Press Release
April 13, 2021

Gatchalian to energy sector: Ensure no brownouts amid COVID-19 crisis response

Senator Win Gatchalian called on energy sector agencies and other stakeholders to ensure uninterrupted and reliable power supply while strict home quarantine is called to be observed in all households and while the government rolls out its COVID-19 vaccination program.

Electricity demand is usually higher during the summer months and as such, the reserve margin is thinner, if not insufficient, during these months.

Gatchalian emphasized that the country cannot afford to have brownouts during this time when vaccines need to be stored in specific cold conditions or refrigerated to maintain its efficacy.

The senator made the call after noting reports on a series of forced power outages in the Luzon grid. Data provided by the Department of Energy (DOE) showed that for the billing period February 26 to March 25, there were 15 unplanned outages due to excessive oil leaks, high turbine vibration, and other technical problems while there are seven planned outages during the said period.

The Senate Energy Committee Chairperson also urged the generation companies to defer to a later date any planned maintenance shutdowns if possible.

"These days, we could ill afford any power interruption as most workers, even government employees are on a work-from-home scheme, some on distance learning, and online business transactions. The wellbeing of the general public is of paramount importance as new cases of COVID-19 infections remain at an average of 12,000 daily," Gatchalian said.

"Hindi katulad ng mga nakaraang taon, hindi dapat natin maranasan ngayon ang kahit ilang minuto lang na brownout dahil kailangang masiguro natin ang kapakanan ng publiko habang patuloy tayong lumalaban sa pandemya," he added.

# # #

'No brownouts' dapat mapanatili sa gitna ng krisis sa COVID-19 - Gatchalian

Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang mga nasa sektor ng enerhiya na siguruhin ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng kuryente habang patuloy na umiiral ang mahigpit na community quarantine status sa kabuuan ng bansa at umaarangkada ang COVID-19 vaccination program ng gobyerno.

Kadalasang mataas ang konsumo ng kuryente sa panahon ng summer at dahil dito ay lumiliit ang reserba kaya kadalasan ay hindi sumasapat sa pangangailangan ng mga konsyumer.

Sa kasalukuyang sitwasyon kung saan kinakailangang mapanatili ang pagkakaimbak sa malamig na storage facilities ng mga bakuna laban sa COVID-19, iginiit ni Gatchalian na hindi dapat maranasan ang pagkakaroon ng brownout dahil maaaring makompromiso ang bisa ng bakuna.

Ang panawagan ni Gatchalian ay kasunod ng nakarating sa kanyang kaalaman kung saan nagkaroon ng forced power outages o biglaang pagsasara ng ilang planta sa Luzon. Sa datos ng Department of Energy (DOE), lumalabas na sa billing period mula Pebrero 26 hanggang March 25 ay nagkaroon ng 15 na unplanned outages na sumabay pa sa pitong naka iskedyul o planned outages noong mga panahong iyon.

Dahil dito, iminungkahi ng Senate Energy Committee Chairperson sa mga generation companies na ipagpaliban muna ang iba pang nakaplano ng maintenance shutdown sa mga darating na panahon kung maaari.

"Sa mga ganitong panahon, hindi dapat mangyari ang anumang brownout dahil karamihan sa mga namamasukan, kahit ang mga nasa gobyerno, ay nasa work-from-home scheme habang ang iba naman ay nasa distance learning o 'di kaya ay nagsasagawa ng negosyo sa online habang patuloy na tumataas ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 na sa ngayon ay karaniwang nasa 12,000 kada araw," ani Gatchalian.

"Hindi katulad ng mga nakaraang taon, hindi dapat natin maranasan ngayon ang kahit ilang minuto lang na brownout dahil kailangang masiguro natin ang kapakanan ng publiko habang patuloy tayong lumalaban sa pandemya," dagdag pa ng mambabatas.

News Latest News Feed