Press Release
April 9, 2021

Gatchalian bats anew for tax exemption of teachers' election honoraria ahead of 2022 polls

More than a year ahead of the 2022 polls, Senator Win Gatchalian pushes anew for tax exemption on the honoraria, travel allowance, and other benefits granted to poll workers, especially the teachers, officials, and personnel of the Department of Education (DepEd).

Senate Bill No. 1193, which Gatchalian filed in 2019, seeks to further amend Section 32 of Republic Act No. 8424 or the National Internal Revenue Code of 1997, as amended, so that poll workers can receive the full amount of their honoraria, travel allowance, and other benefits. The proposed measure also seeks to exclude poll workers' honoraria and allowances from gross income. A five percent tax is currently imposed on poll workers' election honoraria.

While teachers and other DepEd personnel are working hard to ensure learning continuity amid the COVID-19 pandemic, Gatchalian also hailed their roles to ensure smooth, orderly, and credible elections. He added that they bear the brunt of election violence especially in areas considered as high risk. During the 2019 midterm elections, some 531,307 teachers, officials, and personnel were mobilized to 36,830 poll centers.

"Maliban sa pagpapatuloy ng edukasyon sa gitna ng pandemya, ang ating mga guro, opisyal, at kawani ng mga pampublikong paaralan ay nagsisilbing frontliners upang matiyak ang maayos at malinis na halalan. Hindi biro ang trabaho nila mula sa preparasyon hanggang sa bilangan ng mga balota. Kaya maituturing natin itong isang paraan ng pasasalamat para sa kanilang dedikasyon at sakripisyo," said the Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

Under the Election Service Reform Act (Republic Act No. 10756), the Chairpersons of Electoral Boards are each entitled to receive P6,000. Members of electoral boards receive P5,000 each, Department of Education Supervisor Officials (DESO) receive P4,000 each, while support staff receive P2,000 each.

Gatchalian also pointed out that poll workers' honoraria and allowances are subject to income tax if their annual taxable income exceeds the P250,000 threshold under the Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law. Those earning below P250,000 have to submit a declaration of tax exemptions.

# # #

Tax exemption sa election honoraria ng mga guro isinusulong ni Gatchalian

Isang taon bago ang halalan sa 2022, muling isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang tax exemption sa honoraria, travel allowance, at iba pang mga benepisyong ipinagkakaloob sa mga poll workers, lalo na sa mga guro, opisyal, at mga kawani ng Department of Education (DepEd).

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1193 na inihain noong 2019, ipinapanukala ni Gatchalian ang muling pag-amyenda sa una nang na-amyendahang National Internal Revenue Code of 1997 (Republic Act No. 8424) upang matanggap ng mga poll workers ang buong halaga ng kanilang honoraria, travel allowance, at iba pang mga benepisyo. Layon din ng naturang panukala na huwag nang isama ang honoraria at allowances sa gross income ng mga poll workers. Sa kasalukuyan, ang election honoraria ng mga naturang poll workers ay pinapatawan ng limang porsyentong buwis.

Habang patuloy ang pagsisikap ng mga guro at ng ibang mga kawani ng DepEd upang maipagpatuloy ang edukasyon sa gitna ng pandemya, binigyang-diin ni Gatchalian ang mahalagang papel nila upang matiyak ang malinis, maayos, at mapayapang halalan. Dagdag pa ng senador, kinakaharap ng mga guro ang panganib na dulot ng mga karahasang may kinalaman sa halalan, lalo na sa mga itinuturing na high risk areas. Noong 2019 midterm elections, mahigit kalahating milyong (531,307) mga guro, opisyal, at kawani ang ipinadala sa mahigt tatlumpu't anim na libong (36,830) poll centers.

"Maliban sa pagpapatuloy ng edukasyon sa gitna ng pandemya, ang ating mga guro, opisyal, at kawani ng mga pampublikong paaralan ay nagsisilbing frontliners upang matiyak ang maayos at malinis na halalan. Hindi biro ang trabaho nila mula sa preparasyon hanggang sa bilangan ng mga balota. Kaya maituturing natin itong isang paraan ng pasasalamat para sa kanilang dedikasyon at sakripisyo," pahayag ng Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

Sa ilalim ng Election Service Reform Act (Republic Act No. 10756), ang mga Chairperson ng Electoral Board ay nakatatanggap ng tig-anim na libong piso (P6,000), samantalang ang mga kasapi ng electoral boards ay nakatatanggap ng tig-limang libong piso (P5,000). Ang mga Department of Education Supervisor Officials (DESO) ay nakatatanggap ng tig-apat na libong piso (P4,000), samantalang tig-dalawang libong piso (P2,000) naman ang natatanggap ng support staff.

Dagdag pa ni Gatchalian, ang mga honoraria at allowances ng mga guro ay pinapatawan ng income tax kung lagpas sa dalawang daan at limampung libong (P250,000) piso and kanilang annual taxable income sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law. Ang mga kumikita naman ng mas mababa sa naturang halaga ay kailangang magsumite ng pormal na deklarasyon ng tax exemptions.

News Latest News Feed