Press Release
March 26, 2021

Transcript of interview of Sen. Nancy Binay
POLITISKOOP
March 26, 2021

Question (Q): At kasama natin ngayon si Senator Nancy Binay. Hi ma'am, good morning.

Sen. Nancy Binay (SNBA): Good morning, magandang umaga sa lahat ng nakikinig at nanonood ng inyong programa.

Q: Nag-uusap kami sa programa, 'How would you describe Sen. Nancy?' Sabi ko, 'She's the model example of us Filipinos talaga, di ba kalmado, sensible kausap.'

Ma'am, narinig ninyo kanina si Senate President Tito Sotto, sabi niya, 'something must be wrong', kayo ba, what do you think is wrong? Why are we seeing these new numbers again, puro record high na naman po?

SNBA: Katulad nga ng nabanggit ko, parang naging ningas-cogon kasi tayo dun sa approach natin with Covid. Sa umpisa, nung unang bukas from the hard lockdown, di ba makikita natin sa mga bus stations, jeepney stations, di ba may nagche-check ng temperature, may nag-i-spray ng alcohol, and then habang tumatagal mukhang hindi na nasunod yung mga basic health protocol na dapat ipatupad. And I think wala ring continuity dun sa messaging na kahit nagbubukas yung ekonomiya natin meron pa rin tayong dapat na mga bagay na dapat gawin, and I think dapat ngayon pa lang, gawin na nating bahagi ng ating way of life with Covid, dahil alam naman nating mukhang matagal, yun na yung magiging new normal natin. We have to live with the virus. And living with it means may mga dapat tayong gawin lahat, dapat mayroon tayong sundin like yung pagsusuot ng mask, physical distancing, yung mga ganung basic protocol. And nawala yun over the past few months, di ba? Makikita natin may mga government official, may mga celebrity, na lahat nasa Boracay na or nasa Palawan na na nagbabakasyon. And hindi pa ganun, that would not be our new normal.

Q: Ma'am susugan ko yung sinabi ninyo kanina yung sa messaging, importante, kasi kayo po ay talagang dikit yung inyong bituka, kumbaga, sa masa talaga. You get the majority of our people. Ito pong messaging, para sa inyo po, malinaw po ba [o] nakakalito itong napakarami nating variation ng ECQ, MECQ, mga ganyan, tapos paulit-ulit na lang tayo, mask-mask o anuman pa, ano po ba dapat ang mensahe na ipinaparating natin sa mga Pilipino? Sabi ninyo nga, may nagbabakasyon, ano po ang mensahe ma'am, kung kayo po ang tatanungin?

SNBA: Naiintindihan ko naman na kailangan talagang buksan ang ekonomiya. Kailangan magtrabaho, kailangan kumita ng ating mga kababayan. Kaso lang, as we open the economy, hindi natin tinuruan itong mga magbabalik sa kanya-kanyang mga trabaho what will be the new protocol with the new normal. For example, nagtatrabaho ako sa isang BPO, kunyari nagkaroon ka ng sore throat, ano yung protocol doon sa empleyado na yun? Tatawag ba siya kay HR, sasabihin ba niya na masakit ang lalamunan ko, and then libre ba yung testing? Kasama ba yung free testing doon sa empleyado na yun, yung mga ganung basic protocols as we open up the economy. Parang walang ganung sistema na in place, sabi ko nga, at the very beginning, nung nag-uumpisa pa lang itong problema natin sa Covid, sabi ko, baka dapat nga yung national government through PCOO or I don't know kung anong ahensya, through DOH, maglabas sila ng booklet na parang pag ikaw ay...

Q: ...handbook...

SNBA: ...yes, or a comic, or whatever, na parang kunwari, jeepney driver ka, ito yung new normal mo. Ito yung pwede mong tawagan pag masama ang pakiramdam mo or whatever. Or pag nagtatrabaho ka sa restaurant, ito yung new normal mo. Yung mga ganung bagay ba, wala tayong ganun e.

