Press Release
April 5, 2021

Senator Imee R. Marcos Senate Media Presscon

Meanne: ...Na yung financial assistance po na ibibigay sa NCR plus kasama Cavite, Bulacan, Laguna, and Rizal while we are under ECQ, it's Php1000 per individual for estimated 22.9 million low-income population. Pero ma'am, Php4000 maximum daw po per family. Siguro po yung una kong tanong, is this enough yung Php1000 per person or Php4000 maximum per family?

SIM: Well, alam natin said na said yan ano. Kasi dun sa 1000, wala paying karne diyan. Talagang wala ng manok at baboy. Tapos sa, yun nga, talagang kapag isang buong pamilya, nagkakaroon ng inequality kasi yung iba ang dami-dami nilang natatanggap yung iba naman, wala pa ring natatanggap hanggang ngayon. Iyon talaga ang problema kasi kung tutuusin. Wala namang maayos na listahan ang DSWD kundi yung listahan nila ng 4Ps. Iyon namang DOLE, wala namang listahan ang mga yan kundi mga formal workers o di kaya yung buwanan na de-kontrata. Eh papaano naman yung karamihan na mahihirap na kung tutuusin arawan naman ang bayad at wala namang kontra-kontrata. So, iyon ang problema. Ang ending, bumabagasak ang problema sa LGU. Yung LGU, ito nga, ala-tsamba naman kasi yung iba nagrereklamo na yung mga LGU o yung barangay, binibigay naman sa mga taong may "K", mga kapitbahay, mga kamag-anak, mga kumpare. Hindi naman pu-pwede yun. So, yung iba naman sinasabi epal daw yung Mayor. Napakaraming reklamo. May suggestion sana ako sa mga LGU. Palibhasa ang tagal ko nagging gobernadora. Ano kaya, ipaskil natin online or physically sa mga barangay kung sinu-sinong mga nabigyan na at sinu-sino ang bibigyan pa. Pag nagreklamo, at least na isa-publiko, higit sa lahat, may transparency at accountability. Sisihan na to pag hindi kayo naisali. Pero at the end of the day, ang totoo, kulang talaga yung pera. Kulang ang budget ng National Government. Kaya yung may kaya nang kaunti, mga LGU na malalaki sa Metro Manila, siguro dadagdagan ng (inaudible) ng mga yan. At yung kawawa ngayon ay mga probinsya't munisipyo na sinasabing 5th and 6th class na talagang hindi na kayang dagdagan pa ang binibigay ng National Government.

Meanne: So, ma'am, you agree na hindi po sapat yung 1000 per person kahit pa umabot ng 4000 per family?

SIM: Nako, kahit ano pang dahilang Ilokana, hindi kakayanin ang 1000. Talagang imposible yun. Tapos magulo pa yung usapan kung 1000 in cash or in kind. Hindi ko maintindihan kung papaano gagawing in kind. Palagay ko, may ibang mga LGU na may stock na sila, ganun ba yun? kasi kung mapo-procure pa yan, papaanong ayuda yan, eh kailan pa yan makakarating sa tao? At hindi tayo sure kung minsan yung tao gusto talaga yung cash na lamang. So, ito nga, medyo naguguluhan ako sa mga patakaran. Ako talaga, kontra ako sa ECQ nag anito. Sa totoo lang, wala na tayong kadala-dala sa ECQ. Isang taon na tayo mahigit ECQ open-close, close-open, wala nang tigil, bumababa yung impeksyon, hindi. Kapag ka ECQ, kailang pangatawanan mo. Ibig sabihin, testing, tracing, at bakuna. Pangalagaan yung ating mga healthcare workers, paninidigan ang kalusugan. Number 1 yun. Tapos, pangatawanan natin, number 2, social protection. Ano yun - ayuda, pagkain, food truck, at kung ano-ano pa. Para yung tao, hindi naghihikahos at hindi ikot nang ikot, naghahanap ng hanapbuhay. Yun, dalawa yun. Para sa akin, mag-MECQ na tayo, please lang. Kasi yun lang ang abot kaya ng ating palpak na healthcare system ng ating kakarampot na budget. Para sa akin, MECQ at ibigay ang diskarte at diskresyon sa ating mga LGU heads na sila na ang gumawa ng highly targeted, time-bound, very focus na local crisis lockdown. Yun lang. Yun lang ang abot kaya natin eh at hindi naman natin napapangalagaan yung ating healthcare workers.

