Press Release
April 11, 2021

Transcript of Interview with Senate Minority Leader Franklin M. Drilon Dobol B Bantay Balita sa Kongreso

Q: Kayo po ay nag-suggest na magkaroon ng special session para sa matalakay ang Bayanihan 3. Ano po ang gusto ninyong mangyari?

SFMD: Ang gusto ko pong mangyari ay mabigyan ng sapat na ayuda yung naghihirap nating kababayan na naghihirap dahilan sa ipinapairal nating lockdown. Sa ngayon nasa ECQ tayo at dahil diyan ay marami na naming kumpanya ang hindi makapag-operate. Gaano ba katagal ito? Hindi ko na maintidihan kung bakit sinasabi nila na wala ng pera ang pamahalaan kaya wala ng dagdag na ayuda. Sa akin, hindi tama iyan. May pera basta ilagay lang natin sa tama. Marami sa budget ang hindi naman kailangan. Halimbawa, yung confidential and intelligence fund (P9.5 billion) at yung anti-insurgency fund (P19.5 billion). Iyan naman ay pwedeng gamitin. Sa Bayanihan 3, ibig nating talakayin ito at ilipat yung mga pera para matulungan yung libu-libong manggagawa na nawalan ng trabaho.

Q: Hindi po ba iyan magagawa kahit walang Bayanihan 3?

SFMD: Pwede po iyan ngunit hindi sapat ang pondo na pwedeng i-realign. Malaki ang pangangailangan.

Q: Yung sinasabi ninyo pong ayuda ay hindi lang yung dole out para sa mahihirap kung hindi yung tulong na rin para sa mga negosyo?

SFMD: Tama po iyan lalo na yung MSMEs dahilan sila yung nagbibigay ng trabaho. Sa ngayon ang pagkakaalam ko nasa 4,000 MSMEs na ang nagsara. Kailangan matulungan din iyan kaya kailangan natin ng panibagong pondo para sa Bayanihan 3.

Q: Paano mako-convince ang mga economic managers na sumang-ayon na sa Bayanihan 3 na isinusulong ninyo?

SFMD: Alam mo, sa ating sistema, ang policy making ay ang Kongreso. Kung hindi papayag ang ehekutibo, kung ako ang tatanungin ninyo, patuloy itong milyun-milyon na mawawalan ng trabaho.

Q: Kung hindi sila papayag sa Bayanihan 3, dapat magbigay sila ng alternative para mabigyan tayo ng kasiguruhan na mayroong makakain ang ating mga kababayan?

Tama po iyan. Dapat palitan nila yung kanilang pag-iisip na masama yung hiram nang hiram.

Q: Okay lang po na mangutang tayo? Kaya pa po ba natin?

SFMD: Sa aking tingin, okay at kaya iyan basta ayusin natin yung prioritization ng ating paggastos. Huwag nating ilagay o huwag tayong maglaan ng pondo para sa mga bagong departamento. Yung sa infrastructure, okay iyan pero yung anti-insurgency fund, iyon naman wala namang dagdag sa ekonomiya iyan.

Q: Pwede pa bang i-realign yung anti-insurgency fund?

SFMD: Pwede iyon. I am sure na sa tatlong buwang nakaraan, hindi pa naman nagastos lahat iyon.

Q: Since nag-suggest kayo na magpatawag ng special session, ano po ang naging tugon ng leadership?

SFMD: Nabasa ko sa pahayagan na payag si Speaker Velasco at si Senate President, hindi naman nag-object, okay lang daw sa kanya. Kaya nasa Malacanang na. pero hindi ko alam bakit hindi nagpapatawag. Kailangang pag-usapan kung magkano ang kailangan. Kailangan bang i-realign yung mga items na hindi naman kailangan within the next six months o manghiram ba tayo, or combination of both.

Q: Ano po ang inyong assessment sa ating situation ngayon?

SFMD: Ang active cases natin ay 190,000 plus ito ang pinakamataas sa ASEAN. Ang palaging solution na nakikita ng DOH at IATF ay ECQ. Hindi na nakikita kung paano matutugunan halimbawa yung bed capacity. Umaapaw na. Wala nang tumatanggap na ospital. Yung ating vaccine supply, hanggang ngayong kulang na kulang. Ano ba ang solution dito? Kulang ang ating testing. Sinasabi nila mga 40,000 to 50,000. Ito ba ay sapat na dahilan sa ang rate of infection o positivity rate, ngayon ay nasa 22 o 23 percent. Ibig sabihin, for every 100 na tine-test, mayroon tayong 22 o 23 na position. Ito ay malayo na sa 13 percent na infection rate noong bandang Agosto kung saan nanghingi yung healthcare workers noon ng timeout. Ngayon, for the same data, 22 o 23 na ang nagpopositibo. Ngayon, napupuno ulit yung mga hospital.

Q: Saan po tayo nagkukulang? Yung ASEAn nama-manage naman nila nang maayos.

Hindi natin nama-manage kasi hindi natin alam kung sino ang ima-manage natin, kasi wala tayong mass testing. Hindi mo naman nakikita itong COVID-19, makikita mo lang kung may testing.

Q: Ano po yung mass testing na kailangan nating makita. Ang binabanggit kasi ng DOH ay dapat risk-based at targeted ang testing.

SFMD: Ang tanong, sapat po ba iyan? Kapag tumataas nang tumataas, ang solution ay lockdown at kapag may lockdown, marami ang nawawalan ng trabaho. Kaya tingnan natin kung sapat ba ang testing, sunod yung tracing. Dahilan diyan ako ay hindi naniwala na mabibigyan ng solution itong problema natin in the next several months. Marami na akong nababasa sa pahayagan na maraming kumpanya ay hindi na umaasa na makakabawi sila ngayong taon.

