Press Release
April 13, 2021

Dispatch from Crame No. 1055:
Sen. Leila M. de Lima on the urgent need to address the COVID-19 crisis, recession and China's intrusion in WPS

After more than a year, we are still in the middle of a crisis worsened by an incompetent President. Malinaw ang naging resulta ng kapalpakan ng pamumuno ni Duterte. Habang nasa kung saang lupalop siya at nagpapa-photoshoot habang nagmemeryenda, nagja-jogging, naggo-golf at kung anu-ano pang pampalipas oras, araw-araw, daan-daan ang binabawian ng buhay at nauulila—ina, ama, kapatid, kaibigan, kamag-anak, katrabaho, mga mahal sa buhay. Ako mismo ay may kaibigan, katrabaho, at kapamilya ng staff na pumanaw dahil sa pandemya na pinalubha ng kapalpakan ng gobyernong ito.

Idagdag pa natin diyan ang libu-libong nawawalan ng trabaho at negosyo. Gaano karami sa ating mga kababayan ang hindi na malaman kung saan makakakuha ng pambili ng pagkain, gastusin sa bahay at iba pang pangangailangan?

At sa kawalan ng plano at malinaw na direksyon ng gobyerno, hindi rin makabangon-bangon ang ekonomiya, habang sa kabilang banda, kinakamkam pa ng dayuhan ang ating teritoryo at soberanya.

Sinamantala na naman ng China ang kahinaan ng ating bansa ngayon at ang kawalang pakialam ni Duterte sa isyu ukol sa West Philippine Sea.

At sa tingin ba ni Duterte, magkukusang umalis ang China ngayong nakita na nila na hindi siya iimik kahit ano ang gawin nila sa ating teritoryo? Ilang taon nang binobomba ng tubig, ninanakawan ng kabuhayan at ginigipit ang ating mga mangingisda, ilang beses nang binantaan at ginipit ang mga kapwa natin Pilipino sa sarili nating teritoryo, tuloy pa rin sa pagyuko at pagluhod niya sa China?

If Duterte and his sycophants will continue to sleep on their job and their non-sense photo-ops just to prove that Duterte can still breathe or jog after two weeks of absence, we cannot and we will never recover. This has to end.

Hindi natin kailangan ang litrato. Kailangan natin ay liderato.

Kung anu-ano na lang ang pinagsasasabi niya na walang relasyon sa problema natin sa COVID-19 at West Philippine Sea. Hindi na kailangan ipagdasal na mamatay na siya. Ipagdasal na lang natin ang ating kawawang bansa.

#DutertePalpak #DuterteResign

(Access the handwritten copy of Dispatch from Crame No. 1055 here: https://issuu.com/senatorleilam.delima/docs/dispatch_1055

News Latest News Feed