Press Release
March 25, 2021

Transcript of Senator Nancy Binay's interview
on ABS-CBN Teleradyo's Sakto (hosted by Jeff Canoy and Johnson Manabat)

Jeff Canoy/Johnson Manahan (Q): Senator, hingin lang po muna namin siguro ang general reaction n'yo sa nangyayaring sitwasyon sa bansa ngayon, sa patuloy na pagsirit ng bilang ng Covid cases 1 year after magsimula ang bangungot nating lahat.

Senator Nancy Binay-Angeles (SNBA): Syempre, Jeff, sobra akong nababahala. Kasi 'di ba dapat pagkatapos ng isang taon, kumbaga dapat moving forward tayo sa panibagong buhay natin with Covid. Pero mukhang moving backwards ang nangyayari sa atin ngayon. And nakakalungkot bilang isang magulang kasi noong hearing namin sa Committee on Education, ang pinaghahandaan na namin ay pagkakaroon ng face-to-face classes pagdating ng new school year. But kung ganito ang scenario na nangyayari sa ating bansa, mukhang malabo na naman itong mangyari at talagang nakakatakot kasi ang epekto ng Covid, iyong epekto ng pagkukulong sa ating mga kabataan ay, I think, may malaking repercussion iyan.

Q: May Bayanihan 3 pa bang darating?

SNBA: Napaguusapan naman ang Bayanihan 3. Ang kaso lang, ang sa akin, 'di ba nagbigay kami ng Bayanihan 1, 2, tapos may budget pa tayo for 2021 and 2020, kasi ang mga hindi nagastos ng 2020, nagpasa kami na pwede mo pa ring gastusin sa 2021. So, in terms of funding mayroon naman, ang ikinakabahala namin, kasi noong ginawa ang Bayanihan 1 and 2, nagkakaproblema doon sa implementation. Nagugulat nga kami, for example, sa hearing namin sa agriculture, na nasabi nila na ang pondo sa Bayanihan 2, I think, January lang siya nabigay sa kanila. So, can you just imagine na hanggang ngayon may mga ayuda na nakalagay sa Bayanihan 2 na hindi pa talaga nagagastos para makatulong sa ating mga kababayan.

Q: Ilan sa mga napaguusapan din ang pag-udyok ng Senado, lalo na kayo, na maging science- based ang mga polisiya. Kumusta po ang tingin ninyong trabaho ng IATF sa ngayon?

SNBA: Sa akin nga ang panawagan ko ay baka dapat dagdagan ng mga doktor o iyong mga nasa medical profession ang policy-makers natin sa IATF. Kasi, siguro mag-cite na lang ako ng example. Naaalala n'yo ba nang i-announce nila na pwede na ulit buksan ang mga sinehan saka arcade? Apparently this was not done in consultation with the medical profession, kaya 'di ba nagreklamo itong iba't ibang grupo ng mga doktor na hindi n'yo pwedeng buksan 'yan at the moment kasi ang mga lugar na iyan ay pwede siyang maging spreader sa virus. So, iyong mga ganoong polisiya, 'di ba? Kasi para din sa akin, Jeff, nagkakaroon ng confusion doon sa messaging, kung today ganito ang policy and then tomorrow, two days after, babaguhin mo na naman, ang mga kababayan natin nalilito na na ano ba talaga ang dapat naming gawin, ano ba talaga ang dapat sundin natin. So, sa akin iyon ang isang naging problema natin for 1 year na naka-lockdown tayo walang consistency sa messaging kung papaano ba talaga tayo gagalaw habang unti-unting nagbubukas ang ekonomiya.

Q: Hindi ito ang pinaka-huling insidente na may nanawagan ng resignation ni Sec. Francisco Duque. Noong isang taon, mayroon na ring panawagan kayo para siya'y mag-soul searching at magbitiw sa pwesto pero hindi naman pinagbigyan ni Sec. Duque at sa katunayan hindi rin naman siya sinibak ng presidente. Kung sinasabi po ninyo na hindi siya ang best person para pamunuan ang DOH sa kampanya kontra-Covid, mayroon ba kayong naiisip kung sinong pwedeng humalili sa kanya at kung ang ganyang panawagan ang totoo'y prerogative naman ng presidente kung sinong mananatili sa kaniyang myembro ng gabinete o hindi, para saan ang panawagan for him to resign?