Q: Sabi po nila bago pa lang pero naka-isang taon na nga rin tayo, dapat nakagawa na rin tayo ng mga ganyan.

SNBA: Yes, and habang nakalockdown tayo, kumbaga, paulit-ulit na nating sinasabi na ito, kumbada, I don't know the right term for this, nagkaroon ng indoctrination on what will be the new normal. Para sa akin kasi, we need to learn to live with the virus. Paulit-ulit kong sinasabi, bakit hindi natin tingnan kung ano yung best practices na ginawa ng Vietnam. Ang Vietnam, hindi naka-angkla yung pag-usad ng ekonomiya nila sa bakuna. I think sa lumabas na data, sila yung pinakahuli when it comes to vaccination, pero sila rin naman yung pinakamababa ang case ng Covid, and then sila pa yung for 2020 nag-increase pa yung ekonomiya nila, inspite of the fact na may pandemic.

Q: Ma'am, how do you feel about, let's say, si Sec. Duque saying na isa sa mga dahilan na dumadami ulit yung kaso is dahil nga sa mga tao, hindi daw sinusunod yung health protocols, wearing of masks, and also the President, in passing, saying na kasi sobrang dami na talaga, overpopulated tayo sa Metro Manila. In a way parang sinisisi yung tao. What do you think about that, tama ba na ganun ang treatment nila?

SNBA: Siguro there's half truth to that, na meron naman talaga tayong mga kababayan na hindi sumusunod sa basic health protocols, but hindi mo rin naman sila masisisi kung hindi rin naman sila naturuan kung bakit napakahalaga talaga na sundin nila yung magsuot ng face mask, magpractice ng social distancing, and siguro, cite ko rin, it also stems from the policy. For example, itong public transportation natin, parang the other day lang nasa EDSA ako, nakita ko yung mga bus parang halos more than 50 percent na yung capacity niya. Bakit hindi na lang ginawa ng government dinagdagan yung pwedeng bumyahe na public transportation at a limited capacity. Di ba ini-insist nila na ito lang ang pwedeng lumabas dagdagan natin yung capacity. E ang mahalaga ngayon sa public transportation natin e yung magkaroon ng social distancing. E how can you practice social distancing kung I guess 50 percent yung allowed dun sa mga public transportation.

Q: Enforcement po ma'am ang parang nakikita ninyong kakulangan natin, yung nagbabantay, e parang karamihan sa ating mga pulis, military ay nagkakasakit. Ano pong tingin po ninyo dapat, kasi may experience kayo sa local government, do you think the local government should and have parang mga force multiplier to help the enforcers around?

SNBA: Siguro nga magandang programa yan na, alam natin yung DOLE mayroon silang parang cash for work program. Baka maganda to help yung mga nawalan ng trabaho, baka pwede silang gawing tanod to check kung nasusunod yung health protocols. Hindi para manghuli, hindi para manakit...para lang sabihin sa kanila na paulit-ulit na 'yung mask mo' o 'ito dapat yung tamang distansiya' habang nakapila kayo or whatever. Baka that is one way of job generation dun sa mga nawalan ng trabaho.

Q: Tas sa bus po may nakatayo just to ensure no, parang ganun. Isang tao lang naman ang kailangan para makita nila na 50 percent, at ito hindi nagdidikit-dikitan. SNBA: And I think baka doon sa bus habang may surge tayo e baka pwede wala munang aircon, kasi di ba, habang may aircon doon, nagsi-circulate yung air, e nakita. Yun din napansin ko rin, sa MRT, may mga pasahero na nakatayo, so ibig sabihin nun ang capacity niya, I think, is way more than what we can or para masunod talaga yung social distancing.

Q: Are you one with the other senators to say na kailangan buwagin na ang IATF? Or irepurpose lamang ito?

