Press Release
May 23, 2021

Hontiveros welcomes ECC resolution compensating work-from-home related injuries, death

Senator Risa Hontiveros welcomed the newly released resolution from the Employers Compensation Commission (ECC) on compensating workers for injuries sustained while working from home.

Back in April, the Senator also lauded the commission for listing COVID-19 as a compensable occupational disease .

"Ngayong mas marami na ang naka-work-from-home arrangements, malaking bagay na alam ng ating manggagawa na may sasalo sa kanila ano man ang mangyari sa kanila, saang lugar man sila nagta-trabaho, kahit pa sa bahay," Hontiveros said.

"The essence of workplace safety and health goes beyond the workers' offices. This new resolution from the ECC provides clarity as to how Filipino workers can avail of compensation in the event they get sick, or suffer from disability or death from injuries sustained while working from home," she added..

Based on the commission's Board Resolution No. 21-03-09, disability or death due to injuries sustained by the employees, both private and government, while working from home will be compensable under the Employees Compensation Program (ECP). The claim requires a written directive or order from his or her employer specifying a work-from-home arrangement or the performance of specific tasks within a specified period at the residence or dwelling place of the employee.

Hontiveros also emphasized that the measure is timely and relevant especially when many illnesses may arise due to longer working hours and lack of time boundaries when working remotely at home. She specifically cited the recent study published by the World Health Organization (WHO) and the International Labor Organization (ILO) which revealed that more than 55 hours of working per week increases the risk of stroke and heart disease.

"Simula nang mag work-from-home, mas naging sedentary ang lifestyle ng ilan. Marami din ang nagtatrabaho beyond office hours. There's a higher risk of getting stroke and heart disease in the long run. The resolution will provide employees with much-needed protection and safeguards especially against the long-term effects of a work from home set-up," she said.

The Senator then urged that a "right to disconnect" from work should also be institutionalized to prevent abuse and exploitation. She furthered, it is time to heed the call of the trade unions which have been pushing for the same measure.

"There have been many instances in which remote workers are forced to be alert or online 24/7. Nauutusan pa rin ng kanilang mga boss kahit lagpas na sa oras o araw ng kanilang trabaho. Maliban siguro sa emergency cases, mas makabubuti nang ibigay natin sa manggagawa ang nakalaan nilang oras sa pahinga o break para labanan ang stress at makapag-recharge," Hontiveros said.

"Our workers deserve better working conditions. Kapag sila ay healthy, mas nagiging produktibo silang empleyado. Ang tamang pag-aalaga sa ating manggagawa ang susi sa pag-unlad at muling pagbangon ng ating ekonomiya," she concluded.

#####

Hontiveros, ikinalugod ang kautusang magbibigay-kabayaran sa work-from-home related injuries

Ikinalugod ni Senador Risa Hontiveros ang bagong resolusyon ng Employees Compensation Commission (ECC) na nagtatakdang bayaran ang mga empleyadong magkakasakit o magtatamo ng anumang pinsala kahit na sila ay naka-work-from-home.

Noong Abril, pinuri din ng Senador ang komisyon nang ideklara ang COVID-19 bilang occupational disease.

"Ngayong mas marami na ang naka-work-from-home arrangements, malaking bagay na alam ng ating manggagawa na may sasalo sa kanila ano man ang mangyari sa kanila, saang lugar man sila nagta-trabaho, kahit pa sa bahay," ani Hontiveros.

"Ang pagsisiguradong ligtas at malusog ng mga empleyado ay hindi lang dapat nakakulong sa apat na sulok ng opisina o tanggapan ng kumpanyang pinapasukan nito. Ang bagong resolusyon na ito mula sa ECC ay nagbibigay ng linaw kung paanong ang mga manggagawa ay makakakuha ng kabayaran kung sakaling magkasakit sila, magkaroon ng kapansanan o di kaya ay mamatay habang nagtatrabaho sa kani-kanilang bahay," dagdag pa niya.

Batay sa Board Resolution No. 21-03-09, ang mga empleyado, pribado man o pampubliko, na magkakasakit, magkakaroon ng kapansanan o masasawi dahil sa pinsalang natamo habang nagtatrabaho sa bahay ay may kaukulang kabayaran sa ilalim ng Employees Compensation Program (ECP). Kailangan lang ng written directive o kautusan mula sa kanyang employer na ang empleyado ay nasa isang work-from-home arrangement.

Para kay Hontiveros, ang panukala ay napapanahon lalo na't inaasahang maraming sakit ang pwedeng makuha ng isang empleyado na nasa work-from-home set up dahil sa mas humahabang oras ng trabaho na lagpas sa dating walong oras kada araw na pasok.

Partikular niyang binanggit ang pinakabagong pag-aaral na inilathala ng World Health Organization (WHO) at ng International Labor Organization (ILO) na nagsasaad na mas high risk sa stroke at sakit sa puso ang mga taong nagtatrabaho ng higit sa 55 oras bawat linggo

"Simula nang mag work-from-home, mas naging sedentary ang lifestyle ng ilan. Marami din ang nagtatrabaho beyond office hours at namemeligrong magka-stroke at sakit sa puso katagalan. Ang resolusyong ito ay magbibigay sa mga empleyado ng kinakailangang proteksyon at safeguards para may pagkukunan sakaling maospital sila o sumailalim sa gamutan," ani Hontiveros.

Hinimok din ng Senador na magkaroon ng "right to disconnect" mula sa trabaho upang maiwasan ang pang-aabuso at pagsasamantala lalo't marami ang 'work mode on' pa rin kahit tapos na ang oras ng trabaho. Dagdag pa niya, oras na upang pakinggan ang panawagan ng labor unions na nagtutulak ng kaparehong hakbang.

"Maraming mga pagkakataon kung saan ang remote workers ay napipilitang maging alerto online 24/7. Nauutusan pa rin ang kanilang mga boss kahit lagpas na sa oras o araw ng kanilang trabaho. Maliban siguro sa mga emergency case, mas makabubuti nang ibigay natin sa manggagawa ang nakalaan sa kanilang oras sa pahinga o break para labanan ang stress at makapag-recharge," ani Hontiveros.

"Our workers deserve better working conditions. Kapag sila ay healthy, mas nagiging produktibo silang empleyado. Ang tamang pag-aalaga sa ating manggagawa ang susi sa pag-unlad at muling pagbangon ng ating ekonomiya," pagtatapos niya.

#####

News Latest News Feed