Press Release
May 7, 2021

WIN TRANSCRIPT | DZAR/SMNI Thinking Pinoy Interview ni Sen. Sherwin Gatchalian ukol sa One Pinoy, One BankAccount Bill, Renewable energy at Contact tracing

[start recording]

ON ONE FILIPINO, ONE BANK ACCOUNT

Q: Ano ang balak ninyong mechanism sa One Pinoy, One Bank Account bill?

SEN. WIN: Ang konsepto nito ay lahat tayo mabibigyan ng bank account. At ang bank account ay manggagaling sa government bank accounts natin tulad ng Land Bank dahil nakita natin kung gaano kahirap magbigay ng ayuda o tulong lalong-lalo na pagdating ng ganitong pandemic Dahil hindi makalabas ang lahat. Hindi lang naman po sa panahon ng pandemya natin kakailanganin ng bank account. For example, sa pagbibigay ng scholarship program. 'Yung pagbibigay ng ibang programa pa, so lahat tayo, especially po ang mga kababayan natin na kumukuha ng tulong sa ating pamahalaan ay mabibigyan na ngayon ng mas mabilis na tulong sa pamamagitan nang diresto na ang remittance sa kanilang bank account. Hindi na sila pipila, hindi na sila mag-aantay ng mahaba. Diretso na sa kanilang bank account, anytime pwede nilang kunin 'yun.

Q: Kapag okay na ang national ID, ikakabit natin ang bank account para sa mga ayuda o siguro pwedeng isama natin para sa mga government officials na tumatanggap ng pera mula sa gobyerno, like sweldo nila?

SEN. WIN: Actually for government officials, mandated talaga, pinagbubuksan nila ng bank account ang government officials, for example mga empleyado natin sa City hall o sa ibang national agencies, meron silang Land Bank account. Doon dumidiretso ang kanilang sweldo para hindi na sila pipila kapag kukuha ng sweldo. At ngayon meron na tayong national ID, by the end of the year meron nang 20 million na kababayan natin ang mayroong national ID. Mas mabilis na ngayon magbukas ng bank account dahil hihingin lang ang national ID number at pwede nang magbukas ng bank account. At ang konsepto natin, RJ, ay hindi kailangan ng minimum bank balance. So ang bank account mo, automatic ibibigay sa'yo zero bank account balance. Kung gusto mong gamitin, well and good. Kung ayaw mong gamitin, pwede rin. At kung meron kang gagamitin, any program, hindi lang naman ayuda, for example, puhunan, diretso na agad dito sa bank account.

Q: Hindi naman ito ipinagbabawal na magbukas pa ang isang tao ng ibang bank account?

SEN. WIN: Yes, hindi naman ipinagbabawal. For example, meron kang private bank, let's say gusto mong ihiwalay ang savings o gusto mong ihiwalay ang iba pang pinagkakakitaan mo, pwede mong ihiwalay ang bank account pero kapag government transactions, dito sa bank account papasok ang government transactions.

Q: Sabi po ninyo nasa 20 million na ang nagpaprehistro sa national ID, and siguro a year or two from now, assuming na umabot na tayo sa step 2 dahil nuknukan ng bagal ang registration.

SEN. WIN: Oo nga, pero maganda 'yun. RJ, in fairness naman, dahil nga sa sobrang dami ng gustong magkaroon ng national ID, bumagal ang kanilang website pero in fairness naman sa PSA at NEDA, naayos naman nila.

Q: 20 million po na mga bank accounts ito, at least first wave. Kung ibibigay natin sa government bank accounts, mahal ang administrative costs niyan. Baka pwede, magbigay ng konting dagdag na pera sa Land Bank kasi kawawa naman po sila kung puro zero balance tapos 20 million, binabantayan nila ang lahat ng bank account?

SEN. WIN: Tama ka doon, so pag-aaralan nating mabuti para hindi rin maging magastos sa mga bangko. Pero sa akin kasi, ang konsepto dito, magastos din mag-distribute ng pera kasi kukuha ka ng tao, kukuha ka ng armored van, mag-deliver ng pera. Kukuha ka ng security para magbantay at mag-deliver ng pera. At sa ganitong pandemya, nakakatakot din, may mga cases like dito sa Valenzuela, takot na takot ang aming Treasury people dahil baka mahawaan sila, takot din kami dahil kung mahawaan sila, sila lang ang authorize na mag-distribute ng ayuda. So in other words, magastos din ang administrative cost nung distribution ng pera at hindi lang 'yun, kundi 'yung oras at bilis. Kagaya ngayon halos isang buwan na halos hindi pa tapos ang pagdi-distribute ng ayuda sa mga kababayan natin, isang buwan na 'yan. Pero kung may bank account, tingin ko pinakamatagal na tatlong araw baka meron na kayong pondo.

Q: Ini-imagine ko, halimbawa magbigayan ng ayuda, hindi kaya mag-stampede sa Land Bank sa dami ng pupunta. Baka sakali mahanapan natin ng paraan paano maiwasan ang ganun?