SNBA: Ako siguro baka change of guards, more of...or baguhin yung composition niya, baka it's high time na dagdagan natin yung mga nasa medical profession. Baka kailangan mas marami silang boses sa IATF, kasi cite ko lang, Ina, Michael, di ba, a few weeks back or a month ago ba yun, di ba naglabas ang IATF ng policy na pwede nang buksan yung mga sinehan at mga arcade, and then a few days after, or the next day, nag red flag itong mga medical expert natin. Parang 'naku, don't do that, kasi ano yan, breeding ground yan, pwede siyang maging superspreader of the virus', yung environment ng movie house and mga arcade. E kung meron na sigurong participation itong, more participation itong mga health experts natin, hindi na maglalabas ang IATF ng ganung policy, di ba? Bakit kailangan na maglalabas sila ng policy, magrereklamo yung taong bayan, tapos babawiin na nila yung policy. And the confusion stems from that, na parang today this is the policy, the next day iba na naman yung polisiya. Parang lately meron silang ganyan silang ginawa e

Q: Gym po at saka church

SNBA: Yung gym, oo. Yung spa, and then may isa pa, yung, di ba, pinagbawal nila na hindi pwedeng pumasok yung mga Filipinos from abroad, and then a few days after, binago na naman nila na pwede na pala. So dapat may masusing pag-aaral and then consultative dapat yung mga policies na nilalabas ng IATF. Kumbaga, by the time na in-announce nila yung ganitong policy na susundin nating lahat, ano na yun, kumbaga, dumaan na yan sa butas ng karauyom.

Q: Kaya para hindi ko maano ma'am, inconsistency...Malacanang has been saying that all policies of the IATF ay nagkonsulta sila ng mga doktor and health experts and yet we see these changes often, and at the same time, si President Duterte himself as we heard earlier, sinasabi na you don't have to be doctors naman here e.

SNBA: I think Ina, bahagi ata ng interview kay Senate President yung nabanggit din nya ata dun sa interview na yun, na parang ang hirap din dun sa IATF, they have control of, parang sila lang ang may alam. And when you suggest, or when you tell them na baka mas maigi yung ganito, parang they don't accept it. They think of it as a criticism...Narinig ko rin dun sa isang interview ng isang grupo ng mga expert, they've been sending their proposals to IATF, but apparently, hindi sila nakikinig. Siguro, kung yung composition ng IATF e hindi marunong makinig, e baka nga palitan sila nung mas binibigyan ng halaga yung mga sinasabi ng mga experts. I guess you really don't need to be a doctor but if you're somebody who doesn't listen to the experts, e mahirap din yung ganun. Tayong lahat yung mapapahamak. And maybe that is the reason why we are worse off where we are after a year.

Q: Hindi po excellent?

SNBA: Hindi e.

Q: A hindi, hindi talaga, oo.

SNBA: Di ba, hindi na excellent? Fairly good, parang may ganun.

Q: May konting bawi na. Tapos ngayon ma'am, ang hot issue ay syempre yung mga pa-VIP. Ang tawag nila doon sa mga nagpapabakuna. Sino ba ang dapat nilang sisihin dito, both the LGU and also ba, kailangan bang may liability or accountability yung regional health office providing the vaccines, what do you think about it?

SNBA: Ito, naririninig ko rin ito on the ground, siguro dahil nga sa background ko with LGUs. Ang nagiging problema nga talaga dun sa baba and alam naman natin lumalabas dun sa mga survey, may hesitancy talaga na magpabakuna yung mga frontliners natin. In fact I know of a city, na walang, kumbaga, walang takers dun sa bakuna. And then, ito pang DOH, I think they issued an admin order last Monday March 24, yung mga hindi nagamit na bakuna kailangan isoli sa central office. So siguro ang naging mindset ng mga LGU, sandali nandito na sa amin ang bakuna bakit pa namin isosoli na hindi namin alam kung kelan kami ulit mabibigyan. So siguro kaya naisip nila na gamitin na lang. And I guess balik nanaman tayo sa tamang messaging. Mukhang noong nagpapractice sa pagdating ng bakuna, hindi din naexplain sa kanila ang protocol. Kasi ayaw din naman natin may masayang na bakuna lalo na yung Astra Zeneca kasi sa isang vial hindi siya 1 is to 1 so kapag nagamit mo yung isa dapat may nakaabang ka na na gagamit para maubos yung buong vial. Mukhang hindi nasabi sa drill na kapag ayaw ng frontliners baka puwedeng magkaroon kayo ng pool na maghihintay sa gilid just in case na hindi sumipot or ayaw, ito yung back up mo. Baka kunwari meron kang 5 senior citizens na nagiintay kasi sila naman ang next in line. Bt apparently mukhang hindi din iyon kasama sa tamang pagpapaliwanag sa LGU.

