Press Release
April 11, 2021

Excerpts of Transcript | Interview of Sen. Francis "Kiko" Pangilinan with DZRH

DZRH: Nasa linya po natin ngayon ang panauhin natin ngayong umaga, Senator Francis Pangilinan. Senator Kiko. Magandang umaga ho!

SFNP: Hello Milky, at sa mga nanonood at nakikinig.

DZRH: Magandang umaga, Senator Pangilinan. Unang-una ay isyu muna ng mga local hog raisers ho natin, dahil may inilabas na EO 128 ang Malacañang. Ano'ng epekto po nito sa ating local hog industry?

SFNP: Well, hindi natin mababantayan at tiyakin na mabibigyan ng suporta ang local hog industry sa pagpasok ng imported na karne ng baboy ay lalong pahirap ang mangyayari sa ating local hog industry dahil dapang-dapa na sila dahil sa African swine fever. Milyon na ang nawala na baboy at ito'y kusang na-cull o pinatay para hindi na kumalat itong fever, swine fever. At mas marami pa ngang magkasakit na mga baboy. Kaya kinakailangan iyong declaration of state of calamity because of African swine fever para ma-i-release iyong disaster fund ng national government. Merong budget dyan na 20 billion, at mabigyan ng indemnity, suporta, cash for work, assistance ang ating local hog industry. 70% ng ating hog industry ay maliliit na mga backyard farms at mga magbababoy na mahihirap nating mga kababayan.

DZRH: Pero Senator Kiko, diba mas maganda sana kung maagang naideklara itong state of calamity, dahil sa epekto ng ASF? Dahil matagal mo nang panawagan ito di ba sa Malacañang?

SFNP: That's right. Noong January pa lang at February ay isinusulong na rin natin ito. Alam mo hindi ito bago. Noong 1995 nagkaroon tayo ng foot-and-mouth disease, 27 na probinsya ang apektado. Marami ring baboy ang kinakailangang patayin para hindi kumalat ang sakit. Nagdeclare ng state of calamity ang Malacañang, nag-issue ng Executive Order at nakapaglaan ng dagdag na budget para matugunan ito, at natugunan naman. We were able to address that and manage yung spread nung disease.

Tayo naman nung 2014, noong ako ang Presidential Assistant for -- Cabinet Secretary -- for Food Security, iyong cocolisap, apektado ang dalawang milyong puno sa Calabarzon, nagdeclare din ng state of calamity sa Calabarzon at nakapag-release ng kalahating bilyong piso para matugunan yung assistance sa mga magniniyog, iyong pagturo, at iyong pest management, and among others. Kaya after six months, natigil din iyong pagkalat nung cocolisap. At from 57 hotspots noong nagdeklara tayo ng state of calamity, after six months nababa sa one hotspot. So pwede nating solusyunan.

Ang state of calamity declaration ay napakahalaga para matugunan 'yung problema ng ating mga magbababoy at magkaroon, manumbalik ang sigla ng ating local hog industry, at matiyak iyong quality. Siyempre para sa ating consumer, mas maganda 'yung sariwa, mas maganda yung bagong katay kaysa yung imported na frozen, hindi po ba? Kaya iyon ang ating panawagan. For the sake of the consumers, for the sake of our local farmers, for the sake of the industry, please declare a state of calamity and provide the necessary funding para ma-address 'yung kalamidad.

DZRH: Senator Kiko, itong EO 128 na inilabas ng Malacañang, pinirmahan ng pangulo, ang sabi ho ay makatutugon ito sa posibleng kakapusan ng supply, dahil darating iyong napakaraming imported meat, pero papatay daw po ito eventually sa ating mga lokal na magbababoy, dahil pag iyon nga --

SFNP: Yes, that is correct, kung hindi nga dagdagan ang suporta sa local industry, talagang mahihirapan -- dagdag na pahirap ito. We are not against importation. Right now talagang tanggap naman natin may shortage ng supply, kaya dapat lang pumasok. Pero ang pagpasok ng imported at frozen na imported na baboy, kinakailangang bantayan din. Ayaw nating mangyari iyong nangyari noong unang -- kasagsagan noon -- dumagsa ang rice imports, hindi ba? Milyunmilyon. Tayo'ng naging pinakamalaking importer ng rice. Bumagsak nang halos tatlumpung bilyon ang nawala sa mga bulsa ng ating magsasaka. Kaya naman -- pero ang kaibahan 'non, mayroong rice tariffication measure, mayroong rice competitive enhancement fund. May pondo para masuportahan ang ating rice farmers.

