Press Release April 25, 2021 Transcript of Senator Nancy Binay's interview on dzRH's ISYUNG PAMBAYAN (hosted by Milky Rigonan) Milky Rigonan (Q): ... may resolution na isusumite si Senate Minority Leader Franklin Drilon para i-censure si Gen. Parlade ng NTF ELCAC. Sen. Nancy Binay-Angeles (SNBA): May basehan naman ang pag-file ni Senate Minority Floor Leader ng censure against General Parlade dahil alam naman natin ang mga binitawan niyang statements laban sa Senado. At the end of the day, we need to protect the institution. Q: Balak niyo po ito suportahan? SNBA: Yes. Siguro kahit hindi pa kami nagbabalik sa Senado e baka puwede ma-schedule na itong hearing na ito. Q: Isa po kayo sa mga nananawagan to defund NTF-ELCAC. Ang sabi naman ni Gen. Parlade, kaya lumabas yung stupid na komento ay inaprubahan daw tapos ngayon ay ililipat para magamit sa ibang pangangailangan ng gobyerno. SNBA: Siguro Milky pagni-review mo yung transcript during the budget deliberations, nag-raise tayo ng certain issues against NTF ELCAC funding kasi nakita natin base sa listahan ng mga barangay, ang kinakatakot natin during that time is yung madoble yung mga programa. Ang intention ng programa is yung mga barangay na cleared from insurgency makakakuha ng 20 million worth ng projects. May menu yan e, pwede farm-to-market road, school building. Cite ko na lang yung school building during the budget hearing mukhang magkakaroon ng duplication dahil yung DepEd mayroon din silang last miles school program at base sa pagrereview natin ng mga submissions ng dalawang ahensya, may mga barangay na parehong mabibiyayaan ng classroom. Magandang i-review natin at bahagi din naman ng trabaho ng senado na magkaroon ng oversight dun sa paggastos ng budget and in fact required ang executive department na magsubmit ng quarterly report dun sa budget na we approved of. Alam naman natin na hanggang ngayon wala pa tayong face-to-face classes at magandang ireview na baka yung mga nakalaang pondo for certain projects na hindi na angkop sa sitwasyon natin ngayon ay magamit muna natin sa ating pandemic response. Q: Siguro pinapaliwanag mo lang Senator na hindi talaga pinagiinitan ng Senado si Gen. Parlade. SNBA: Siguro baka wala sya sa budget deliberation noong tinatalakay namin itong pondo na ito. Kumbaga kritikal na kami sa paglalaan ng ganito kalaking funding para sa ganitong klaseng programa. Pero at the end of the day naging innovative sila at gusto nila sumubok at nakita ng Senado na bakit hindi natin pagbigyan at baka makatulong sa pagsugpo natin sa insurgency problem natin. Hindi naman natin inexpect na 1 year after ng lockdown ay malalagay tayo sa masmalalang sitwasyon at kinakailangan ng masmalaking pondo. Kumbaga ngayon naghahanap tayo sa budget kung saan tayo puwede humugot ng pera para madagdagan yung laban natin sa COVID at nakita nga natin na since malaki ang nakalaan dito baka puwedeng magamit muna sa paglaban natin sa COVID. Dagdag ko lang bago pa magsalita si Gen. Parlade, may rekomendasyon na ang senado na tanggalin sa pwesto si Gen. Parlade dahil may constitutional violation yung pagkakatalaga niya bilang spokesperson ng NTF-ELCAC. Q: Bilang aktibong miyembro ng Armed Forces, paliwanag nga ni Sen. Ping may paglabag iyon sa constitution. Pero kayo ba ipu-push niyo ang pag-audit sa pondo ng NTF-ELCAC? SNBA: Yes, suportado natin yan. Naghahanap tayo kung saan tayo puwede humugot ng pera at