Q: Hindi yung pag umatras na yung isa pwede na si Mayor o si councilor...

SNBA: Pagdating naman doon sa mga mayor, naniniwala din naman ako na malaking nakita nila na ang ama ng lugar nila hindi natatakot magpabakuna. I think mayroon talagang convincing power iyan.

Q: Iyong sinasabi n'yo po kasi parang AstraZeneca mataas naman ang kumpyansa, pero iyong Sinovac po 'no parang iyon ang medyo kinatatakutan ng karamihan sa atin.

SNBA: Ah, iyong nabanggit ko na lugar AstraZeneca iyong maraming sobra.

Q: In Bicol

SNBA: Ah, it's not in Bicol. Somewhere here near Metro Manila. Marami ring hindi takers ng AstraZeneca. I think talagang mayroon talagang ayaw magpabakuna. Or takot magpabakuna. But kung nakikita nila na maraming personality katulad ni mayor na hindi naman nagkaroon ng adverse effects. I'm sure marami ring magpapabakuna. Kaso lang ang pagkakamali ng mga nagpaturok ay the policy is hindi sila priority, 'di ba. So dapat, siguro we should all lobby, or their group should lobby IATF na baka pwede ilagay sila doon sa reserve, kumbaga, kung may hindi sumipot, kasama sila sa next in line na pwedeng bakunahan.

Q: Iyong sinasabi n'yo nga po if the confidence level is low sa area na iyon, they could be, just to stimulate others to be vaccinated.

SNBA: Yes, Michael, kasi the mere fact na naglabas ang DOH ng department order to send back to central office ang mga bakuna, ibig sabihin mukhang marami ang natira.

Q: Hindi po ba kaya sila nag-request to send it back because the surge po is Metro Manila?

SNBA: For me kasi it doesn't make sense. Nabigay na, eh. Isipin mo iyong gastos. 'Di ba iyong gastos na ibabalik sa Maynila, tapos at some point magpapadala ulit. Iyong spoilage n'on, may percentage na ganoon rin. And at some point, magpapabigay naman tayo ulit ng bakuna sa kanila dahil kulang naman talaga. So parang for me, nalabas na iyan, na-distribute na, kung sino ang nandoon sa priority group hanggang maubos siya, iturok na natin. Ubusin na nila dahil nandyan na 'yan, eh.

Q: Babalik talaga tayo sa sinabi n'yo, ma'am. Messaging talaga ang mahina, 'no?

SNBA: And then this new batch, 'di ba halimbawa may dumating na Sinovac na 400,000 I think the other day. Eh 'di iyon iwan na lang siya dito sa NCR and the other provinces na kasama sa bubble. Iyong NCR Plus.

Q: Mayroon din po kayong sinasabi na mayroong 7,500 vaccines that may not be used to its maximum efficacy dahil hindi properly stored. 7,500 vaccines in Bicol, iyon po ang nasa statement ninyo. Paano iyon, I mean, masasalba pa po ba iyon?

SNBA: I think ini-investigate yata ng DOH. I'm not familiar with the protocol. Ang nangyari yata kasi, hindi ma-guarantee ang temperature ng kung saan nilagay ang bakuna dahil nasira yata ang temperature or data log or whatever. Basta may nasira doon sa kung saan ini-store. But hindi naman yata nawala ang lamig sa kung saan nilagay, but it's the temperature. So baka the FDA can test that batch kung anong efficacy niya.