Binigyan sila ng cash assistance, direkta na cash assistance dahil nga bumagsak ang presyo ng palay. Walang ganung assistance at ayuda na mapapantay dito sa ating mga magbababoy. So we really need to have that state of calamity declaration because that will provide the support and funding para sa biosafety protocols. Alam mo kailangan mong bantayan iyong pagpasok at paglabas ng mga karne, dahil pagkamayroon yang swine fever infection, kakalat 'yan. So sino'ng magbabantay nun? Kunin natin yung mga magbababoy na naubos na o nangalahati na ang kanilang mga alagang baboy, bigyan natin sila ng trabaho para bantayan ang borders ng mga probinsya at merong dagdag silang kita pansamantala habang bumabangon pa dito sa pagiging dapang-dapa ng industriya ng magbababoy.

DZRH: Dahil sa ASF, bukas ipagpapatuloy ng Senate Committee of the Whole, actually bukas talaga dahil ni-resched ano, dahil sa COVID at ECQ nga, itong imbestigasyon, Senator Kiko, ng umano'y 'tongpats' diyan sa DA, sabi nga ni Senator Panfilo "Ping" Lacson sa pork importation, mayroon daw mga kumikita. Ano ang aasahan bukas sa Senate hearing?

SFNP: Well, kaya nga kailangan din nating busisiin 'yung pag-import, at ito ang mangyayari dyan, babantayan natin, aalamin natin sino ang mga nag-apply for permits, ilan ang tonetoneladang ipapasok nila. May track record ba ang mga 'yan? Baka mamaya bogus na naman iyan at dummy. Dahil nangyayari 'yan sa mga importation ng bigas dati. May mga permit pero 'yun pala, cartel ang humahawak o kaya sindikato, so 'yun ang babantayan natin dahil alam mo magkano ang pinag-uusapang import dito sa isang taon kasi isang taon eh? About 1.2 billion dollars worth of pork imports. That is around 58 billion pesos. Alam mo ba noong nasa NFA pa tayo sa isang taon, ang importation ng bigas eh mga 30 billion, 20-30 billion? Ito halos doble.

DZRH: Ang laki, 58 billion.

SFNP: That is right. That is the landed cost of importation. Eh kung papatungan mo pa ng 40 pesos per kilo, pagkakakitaan mo pa ng 40 pesos per kilo, 'yung 58 billion aba'y malaking pera iyan. Kaya ang laki talagang temptation na iyong mga mag-aapprove ng permit, 'di ba 'yun 'yung sinabi ni Senator Ping sa kanyang pagpapaliwanag, 'di ba? Mga 10 to 15 pesos per kilo raw ang kalakaran para makakuha ka ng import permit. Biruin mo 10 to 15 pesos per kilo, eh 400 million kilos 'yon.

DZRH: So malaking kikitain nung sindikato, kung meron man diyan sa Department of Agriculture?

SFNP: For sure, limpak na salapi ang umiikot, ika nga. Ngayon kung ito ay napupunta sa bulsa ng mga hindi dapat, iyon ang nais nating alamin pero ang tiyak: billions of pesos worth of money will be going around precisely because 3 dollars per kilo ang landed cost, 400 million kilos ang sinabing pwedeng iimport sa loob ng labindalawang buwan, binabaan pa ang taripa mula 30 -- ang taripa pag isang kilo 'yan, 30 percent nyan dapat, 'yung cost nyan babayad ka dapat sa gobyerno. 'Yun yung taripa. At yung pera na 'yon dapat suportahan 'yung local hog industry. Eh nawala lahat 'yon kaya binaba from 30 percent to 5 percent, at 15 percent so ang laki pa rin. Bumaba na nga 'yung taripa, ang laki na ng pondo, eh 'di talagang ang daming pagkakakitaan.

DZRH: So bilyones ang kita, oo. So abangan natin iyong hearing ng Senate Committee of the Whole bukas. Senator Kiko, other issues tayo. Ayan, Covid-19 response, ano ang assessment ng Senado dito? Kasi mayroong panawagan na special session para magkaroon daw ng mapagkukunan uli ng pondo, at kakayanin pa ba ang panibagong ECQ, Senator Kiko?

SFNP: Meron din kaming sulat na ipinaabot kay Senate President Sotto last week. Si Senators Recto, Binay, ako, Senator Drilon, Senator De Lima, Senator Hontiveros. Ang panawagan namin ay sana ma-reconvene ang Committee of the Whole hearing tungkol nga dito sa government response sa Covid.

