ba considering the sitwasyon?

SP Sotto: Hindi. Ang gagawin ko, ano pa rin, semi lockdown. Actually, lockdown na iyon, kaya lang, may mga gagawin at hindi pwedeng hindi kami magtrabaho. So, talagang naka lock down ang Senate. Kaya lang, hindi pwedeng, like for example, on Wednesday, naka lockdown today, naka lock down tomorrow, pero on Wednesday, magsi CA kami kasi last day ng CA iyon. Kawawa naman ang mga sundalo, ang mga taga Foreign Affairs, mga taga DFA, (unclear) maba bypass. (unclear) naka lockdown. Pwede naman sila basta naka swab sila lahat. Pwede silang pumasok. Swab negative. Tapos, nagpa swab na nga, positive naman. Tapos, in the afternoon, kailangan naming i-third reading ang mga mahahalagang mga batas. Mga local na mga batas na matagal ng hinihingi sa amin ng House of Representatives. Hindi namin pwedeng balewalain. Ito, kapag hindi naming natapos ng Wednesday, balik nito ay Mayo na. (unclear) nagpalit na noon. Delayed na sila. Delayed na delayed na iyan. Iyong mga inaasahan na nila ngayon. Ngayon, after that, even though meron kami sa Wednesday, it doesn't mean that the senate will be there even 50% or 40%? No. Almost semi lockdown, it will just two or three from the secretariat, two or three from the sergeant-at-arms, ako lang at kung sino pa ang mga kalahi ni Andres Bonifacio na mga senador ang nandodoon. Pati mga staff namin, hindi pwede. Wala na iyong mga staff naming mga senador.

Q: Diretso na ba iyong lockdown hanggang buong Holy Week?

SP Sotto: Iyon nga lang. Tutal naman kapag Holy Week, usually, hindi na namin pinapapasok ang mga empleyado pero may skeletal. Ito walang skeletal. Lockdown talaga ito. Ngayon lang, actually, itong weekend na ito, fully sanitized na ang Senado. Disinfected na. Pero, uulitin pa rin natin iyan kasi magkakaroon ngayong Wednesday. Pagdating ng Holy Week, which is starting na ng Thursday na, kahit sa isang linggo pa ang tunay na Holy Week, naka lock down na iyan and after ng Holy Week, ang pasko ng pagkabuhay, iyong Lunes na iyon, April 5, naka skeletal pa rin ang Senate. And then maybe, I am contemplating on convening the Committee of the Whole on April 6, for the issue on agriculture.

Q: Ang hinahabol po di ba na makapag convene ang Committee of the Whole bago mag adjourn ang session? Libre na si president kung sakaling ibaba niya ang tariff sa importation ng baboy?

SP Sotto: Kaya pinadala namin sa kanya ang resolution. Pinadala na namin sa kanya. Iyon ang laman noon. Kaya lang itong hearing, hindi lang para sabihin sa Executive Department na ganito ang suggestion namin. (unclear) suggestion. Heto, ia-uncover na ang mga nangyayaring milagro doon sa Department of Agriculture. At, kung ano ang sa likod nito. Kailangan malalaman ng mga taong bayan, kung sino ang mga nasa likod na iyan dahil kung maka epal, akala mo magagaling.

Q: Sigurado na po ba ang first hearing ng Committee of the Whole sa April 6?

SP Sotto: Presently yes, unless may mga umangal sa mga kasama ko.

Q: And then sir sino na yung nasa utak ninyo na pangunahin ipapatawag dun sa first hearing?

SP Sotto: Kukunin ko yung listahan kay Senator Lacson. (Unclear) sila ang mga nakatanggap ng mga ano - ano ako eh, hearsay-hearsay ako eh. Sila hindi hearsay.

Q: And then sir last na lang. May mga concern o parang speculation na baka daw itong bakuna hino-hold at ang gusto eh yung bulk nito idating sa September one month before nung filing ng certificate of candidacy. Do you think may basis yung ganoong concern or speculation?