Q: Really they should, ano? Kasi nga naman sayang din. Or it could lead to other problems if, I don't know, ma-assume na ito ang efficacy and then hindi pala.

SNBA: Kung hindi na talaga siya pwede, talagang sayang iyong 7,500. That's 7,500 na kababayan natin na pwedeng maturukan.

Q: Oo, ang dami noon. At 7,500 na pwedeng makapanghawa kung saka-sakali. Ang bakuna natin puro donasyon. Anong balita n'yo ba sa, pwede bang bumili una ang private companies doon sa tripartite, iyong LGU din po, pwede bang bumili sila sa tripartite din na pangyayari? (Ina) And to point out lang, ma'am, it's been one month since you passed the vaccination act, tapos wala pa iyong mga bakunang bibilhin.

SNBA: Well, ano na ito eh. Ito iyong naging epekto na na hindi tayo agad nag-order. Isa pa iyon doon sa nakikita namin paulit-ulit, parang walang sense of urgency doon sa mga policy-makers, decision-makers natin when it comes to the response against Covid-19. Itong sa, itong mga bakuna, iyong dadating, iyong unang dadating na na binili, na AstraZeneca, hindi pa iyan sa national government. Sa ano lang iyan, sa private sector at LGU. Technically ang talagang nabili lang ng national government ay Sinovac, which I think darating na yata iyong 1 million, I think by next month darating na. So iyon nga, and then iyong Moderna na naririnig natin, mukhang private sector din iyong binili nila.

Q: Hindi po ba ang nakapag-stall nitong sinasabing pag-order ng LGU o ng private is iyong indemnification law na napirmahan na rin po ng pangulo?

SNBA: Yes, naging bahagi na iyan ng pinasa naming vaccination act na may 500 million na pondo na naka-set aside para sa indemnification. Actually, lumabas lang naman talaga na kailangan pala iyan dahil doon sa Covax facility nire-require ng I think ng magdo-donate na kailangan may indemnification fund. Can you just imagine kung hindi namin napasa iyong vaccination act, baka hanggang ngayon wala pa itong AstraZeneca na donated sa atin.

Q: Ang pangulo po sinabi na hindi niya papayagan, tila nakalimutan niya ito. Baka nag-send na naman po ng wrong message.

SNBA: Baka doon din sa kanila may problema din ang messaging and briefing sa pangulo. Baka hindi napaalala o nabanggit sa kanya na, "sir napirmahan n'yo na yang indemnification."

Q: Dapat in-edit out na nila. Hindi ko rin maintindihan sa mga kaibigan natin diyan. Is there any update from 1Sambayan, are they still trying to convince you to change your mind about running in 2022 for a higher office?

SNBA: At the moment hindi pa kami nakakapag-usap ulit. But I told them already na --in fact nag-issue na nga ako ng statement-- I am not running for higher office for 2022.

Q: Kapag there is no one else, sabihin nila?

SNBA: Mayroon naman.

Q: You think mayroon? Actually isa iyan sa mga gusto ko itanong, eh. You think they're going to find someone strong enough because, you know, mataas pa rin naman talaga ang ratings ng administration. Are they gonna have an easy time finding someone who can really fight?

SNBA: I think so. Tingin ko mayroon naman.

Q: Do you have someone in mind? Can you just whisper to us kung sino?

SNBA: Wala, eh.

Q: Akala ko sabi n'yo mayroon.

SNBA: Biruan ko nga, I think na-trauma lahat sila sa nangyari sa daddy ko na nag-announce nang maaga, 'di ba? Ngayon naman walang may gustong mag-announce.

Q: Si Sen. Manny, he hasn't announced, but because of iyong pa-presscon niya, syempre ang daming assumption na nangyari, and then some senators also ma'am are giving their statements na, oo gustong tumakbo, and if you don't want to vote for him just honor him. Kayo po ba, I don't know, your thoughts on the situation ni Sen. Manny Pacquiao?