If you will remember, noong kasagsagan ng unang surge, ika nga, nagkaroon tayo ng Committee of the Whole hearing, doon lumabas iyong issue ng overpriced testing kits, overpriced na equipment, 'di ba? Naalala niyo 'yon mga 7, 8 months ago 'yon.

Eh dahil dito sa mga nangyayari ngayon, na 'yung mga ospital ay talagang punuan na, at nandoon na sa mga emergency room, nandoon na sa mga parking lots, at hindi na ma-admit sa loob dahil nga sa sobrang pagkalat ng Covid, at talagang ang tindi ng sitwasyon ngayon. Ang panawagan naming mga senador -- both sa majority at minority -- ay kung maaari, i-reconvene din ang Committee of the Whole ngayon para busisiin at malaman, ngayon at ganito na ang sitwasyon, asan na tayo sa testing, asan na tayo sa tracing, asan na tayo sa vaccine rollout. In fairness to the Senate President, sabi niya pag-aaralan niya, based on the rules, at sabi din niya sa sulat dahil sinagot niya tayo, sinagot niya 'yung anim na senador, na siya rin ay very concerned at 'exasperated' pa nga ang kanyang term dito sa mga latest developments sa Covid response ng gobyerno.

We also support 'yung dagdag na assistance para sa ating mga kababayan dahil nga lalong tumitindi, nagkaroon na naman ng ECQ. Sabi nga nila hindi lang quarantine ang kinakailangan, kwarta din. Dahil tuluy-tuloy itong pag-lockdown, pag-quarantine, hirap na naman ang hanapbuhay at trabaho, kinakailangan kwarta din, huwag lang quarantine. Kailangan din ng ayuda at kwarta.

DZRH: Pero Senator Kiko, sabi ng DBM, ay baka daw wala nang mapagkunan ng pondo kung hihirit tayo ng ayuda ulit para sa kwarta din. At the same time, di ba may isinusulong na Special Amelioration Program? Senator Christopher Bong Go na mismong siya aminado na baka mahirapan sa paghanap pa ng pondo ng DBM at ang Department of Finance.

SFNP: Well tignan natin dahil kung matatandaan mo rin Milky noong binubusisi natin 'yung [PITC] budget, nakita natin mayroon pa lang 31 billion na nakatengga dito sa PITC. Naalala niyo 'yon?

DZRH: Oo, parang nakalimutan na natin ito ah. Oo, meron pang nakatenggang 31B, so ito puwedeng galawin?

SFNP: Oo, yes. And ang balita pa nga 'non, mayroon pang nakatengga diyan sa DBM-PS, 'yung procurement service ng DBM. If I remember sabi ni Sen. Drilon, noong binubusisi niya, mukhang may mas malaki pang halaga na nakatengga, so -- and this was how we were able to, di ba, urge 'yung Department of Finance. At nung nalaman nung Department of Finance na yung 31 Billion ay nakatengga at hindi ginagamit habang naghahanap tayo ng pondo, ay agad-agad silang kumilos para hilingin na ibalik, di ba, sa National Treasury itong halagang ito. So let us see, kaya nga natin gusto magkaroon ng pagbubusisi nitong vaccine rollout para malaman natin itong latest Covid response para talagang malaman natin kung may pondo o wala.

DZRH: Sa pamamagitan ng papapatawag ulit ng---

SFNP: Not even the DBM ha. At that time nung budget debates, walang binabanggit ang DBM, walang binabanggit ang DOF doon sa 31 billion na nakatengga. So, sana mabigyan tayo ng pagkakataon para mabusisi nasaan ang pondo. In fact, hindi lang Bayanihan 3, gusto rin natin malaman: Nagastos na ang Bayanihan 2 o nakatengga pa rin yung malaking pondo nito. Aba eh pagkaganoon talagang kinakailangan nating busisiin nang husto.

DZRH: May panawagan---

SFNP: Ang importante, hanapan ng solusyon 'yung gutom, hanapan ng solusyon 'yung daing na kinakailangan ng budget, kinakailangan ng ayuda. Sabi nga ulit, "Huwag lang quarantine, kwarta din."

DZRH: Senator Kiko, iyong ano, pinag-aaralan pa, tinitimbang daw nang husto ni Pangulong Rodrigo Duterte, kung mag-extend uli ng ECQ sa NCR plus bubble, ano ang take mo dito? Kakayanin pa ba natin? Halimbawa, isa o dalawang linggo pa ng ECQ?