Meanne: Ma'am, you want MECQ so that more people can go to work so that no need of ayuda, tama ba?

SIM: MECQ ang kaya lang natin kasi nga yung ECQ, only works when it's accompanied by two things - all the medical protocols in place at ikalawa, social protection for all who need it. Dapat yung dalawa in place. Kapag hindi in place yan, wag na nating pilitin na wala tayong kadala-dala. Isang buong taon na tayo mahigit ECQ in and out, close-open, wala rin. Wala ring nangyayari. So dapat, MECQ. Pati yung healthcare workers wala namang shuttle na pino-provide, hindi makapasok. Tapos natatagalang umuwi. Eh talagang hindi kakayanin yung ECQ. Very impractical kahit i-extend nang i-extend yan. Gawin na nating MECQ lamang, Yun na lang. Tapos, hanggat maaari, dagdagan natin nga ng complete medical protocols at yung ikalawa, yung social protection na maayos-ayos naman. Yung ayuda na sinasabing hindi raw natin kaya yung pera pero para sa tingin ko naman, meron pa tayong ibubuga. Hindi naman sagad na sagad yung budget. Kaya pa.

Meanne: Ma'am, saan pa pwedeng i-source yung ayuda, saan pa po pwedeng kunin?

SIM: Well, ang alam ko, yung by Bayanihan 2, hindi pa ginastos lahat ano. Kaya in-extend natin yung Bayanihan 2. Tapos, may hold over pa nung mga iba't-ibang ka-budgetan. Nakita ko nga may tira pa nung 2019, in-extend na rin yung Regular Budget nung 2019. Yung 2020, in-extend din. Pagkatapos, yung Bayanihan 2, hind pa ubos lahat. Nakita natin, nung huling meeting namin nasa 20% pa lang ang nadi-disburse. Ibig sabihin, 80% nariyan pa. Edi ire0align na lang nila, ayusin na lang. Higit sa lahat, alam naman natin na ang ating budget ngayon eh meron talgang mga contingency and calamity funds. Pwede bang gamitin na yan? Kailan pa tayo naghihintay.

Meanne: Ma'am, is ana lang sa akin. Paano po sosolusyunan yung sinasabi doon sa pinirmahan or pinayagan na ayuda ni Pangulo kasi binibigyan po ng discretion yung LGU na magdecide doon sa 1000 in-cash or in-kind? I mean, hindi po ba magulo yun, kasi kung groceries, what if hindi naman yun yung kailangan nung mga tao?

SIM: Well, medyo nagtaka ako pero to be fair, wala naman ako dun sa usapan nila no, so hindi ko alam kung ano yung mga detalye noon. Having said that though, siyempre gusto ng mga tao ay in-cash para may Kalayaan siyang bumili ng kinakailangan niya. And at the same time, nag-aalala lang ako kung in-kind, matatagalan pa yun kasi may procurement pa, kahit sabihin nating emergency unless may naka-stock na ang ating mga LGU in which case, magulo na naman yung liquidation nung tig-1000. So, I don't know, I don't really know how it will work. Pero ang kinatatakutan ko kung kami nalilito na mga opisyal, mas lalo siguro yung mga magi-implement, higit sa lahat, yung mga taong umaasang tatanggap.

Meanne: Ma'am, last na po talaga. Paano pong mangyayari na hindi maulit yung pamimigay ng ayuda last year na, yun nga po, pinili lamang po or maraming nagreklamo na hindi nakatanggap kasi namili yung mga barangay captain ng mga bibigyan nila, pano po yun since wala pong maayos na listaha until now?

SIM: Well, ang masasabi ko, yung binibigay ng National Government, in fairness, ay talagang kulang. Kahit ano pang tumbling ang gawin mo, kulang talaga na bibigyan lahat ng mga nangangailangan sa bawat barangay. So, to begin with, kulang na siya. Kaya mapipilitan yung Mayor at yung kapitan na pumili. Kaya nga lang, doon sa pilian, maraming nagsasabing pino-politika. Ayun ang problema. Kaya ang suggestion ko na lang sa lahat ng mga LCE pati na rin yung mga kapitan natin,mga punong barangay, wag nalang nila i-sikreto. Isa-publiko nila kaya yung listahan. Ipaskil sa ating mga barangay hall, ilagay sa online. Sino yung mga nakatanggap na dati sa SAP 1, SAP 2, sa mga sumusunod na Livelihood at tulong ng DOLE, ng iba't-ibang programa at sino pa yung bibigyan pa ng ayuda ngayon. Nakalista lahat, ipubliko lahat. Kasi, doon nagrereklamo yun tao, parang sikreto sikreto. Minsan nai-intriga tayo at higit sa lahat, malapit na yung eleksyon, ine-epal pa.

