Press Release
April 18, 2021

Gatchalian: 'One Filipino, One Bank Account' will ensure prompt, contactless, and graft-free financial assistance

To ensure the efficient and prompt delivery of future government financial assistance programs, Senator Win Gatchalian broached the idea of having each Filipino owning one bank account.

"Ngayon meron na tayong national ID. May isang batas akong gustong i-file na may kaugnayan sa national ID, ang tawag ko dito ay "One Filipino, One Bank Account." Dapat mandatory na bigyan ng pamahalaan ang lahat ng mga naninirahan dito ng bank account. Importante na gumamit na tayo ng teknolohiya," Gatchalian said.

"Kapag ganitong may pandemya, remit na lang nang remit sa bank account at doon tatanggap ng ayuda, bahala ka na kung paano mo gagamitin ang ayuda na 'yun," he added.

"Even the people dispensing the cash might get infected with COVID-19. Who will then dispense the money?" the senator asked.

The Vice Chairperson of the Senate Committee on Banks, Financial Institutions, and Currencies said owning a bank account should be considered a basic requirement among Filipinos, regardless of the individual's socio-economic class.

And with over 74 million Filipinos already using smartphones as of 2019, Gatchalian said contactless and cashless payments can be made possible through the use of their mobile phone units as digital wallets. Through the use of software applications installed in smartphones, payments can be made through scanning or card readers.

A financial inclusion survey conducted by the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) in 2019 showed that 51.2 million Filipino adults remain unbanked or 71% of the total adult population. The lack of enough money is the topmost reason for not having a bank account, followed by the perceived lack of need for an account (27%), and lack of documentary requirements (26%).

The same BSP survey showed that access to technology has increased awareness of online payments with 38% of adults reported owning a smartphone while 42% use the internet at least once a month. Of the said 42%, 86% of them connect to the internet via their mobile data. The BSP said such access to technology has given way to awareness of online payment methods.

Latest records from the Philippine Statistics Authority (PSA), meanwhile, showed that 82% of the 10.5 million initial registrants to the Philippine Identification System (PhilSys), or the national ID system, indicated that they do not have bank accounts. The PSA has set its target registrations to 70 million this year.

# # #

Gatchalian: 'One Filipino, One Bank Account' sagot para sa mabilis na ayuda

Upang mapabilis at maisaayos ang sistema ng pamamahagi ng ayuda mula sa gobyerno sa mga darating na panahon, inirerekomenda ni Senador Win Gatchalian ang pagkakaroon ng bank account ng bawat Pilipino sa bansa.

"Ngayong meron na tayong national ID. May isang batas akong gustong i-file na may kaugnayan sa national ID, ang tawag ko dito ay "One Filipino, One Bank Account". Dapat mandatory na bigyan ng pamahalaan ang lahat ng mga naninirahan dito ng bank account. Importante na gumamit na tayo ng teknolohiya," sabi ni Gatchalian.

"Kapag ganitong may pandemya, remit na lang nang remit sa bank account at doon tatanggap ng ayuda, bahala ka na kung paano mo gagamitin ang ayuda na 'yun," dagdag ng senador.

Tanong pa niya - sino na ngayon ang magpapamahagi ng ayudang cash sa mga tao kung 'yung mismong tagabigay nito ay nahawaan rin ng COVID-19.

Ayon sa Vice Chairperson ng Senate Committee on Banks, Financial Institutions, and Currencies, ang pagkakaroon ng bank account ay hindi na dapat ituring na luho, bagkus, ito'y gawing basic requirement sa bawat Pilipino sa bansa anuman ang kanyang katayuan sa buhay.

Paliwanag ni Gatchalian, makakatulong sa bawat Pilipino ang pagkakaroon ng bank account lalo na sa contactless at cashless payments gamit ang cellphone na maaari ring magsilbing digital wallet. Batay sa datos na nakalap ni Gatchalian, nasa 74 milyong Pilipino ang gumagamit ng smartphones noong 2019. Ang ganitong klase ng mobile phones ay maaaring magkaroon ng software applications kung saan ang paraan ng pagbabayad ay idadaan sa scanning o card readers.

Sa 2019 financial inclusion survey na isinagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), napag-alaman na nasa 51.2 milyong Pilipino o 71 milyon sa kabuuang populasyon ng adult Filipinos ang walang bank account at ang katwirang ibinigay ng karamihan sa kanila ay ang kawalan ng perang pang deposito. Nasa 27% ang nagsabi na hindi nila kailangan ng bank account at ang dahilan ng 26% ay ang kawalan ng sapat na kailangang requirements o dokumento.

Sa nasabi ring survey, tumaas sa 38% ang nagsabing mayroong sapat na kaalaman tungkol sa online payments gamit ang kanilang smartphones. Ang 42% naman sa kanila ay gumagamit ng internet ng isang beses sa loob ng isang buwan. Sa 42%, 86% sa kanila ang gumagamit ng internet gamit ang mobile data ng kanilang telepono. Ayon sa BSP, dahil sa kaalamang ito sa teknolohiya ay dumami pa ang nag-o-online payment methods na.

Samantala, batay sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), 82% ng 10.2 milyong nagparehistro sa Philippine Identification System (PhilSys) o ang tinaguriang national ID system ay nagsabing wala silang bank account. Target ng ahensiya na umabot sa 70 milyong Pilipino ang magparehistro ngayong taon.

# # #

News Latest News Feed