SFNP: Alam niyo kung isa o dalawang linggo pa, walang problema iyan kung 'yung testing, tracing, at 'yung isolation ay naisasagawa nang maayos. Ibig sabihin alam nating pagbukas, mayroong pupuntahan 'yung Covid response at management. Dahil si contact tracing czar, si Mayor Magalong, siya mismo nagsabi lalo pang bumaba ang ating contact tracing ratio. Dati 1:7, naging 1:3. Eh ang ibig sabihin noong 1:3 parang wala na ring contact tracing. Ang natetrace lang yung, hindi nga kapitbahay, pamilya lang. Eh paano yung mga pinupuntahan niyang iba-ibang [lugar]. In other words, if we will do ECQ, we should take the time to make sure na ma-ramp up ang testing, ang tracing, at ang isolation, otherwise sabi nga para nga tayong trumpo, ikot lang nang ikot pero nandoon lang.

DZRH: Hindi na nasosolusyunan iyong problema natin. Pero Senator Kiko, last week ay talaga namang nagtrending yung #NasaanAngPangulo. Ano ba ang, ano dito ang sentimento ng ating pamahalaan? Kailangan ba na nakikita siya in public ngayong panahon ng pandemya, lalo na ngayong tumataas pa rin ang kaso ng Covid sa Metro Manila, at sa iba pang panig ng ating bansa?

SFNP: Well, sana, 'di ba dahil nga syempre maraming agam-agam ang ating mga kababayan. Natatakot sila. Napakalapit na, lalo na sa NCR itong mga insidente ng Covid. This morning lang nalaman ko na iyong ilang kamag-anak ng aking kapatid ay intubated na dahil sa Covid. Kami mismo, kilala mo si Allan, 'yung ating photographer, dalawampung taon natin naging photographer natin at photojournalist sa opisina, yung tatay niya saka siya ay na-Covid. Parehong namatay. So talagang ang taong-bayan ay naghahanap. Sabihin na nating paano maiibsan ang takot at iyong agam-agam, so mahalaga na nandyan ang mga lider natin, at binibigyan ng assurance ang ating mga kababayan. Pero ang paliwanag daw ay siya daw ay inaisolate dahil nga madaming PSG ang nagpositibo. Well, sana maipakita niya -- nila -- that he is in charge and it would be a big boost sa ating mga kababayan na mayroong reassurances na ganito.

DZRH: Panghuli, Senator Kiko, baka mayroon ka pang gustong iparating sa ating mga kababayan. Nasa iyo ang pagkakataon.

SFNP: Syempre sabi nga kausap ko lang si dating Secretary of Health Espi Cabral kahapon, at mas matindi lalo na sa NCR ang pagkalat ng Covid, kaya dapat mas matindi rin ang ating vigilance, ang ating pag-iingat. We will have to double up, ika nga, sa ating pag-iingat. Continue iyong mask, continue iyong social distancing, hangga't maaari huwag nang lumabas unless talagang essential, at laging maghugas ng kamay. We will have to be vigilant. Tayo naman sa Senado, makakaasa ang ating mga kababayan, tuluy-tuloy tayong naghahanap ng solusyon. Si Vice President Leni halimbawa ay sinusuportahan natin. Nilunsad nila yung telecon---

DZRH: Iyong oo, teleconsultation.

SNFP: Yes. Pwede nilang tignan sa Facebook, sa Office of the Vice President. Yung teleconsult para yung mga nakakaramdam ng sintomas, o na-expose na, hindi pa kailangang pumunta ng ospital, mayroong volunteer doctors at may volunteer na call center operators na tatanggapin ang tawag ninyo at bibigyan kayo, irerefer kayo sa doctor kahit sa telepono lang, para mabigyan ng guidance, dahil sabi nga natin, ang pinaka-puno't dulo nito, saan pa tayo kukuha ng tulong? Sino pa ang magtutulungan kung hindi tayo-tayo rin? So, hanapan natin ng solusyon, ang ating tanggapan sa Senate ay sinusuportahan at binibigyan ng dagdag na tao yung teleconsult ni Vice President para matulungan natin ang mas marami nating mga kababayan sa panahon ng ganitong pandemya at krisis.

DZRH: On that note, Senator Kiko, maraming salamat, happy Sunday!

SFNP: Happy Sunday at maraming salamat! At tandaan natin, hindi lang quarantine, kinakailangan din ng ayuda, kwarta din. Maraming salamat, thank you.

DZRH: Maraming salamat! Opposition Senator Francis Pangilinan.

News Latest News Feed