kung makita natin na itong pondo na ito ay medyo mabagal ang paglaan o mabagal ang paggastos or may mga bagay na hindi pa talaga kaya i-implement this year ay baka masmaigi na gamitin muna natin for COVID. Q: Pero ngayon may gag order ang kalihim ng National Security Council na huwag muna magsalita sina Gen. Parlade at Usec Badoy... SNBA: It's a welcome development but ang masakit doon may mga salita na nabitawan na at hindi na mababawi. At least itong gag order, hindi na magpapalala pa yung sitwasyon. Q: Maganda yung sinabi mo na may mga nabitawan na na salita at sabi nga ni Sen. Drilon, hindi ito palalampasin ng Senado. SNBA: Yes. Kasi nga it's about protecting the, this is not about us, it's about protecting the institution. Q: Sen. Binay, sa issue ng community pantry ano ang take mo dito? Kasi ang sabi, maganda ito, it's a spirit of bayanihan ng mga Pilipino. Sa kabilang banda, sumasalamin ito sa kakulangan ng ayuda ng gobyerno dahil kailangan na tumulong ang pribadong sektor at ang sabi super-spreader daw ito lalo na kapag hindi ma-control ang crowd na pumipila sa mga community pantry. SNBA: I guess for the past weeks, kumbaga may parang learning curve pagdating dito sa pag-implement ng community pantry. At ang maganda dito, naguusap itong mga organizers saka mga LGU kung papano talaga mai-implement ito na hindi kakalat ang Covid. So kumbaga on the ground, may ganung communication, may ganung joint effort on how to implement this project na Covid-compliant siya. And I guess, ayan na nga eh, nakakatuwa na nakakalungkot itong sinisimbolo ng community pantry. Nakakatuwa kasi nakikita natin na kumbaga nandiyan ang bayanihan spirit na kung sino ang meron, at kahit nga kung sino ang wala talagang gusto pa rin tumulong sa ating mga kababayan. Ang nakakalungkot ay mukhang hindi sapat or nagkakaroon ng deficiency ang ating pamahalaan kung paano natin matutulungan ang ating mga kababayan. Q: Kasi ang sabi nga, maganda ang layunin, pero kung minsan nagkakaroon ng dagdag na problema. For example, iyong incident sa Bgy. Holy Spirit, Quezon City nitong nakalipas na araw, in-organize ng actress na si Angel Locsin ang kaniyang community pantry. SNBA: I guess hindi mo talaga maa-avoid ang ganung sitwasyon lalong lalo na kung ang mga kababayan natin nagugutom. Or nakikita mo nagugutom ang pamilya mo. 'Di ba at any cost. Kaya nga may mga kababayan tayo nakikita natin umaabot sa punto na nakakapagnakaw sila kasi nga kailangan nila pakainin iyong kanilang mga mahal sa buhay. And I guess learning/lesson for all of us na dapat siguro talaga na maayos ang pagbibigay ng community pantry. Q: Sen. Binay itong issue naman ng assessment ng Senado sa Covid-19 response ng gobyerno. Ang sabi mo nga noong isang araw dapat magpakatotoo ang DOH, aminin na may mga pagkukulang talaga sa kabila ng more than 1 year na itong ipinatutupad na mga aksyon at laban natin kontra-Covid-19. SNBA: Kasi sa akin, Milky, hangga't 'di mo inaamin na may pagkukulang, hangga't 'di mo inaamin na nag-fail ang ginawang strategy, paano mo mabibigyan ng solusyon ang problema. No. 1 is for you to recognize the problem, na mukhang mali ang ginawang hakbang to solve that problem para makaisip tayo ng bagong strategy, bagong solusyon. Kaya nga sa akin, kumbaga itong almost 1 month na panibagong hard lockdown natin, sana sa pagbubukas natin, sa pagbubukas ng ekonomiya, in place na ang bagong strategy para hindi na