Sherry: Ma'am, nakakarating ba sa inyo yung mga information na parang somehow, merong may undeclaration na ginagawa ang DOH pagdating sa mga nagkakasakit, namamatay na mga Healthcare workers?

SIM: Marami talaga tayong problema sa datos. Hindi naniniwala sa mga nagka-impeksyon, hindi rin naniniwala ang ating mga healthcare workers tungkol sa ating mga numero. Sabi nga nila nakapintura na raw yung 95, hindi na raw nagbago simula nung December. So, yun nga ang kinatatakutan natin. Ang maliwanag, dito sa Pilipinas pinakamataas am gating damage sa healthcare workers. Kung sa ibang bansa, 2-3% lamang ng kanilang healthcare workers ang nadadali, nako naman, talagang hindi katanggap-tanggap ang numerong yan. We are so much more dangerous. Hindi natin inaalgaan ang ating healthcare workers. Ngayon, kapag hindi natin inalagaan ang ating healthcare workers, sino pa ang mag-aalaga sa atin. So, nagdadaing sila at matagal ko nang sinasabi "Dapat mag-standby na tayo ng medical reserved core". And dami dami nating nurse na wala namang trabahong mapasukan. (inaudible) na natin volunteer at bigyan ng stipend, may pera naman. Gawin na natin local yung mga PPE. Bumalik na naman tayo sa daing nung nakaraang taon na wala na namang face mask, wala na namang gown, wala nanang mga face shield ang ating mga healthcare workers. Bilhin na natin sa local, mas mura, mas mabilis. Pambihira, paulit-ulit tong mga problema. Nakikita naman natin, may budget naman tayo immediately, may contingency fund naman Office of the President, nasa 20 billion, at meron namang calamity fund pati NDRRMC meron diyan. Marami naman na pagkukunan sa iba't-ibang budget. Meron pang tira yung Bayanihan 2, meron pang tira yung Regular Budget nung 2020. Pagkunan na natin yang mga yan kasi if this is not an emergency, what is?

Sherry: Anong tingin niyo bakit ang bagal? Bakit, ayun, may pondo, may support sa Senate, House, especially sa Office of the President, bakit hindi maibigay nang mabilis itong mga needs na to?

SIM: Kaya nga pinagtatakahan, kaya nagdududa na at taalgang nagkakaroon na ng intriga at malisya tungkol sa DOH, tungkol sa FDA kasi sila yung regulatory (inaudible) pagkabagal. Maski yung Customs ngayon, eh meron na silang mabilisan (inaudible). Ito yung tanong natin lahat at katakot-takot na yung hearing namin, katakot-takot na pangako na bibilisan. Eh bakit hindi pa rin nangyayari.

Sherry: Sen. Sen. Imee, ano yung nakikita niyong implication pag ganito pa rin? Halimabawa, for example, totoo na hindi naire-report lahat na nagkakasakit at namamatay na healthcare workers, anong implication noon sa atin especially sa general public?

SIM: Well, lahat tayo nagdududa tuloy sa lahat ng datos na nilalabas. Maski yung infection rate na araw araw na tina-tally, lahat nagkakaduda kung totoo ba o hindi. Kasi kung mismo yung mga nursem yung mga doctor, hindi napapangalagaan, paano pa yung tauhan. Iyon ang problema talaga, kasi yung credibilidad nun gating Covid management ay talagang kaduda-duda na dahil, ito nga, kung bakit kay tagal-tagal. Nababalitaan naman natin, sangkatutak na utang, nasa 140 billion tapos merong mga budget na immediately available, ano pa ba ang problema? Ano bang sinabi namin dati, ano pang kailangan ninyo nang matapos na itong parusang to?

Sherry: Sa panig ng Senate, hanggang saan, anong kaya niyong gawin ngayon sa gitna nung mga, parang "slow dance" na mga nangyayari ngayon pagdating sa delivery ng service, ng protection ng healthcare workers, at saka yun nga po, mula sa PPE hanggang meal allowance and yung assistance doon sa mga namamatay at nagkaka-Covid, wala raw pong nangyayari.

