Press Release
April 7, 2021

Radyo Pilipinas Tutok Tulfo Interview ni Sen. Win Gatchalian kasama si Erwin Tulfo ukol sa academic break

Q: Sir, I don't know kung nakarating na sa inyo ang mga estudyante, ilang student groups din ay humihingi po ng economic break sa kanilang mga eskwelahan, sa DepEd, sa CHED because ang lumalabas stressed out din daw po ang mga bata dahil lalo na yung mga nandito sa NCR bubble plus dahil ang mga magulang nila either may mga sakit din, either ang kanilang pamilya ay tinamaan ng COVID, ang iba naman ay walang makain dahil ang kanilang both parents are not working right now. So the students are asking for one week academic break, ano pong reaction ninyo dito Sir?

SEN. WIN: Erwin, tinitignan ko itong sitwasyon natin ngayon. Itong ECQ na tinatawag eh hindi naman talaga ECQ. Ito ay parang MECQ, ang ibig sabihin ang tao ay pwedeng lumabas, pwede naman silang magtrabaho at pwede naman silang pumasok sa kanilang pinagtatrabahuhan. May ilang industriya na hindi pinayagan magbukas pero ito ay iilan lang. Kaya tinitignan natin kung lalabas tayo sa lansangan ngayon, nakikita natin napakadaming sasakyan, para ngang walang ECQ sa totoo lang. Ibig sabihin ang tao ay may trabaho at ang tao ay may pinagkakakitaan. Kaya ako hindi po ako sang-ayon dito sa academic break na tinatawag dahil ang bata kailangan natututo. Kung matatandaan natin, isang taon nang hindi pumapasok ang bata at kapag ang bata ay patuloy na bibigyan ng break at hindi sila mag-aaral ay talagang makakalimutan na nila ang kanilang pinag-aralan. Tutal itong school year natin, hindi naman ho ito full school year. Kung makikita natin ang curriculum, hindi naman ho siniksik ng DepEd ang kanilang pag-aaral. Mahaba rin, sa isang araw mahaba na ang apat o limang oras sa pag-aaral. Yung ibang oras ginagamit sa ibang bagay.

Q: Sir, would you agree kasi may mga eskwelahan ngayon, unibersidad na nagpapadala, Adamson University, sa kanilang mga estudyante at parents kung sasang-ayon itong mga parents na ito sa ika nga eh academic break. Ang UST ho yata ay may break sila hanggang April 11 hanggang dito sa matapos ang ECQ kasi ang tingin naman ng ilan paano raw ang bata dahil talagang tumitindi naman, mataas ang ika nga hawahan ngayon sa barangay, mga kapitbahay o sa pamilya mismo, yun ho ang tinitignan ng ibang eskwelahan Sen. Gatchalian at baka nastress na rin ang mga estudyante natin, Sir?

SEN. WIN: Dito po sa mga kolehiyo, Erwin, kasama po doon sa guidelines na hindi na ho sila papapasukin ng face-to-face. Ibig sabihin lahat po ng nasa kolehiyo, wala na pong face-to-face classes. Ngayon marami sa ating kolehiyo ang ginagawa nila ay ang tinatawag nating online. At since nasa bahay lang naman ho sila ay pwede nilang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Ngayon, depende na sa kolehiyo kung tingin nila ay mas kakailanganin pa ng mas mahabang break para sa kanila dahil may mga kolehiyo talaga na masasabi natin na sa for example sa lockdown, talagang hindi sila bibigyan, walang pagkakataon na makapag-aral sila. So depende sa location. Pero may mga location naman po na wala naman pong lockdown for example itong ECQ na tinatawag natin, nasa NCR at apat na lalawigan lang po. Pero sa Visayas at Mindanao, naka-GCQ sila, ang iba naka-MGCQ pa. So mahirap naman pong mag-academic freeze sa isang lugar na wala pong COVID. Mag-academic break sa isang lugar po na GCQ. Kaya hindi ho pwedeng itong academic freeze para sa pangkalahatan dahil iba-iba ho ang sitwasyon.

News Latest News Feed