SNBA: Actually ako, personally hindi ko pa siya nakakausap, so I am not privy kung ano talaga ang plano niya. Dahil hindi pa niya ako nilalapitan, hindi pa niya nababanggit ang plans niya sa 2022.

Q: Hindi ka pa niya tinatabihan, can we talk about this? Parang ganoon po?

SNBA: Hindi, kasi maaga pa kami nag-quarantine 'di ba? Well, kami ni Sen. Sherwin ang unang senador na nag-quarantine, and then hindi rin ako madalas pumasok, I think mga 3 times lang yata ako pumunta sa Senate to attend session. The whole time online lang din ako, so wala ring pagkakataon.

Q: Pero ito, ma'am, binanggit n'yo na rin lang si erpat, hindi po ba parang ironic so to speak, parang dati kung makabatikos sila wagas tapos ngayon parang bahagi na kayo ng isa sa mga frontliners para ipaglaban, ipagtanggol o mabawi from this administration. Ano pong naglalaro sa utak n'yo diyan?

SNBA: Syempre nakakapanibago. But sa akin naman, Michael, Ina, at the end of the day we should set aside whatever hurt feelings, personal issues namin. At the end of the day what's important is for us to get the right person to lead us sa 2022. Dahil kawawa ang magiging susunod na presidente. Kung sino man siya, ngayon pa lang naaawa na ako sa kanya. Hindi madali ang magiging trabaho niya. And nakasalalay sa ating lahat na ihalal ang tamang pangulo dahil sa bandang huli, iyang pipiliin natin either ikalulubog natin o ikakaahon natin dito sa sitwasyon natin. So ganoon ka-importante ang presidential election for 2022.

Q: Anong mga key adjectives ba ang dapat natin hanapin para hindi tayo malubog?

SNBA: For me, no. 1 track record. Iyong history niya sa pamumuno. Kasi 'di ba noong 2016, ang naging, parang hindi naman natalakay kung may kakayahan ba siya, kung anong record niya when it comes to help. Doon ba sa lugar niya napaigi niya ba ang access to health ng constituents niya. Hindi natalakay iyon. Or how important is education, noong 2016 hindi rin nabigyan ng halaga kung ano ang track record pagdating doon sa pagtatayo ng eskwelahan sa mga lugar, or what is the poverty rate doon sa lugar na supposed to be may experience siya. Ang naging focus kasi noong 2016, iyong problema natin sa crime, problema natin sa drugs. That was the important thing. The important thing was safety from criminals, safety from drug addicts, na parang isinantabi na natin na, ano nga bang track record nito sa health, ano nga bang track record nito sa job creation, anong track record nito sa edukasyon. Hindi na masyadong binigyan ng halaga iyon. And for me, sa 2022, iyan ang kailangan natin i-focus. Kailangan natin i-focus, mayroon ba siyang nagawa para mapagamot ang mga constituents niya, mayroon ba siyang napagawa para mabawasan ang mga out-of-school youth doon sa area niya.

Q: Sa mga qualifications naman, mayroon naman sa mga naiisip n'yo?

SNBA: Mayroon naman.

Q: Are you still currently the president of UNA? Anong plans, anong usap-usapan ngayon sa UNA, filing of certificates of candidacy is in October, anong plano, are you working with perhaps 1Sambayan or other parties?

SNBA: I guess may, hindi ko alam kung may paguusap. I think it's more of my father who's doing the consultation when it comes doon sa alliances with other groups. But ako personally wala pa, kasi nga nakatutok lang ako sa Covid.

Q: Ano po bang kulay n'yo talaga, ma'am? Ano bang mas matingkad sa inyong kulay? Kulay ng administrasyon o oposisyon? Ano mas papanigan o samahan?