SIM: That's right. Ang problema, ang Senate at yung Kongreso, ang trabaho nila ay suriin yung budget at siguraduhin na may sapat na budget. Sa palagay ko, hindi kami nagkulang diyan. Maraming pera, Nakita naman natin. May pera kung sa pera lamang. Ang mahirap, yung implementation, nasa Executive, nasa DOH, nasa FDA, nasa kanila na yan. Ang magagawa namin, imbestigahan na naman yan. Pero, nakakalungkot kasi after the fact na may namatay na. may nasaktan na. Kaya iyon ang problema natin, kasi sa implementation, enforcement, execution, ang roll out niyan, nasa Executives so it's very, very important that are Department Heads, please, this is an emergency. Alam kong pagod na pagod na sila, naka-red alert na sila mahigit isang taon ngunit hindi pa natatapos ito. At sa palagay ko, last two minutes na ito, last two minutes may bakuna na.

Kath: Follow-up nalang po doon sa preparation doon sa...for 2022 Elections kasi ngayon parting nagka-ECQ na naman. Tapos most likely ma-extend na naman po tayo. Is your Committee is planning to hold a hearing or any other discussions with the COMELEC on how to proceed with the 2022 Elections given that Covid 19 situation in the country is very improving?

SIM: yes. That's why Kath, yun nga yung problema natin kasi nga yung registration ng mga new voters na naparami ring, na napakaraming new voters eh naantala nang sunud-sunod at ine-extend na ECQ. So, pinag-uusapan namin nung nakaraang hearing at malamang sa mga susunod na linggo kung anong gagawin. Ie-extend na naman yung registration perios malamang. Pero para sa akin, higit dun, kung pwede natin i-explore yung remote or yung digital na registration eh tignan natin kung kaya talaga within the ambit of the powers of COMELEC. Pero sabi nga nila, kailangan daw ng bagong batas kung may time pa tayo nun. Para akin kasi, hirap na hirap yung ating mga PWDa pati senior citiznen, ayaw nating palabasin tapos gagawin nating automatic. Yung mga SK na tumanda na at nagging qualified na na bumoto para sa add out ika nga, o full pledge citizen na sila na 18 years old and above, automatic na nating ililipat. Pero kukulangin pa rin talaga. So, I'm hoping na may maihabol pa tayong na (inaudible)...OFW problem kasi yung mga OFW na na-repatriate sa Pilipinas, diba galing sila sa abroad, doon sila nakarehistro, abay magrerehistro ba sila rito sa Pilipinas o hindi pupwede yun kasi baka ma-deploy na naman sila sa abroad, mawawala na naman. So, ito nga nag sabi namin, kung maaari. International registration sa mga OFW natin na repatriate o hindi nakapagrehistro dito sa local, o di kaya ma-delploy bago maayos yung registration. Magulo kasi yung sitwasyon nila lalong lalo na yung mga seaman pa. Yung mga seaman natin na hindi natin maintindihan kung saan. Very, very low ang ating Overseas Voting. So, kinatatakutan ko na mas lalong babagsak pa.

Kath: Ma'am, when you say that a new law needs to be filed. Ano pong kailangang i-amemd doon sa existing law?

SIM: Yes. Yung registration kasi has to be in person. Para kang bumoto rin, pupunta ka rin doon sa presinto no o sa COMELEC Registrar's Office. Hindi kinakaya ng ating PWD, hindi kinakaya ng ating seniors. Tapos, ayun nga, yung issue pa ng mga OFW at saka yung ating mga Seaman. Pagkatapos pa, yung problema pa nung mga SK kasi marami tayong mga first time voters. Nakarehistro sila sa SK na 15 years old sila, nakalipas na rin yung ilang taon yung iba sa kanila 18 na, qualified na sana. Sana automatic na lang yun, i-computer na lang and I think that can be done with the SK. But with regard to the OFW, pinag-aarala pa ng COMELEC pati na rin yung remote or digital voting or registration ng ating mga older, older citizen as well as the PWDS.

Kath: Ma'am, medyo masikip na po yung schedule ng Senato no kasi meron pa uling break tapos short sessions na lang before the closing. The possibility na hindi maipasa yung kailangan na law to amend the registration process, what affect would it have on the 2022 National Elections po?

