Press Release
April 22, 2021

Gatchalian urges ERC, DOE to probe unplanned outages of some power plants

Senator Win Gatchalian called on the Energy Regulatory Commission (ERC) and the Department of Energy (DOE) to look into the reported unplanned outages of some power plants in Luzon that recently triggered a spike in consumers' electricity bills.

Gatchalian likewise urged the DOE to address any logistical concerns faced by some power producers to prevent similar occurrences in the coming weeks as this may jeopardize the COVID-19 vaccine rollout which is expected to go on full blast between May to June.

"Hindi dapat tayo magkaroon ng brownouts dahil padating pa ang mga bakuna natin by the end of this month, May, or June at maseselan itong mga vaccines. May iba na kailangan ng almost subzero freezing temperature o mga freezer na kaya ang negative 20 degrees. Kaya kung may brownout tayo, saan natin ilalagay ang mga bakuna natin? Malaking dagok 'yan sa atin at maaantala 'yung vaccination process natin," the Senate Energy Committee Chairperson said.

"Dapat gumalaw dito ang ERC dahil noong November 2020 last year, naglabas sila ng isang polisiya na lahat ng planta ay dapat makapag-deliver batay sa tinatawag na reliability index. Kapag bumagsak sila doon sa polisiya ng ERC at hindi nila ma-justify kung bakit pumalya yung planta, magmumulta sila," he added.

Data from the Independent Energy Market Operator of the Philippines (IEMOP) showed that for the March 2021 billing period, there were 1,580 megawatts (MW) non-coincidental unplanned outages or 61.3% of the total outages. For the April 2021 billing period but only until April 18, there were 1,428 MW non-coincidental unplanned outages or 62.8% of the total outages.

"Dapat ring imbestigahan ng DOE ang ilang alegasyon tungkol sa logistics. Dahil nga pandemya ngayon, hindi dumarating yung mga spare parts, kaya nagkaka-problema sa logistics. Dapat magawan agad ito ng aksyon para hindi sabay-sabay na bumagsak ang mga planta," Gatchalian said.

"Dapat gawin ng pamahalaan ang lahat ng makakaya para maiwasan ang brownout. Kaya ang solusyon dito at all cost - dapat yung mga planta huwag bumagsak, huwag silang mag outage." he added.

# # #

ERC, DOE dapat imbestigahan ang unplanned outages ng ilang planta - Gatchalian

Hinikayat ni Senador Win Gatchalian ang Energy Regulatory Commission (ERC) at Department of Energy (DOE) na imbestigahan na ang mga napabalitang unplanned outages o biglaang pagtigil ng operasyon ng ilang power plants sa Luzon na nagdulot ng pagtaas ng singil sa kuryente nito lang nakaraan.

Inudyukan din ni Gatchalian ang DOE na pagtuunan ng pansin ang mga logistical concerns na kinakaharap ng ilang power producers upang mapigilan ang mga pagsasara ng iba pang planta sa mga darating na araw at baka ito'y makaapekto sa COVID-19 vaccine rollout na inaasahang magtutuloy-tuloy na sa Mayo o Hunyo ngayong taon.

"Hindi dapat tayo magkaroon ng brownouts dahil padating pa ang mga bakuna natin sa katapusan ng buwan o kaya sa May o June. Masedelan itong mga vaccines. May iba na kailangan ng almost subzero freezing temperature o mga freezer na kaya ang negative 20 degrees. Kaya kung may brownout tayo, saan natin ilalagay ang mga bakuna natin? Malaking dagok 'yan sa atin at maaantala yung vaccination process natin," sabi ng Senate Energy Committee Chairperson.

"Dapat gumalaw dito ang ERC dahil noong November 2020, naglabas sila ng isang polisiya na lahat ng planta ay dapat makapag-deliver batay sa tinatawag na reliability index. Kapag bumagsak sila doon sa polisiya ng ERC at hindi nila ma-justify kung bakit pumalya 'yung planta, magmumulta sila," dagdag pa ni Gatchalian.

Ayon sa datos ng Independent Energy Market Operator of the Philippines (IEMOP), sa billing period para sa buwan ng Marso ng kasalukuyang taon, nagkaroon ng 1,580 megawatts (MW) na non-coincidental unplanned outages o kabuuang 61.3% ng mga naitalang nasirang mga planta sa nasabing buwan. Para naman sa billing period ng Abril pero hanggang Abril 18 lamang, umabot sa 1,428 MW ang non-coincidental unplanned outages o kabuuang 62.8% ng mga nasirang planta sa nasabing buwan.

"Dapat ring imbestigahan ng DOE ang ilang alegasyon tungkol sa logistics. Dahil nga pandemya ngayon, hindi dumarating ang mga spare parts, kaya nagkaka-problema sa logistics. Dapat magawan agad ito ng aksyon para hindi sabay-sabay na bumagsak ang mga planta," sabi ni Gatchalian.

"Dapat gawin ng pamahalaan ang lahat ng makakaya para maiwasan ang brownout. Kaya ang solusyon dito at all cost -- dapat yung mga planta huwag bumagsak, huwag silang mag outage," pagtatapos niya.

# # #

News Latest News Feed