Press Release
April 7, 2021

Gatchalian pushes for electric mobility anew towards post pandemic world

As the country moves towards the recovery phase from the ill effects of COVID-19 on transportation and mobility, Senator Win Gatchalian pushes for electric vehicles (EVs) anew and the importance of environmental sustainability.

Gatchalian cited a 2020 study by Biona et al that if jeepneys in Metro Manila will be replaced by electric modern jeepneys (e-jeepneys), pollution will decrease by two to four percent.

According to the chairman of the Senate Energy Committee, not only will EVs be ecologically-sound as they have great potential of reducing greenhouse gas emissions, it could also reduce the country's oil consumption by as much as 146.56 million barrels per year equivalent to an annual savings of $9.8 billion or P390 billion per year.

"Isang bagay na natutunan natin sa pandemyang ito ay ang kahalagahan ng makabagong teknolohiya, kung paano nito mapapagaan ang araw-araw nating gawain. Kaya dapat nating paghandaan ang hinaharap na may kaakibat na pagpapahalaga sa kapaligiran at ating kalusugan," Gatchalian said.

Acknowledging that there are roadblocks in the shift to EVs, Gatchalian said his filed bill known as the Electric Vehicles and Charging Stations Act or Senate Bill No. 1382 will address concerns on costs and lack of infrastructure. Under SB 1382, gasoline stations nationwide will be required to install charging stations. Also, all new public and private buildings will be required to designate dedicated parking slots for the exclusive use of EVs and mandatory open access installation of charging stations in these parking spaces.

To parry the high cost of EVs, the bill provides fiscal and non-fiscal incentives for the import, manufacture, and use of EVs which includes discounts on the Motor Vehicle User's Charge as well as expedited registration procedures for EV users.

The lawmaker, meanwhile, welcomed the Department of Energy's (DOE) formulation of policy on electric vehicle charging stations (EVCS).

# # #

Gatchalian muling isinulong ang EVs patungo sa pagbangon ng bansa mula sa COVID-19

Habang patuloy ang mga hakbang na makabangon sa epekto ng COVID-19 sa sektor ng transportasyon, muling isinulong ni Senador Win Gatchalian ang paglaganap ng makabagong pamamaraan ng transportasyon tulad ng electric vehicles (EVs), kaakibat ang pagkakaroon ng environmental sustainability.

Batay sa 2020 na pag-aaral ng Biona et al, sinabi ni Gatchalian na kung ang mga jeepneys sa Metro Manila ay tuluyan nang mapapalitan ng electric modern jeepneys o e-jeepneys, ang nalalanghap nating polusyon ay mababawasan ng dalawa hanggang apat na porsyento.

Sinabi pa ng Chairperson ng Senate Energy Committee na hindi lamang ecologically-sound ang mga EVs, malaki rin aniya ang potensyal nito na mabasawan ang greenhouse gas emissions at mapapababa ng 146.56 milyong bariles ang pangkalahatang kunsumo ng langis sa loob ng isang taon na may katumbas na $9.8 bilyon o P390 bilyong matitipid kada taon.

"Isang bagay na natutunan natin sa pandemyang ito ay ang kahalagahan ng makabagong teknolohiya, kung paano nito mapapagaan ang araw-araw nating gawain. Kaya dapat nating paghandaan ang hinaharap na may kaakibat na pagpapahalaga sa kapaligiran at ating kalusugan," ani Gatchalian.

Aminado si Gatchalian na maraming hamon na susuungin sa pagtataguyod ng paggamit ng EVs sa bansa na nagbigay daan sa kanyang panukalang Electric Vehicles and Charging Stations Act o Senate Bill No. 1382 na tutugon sa aspeto ng presyo at kakulangan ng imprastraktura. Sa ilalim ng SB 1382, ang mga gasolinahan sa buong bansa ay kakailanganin nang maglagay ng charging stations para sa EVs. Kasabay nito ang pag-oobliga sa mga bagong itatayong gusali, pampubliko man o pribado, na maglagay ng parking slots na eksklusibo para sa mga EVs.

Habang hindi pa laganap ang EVs sa bansa, bagay na nagpapataas sa presyo nito sa ngayon, may probisyon ang panukalang batas na nagbibigay ng mga insentibo o ilang benepisyo sa mga mag-i-import, gagawa at gagamit ng EVs. Kasama rin dito ang diskwento sa Motor Vehicle User's Charge at pagpapabilis ng registration procedures sa mga gumagamit ng EVs.

Samantala, pinuri ng mambabatas ang hakbang ng Department of Energy (DOE) na isulong ang paglalatag ng polisiya para sa electric vehicle charging stations (EVCS).

News Latest News Feed