SNBA: Ako I am colorblind. Kasi 'di ba, kung tama naman ang ginagawa ng incumbent, I would support. Pero kung mali, sisitahin natin. And then doon sa dilaw or what other colors, kung tama din naman ang nire-raise na isyu, susuporta din tayo doon. For me at the end of the day what's important is what will be good for all of us. Whether that suggestion galing iyan sa DDS or dilaw, or whatever color.

Q: Pero sa darating na eleksyon, anong kulay kaya kayo sasanib o makikipag-sanib pwersa?

SNBA: Basta doon sa kulay na talagang makakaahon sa atin sa sitwasyon natin ngayon. Kasi I mean for me, where we are right now is not acceptable. Alam n'yo Michael, Ina, for the past months, we've been conducting hearings sa committee on education. And very alarming for me, ha, because this is our next generation, itong mga estudyante na for this school year hindi sila nagkaroon ng face-to-face classes. Hindi sila nagkaroon ng, in fact, huling hearing namin we invited psychiatrist Dr. Carandang was our resource person, and she was saying, before this pandemic, we were already having mental health issues among our youth. And then nangyari itong pandemic. So talaga daw nag-spike pa lalo iyong problema.

Q: Very interesting po 'yan, ma'am. Kasi mayroon akong anak, college, and ang nangyari they were all discussing daw na mag-LOA muna kasi daw mahirap talaga matuto. Tapos iyong youth mo nasayang dahil wala ka ngang interaction.

SNBA: ... and nasabi din doon na part ng dev't ng kabataan natin is the physical interaction with their age group. And walang nangyayaring ganoon ngayon. Can you just imagine kung anong magiging epekto in the coming months or next year, maybe this is something the senate can fund, to do a study kung iyong nawala sa ating mga kabataan na hindi nakakalabas for a year and how do we catch up. Kasi natanong ko din iyan kay Dr. Carandang pwede pa bang habulin and sagot niya sa akin puwede pa habulin but we have to do it soon. Which means its very urgent for us to start unti-unting magbalik sa face to face. I am not saying that it will be the old way of going to school but at some point dapat may face to face classes na mangyayari.

Q: 5 years old daw ang pinakasponge nila. Its not on the learning but more on the interaction with their peers.

SNBA: Nakakalungkot pa, sa hearing lumabas na according to some internation NGA, in Asia, tayo na lang ata ang hindi pa nagfaface to face. All over the world, we are one of 14 na hindi pa pumapasok ang mga bata. Ganoon kasama yung data. And can you imagine may problema na tayo lagi tayong kulelat sa mga test na ginawa and it is safe to assume na maskulelat pa tayo dahil nga sa blended learning na nangyayari ngayon.

Q: Ma'am finish the sentence: Nasaan na...

SNBA: ang bakuna

Q: wag ako...

SNBA: tatakbo sa 2022

Q: Kung hindi ngayon kailan?

SNBA: bukas

Q: Ang laki laki naman...

SNBA: ng problema natin ngayon

Q: Hindi naman kayo mabagal...

SNBA: hindi din kayo mabilis

Q: Ilabas niyo na...

SNBA: ang bakuna

Q: Sinetch itech o sino ito? Sino ang fashion icon niyo?

SNBA: Audrey Hepburn

Q: Sino ang gusto mong sabihan ng how to be you po?

SNBA: Prime minister ng New Zealand

Q: Sikat na halos malaglag ang panga niyo nang makita niyo ng personal?

SNBA: Si John Lloyd Cruz

Q: Dedma ka lang at wapakels

SNBA: Mga bashers ko

Q: Blind item tayo. Sa apelyido ng taong babanggitin ko may isang letra na nandoon. Isang letra sa apelyido ng iboboto at susuportahan mo sa pagkapangulo sa 2022?

SNBA: O

Q: Isang letra sa apelyido ng susuportahan mo sa pagkabise presidente sa 2022

SNBA: O ulit.

Q: Isang letra sa apelyido ng opisyal na dapat na magbitiw dahil sa kapalpakan

SNBA: E

Q: Isang letra sa apelyido ng pamilya na handa na kayong patawarin

SNBA: Madami sila baka kulang ang isang letra. Baka masmagandang tanong mo yung hindi ko pa napapatawad.