SP Sotto: Hindi naman. Hindi naman. Ngayon lang March padating na yung iba eh. Talagang ang problema nandodoon sa ano eh, nandodoon sa mga pharma companies eh. Nandun ang problema eh. Masyadong hino-hold ng mga mayayamang bansa eh. (Unclear) times five ba o times six ba yung population nila yung (unclear). So as far as Canada is concerned, ngayon pa nga lang daw nagpapa-deliver eh pero daming (unclear). Eh tayong mga hindi first world countries, medyo hindi tayo masyadong nabibigyan ng pabor. Buti nga meron tayong kaibigan na Russia at saka China, sila handa sila kagad magbigay. Pero yung mga America at saka Europa, priority sarili nila eh. Oh, eh di ba nakita mo naman pati sa pagtrato sa tao. Ang mga Asian eh parang sa kanila hindi tao. Sa America di ba alam ninyo naman ang ginagawa nila doon ngayon. Hindi naman siguro, hindi. Walang basis yun at saka paano magiging - hindi rin, hindi rin. Hindi rin nag-isip masyado yung nagbintang niyan, alam mo kung bakit? Eh ang daming may ayaw eh. Ang daming may ayaw magpa-vaccine eh. Bakit matutuwa sa 'yo? Pangalawa, babalik na naman ako sa sinasabi ko. Ang daming pwedeng treatment bakit hindi yun ang ipriority ninyo. Eto, sila yung mga nasa DOH. Bakit hindi ninyo ipriority? Imbis na ipriority ninyo sinisiraan ninyo pa, yung FDA kung anu-ano nilalabas. Sinisiraan ninyo yung ginagamit na nakakabuti sa tao eh. Kalaban nila yung mga doctor mismo. Sino pa yung paniniwalaan namin?

Q: Sir, last year the Senate passed several spending bills authorizing the executive branch to spend on Covid related items, especially vaccines. Meron na po bang preliminary discussions among senators kung magho-hold kayo ng hearing to review kung paano nagastos yung mga yun?

SP Sotto: Hindi eh kasi at the moment meron namang COA na huma-handle nun. We can just wait for the submission of the COA o makahingi ng report ng COA tungkol dun.

Q: Sir, what about concerns na questioning why we borrowed so much money and yet very minimal yung nararamdaman ng public?

SP Sotto: We have to be very accurate on how much was borrowed. Hindi ako sigurado eh kung magkano talaga and amount na inutang at magkano yung ginastos para sa Covid. For example, ginastos para sa what pambili ng vaccines o pang-ayuda? Pang kickoff pagtulong sa mga SMEs or sa MSMEs, small and medium enterprises yung mga ganun. Kasama sa mga batas natin yun eh. So, I do not have the exact details eh. So, I don't know kung magkano talaga inutang at magkano ang ginastos para saan. Ang pagkakaintindi ko pa, yung mga inuutang natin will go directly to the pharma companies as far as the payment for vaccines are concerned. Hindi na dadaan sa atin. Through ADB ba yun, through ADB. Sila na ang magbabayad doon. Kaya yung part na yun walang problema yun, ako tingin ko safe yun dun at tsaka wag kayo maniniwala doon sa - kasi nakikita ko umiikot sa social media nasaan na raw yung 13 trillion o nasaan na raw yung 1 trillion na inutang. Wala, alam ko walang P1 trillion na inutang. Ang budget na in-allot namin dun P72 billion para sa vaccine o sa Covid-19.

Q: Sir safe to say na sa budget season na lang yung tatanungin yung mga concerned agencies na naka receive?

SP Sotto: Pwede. Pwede at saka yung eksplanasyon makikita naman natin yun on black and white. Katulad nga nun na sinsasabi ko na ang mga inuutang natin supposed to be sa papel na lang yung utang, dire-diretso yung pera dun sa pharma companies na (unclear). From the banks ha. From the banks.

Q: Okay. Sir last na po from my end. Sir, how confident are you about the productivity of the Senate in the coming months considering na it has been observed in the past na kapag once na nagfile na ng candidacy medyo marami nang absent, medyo marami nang nawawala.

SP Sotto: Well as long as meron kaming virtual eh bihira na yung absent eh. Nakaka-attend naman sila eh. Pero our record speaks for itself. We couldn't have easily locked down from day one nung mag pandemic. Nung mag-umpisa yung pandemic, we couldn't easily lockdown. We couldn't easily say na hindi kami kailangan magtrabaho dahil kawawa yung empleyado namin, kawawa kami. Dahil diretso baka kami maapektuhan nito, baka makadagdag pa kami sa problema. We could have done that. But we did. We resumed right away after the lockdown or within the lockdown, nag resume kami. Pagkatapos nung July after the SONA, tuloy-tuloy ang trabaho namin. Hindi kami bumibitaw. There was a break or two na short breaks. Pero tuloy-tuloy pa rin kami iniksian pa nga namin yung supposed to be yung break. So, I expect everything to be the same. We will work on - we will do our work; we will deliver what we can. Makakaasa kayo na as far as the Senate is concerned, our track record speaks for itself. From the day that the pandemic came to our shorts up to the present day, hindi kami bumibitaw sa trabaho.