SIM: well, malaking epekto talaga kasi yung ating mga batas, mga luma na. Kung tutuusin, 1981 pa yung Omnibus Election Code. Tapos, ang dami-dami pang nangyari mula noon. Yung automated nga ayan. Pero, wala talagang kaide-ideya na magkaka-Covid. Eh ngayon, yung Covid nga pati yung pagkakampanya, paano ba iikot, ano ba yung allowed, napakahirap talaga so sana mahabol. Ngunit alam ko, yung ating mga priority bill sa ngayon eh puro tungkol sa ekonomiya. Yung sa Retail Trade, yung Public Utilities, at pati yung Foreign Investment. Sana makalusot, sana maisingit natin. Otherwise, we will have a very, very tough time because the numbers for registration, ang pagka-alala ko, wala pang 25% ang nakapagrehistro. So, ang ibig kong sabihin, 75% na Pilipino hindi mabibigyan ng kapangyarihang bumoto, hindi sila madidinig. Eh kung 75% ang hindi boboto, papaano tayo niyan?

Kath: Ma'am, clarification. Yung 25%, of new voters or entire voting population?

SIM: Of the new. Some of them are new voters, some of them have fallen of the ( ) because they did not vote in the past two election. I need to get the data straight ah. I apologize about the 20-25%. I'm not certain where we are now simply because we are, we have no updates from the COMELEC.

Kath: Ma'am, worst case scenario, ano po?

SIM: The worst-case scenario, like I said earlier, we get stuck with the same old laws, pre-Covid. And we have to register still, as usual, in person. So, konting-konti ang makakapag-rehistro at maraming hindi makakabot. Iyon ang problema natin. Kapag wala pang singkwenta porsyento sa new voters ang nakaboto o di kaya iilan lamang overall, eh talagang parating may duda sa isipan natin kung talagang ayun ang boto ng taumbayan.

Kath: Thank you po.

SIM: Having said that, I have to congratulate the COMELEC because yung Palawang Plebiscite was very well run. And considering napakalaki ng Palawan at napakahirap ikutin yung northern side, yung southern side ay nagawan ng paraan ng COMELEC at ng LGU. So, I congratulate them for that. Sa palagay ko naman, hindi naman siguro mangyayari yung sinasabing worstcase scenario kasi ang Pilipino, gusting-gustong bumoto hindi katulad ng mga dayuhan sa ibang bans ana iilan lang, trenta, kwarenta porsyento lang ang bumuboto. Tayo talaga, pinapangalagaan natin yung ating kapangayrihang bumoto at gagawa at gagawa ng paraan para makaabot sa eleksyon.

Cely: Good morning, ma'am. Ma'am, yung 1-week extension of ECQ is ok pa considering the fact na yung number naman nung mga Covid cases ay bumababa lang ng 1000, 2000, minsan tumataas pa. Then yung economy is sacrificed and yung mga nawawalan ng trabaho is dumadami. So, is there any other way you can comment to the recommend to the government kasi parang yung ECQ na exte-extension, hindi siya appropriate ganoong kagabi lang naman talagang walang tao sa kalye?

SIM: Mula't sampul, kontra ako sa ECQ. Ayoko ng ECQ kasi hindi natin kinakayang pangatawanan. Wala pa tayong kadala-dala. Close-open na tayo mula last year hanggang ngayon. Tulad ng sinabi ko kanina, yang ECQ nay an, pwede talaga yang mag-work kapag may dalawang kabahagi - unang una, kailangan complete medical protocols - lahat ng kailangan sa testing, sa tracing, higit sa lahat, sa vaccination, dapat ibigay sa healthcare workers. Ngayon, ni walang shuttle, ni walang allowance, ni walang PPE yung healthcare workers. What do you expect naman na bababay yung infection. Edi siyempre paulit-ulit lang. sab inga nung Batac, close-open nga lang. Yung akin, dapat MECQ na lang kasi iyan ang abot kaya natin. Napakalaking parusa, sobrang pahirap ng ECQ. Ikalawa, kung pangangatawanan talaga yung ECQ, dapat may complete social protection for all those who need it. Ibig sabihin noon, may kompletong ayuda, kompletong food pack, kompleto ang pag-iikot para hindi nangangailan ang tao na lumabas pa sa kanilang bahay. So, yun ang sinasabi ko, huwag magi-ECQ kapag hindi kayang panindigan ang complete medical protocols at yung social protection for those who need it. Otherwise, ang gawin na lamang, MECQ at yung MECQ, bigyan ng diskarte, ng discretion and Local Executives na gumawa at magdeklara ng lockdown na very limited, very focus target, localized lockdown na ideally time-bound.

Cely: Ma'am, follow up pa po, ma'am. Sabi nila diba yung tulong, yung ayuda ibibigay mga middle of the April or before the end of the April, eh tapos na po yung ECQ by that time. Do you think maraming magugutom na Pilipino at this point in time na another one week na naman yung ginawa nilang extension of ECQ?

