Press Release
August 25, 2021

STATEMENT OF SEN. BONG GO:

My position has not changed. I am still not interested in running for President. And as I have said before, if Mayor Sara runs, I will support her.

Umpisa pa lang, sinabi ko na kung ano ang magiging desisyon ng mga Duterte ay suportado ko ito. Sa ngayon, antayin na lang natin ang kanilang pinal na desisyon.

I leave my fate to God, to the Dutertes---kung anuman ang desisyon nila Pangulong Duterte at Mayor Sara pagdating sa pulitika ---and to the Filipino people dahil sila po ang nagbigay sa akin ng pagkakataon na makapaglingkod sa kapwa at marating kung saan man po ako nandirito ngayon. Hindi ko sasayangin ito.

Please lang, pagdating sa usaping eleksyon, ihuli niyo na ako dahil hindi talaga ako interesado na tumakbong Pangulo. Lahat ng problema sinasalo ng Pangulo. Nararanasan ito ni Pangulong Duterte ngayon at nakikita ko ang hirap na pinagdadaanan niya.

Mas gugustuhin kong magtrabaho at magserbisyo sa tahimik na paraan na may resulta para sa kapakanan ng mga Pilipino.

And as chair of the Senate Committee on Health, patuloy akong naka-focus na tulungan ang gobyerno at ang ating mamamayan na malampasan ang pandemya sa mas lalong madaling panahon. Bakuna muna bago pulitika. Maraming salamat po.

News Latest News Feed