Q: SP sorry isa lang, habol lang po ako. SP, with almost 8,000 cases, isn't this the perfect time to parang implement a lockdown because if not how can we expect it to stop rising if people are going out?

SP Sotto: Siguro, surgical. Surgical. This is only my opinion. At tsaka alam ko naman kapag narinig nila hindi naman nila susundin. Surgical - ibig sabihin yung sa area na malala, lockdown mo. Yung sa area na hindi, huwag. Pwede naman ECQ lang. Ganun.

Q: Pero diba SP that's what we're doing in the past months. Mga barangays na malala, yun yung i-lockdown but still nag-rise pa rin po to 8,000. I'm asking this on the context of some people yung mga can afford SP, they're doing po ngayon voluntary ECQ. Hindi po sila lumalabas, nag grocery na sila parang ganoon but these are for the people who can afford it. But of course, paano po yung mga taong kailangan lumabas to go to work. Pero the other side is yun nga po, if people keep on going out, how can we stop po yung rise, yung sa surge sa Covid-19?

SP Sotto: Let me go back. May gyera eh. Sa gyera ba naghahanap tayo ng masarap na pagkain? Sa gyera ba umaangal tayo sa gobyerno na hindi tayo makalabas na hindi tayo makapunta sa kung saan? May gyera eh, kailangan ilagay sa mentality ng mga kababayan natin may gyera. Kailangan talaga makisama tayo. Ngayon kung yung sinasabi ninyo na yung mga barangay naka-lockdown ganyan, for how long? May mga nababalitaan ako lalo na yung sa metro manila eh. Yung barangay daw ganito mahigpit ano ba nangyayari ganyan lockdown. (Unclear) seen the reports thereafter. Ano nangyari sa lockdown, natapos na ba? Ilan ang ano dun. Yung reportage medyo malaki ang kakulangan.

Q: So at least for NCR since ito talaga SP yung ground zero. Some people are saying can we just say it's a lockdown I mean gawin na nating ECQ anyway ito naman talaga yung ground zero po nung Covid-19 surge. Are you agreeable to that or do you agree to that?

SP Sotto: Well, for some people kasi - sa akin ano, on a personal ano lang, personal opinion ko lang, kung dapat mag lockdown, i-lockdown yun. Mag-lockdown ang dapat.

Q: That is because of ito na nga ganito na katindi yung kaso natin SP. Mukhang eto na yung perfect time for lockdown talaga.

SP Sotto: Siguro yung pinaka ano yun, pinaka magaan na lockdown, ECQ. Ano ba yung dati ano. MECQ. At the very least siguro - at the very (unclear), MECQ.

Q: But that would mean ayuda again po for the people SP. Do we have that money po for ayuda, for the people who cannot go out and work?

SP Sotto: Aba'y kailangan gawan ng paraan ng Executive Department yun.

Q: Going back sir dun sa Committee of the Whole on pork namention ninyo sir na meron kayo narinig na people involved in this industry with major scam in corruption. Ano ba ito sa narinig ninyo sir malalaking tao ba ito, politicians? Big businessmen or at least individuals with closed ties with the administration na yun ang kasama sa isa sa (unclear) ng Committee of the Whole?

SP Sotto: Well, according to the privilege speech of Senator Lacson, he received a disturbing information from a highly (unclear). Yun yung sinasabi niya eh. Kaya lang ang sinasabi ko ako (unclear) can say that. Pero siya (unclear). Pero based on your question, ito yung mangyayari. Merong direct knowledge dun sa modus operandi (unclear) agency the Department of Agriculture na yung 30% ng tariff in-quota at importation 40% (unclear) meron na talagang umiiral na kalakaran na tong-pats na SOP, 5 to 7 pesos. Yun yung sinasabi. Eh ang tanong ko sino ang gumagawa niyan? Sino pwedeng gumawa niyan na kayang gawin sa Department of Agriculture? Oh, eh di syempre malaking tao. Di ba.

Q: Plural ba boss? Plural? Marami sila? Malalaking tao?

SP Sotto: Hindi ko alam.