SEN. WIN: Magandang observation 'yan, RJ. Ang next challenge dito, padamihin ang ATM at kung may ATM machines, wala nang transaction fees, kasi ang transaction fee P18 din. Ito ay mga bagay na dapat paga-aralan, una padamihin ang ATMs. Pangalawa, dapat may pera palagi ang ATM at pangatlo, ang transaction fee dapat mas mababa o tanggalin na pagdating sa government transactions.

Q: Kelan ninyo balak i-file ito? May oras pa ba?

SEN. WIN: Pwede pa namang mag-file. Sana lang ma-hear natin kaagad at maging batas na ito. Pero ito ay kaakibat ng national ID natin, dahil ang national ID natin ay napakaganda niyan, game changer 'yan. Ako rin ay isang author ng national ID natin, ang mga serbisyo dapat ayusin din natin at ikabit natin dito sa napakagandang national ID. Dahil ang pinakamaganda dito ay ang serbisyo dahil isang proseso o isang aspeto lang naman ang national ID. Pero ang serbisyo na ibinibigay nito ang napakahalaga.

Q: Sa October, filing na ng COC. Kaya ba nating ipasa 'yan before the year ends? Pwede ba i-certify as urgent? Kelan niyo balak i-file? Suportado ba ng inyong colleagues?

SEN. WIN: Sa tingin ko naman sang-ayon ang ating mga kasamahan. Simple lang naman ito, hindi naman ito kumplikado dahil imamandato na ang pagbibigay ng bank account sa mga Filipino. At hindi complicated ito. Hopefully, maipasa ito before the end of the year.

Q: Malinaw na bibigyan lang ng extra bank account at hindi isang bank account lang.

SEN. WIN: At nasa iyo na 'yan kung gusto mong gamitin o hindi. For example, marami sa ating mga kababayan, dalawa o tatlo ang bank accounts, pwede mo gamitin 'yun at iwan mo ito. Pero let's say government aid like scholarship na ibibgay saiyo, dito papasok yung government aid.

ON RENEWABLE ENERGY

Q: May nabasa po ako na report ang sabi Norwegian firms backs from easing foreign ownership restrictions sa mga renewable energy na investments, ano ginagawa ng opisina ninyo regarding this?

SEN. WIN: Bilang chairman ng Energy Committee, nakipagtalakayan tayo sa mga Norwegian investors. Ang kagandahan dito, maraming gustong mag-invest sa atin. itong Norwegian Embassy sa pangunguna ni Ambassador Bjørn ay nag-organize siya ng isang investors' forum sa mga gustong mag-invest na Norwegian sa renewable energy at 'yung renewable energy kasi ito ang pinakalumalaki at pinaka-modernong teknolohiya at maraming gustong pumasok sa atin. Ang problema ay nasa konstitusyon natin, limitado lang ito sa ating mga kababayan, 60 percent owned dapat by Filipino corporations. So in other words, kung gusto man nilang pumasok dito, dapat mag-partner sila sa local Filipino companies, hindi sila pwedeng pumasok na sila lang. Dito nagkakaroon ng kumplikasyon, dahil sa laki ng pera na ibubuhos nila ay gusto nila sila ang may control. Gusto mo ikaw ang nag-ooperate ng negosyong 'yun. So dito nagkakaroon ng kumplikasyon at nasabi ko sa kanila, complicated ito dahil constitution natin ang nagsasabi na hindi pwedeng 100% foreigner o hindi pwedeng majority ang foreigner.

Q: Baka pwede bigyan natin ng tax perk?

SEN. WIN: Ang sabi ko lang sa kanila complicated ito dahil legal question ito pero pag-aaralan pa rin naming mabuti at ang maipapayo ko sa kanila ngayon marami naman tayong magagaling, credible na local companies at sa ngayon pwede muna silang makipag-partner dito sa local energy companies natin. Pero sabi ko hindi madaling sagutin ito, pag-aaralan muna natin dahil saligang batas na ang nagsaad na nakareserba ito para sa mga Filipino.

Q: Magandang idea ang renewable energy kasi sustainable 'yun, kumbaga hindi mawawasask ang atmosphere ng Pilipinas. Pero ang catch po kasi, siguro ang pinaka-popular na example na renewable energy project sa Pilipinas ay mga windmill sa Bangued, Ilocos Norte. Ang nabalitaan ko po according doon sa mga locals dun, I think ang natanong ko yata doon si Senator Imee Marcos di ko na matandaan matagal na kasi. Ang isa sa naging problema nang itayo nila ang windmills meron daw batas na nire-require na yung kuryente na magagawa ng windmill idi-diretso pa muna sa national grid tapos saka lang ibabalik sa kanila, so sila kahit katabi nila yung windmill nagba-brownout sila bakit daw ganun?

