Press Release
April 16, 2021

Transcript of interview of Senate President Vicente C. Sotto III with Weng Encarnacion and Joel Reyes on DZ Dobol B

April 16, 2021
(Friday)

On asking the President to withdraw the Executive Order reducing pork tariffs

SP Sotto: May pinanggagalingan kung tutuusin ang background nito, ito yung isa sa bini-bring up namin kahapon. Itong power para ibaba ang taripa or taasan yung minimum access volume ay power ng Congress na idini-delegate namin sa Presidente. Yun ay kapag kailangan at saka Congress is not in session, pero ito, pinaguusapan na nila nung January ito. Ready na sila nung February, parang dini-dribble kami nung sagot ni Sec. Dar kung kailan nila ni-ready, tapos ibibigay nila sa amin nung March 26, ipapadala sa amin yung sulat ng Presidente na gawin namin yung gusto nilang gawin, March 26. Eh March 26, adjourned na kami, last day namin. Ano ang ibig sabihin noon?

Q: Parang sinadya?

SP Sotto: Hindi ba yun ang iisipin namin kaagad? Wala namang senador na nagsabing hindi. Malamang, eh January pa pinaguusapan yun.

Q: Yung EO ay pinadala sa inyo March 26, kung kailan kayo mag aadjourn na, parang pinag-paalam pa rin sa inyo?

SP Sotto: Hindi. Ang pinadala sa amin, request para ibaba daw namin ang taripa at lakihan namin yung minimum access volume ng mga imported pork, kasi nga Kongreso ang may power para gawin yun. Pero, ang nakasaad sa Constitution, pagka wala ang Kongreso, hindi in session ang Congress, pwede ang Executive ay gawin yun. Parang delegated power ngayon sa Pangulo yun na pwedeng gawin yun, na sila ang gagawa, dahil kami ay not in session.

Q: So sinadyang idelay para magawa yung game plan na sila na yung lower ng tariff at mag taas ng minimum access volume?

SP Sotto: Yun ang suspetsa namin, at hindi na namin pwedeng pakialaman at tanungin bakit. So ngayon, tumawag kami ng hearing para kasi tamang-tama naman, may resolution na finile si Senator Lacson tungkol sa background nitong ASF, bakit bigla silang nagkakagulo dito sa ASF, 2018 pa. Meron nang ASF 2018, kaya gusto naming malaman, saan ba nanggaling itong ASF? Originally, yun ang intention ng hearing, biglang ang sinasabi ngayon eh kasi daw, galing daw yun sa mga pasalubong, yung mga nanggagaling abroad. Sabi namin, hindi ninyo nache-check dito sa mga pumapasok na imported? Kasi wala namang ASF na nanggaling sa local eh, walang probinsiyang pinanggalingan. Pinapalabas na, kaya sinabi ko na tigilan ninyo na yang nagpapalusot na pasalubong. Pasalubong? Pinapakain ba sa baboy ang pasalubong?

Q: So, may failure on the part of the government na i-check yan para hindi makapasok sa atin yan?

SP Sotto: Ang dinadahilan nila ay smuggling daw. Smuggling daw siguro nung pork kaya (unclear).

Q: Failure din ng gobyerno yun.

SP Sotto: Correct, at saka paano nakalusot yung smuggling, eh ang BOC nga kumakampi sa atin, ang Bureau of Customs na sinasabi, meron silang mga undeclared. Yung mga importer nagpapasok, tingnan mo yung statistics ng WTO na ilan ang inimport ng Pilipinas, inexport sa atin, at ilan ang dineklara sa atin. Tingnan mo, malaki ang discrepancy. Ibig sabihin noon, yung mga malaking discrepancy na yun, hindi napunta yun sa mga storage, hindi nainspeksiyon. Sino ngayon ang may kasalanan na may ASF? Pero nakapagtataka, 2018 pa yun, di ba? Bakit ngayon, kung kailan mag eeleksiyon, biglang kailangan itaas yung minimum access volume na napakataas, at ibababa ang taripa, ang tax?

Q: Bakit ninyo dinugtong dito ang election?

SP Sotto: Aba'y may gustong kumita eh. Hindi ba obvious? Tingnan ninyo. Ang kulang, ang pagkukulang, kung tutuusin, kung talagang mabigat ang problema ng ASF sa Luzon, kasi may over supply sa Visayas at Mindanao. May over supply, kaya nga tinatanong ko ano ba ang mas mahal, mag import ng pork galing ng Belgium papuntang Pilipinas, o mag import ng pork galing ng Mindanao at saka Visayas papuntang Luzon?

Q: Mas malapit yung dito.

SP Sotto: Correct.

Q: Pero ang dinadahilan nila ay ganito...hindi raw pwedeng dalhin dito sa Luzon yung galing ng Mindanao at Visayas kasi baka dumating ang panahon na magkulang naman doon.

SP Sotto: Hindi, over-supply nga eh. At saka ang pinaguusapan nila dito, isang taon lang, pati yung Executive Order isang taon lang, hindi ba kami magdududa noon?