Q: Sabi ninyo magko-concur kayo sa recommendation ni Senator Imee to replace DOH or IATF officials, ifo-formalize ba ng Senate yung recommendation or view na yun na parang ginawa with Sec. Duque pero hindi nadinig?

SP Sotto: I doubt it. Baka idea lang ni Senator Marcos yun. I doubt it if it will be brought to the floor at magpapasa kami ng resolution to that effect. Hindi naman pinapakinggan. Di ba may nurse's association ngayon na nanghihingi nung pagtanggal ng mga officials na kung sino-sino? Pinapakinggan ba nila? Hindi rin.

Q: Mukhang nagsa-start na po yung election fever given the launching of the 1Sangbayan Coalition of the opposition. For NPC, do you have initial talks already on the party's plan for 2022? Are there plans to endorse your very own standard bearer?

SP Sotto: Walang formal talks. Right now, the situation of the NPC is that the House of Representatives members of the NPC are in alliance with the PDP-Laban leadership headed by Speaker Velasco. That is in the House of Representatives. Sa Senate, meron kaming majority, kasama namin ang PDP-Laban sa majority, and that's about it. Wala pa kaming formal talk pagdating sa 2022. Even within us na magkaka-partido, siyempre meron kaming mga informal na talks na mga napupusuan namin, na sana si ganito ay nais tumakbo, pero nung nag-uumpisa naming kausapin, ayaw naman, so we have abandoned that idea. Wala pa. Formally, wala pa. Personal level, mga kwentuhan, meron, merong mga ganoon. Merong kinukumbinsi sila, nung ibang kapartido namin mag isip para sa 2022 pero officially, yung aming mga incumbent, siguradong magre-reelection.

Q: Are you gunning for higher office in 2022?

SP Sotto: Matatapos ang term ko ng June 2022. Wala pa, I cannot really answer you directly. Nakikiramdam pa ako, at pinakikinggan ko pa lahat.

Q: Matagal na kayong pulitiko, I am curious about the effort ng 1Sangbayan Coalition because mayor Sara Duterte was very critical of the move because they were very explicit in saying that they are not going to endorse politicians that are associated with President Duterte. As a veteran politician, when it comes to coalitions like that, ang term ni Mayor Sara is they are already "othering" political camps. Effective po ba iyon in terms of if you are a group who want to later on endorse a presidential candidate?

SP Sotto: Sa akin kasi, I go by the saying na "to each his own." So, yun ang thinking ng mga sumusuporta sa grupo na yun, good luck. (unclear) kapartido, nag iisip tayo, yung iba nag iisip din. Pero, ang mga kababayan natin, hindi natutuwa niyan. Panahon ngayon ng pandemic...alam mo, kung hindi tumaas ito, kung hindi tumaas yung figures, kung umpisa ng magsubside, mga 1,000 plus, below 1,000, ganyan na, talagang papunta na sa politika ang usapan niyan. Eh dahil tumaas, ang mga thinking ng mga pulitiko, sa politika, ay yung mga pulitiko. (unclear)? Hindi, baka makainisan ka pa pag pinili mo ang politika sa mga panahon ngayon. May gyera eh, doon muna tayo sa gyera.

Q: Clue naman doon sa inumpisahan ninyong kausapin pero ayaw naman Si Ramon S. Ang po ba?

SP Sotto: Oo.

Q: Anong sabi? Bakit daw ayaw niya?

SP Sotto: Ang sabi sa akin, it is a demotion.

Q: Kausapin for presidential candidate po?

SP Sotto: Oo, sabi ko, maraming nag-iisip, ibang klase ng thinking mo, klase ng (unclear), ng management mo, ikaw ang magaling na pwedeng tumakbo na presidente, sabi ko.

Q: And he said...

SP Sotto: It is a demotion, sabi niya.

Q: Wala kayong sinuggest na running mate? Baka sakaling umo-o?

SP Sotto: Hindi namin napag usapan. Hindi na kami nakarating doon, na may mga nagtutulak ng ibang kung sino ang running mate niya, pero hayaan mo na silang magsabi, huwag na ako ang magsabi.

Q: He said it is a demotion, but he did not say no.

SP Sotto: No na yun, pagka sabi na demotion.

Q: Is it final?

SP Sotto: Palagay ko final na kasi parang...hindi ko nagustuhan yung sagot, hindi ko na sasabihin sa inyo. Sinabi ikaw na lang.

Q: How long ago po yun na tinanong ninyo siya about it?