SNBA: Well, at the end of the day tanggap naman natin na choice ni Sec. Duque kung gusto niyang mag-resign, at choice din naman ni presidente kung aalisin niya si Sec. Duque. But at the end of the day, siguro ang panawagan na lang ay sana'y pagnilay-nilayan nila kung talaga bang kaya nila ang trabaho, or talaga bang dapat siya ang tamang tao na kumbaga mag-implement, mag-isip kung ano ang dapat nating gawin para mabawasan itong problema natin sa Covid. Hanggang doon na lang tayo, hanggang paulit-ulit na panawagan.

Q: Anong aspeto po ba ng panunungkulan ni Sec. Duque ang sa tingin ninyo ay nagkaroon ng malaking pagkukulang kaya tayo umabot sa ganito?

SNBA: Siguro, Johnson, kung matatandaan mo noong first hearing namin sa Senado, I think February iyon, 'di pa nagla-lockdown. Natanong natin iyong sa contact tracing, kung doon ba sa mga kasabay noong nag-positive sa eroplano ay nahanap na nila. And then parang doon lang nalaman na parang hindi pa pala nako-contact trace iyong mga nandoon sa eroplano. I think isang sign na iyon na hindi naging pro-active, laging reactionary ang nagiging approach ni Sec. Duque. Siguro ito na lang, itong sitwasyon natin ngayon. Kung matatandaan ninyo 'di ba a few months back, noong nalaman natin na mayroon nang new variant dito sa bansa, anong paulit-ulit na mensahe na binibigay? 'Okay lang. Wala pang community transmission itong bagong variant.' And then kahapon, ano na ang balita, or the other day? Ang balita, buong Metro Manila mayroon na pala ng variant na ito. So, parang ganoon ang nagiging approach, lagi tayong naghahabol, hindi natin inuunahan kung ano ang pwede nating gawin para hindi kumalat itong Covid.

Q: At isa po yata sa mga hindi ninyo nagustuhan din ay kalihim mismo ng DOH ang nangunguna sa pamimigay ng face mask at face shield.

SNBA: Yes, Johnson, kasi nga 'di ba, katulad nga ng nasabi ko, dapat ang solusyon, I don't think iyon ang ginagawa ng Secretary of Health, ang mamigay ng face shield at magsabi sa mga nakakasalubong niya na magsuot ng face mask. Maraming tao ang pwedeng utusan diyan. Kayang gawin iyan ng mga tanod sa iba't ibang lugar. And for me, I think kaming nasa public service, kaming mga halal ng bayan o nagtatrabaho sa gobyerno, at this point siguro hindi rin maganda ang optics na nakikita sa video na si Sec. Duque, nakita n'yo naman ang video parang ang dami niyang kasama, para silang, I think kung sa classification kayo ng IATF pwede kayong ma-consider na mass gathering kasi more than 10 sila sa video na magkakasamang naglalakad. So, at this point siguro iyong mga ganoong optics na namimigay nga ng face shield, pero sangkatutak naman ang kasama, hindi siya maganda. Kasi for me, ang messaging ngayon is if we can stay home, let us stay home. Sa akin iyon lang ang talagang 100% way para hindi natin maikalat itong virus.

Q: Sen, bilang nanay napag-usapan nga po iyong face-to-face classes ng mga bata na nagre-ready na. Halo halo po, iba-iba ang naging reaksyon ng mga nanay, mayroong may takot, may sige na, okay na para makalabas na ang mga bata at mabalik nga doon sa kanilang normal na pamamaraan ng pagaaral. Ngayon nga ay tumaas na naman ang kaso, so ibig sabihin nito medyo malayo pa tayo talaga sa planong mag-face-to-face ang mga estudyante.

SNBA: Kung babatayan ang sitwasyon natin ngayon, mukhang malabo na naman siya ulit. Talagang natatakot ako para sa ating mga kabataan ngayon. Kasi during the last hearing nga, mayroon kaming ini-invite na doktor, si Dr. Carandang, at nabanggit niya na baka hindi na kayanin ng ating mga kabataan ang isa pang taon na nakakulong lang sila sa loob ng bahay at hindi sila pumapasok ng eskwelahan because at the end of the day, part of their development is iyong magkaroon ng social interaction sa kapwa nila mga estudyante. At isa iyon sa mga nawala doon sa isang taon na hindi sila nakapasok sa eskwela. So 'di ba bilang isang magulang, can you just imagine kung ano ang bahagi ng kanilang childhood, o development, ang nawala dahil nga dito sa lockdown na ginagawa natin.