Q: (Unclear) sa election?

SP Sotto: Correct. Hindi lang sa (unclear) ang isip namin, ang sama ng timing.

Q: Ang hinala ninyo, may gustong kumita para pang gamit na pondo sa election?

SP Sotto: Baka ganoon ang...or kaya, siguro, itong mga importer na mga nasa likod nito, eh gustong kumita ng Biglaan, eh baka kakailanganin nila pag dating ng election.

Q: Natukoy ba sa imbestigasyon ng Senado kung sino yung mga gustong kumita at ano ang magiging rekomendasyon ninyo laban sa mga taong ito?

SP Sotto: Hindi pa, pero siyempre tinitingnan namin kasi meron doon sa listahan na inilabas ni Senator Lacson, kumpirmado naman yung listahan ng Bureau of Customs, na marami doon sa supposed to be na nag import at naglabas, na walang kapasidad ng ganoon, at yung mga kumpaniyang nakalagay doon, nonexistent.

Q: Fraudulent pala yoon?

SP Sotto: Hindi ninyo ba namonitor? Nonexistent (unclear).

Q: Ano ang pwedeng gawin doon? Ano ang pwedeng panagutin doon ng Department of Agriculture?

SP Sotto: Mas matindi. Ang una nilang dapat gawin muna, tinatanong ko nga sa kanila, sino sa inyo yung genius na nagsabi sa Presidente na dapat ibaba yang taripa at itaas ang minimum access volume? Una, may over-supply sa Visayas at Mindanao, pangalawa, pag kinompute mo yung sinasabi ng NEDA na mga expert sa papel, hindi naman expert pagdating sa hog raising at saka sa mga backyard hog raising na sila ang kawawa dito at sila ang naaapektuhan, yung maliliit, ang sinasabi nila, pag tiningnan mo ung statistics nila, ang kukulangin lang talaga mga 150,000 metric tons, at 52,000 metric tons ang sa kasalukuyan ang kukulangin daw, kakapusin daw ng, ang kailangan daw, ang total ay 152,000 kung sakali daw mag aangkat. Bakit 400,000 ang gusto nilang i-angkat?

Q: Kalahati.

SP Sotto: Anong sagot mo doon Weng? Ano ang sagot mo doon Joel? Bakit 400,000 ang gusto ninyo eh 152,000 lang ang kulang ninyo?

Q: Ano po ang paliwanag sa inyo? Kabilib-bilib ba?

SP Sotto: Hindi, ewan ko kung meron sa aming naniniwala sa amin, wala, eh seventeen senators nga kaagad, hindi pa namin nakakausap yung iba, sinasabi na nga kaagad na teka muna, mali, maling-mali yan, na (unclear). Sabi ko, sino naman ang magaling na nakapag kumbinse sa Presidente na pirmahan yan.

Q: (Unclear) si Presidente?

SP Sotto: Dapat yan, kung ia-analyze ng Pangulo ito, titingnan niyang mabuti ito at pag tiningnan niya at pinakinggan niya ang hearing namin, kahapon pa, binawi na niya yung EO na pinapirma sa kanya. Oo, ganoon yan.

Q: May communication na po kayo sa Malacañang? Ano po ang feedback galing sa Office of the President?

SP Sotto: Wala pa eh. Wala pa, tatawagan ko si Executive Secretary Bingbong Medialdea maya-maya ng kaunti.

Q: So bottom line, doon sa kabuuan ng hearing ninyo nitong mga nakalipas na araw, wala pa rin kayong nakitang basehan para tuloy yung pagbababa ng taripa at higit sa lahat taasan ng higit sa 400,000 metric tons ang aangkatin natin under the minimum access volume?

SP Sotto: Wala. Ang nakikita lang naming dahilan, gusto nilang patayin yung local pagka ganito. Gusto ninyong patayin yung local, yung mga hog raisers, yung mga backyard hog raisers, papatayin ninyo na yan. Alam ninyo ang pinaka masakit sa gusto nilang gawin? Itong DA at saka NEDA na isa sa mga sumasang-ayon sa DA? Ang mangyayari sa kanila, hindi lang basta yung mga hog raisers ang mapapahamak dito, napakalaking industriya. Number 8 tayo sa mundo, alam ninyo ba? Number 8 ang Pilipinas sa production ng pork, sa hog raising, pang walo tayo.

Q: So hindi na kailangan mag import?

SP Sotto: Hindi na talaga kailangan mag import pero, ang nangyayari dito, pag pinatay nila yan, ang pinapatay nila diyan, napakaraming allied industries na kasama sa pork industry, sa swine industry. For example, corn, yung mga...napakadami. Napaka dami, mga feeds, employment, hanapbuhay, mga maliliit na mga backyard hog raisers, napaka laki ng maaapektuhan dito sa gusto nilang gawin. Ang pinaguusapan namin dito, (unclear) mga discrepancies sa mga statistics nila, hindi lang diyan sa ano ha? Yung mga declared at mis-declared na imported fish, mga seafood, eh 31 percent ang discrepancy nila sa WTO na listahan at saka dito dumarating sa atin. Wala pa doon yung chicken, wala pa doon yung garlic na dinedeklarang apples.