SP Sotto: After nung umupo si Speaker.

Q: Around October last year?

SP Sotto: Yes, 2020 di ba? October (unclear). Yes, mga ganoon, mga ganoong panahon.

Q: Balikan ko po yung sinabi ng DOH na huwag na yung certain industries like tobacco, alcohol, na mag procure ng vaccine. When you passed the Covid Vaccination Act, ano yung spirit of the law nung sinabi doon na payagan natin yung mga private entities na bumili ng sarili nilang bakuna, kasi ang contention ng DOH, anti-health daw itong mga industriyang ito.

SP Sotto: May mga empleyado yung mga yun, mga Pilipino yung mga yun, so just because ang produkto nila hindi nila gusto, eh they will be deprived of the vaccines? They will deprive the corporations to procure their vaccines for their employees, hindi ba napaka-pangit naman? Mga Pilipino yun, nagbabayad ng taxes yun. Yun ang trabaho nila, bakit ninyo pag-iinitan? Dahil masyado kayong self-righteous? Ayaw ninyo ng sigarilyo, ayaw ninyo ng alak, di ba?

Q: Salamat po.

SP Sotto: Pahabol lang nung tungkol kay Ramon, nung meron siyang sinabi na ano, sinabi niyang "ayaw ko, that is a demotion," alam mo, alam ko naman na tongue-in-cheek niyang sinabi yun, pabiro niyang sinabi yun, pero kita ko naman na talagang hindi siya interesado at ayaw niya. Tapos sabi niya, kayo na lang, tinuturo niya kami. Sabi ko, tingnan natin, kausapin ko si Ping.

Q: So, confirmed na yung tandem ninyo ni Senator Ping?

SP Sotto: Meron bang ganoon? Ayokong pagusapan yun kasi (unclear) politika, magagalit ang tao. Wala, ano pa kami, sa October.

Q: So, hindi na kayo mag a-attempt na kumbinsihin si RSA kapag malapit na yung filing?

SP Sotto: Hindi na, sarado na yung usapan na yun.

Q: So, kayo na lang ni Senator Ping ang magusap?

SP Sotto: Kung kaya ninyo kaming kumbinsihin. (Unclear) may mga kumukumbinsi kasi sa kanya, meron ding mga kumukumbinsi sa akin, eh hindi pa kami nakukumbinsi. Kung nakumbinsi na kami, eh di magsasabi na kami kaya lang mahirap nga kami makumbinsi at this point, kasi nga matindi ang pandemic. Doon muna tayo sa trabaho. Trabaho muna kami, kung ano yung dapat naming gawin magbigay ng tulong, doon muna kami. Ganoon na muna, ganoon dapat ang mentality.

Q: Si Senator Ping sinabi niya last week na lumapit sa kanya si Sen. Pacquiao, humingi ng tulong. Did Sen. Pacquiao also approach you about his plans for 2022?

SP Sotto: Yes, some time ago, nagkausap kami. Nabanggit niya sa akin na interesado siya na tumakbo sa pagka-pangulo.

Q: And then? Did he ask for advice?

SP Sotto: (Unclear) usapan namin, kwentuhan lang. Sabi ko "ah ganoon? Magusap tayo one of these days, tingnan natin pag medyo malinaw na," ganoon lang.

Q: This was pre-pandemic?

SP Sotto: Parang. Parang pre-pandemic. Once pre-pandemic and one na may pandemic na.

Q: So, he reiterated twice? Twice kayong nilapitan?

SP Sotto: Oo.

Q: Why, did he ask for any help? Bakit niya kailangang banggitin sa inyo?

SP Sotto: Siguro, ako ang leader ng Senado eh, magkaibigan naman kami, close friends.

Q: But he did not ask for any particular or specific help? Financial help, to raise funds...

SP Sotto: Financial help, hindi naman siya...

Q: Raise funds?

SP Sotto: Ako, hihingan niya ng financial help? Hindi, wala. Basta nabanggit niya na interesado siya.

Q: Anong tingin ninyo doon, parang nagpapaalam sa inyo bilang Senate President?

SP Sotto: Parang bumu-busina siya, ganoon. Sabi niya, "ikaw ba, ano ang plano mo?" Sabi ko, wala pa.

Q: Hindi pa kayo nakaka decide ni Senator Ping kung sino ang president, sino ang VP if ever ma-convince po kayo?

SP Sotto: Siya na lang.

News Latest News Feed