SIM: Ang sabi naman maglalabas na daw this week diba. Yung 1000 is already arriving this week. So, tignan natin kung talagang maro-roll out yan. Kaya lang, magulo nga yung patakaran, hindi ko masyadong maintindihan kung in-cash or in-kind. Higit sa lahat, yung 1000, talaga kakarampot yan. Sa presyo ba naman, wala ng manok yan, wala ng karne yan. Talagang wala na yan. Kinatatakutan ng lahat yung delay kasi kung in-kind pa yan, magpo-procure pa ang bawat Local Government Executive, matagal-tagal pa yan. Marami talagang issues eh. Pero kung tutuusin, ang hirap namang sisihin nang sisihin yung LGU, ang tagal kong gobernador, kung tutuusin, wala naman kasing datos ang DSWD kundi ang 4Ps. Yung DOLE, wala rin namang papeles kundi mga formal workers na buwanan, na de-kontrata. Lahat ng arawan, lahat ng basurero, lahat ng namamasada, lahat ng barbero, wala salistahan yan. So, ang inaasahan na lamang yung LGU. Eh ala-tsamba naman sa LGU, kasi yung LGU, napipilitan namang pumili kasi kulang yung pera, hindi talaga mabigyan lahat. Ang tanging suggestion ko na lang, ang masasabi ko nalang sa mga LGU, ano kaya kung ilathala at ipaskil nila yung listahan ng mga nakatanggap na, kung sa DOLE man yan, sa DSWD bay an, ipaskil kaya nila sa mga barangay hall at saka sa munisipyo para makita ng mga tao kung sino nakatanggap at sino ang walang wala pa. At siguro, ilagay na rin nila doon sa online kung sino pa ang bibigyan. Para lahat makakaalam at kung mga suggestion sila, kung may idadagdag sila na labis labis na yung tinanggap nung isang pamilya, eh dire-diretso silang makapagsalita.

Meanne (in behalf of Cely): Ma'am, comment niyo po doon sa patuloy na presence ng Chinese vessels po sa Julian Felipe Reef. Maski si Secretary Lorenzana po napipikon na.

SIM: Oo, nakakapikon naman kasi talaga atin yun. So, ang kinakailangan talaga, palagay ko, ay yung multilateral, yung barkadahan dito sa Asya. Okay nagsalita yung Australia, America, kung saan-saang malalayong lugar. Ang pinaka-importante ay magkaisa tayo, magkapit bisig sa Malaysia, Vietnam, Indonesia, at lahat ng nasasakupan ng West Philippine Sea at ng South China Sea. Talagang kinakailangan ay magkaroon tayo ng Multilateral Joins Stand at maging maingay at lagging nagkakaisa. Ang problema kasi parang nangangampanya tayo sa malalayong lugar, kung tutuusin ang pinakamagandang kabalikat sana ay ditong mga tiga-ASEAN na may sariling claims din, may sarili ring teritoryo at exclusive economic zone sa dagat na kinakailangan madepensahan rin nila. So, I think iyon ang suggestion ko. Let's push the multilateral action within ASEAN.

Melissa: Ma'am, comment land din po sana doon sa issue ng PhilHealth about dun sa Tent, sa hindi pagcover sa mga pasyenteng nasa tent kahit na naghihintay lang din naman po silang ma-admit sa hospital, ma'am?

SIM: Eh obvious bang kabalastugan yun. Hindi katanggap-tanggap. Kinakailangan talagang covered yun. Kaya nga nasa tent kasi nagkulang tayo tapos pagkakaitan pa yung coverage, pambihirang buhay to. Sobra naman yun.

Melissa: Another one, ma'am. Tingin niyo po bang kailangan i-probe ng Senate yung issue nay un or hayaan nalang po natin yung PhilHealth to resolve it by itself?

SIM: Well, I think nagsalita nalahat ng senador and mukahng talagang may kakulang yung mga, yung mga reglamento ng PhilHealth. They need to covert it. They just have to find a way, investigation or no investigation, whether we're in recess and cannot conduct hearing or we can conduct hearings and investigate, ang point is paspasan na nila. Ngayon pa lang, i-review na nila at baguhin yung mga so-called regulation nay an at i-covered na ang mga nasa tent kasi naghihirap nga nang doble doble yung mga pasyenteng yan tapos hindi pa iko-cover. Sobra na yan, insult to injury na yan.

News Latest News Feed