Press Release
April 22, 2021

POE ON NTF-ELCAC's RED TAGGING OF COMMUNITY PANTRIES

Isa talaga ito sa mga naging rekomendasyon namin sa Committee Report No. 186 na in-adopt ng buong Senado. Napagsabihan na rin dati ang NTF-ELCAC noong tinatalakay pa lang ang budget nila na huwag gamitin ang pondo sa red-tagging at kung ano pang malisyosong akusasyon.

Ang spokesperson ng isang national task force ay hindi dapat nag-aakusa nang wala namang solidong basehan. Mismong AFP leadership ay hindi rin sigurado kung ang lahat ba ng sinasabi ni Lt. Gen. Parlade ay suportado nga ng buong NTF-ELCAC.

Isa nga sa mga naging rekomendasyon ay palitan ang spokesperson na tila ba naguguluhan sa kanyang mandato bilang aktibong opisyal rin ng militar. His sensitivities naturally lean towards the military and this presents an irreconcilable conflict.

Kung walang malinaw na aksyon sa aming mga rekomendasyon at pati na rin sa mga paalala namin sa kanila, talagang mapipilitan nga kaming tanggalan ng pondo ang task force. Kung hindi nila gustong tumulong, huwag na lang sana makigulo. Wala dapat humadlang sa bayanihan ng mga Pilipino.

News Latest News Feed