Q: Pwede bang libre na lang itong testing?

SFMD: Ang problema natin, yung hindi natin nate-test ay hindi natin alam kung carrier iyon. Kapag mas marami kang nate-test, mas marami ang magiging positive. Kung hindi tama ang testing, hindi mo makikita yung mga kalaban.

Q: Ibig sabihin yung nakikita nating numbers ngayon ay posibleng mas mataas pa dahil walang mass testing?

SFMD: That's correct. Hindi tayo sigurado na yung active cases natin ay accurate dahil sa kakulangan sa mass testing. Isa pa, kaya hirap tayo kasi may bayad yung testing, ang mahal. Kaya yung mga nagpapa-test ay yung supported ng LGUs o yung private sector. Yung hindi kasama sa dalawa ay hindi nate-test.

Q: Pwedeng isama sa Bayanihan 3 na dapat libre na ang testing?

SFMD: Yes, tama po iyan, hindi naman bagong konsepto iyan. In fact, sa DOH, mayroon silang mga biniling pangangailangan sa testing, hindi ko na alam kung ano ang nangyari roon.

Q: Ano po ang assessment ninyo sa paghawak ng DOH at IATF dito sa pandemya?

SFMD: Ang problema natin ay marami na tayong pagkakamali sa umpisa pa lang kaya umabot tayo sa ganito. Halimbawa, hindi tayo kaagad nag-implement ng travel ban sa China noon. Pangalawa, yung testing facility hindi natin binigyan ng sapat na pondo. Pangatlo, yung pagbili ng bakuna. Ang sabi noon hindi pwedeng mag-advance pero sa batas, in cases of emergency pwede, dahilan diyan naunahan tayo ng ibang bansa sa pagbili ng bakuna. Sa akin, ito po ay cumulation of errors kaya nandito tayo ngayon. What do we do in order to get out of this difficulty?

Q: Marami sa ating mga kababayan ang naghahanap sa Pangulo. Ano po ang dapat gawin ng Pangulo?

SFMD: Nababasa ko sa social media yung hashtag #nasaanangpangulo. Hindi po iyon pisikan na hinahanap siya. Naghahanap ang taumbayan ng direction. Yung sinasabi na nandito siya naglalakad, naka-motorcycle, hindi po iyan ang punto. Kailangan, bilang Pangulo ng bansa, siya ay nakikita na nagbibigay ng direction sa DOH at sa IATF. Magbibigay ng direction o mando. Kaya nagkakaroon ng #nasaanangpangulo, hindi dahilan sa hindi siya nakikita physically kung hindi naghahanap ang tao ng direction.

Alam mo, isa sa malaking bagay ay ang tiwala ng taumbayan sa kakayahan ng pamahalaan na tugunan ang problemang ito at iyan ay kailangan ang direction ng ating Pangulo para magkaroon ng tiwala ang taumbayan na mayroon tayong lider na nagbibigay ng direction at may pag-asa tayo na makakaahon tayo rito dahil nandiyan ang Pangulo. Isa sa mga problema natin ay information drive to influence na behavior of the people. Kung puro si Duque lang ang magsasalita, iyan ang problema natin.

Q: Kung si Duque nang si Duque, ano po ang ibig ninyong sabihin?

SFMD: Aminin na natin na medyo hindi maganda ang credibility, to say it mildly, mayroon pagkukulang at hindi naniniwala ang taumbayan kung si Duque lang nag nagsasalita kasi paulit-ulit.

Q: Tungkol po sa pagdinig sa pork importation, ano po yung nakikita ninyong impact nito?

SFMD: Unang-una, kailangan ang transparency rito. Kailangan malaman natin na dahilan sa mas malaki ang maipapasok na karne ng baboy, iyan ay may impact sa maliliit nating kababayan. Ano ang epekto nito? Sino ang makikinabang? Kailangan natin ng transparency. Saan manggagaling ang imported pork? Sino ang importer? Kung may transparency, maiiwasan yung pag-iisip ng mga tao na may kalokohan na naman dito. Kaya nga yung sinasabi na "tongpats" na may kumikita dahil sa lower tariff duty. Kailangan maging transparent kung sino ang bibigyan ng kapangyarihan na mag-import ng baboy. Ilabas nila yung listahan ng importer at kung saan manggagaling itong i-import na pork. Kasi noong panahon ng rice importation control, marami kang naririnig na commission na galing doon sa mga bansa na binibilhan natin ng bigas. The same situation here. Sino ba ang importer at saan manggagaling?

Q: Sinabi po ninyo at ng mga kasamahan ninyo na bilyun -bilyon ang mawawalang tax,

SFMD: Ang estimate diyan, ang sabi ni Sen Pangilinan nasa P11 billion. Pangalawa, yung dagok sa local hog raisers. Dahilan sa babagsak ang presyo, tatamaan sila. Maraming adverse effects. On the other hand, ang sasabihin ng DA ay bababa ang presyo ng karne ng baboy at maraming makikinabang na consumer. Magiging magandang debate ito kung tam.

Q: Pwede pa po bang hilingin ng senado na bawiin ang EO?

SFMD: Pwede po iyan dahilan sa ang fixing ng tariff, kung walang session ang Kongreso, ang kapangyarihan ay nasa Pangulo.

Q: Would you suggest na bawiin ang EO?

SFMD: Sa akin, isa sa mga option iyan na kung maipapakita talaga na mas harmful ito sa local hog raisers at malaki ang mawawalang buwis sa pamahalaan, iyan ay pwedeng rebyuhin ng Pangulo. Iyan naman po ay executive action at ang kapangyarihan to review an executive order ay nasa Pangulo rin po iyan.

News Latest News Feed