Q: Pwede rin...

SNBA: C

Q: Isang letra sa apelyido ng isang tao na ayaw kausapin ng inyong ama.

SNBA: Baka A

Q: Ang options niyo po sa sagot ay Petmalu, Chika lang o Eklavu. Ang category ay performance ng mga ahensya na babanggitin. DOTR?

SNBA: Borderline Chika lang at Eklavu

Q: DOH

SNBA: Borderline Chika lang at Eklavu

Q: Ayaw mangchukchak ni senator.

SNBA: Mahirap din naman kasi mag generalize kasi may nagagawa din naman silang tama.

Q: PCOO

SNBA: Same. Pwede ba lahat ng government agency ganoon?

Q: Tignan natin... DOT

SNBA: Siguro chika lang. Kasi ang issue ko lang is baka hindi ito ang right time to promote tourism kasi for me it sends a mixed signal na parang pwede ka magbakasyon pero may surge or hindi ka puwedeng pumasok sa eskuwelahan so for me back to messaging.

Q: DILG

SNBA: Borderline Chika lang at Eklavu

Q: AFP/PNP

SNBA: Borderline Chika lang at Eklavu

Q: Senate

SNBA: Syempre Petmalu

Q: Malacanang

SNBA: Borderline Chika lang at Eklavu

Q: Isang tanong isang sagot. Ano po ang gusto niyong itanong sa taong babanggitin. Sec. Duque.

SNBA: Bakit ayaw mo pa magresign?

Q: Roque

SNBA: Naku love ko yan. Kamusta na yung quarantine nya at health nya. Kasi nagpositive sya at nagkaco-morbidity.

Q: Pnoy

SNBA: Wala akong gustong malaman

Q: 1Sambayan

SNBA: Wala rin. Natanong ko na sa kanila ang mga dapat kong itanong.

Q: PRRD

SNBA: Kung kamusta na sya. Kasi yung problema ngayon mabigat. Malaking bagay yung pinagdadaanan natin ngayon. In a way selfish yung reason parang in a way natutuwa din ako na hindi nanalo yung daddy ko kasi literally pasan mo ang daigdig ang feel. I mean kung presidente ka iyon ang pasan mo ngayon. So kamusta ba talaga siya at kaya pa ba?

Q: VP Leni

SNBA: Kamusta din.

Q: Anong gusto mong itanong sa iyong dalawang kapatid na si Junjun at Abby?

SNBA: Anong itatanong ko sa kanila? E alam ko naman. Wala e. Alam ko naman yung sagot bakit ko pa itatanong.

Q: Isang sagot naman. Anong sagot mo sa sino ang makakapilit sayo na tumakbo bilang pangulo?

SNBA: Wala talaga. Kahit daddy ko.

Q: Kung hindi ikaw sino dapat?

SNBA: Naghahanap pa tayo

Q: Sa mga hihingi ng tawad nba nagkasala sayo at sa pamilya mo?

SNBA: May mga humingi na ng tawad.

Q: Baka meron pa in waiting?

SNBA: Meron pa ba after anim na taon?

Q: With your indulgence senator ang sagot niyo lang is ngingiti ka, tatawa ka, or hahalakhak ka.

SNBA:

Q: Sara Duterte

SNBA: Smile

Q: Antonio Trillanes

SNBA: Smile

Q: Bong Go

SNBA: Smile

Q: Manny Pacquiao

SNBA: Smile

Q: Tito Sotto

SNBA: Smile

Q: Sec. Duque

SNBA: wala e

Q: Noynoy Aquino

SNBA: Smile na lang lahat

Q: Mar Roxas

SNBA: Smile din

Q: Ma'am thank you so much for your time this morning.

SNBA: Thank you and please sa mga kababayan natin let us practice yung apat dapat. We need to stop the surge.

News Latest News Feed