maulit itong pinagdaanan natin this 1 month. Q: Ano ba ang mga strategy na kulang pa at dapat ipatupad halimbawa magkaroon tayo ng desisyon na ibahin na ang quarantine status sa Metro Manila, NCR+ bubble, at iba pang mga lugar sa bansa? SNBA: Unang-una kasi, Milky, from Day-1, kailan ba iyon, naalala mo noong nag-hearing kami noong February (2020)? Ano 'yung, kumbaga lumalabas it's the same problem with no clear solution pa rin tayo. No. 1 'yung contact tracing 'di ba noong February (2020) nang mag-hearing kami, lumabas na may kakulangan sa contact tracing. Hanggang ngayon ganun pa rin ang kakulangan, ang pagkakaroon ng free—kasi ayaw nila sabihin na mass testing hindi naman daw kaya lahat—but ang sa akin, more free testing para sa ating mga kababayan kasi paano natin maka-capture ang may Covid, lalong lalo na ang asymptomatic, kung hindi natin dadagdagan ang libreng pag-swab. Dahil hindi biro ang gastos. Kasi isipin mo na lang kung sa isang pamilya may isang nag-positive doon, eh kung may 3 kang kasama. 'Di ba at 3 family members, let's say 3,000, nasa 9,000 na ang gagastusin mo para lang sa swab, para lang malaman kung nahawa. And then, kasi parang hindi rin naturuan ang ating mga kababayan kung ano ba ang new normal. Kaya nga paulit-ulit kong sinasabi baka kailangan maglabas tayo ng manual, maglabas tayo ng video na ito na ang bagong buhay natin, ito na 'yung how we will survive na kasama na natin ang Covid sa pang-araw-araw na gawain. For example, kunwari 'pag bumalik ka sa trabaho mo, alam na ba ng empleyado na kunwari sumakit ang lalamunan niya, alam ba niya ang dapat niyang gawin para kumbaga ma-capture kaagad kung may Covid siya. Naturuan na ba sila na kapag masakit ang lalamunan mo mag-report ka sa HR, mag-report ka sa clinic na ganito ang step 1, 2, 3 'di ba? Parang may kakulangan... Q: Sa information campaign... SNBA: Yes. Kung alam ba natin ano ang tatawagan natin 'pag sa tingin natin ay mayroon tayong Covid. Parang kulang pa ang ganoong infrastructure. Q: Pero ang budget hearing ng iba't ibang ahensiya ng gobyerno, ang calendar ng Senado mga Agosto 'yan ano? SNBA: Yes, pero 'di ba usually pagkatapos ng SONA ni Presidente nagsa-submit na ang DBM sa Kongreso ng kanilang budget for 2022. Q: So July, so August magsisimula na 'yan. Tingin mo ano bang government agencies ang mukhang dadaan sa butas ng karayom pagdating sa budget hearing ng Senado? SNBA: I'm sure no. 1 diyan ang DOH. Kasi nga kumbaga nakasalalay ngayon sa kanila ang ikaka-unlad o ikababagsak ng ating ekonomiya. Kasi nga Milky hanggang hindi natin nabibigyan ng solusyon itong problema natin sa Covid, I don't think makakabangon ang ekonomiya natin, eh. Kaya nga first and foremost, dapat mabigyan natin ng long-term solution itong problema natin sa Covid. Q: Kaya mukhang ngayon pa lang dapat maghanda na ang DOH maraming tanong siguro talaga kapag sumalang na ang DOH para naman sa 2022. On that note Sen. Binay baka may gusto ka pang idagdag sa mga natalakay, nasa iyo ang pagkakataon. SNBA: Unang-una Milky, maraming salamat sa pagkakataon na mapakinggan ng ating mga kababayan. Ang sa akin lang, let us all practice ang Apat-Dapat and as much as possible kahit magluwag na ang quarantine dito sa NCR+, kung kaya naman pong mag-work from home or kung kaya na hindi muna lumabas, stay home muna po tayo. Q: Maraming salamat at happy Sunday, Sen. Binay. SNBA: Maraming salamat. |
Thursday, October 10
|