Q: Nabanggit ninyo na rin yung seafood at chicken, mukhang solid yung information ni Senator Lacson doon sa tong-pats na P7 or P11 per kilo na (unclear) tare yata? Ano ba ang nangyari na doon?

SP Sotto: Oo, hindi pa kumpleto yun, pero naungkat na rin yun at hindi rin nasagot ng matino ng DA eh. With due respect to Sec. Dar, sa tingin ko, napapaikutan siya. Kung sumagot nga siya, ipinapasa niya doon sa mga taong kung sino-sinong mga Usec doon na sangkaterbang Usec.

Q: So ibig sabihin, hindi under control ni Sec. Dar yung situation kaya lumalabas na mismanaged ang problema natin sa ASF kaya nagkaroon tayo ng ganitong klaseng problema?

SP Sotto: Hindi, pwede ring misinformed siya. Katulad ng ginagawa nila sa Pangulo ngayon, misinformed ang Pangulo.

Q: Ano ang magiging recommendation ninyo kay Pangulong Duterte sa harap ng mga detalyeng ito? Maliban doon sa rekomendasyon na bawiin yung EO?

SP Sotto: Una sa lahat, kailangan bawiin yung EO. Pangalawa, kailangan magkaroon ng masusing imbestigasyon doon sa Department of Agriculture, especially the issue of importation. Pangatlo, kami naman, pag hindi pinansin ng Pangulo itong resolution ng Committee of the Whole, kasi wala kaming session, at saka undergoing yung Committee of the Whole eh, kaya technically, yung committee, although it is out of the box, yung Committee of the Whole nag issue ng resolution asking the President to withdraw the EO at pinakikiusap namin, sinabi namin kung bakit. Ngayon, pag hindi kami pinakinggan at binigyan na naman nila ng maling impormasyon ang Pangulo, hindi kami pinakinggan, pagdating ng session namin ng May 17, magpapasa kami ng Joint Resolution na binabawi namin yung delegated power to the President. Kami ang nag delegate eh.

Q: Io-override ninyo yung power ni Presidente nung pag iissue yung EO na yun?

SP Sotto: Oo, ganoon, parang ganon ang epekto noon.

Q: Hindi naman mag resulta sa banggaan ng Executive at Kongreso yun?

SP Sotto: Paano magkakaroon ng banggaan kung bibigyan natin ng maliwanag na detalye ang Presidente, hindi ba? Ang tingin ko, pag nakita ng Pangulo ito, nakita niya ang mga na-uncover namin at meron pang mga hindi lumilitaw na pwedeng ma-uncover diyan, ang tingin ko, babawiin niya.

Q: Alam ninyo, parang sinasabi nga ni Weng, parang mismanaged ang Department of Agriculture. Dapat, sa ganitong pandemya, dapat diyan umentra ang DA at malaki dapat ang naitulong nila para i-stabilize ang presyo ng pagkain kasi wala ng pera ang tao.

SP Sotto: Correct.

Q: Actually, marami ng humihiling sa kalihim ng DA na magbitiw na, wala bang humihiling nito sa Senado?

SP Sotto: Hindi lang yun ha? Ang sinasabi ko nga sa inyo, yung mga nagbibigay sa kanya ng maling impormasyon at mga nagpapaikot doon, yun ang mga dapat magbitiw. (Unclear) di ba sinabi sa inyo minsan, nakikinig ako, ininterview ninyo si Sec. Dar, sabi nga niya nung may mga lumabas na mga anomalya, may mga irregularities, at saka yung CREST-O office nila, yun yung nag iimbestiga, di ba? Na siya mismo ang naglagay noon, si Sec. Dar ang naglagay nung opisina na yun, ang sinasabi ngayon doon, ang tindi ng anomalya. Maraming irregularities (unclear) nung CREST-O, kung sino-sinong mga taong involved. Asan yung mga taong involved na yun, tinanong namin? Nilipat. Ang word na ginamit ni Sec Dar, rigodon. Sabi ko I really dislike the word rigodon. Ibig sabihin noon, nagpaikot ka lang, dapat doon, replace or suspend or file-an ng kaso. Tinanong namin, finile ninyo ba ng kaso? Binigay daw niya, sabi nung si Ablang, Usec. Ablang, binigay daw niya kay Sec. Dar yung recommendations, ano ang ginawa ni Sec. Dar? Pinasa daw sa PACC. Di ba dapat, sabi namin, may administrative case man lang yung mga yun at finile-an ng kaso yun, dapat nag file kayo ng complaint sa Ombudsman? Instead, pinapipirmahan ninyo ang Presidente ng EO? Aba'y ang tindi ninyo.

News Latest News Feed