Q: Sa nangyari ngayon na pinigilan natin ang mga bata na lumabas ulit. Ang hirap ulit magpaliwanag sa bata.

SNBA: Yes. School work and play is part of the development ng mga kabataan. I think isa yan sa mga lost factor sa kanilang development yung ganyang mga activity. Siguro idagdag ko lang na isa pang nakakabahala, tumataas din ang incidence ng mental health problems. Before pa ng COVID may serious problem na talaga sa mental health siguro because of social media, expectations ngayon... kumbaga may problema na sa mental health then nagkaroon ng COVID, ng lockdown so nadagdagan pa lalo kumbaga mas napalala yung existing problem natin among the youth dahil sa lockdown at COVID.

Q: Nakapagpabakuna na po kayo?

SNBA: Hindi pa at sabi ko nga inaantay ko yung Johnsons&Johnsons. Sabi ko nga takot tayong magpa-injection kaya gusto ko isang shot lang. So, aantayin ko yung turn ko dahil baka kahit dumating yung Johnsons&Johnsons e kulang pa din yung available na vaccine para sa mga priority. I am willing to wait. Titiisin ko na lang muna na magkulong sa bahay ko.

Q: May mga government officials po tayo na nakikipagunahan at tumalon sa priority list. Ano po reaction ninyo dito?

SNBA: Naiintindihan ko ang sitwasyon ng mga mayor at LGUs dahil for the longest time mayor ang tatay ko, yung mga kapatid ko, so naiintindihan ko yung rationale kung bakit nagpabakuna yung ibang mga mayor kasi may problema talaga tayo sa mga gustong magpabakuna. And the best way to encourage them is kung nakikita nila yung ama ng bayan e nagpabakuna so ibig sabihin noon safe siya. Ang problema is hindi pa iyon ang policy. Ang policy is hindi sila kasama sa priority group. Siguro ang dapat na naging panawagan is isama sila sa priority group just to encourage and not because gusto na nila makuha ang benefits ng vaccine. Dagdag ko lang na isa sa mga naging problema is nagkaroon ng order ang DOH na I think kahapon or today na kapag hindi niyo pa nagamit ang bakuna sa lugar niyo, e ibabalik niyo sa Central office yung mga bakuna. So, siguro yung mga LGU ang thinking siguro nila is andito na yung bakuna tapos di pa namin ano. Andito na might as well use it. I think nagkaroon ng ganoong rationale o reasoning kaya yung mga hindi health workers ay nabakunahan na. May naririnig din ako na ibang lugar na yung mga ibang health workers at frontliners ay ayaw din magpabakuna. So, sobra sobra talaga yung mg avaccine na napunta sa kanila. yun din yung kumbaga parang hindi ko maintindihan na may deadline at bakit kailangan ibalik pa sa central office. Bakit hindi na lang iutos ng DOH na sige kung wala ng frontliners, yung next in line. Baka puwede na magsimula yung mga senior citizens kung ang available vaccine ay pang senior citizens and kung walang senior citizens, yung next na lang. Wala ng solian kasi kumbaga ginastos na natin sa pagpapadala doon, gagastos ka nanaman sa pagbalik dito sa central office. I guess it's maling polisiya din siguro na itong mga hindi nagamit na bakuna ay ibalik sa central office.

Q: Pansin po namin sa Twitter medyo madalas maglabas ng pahayag ngayon ang inyong ama. Kamusta po ang conversations niyo sa nangyayaring p0litika ngayon dito.

SNBA: Parang hindi namin masyadong pinaguusapan ang politika kapag kami ay nagkikita. It's more of nakatutok kami sa virus kesa sa politics. Alam niyo naman na ang mga magulang ko senior citizen na din kaya ang concern natin is talagang maging safe sila sa virus. Mas iyon ang nagiging conversation namin.

Q: Mas nagiging vocal lang ano po?

SNBA: I guess siguro napuno na yung salop. Di ba kumbaga for the longest time pinagbigyan mo na kasi part of the learning curve or binigyan mo ng leeway sa pamamalakad. Pero at this point we need voices para sa mga taong hindi kaya o walang reach na sabihin ang kanilang nararamdaman.

News Latest News Feed