SEN. WIN: Ang simpleng sagot diyan RJ dahil dito sa Luzon and Visayas isang merkado lang tayo, so ibig sabihin kahit saan ang generator binabato iyan sa merkado at dini-distribute iyan nationwide. So kagaya sa Ilocos, puwede silang bumili ng kuryente sa Visayas, pwede silang bumili ng kuryente let's say sa Pangasinan o sa Bikol dahil nasa isang merkado lang tayo. Ganun ang nature ng kuryente talagang inilalagay iyan sa isang merkado. Ang dahilan diyan para kung may sobra sa iba madadala mo sa iba, kung may kulang sa iba makakabili ka sa iba. Dahil aminin na natin may mga lugar na nabiyayaan ng mas maraming resources tulad po sa Biko, sa Albay in particular anlaki po ng geothermal nila diyan pwedeng ibato iyan sa Ilocos dahil malaki may surplus sila eh sobra-sobra naman sila dun. So may mga ganitong pangyayari kaya inilagay sa isang merkado ang lahat po ng nagpo-produce o nagsu-supplay ng kuryente.

Q: Pero ang isyu ko kasi diyan Senator Gatchalian, hindi ba maganda na lagyan baka sakali lang naman I mean limitado na tayo sa oras eh patapos na yung Kongreso ngayon, pero hindi ba maganda kahit na may ganun requirement baka pwede bigyan ng preference yung nag-produce kasi ang nakikita ko parang ano eh nagdadagdag lang tayo ng red tape sa sistema eh administrative cost lang naman iyan ipapatong lang din sa consumer iyan eh, ewan ko kung totoo iyon pero feeling ko totoo pa rin yung kapag nagbabayad ako sa Meralco na we have the highest electricity rate sa Asia. So that is something that we may want to look into lalo na po at gusto natin ng economic development eh ang mahal ng kuryente di po ba?

SEN. WIN: Pwede naman yun, pwede naman dumiretso doon sa planta mismo for example gagawin ko very simple ito no yung mga distributor nila sa Ilocos pwedeng dumiretso doon sa windmills, magkakaroon lang sila ng usapan na didiretso na ako dito, hindi na ako pupunta sa merkado. So pwede namang mangyari iyon yung distributor doon yung Ilocos distributor ang kokontrata dito sa mga producers ng kuryente, so pwede naman iyon no, depende na sa sitwasyon nila, depende na sa sobra o kulang ang pangangailangan sa kuryente.

ON UNIFIED CONTACT TRACING

Q: Senator maiba tayo ng usapan kasi medyo press tayo for time pero gusto ko lang itanong to dahil ako hina-highblood ako sa isyu na to. Seven hours ago inilabas ng Philippine Star na naghihiling ka daw sa IATF na magkaroon tayo ng unified contact tracing system, pwede niyo po bang ipaliwang yung sa amin sir kung ano yung problema na yun?

SEN. WIN: RJ, talagang kami, dito sa Valenzuela mandated na kasi yung QR Code. Kung pupunta ka sa tindahan o mall, Wala na pong fini-fill up, i-QR code lang, papasok na ako doon. Ang kagandahan dito, lahat ng lakad ko, pumapasok sa isang central database na hawak ng LGU, so kung halimbawang nag-positive ako, alam nila kung saan ako pumunta. Wala nang titignan na mga papel. Pero apat lang na LGUs ang may ganitong automated system. Valenzuela, Pasig, Mandaluyong at Antipolo. The rest of the LGU, mano-mano pa rin. Ako pag pumupunta ako sa ibang LGU tapos nagpi-fill up, una delikado dahil hahawakan mo ang papel. Pangalawa, bago mo matapos, minsan 10 tanong, bago ka matapos 10 minutos na...

Q: Tapos minsan Sir hindi ka pa aabot sa step 2.

SEN. WIN: Oo, actually kung merong isang kapalpakan sa paglaban sa COVID, 'yung contact tracing talagang napaka-palpak, doon sa maiba maganda. For example, vaccination, testing, okay naman. Sapat naman ang ginagawa nila. Pero pagdating sa contact tracing talagang walang-wala, talagang zero pa tayo after one year. Kaya ang aking mungkahi lalo na kapag gusto nating magbukas ng mga eskwelahan, ayusin natin ang contact tracing dahil kapag nagkahawahan, napakahirap matukoy saan nanggaling 'yung virus.

Q: Doon sa panukala ninyo, magkakaroon na ng sariling bank account ang mga indibidwal, how about sa mga probinsya na tumatangkilik sa mga kooperatiba, pwede ba silang doon na lang?

SEN. WIN: Sa ngayon ang ating plano ay sa government banks muna dahil sila ang pinakamalawak. Ang Land Bank present to all 1,400 LGUs, talagang andun sila at meron silang bank branch, meron silang ATM, may presensya sila doon. So sa aking konsepto, unahin natin ang government banks, pero itong government banks pwede silang mag-tie up sa mga kooperatiba. For example, sa LGU na 'yun talagang aktibo ang kooperatiba at meron silang pamamaraan para mag-distribute pwede naman silang magtie up doon at magkaroon ng partnership.

[end recording]

News Latest News Feed