Press Release
March 25, 2021

Gatchalian: support to parents needed amidst distance learning, mental health woes

As families continue to struggle with the impact of the COVID-19 pandemic, Senator Win Gatchalian bats for institutionalizing the Parent Effectiveness Service (PES) program to help parents meet the learning needs of their children and provide them with socio-emotional support.

Senate Bill No. 1985 or the Parent Effectiveness Service (PES) Program Act aims to capacitate and empower parents and parent-substitutes to provide quality care during the critical stages of learners' development. Under the proposed measure, the PES program will consist of parent effectiveness sessions in every barangay. The program, which will be facilitated by psychologists, other health professionals, social workers and paraprofessionals, will provide modules on the roles and needs of parents and parent-substitutes, child development, home management, building the child's positive behavior, and keeping a healthy environment, among others.

A recent survey by the Social Weather Stations (SWS) revealed that 89 percent of families with enrolled school-age members (5-20) find the 'blended learning system' more difficult than traditional face-to-face classes. The same survey said that 60 percent of families spend more time teaching their children, with mothers commonly helping children with their lessons.

Gatchalian also emphasized that since children are more vulnerable to mental health issues after a yearlong school shutdown and home confinement while the remote learning setup poses a challenge to their access to psychosocial support, he said that parents have to step up to support the learners, making them more prone to exhaustion.

The lawmaker recalled that some parents were reported to resort to "sagot-for-sale" scheme, where they hired someone else to work on their children's modules.

"Bagama't mahalaga ang papel ng ating mga magulang sa pagpapatuloy ng edukasyon at sa pangangalaga sa mental health ng mga kabataan sa panahon ng pandemya, hindi naman maaaring ipasa natin sa kanila ang lahat ng gawain, lalo na't marami sa kanila ang naghahanapbuhay din at nakakaranas ng pagod," said the Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

# # #

Gatchalian: mga magulang kailangan din ng suporta sa panahon ng pandemya

Habang patuloy na tinutugunan ng mga pamilya ang mga mga pinsalang dulot ng pandemya, isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang pagpapatupad ng programang Parent Effectiveness Service (PES) sa bawat lungsod at munisipalidad sa bansa. Ito ay upang matulungan ang mga magulang na maging epektibo sa paggabay sa kanilang mga anak sa usapin ng edukasyon, pati na rin sa pagbibigay ng socio-emotional support.

Layunin ng Senate Bill No. 1985 o Ang Parent Effectiveness Service (PES) Program Act na paigtingin ang kakayahan ng mga magulang at mga parent-substitutes sa pagbibigay ng kalinga at paggabay sa edukasyon ng mga kabataan. Sa ilalim ng panukalang batas, ang PES program ay magkakaroon ng parent effectiveness sessions sa mga barangay.

Mga psychologists, health professionals, social workers, paraprofessionals, at social workers ay ilan lamang sa magsisilbing mga facilitator para sa naturang programa. Tatalakayin naman ng mga modules na gagamitin sa programa ang mga usapin tulad ng child development, home development, pagtuturo ng magandang asal, at pagkakaroon ng malusog na kapaligiran para sa mga kabataan.

Sa isang survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS), halos siyamnapung (89) porsyento ng mga pamilyang may mga kasaping nag-aaral (edad lima hanggang dalawampu) ang nagsasabing mas nahihirapan sila sa blended learning kung ihahambing sa face-to-face classes. Lumabas din sa naturang survey na animnapung (60) porsyento ng mga pamilya ang naglalaan ng mas maraming oras sa pagtuturo at kadalasang ang ina ang nagtuturo sa mga anak.

Paliwanag ni Gatchalian, ang isang taong pagsasara ng mga paaralan at pananatili sa mga tahanan ay nakakapinsala sa mental health ng mga kabataan. Dagdag pa ng senador, may ilang mga mag-aaral na walang access sa psychosocial support. Bagama't kinailangan ng mga magulang na suportahan ang kanilang mga anak sa usapin ng mental health, binigyang diin ni Gatchalian na ang patong-patong na responsibilidad sa gitna ng pandemya ay nakakapagod para sa kanila.

Binalikan ng senador ang nabalitang may ilang mga magulang na pumapatol na sa "sagot for sale," kung saang kailangan pa nilang magbayad ng ibang tao upang sagutan ang mga module ng kanilang mga anak.

"Bagama't mahalaga ang papel ng ating mga magulang sa pagpapatuloy ng edukasyon at sa pangangalaga sa mental health ng mga kabataan sa panahon ng pandemya, hindi naman maaaring ipasa natin sa kanila ang lahat ng gawain, lalo na't marami sa kanila ang naghahanapbuhay din at nakakaranas ng pagod," ayon sa Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

# # #

News Latest News Feed