Press Release
August 28, 2021

Transcript of DWIZ Interview with Senate Minority Leader Franklin M. Drilon Usapang Senado with Ms. Cely Bueno

Q: Ano po ang nakikita n'y rito kay Lao?

SFMD: Malinaw na meron po siyang tinatago. Maliwanag na may sagot siyang kasinungalingan. Unang-una, hindi sang-ayon sa ating bureaucracy na ang isang tao ay mag-apply na lamang basta ng undersecretary at i-approve ng Pangulo. Hindi raw niya kilala si dating DBM Sec. Diokno, si DBM Sec. Avisado. Nag-apply na lang siya. Iyan ay talagang hindi nangyayari. Pangalawa, sinasabi niya na hindi niya alam na may kaso siya sa PACC na extortion ngunit ang sabi ni Sec. Hontiveros ay kinonfront at hiningi yung explanation ni Lao noong nandon pa siya sa HUDCC. Pangalawa, itong si Lao ay mayroong MBA, hindi Master in Business Administration kung hindi "May Backer Ako". Pangatlo, nakikita natin na itong Pharmally ay binuo noong September 2019 at ang kaniyang capital ay nasa P600,000 lang pero ibinigay sa kanya ang P8.7B contract supplies. Ito po ay violation ng anti-graft. Inamin din ni Lao na hindi niya tinginan nang husto ang GIS at Articles of Incorporation ng Pharmally. Sa aking tingin, pwedeng sampahan ng kaso sa ilalim ng anti-graft and corrupt practices act. Kasi maraming overpriced dito. Pero ang importante ay mahanap natin ang opisyales ng Pharmally. Sa atin, ang Pharmally ang susi para malaman natin ang lahat. Pharmally is the key to unraveling the mysteries in this multi-billion transactions. Siya po ang pinakamalaking supplier ng PS-DBM kaya dapat tingnan natin kung sino ang mga connection nila.

Q: Sa tingin Ninyo, sino kaya ang tao sa gobyerno na nasa likod ni Lao?

SFMD: I don't want to speculate kasi talagang niloloko tayo ni Lao. Sasabihin mo under oath na wala kang backer at ikaw ay nag-apply, iyan naman talaga ay kalokohan. Ang sabi ni Sen. Go, hindi siya, wala siyang alam dito, hindi niya aide itong si Lao. Iyon ang misteryo. May tinatago ito at may pinagtatakpan.

Q: Yung sinabi n'yo na key ang Pharmally. Malaking challenge po ito sa Blue Ribbon na mahanap ang opisyales ng Pharmally?

SFMD: Tama po iyan. Hindi na-served ng OSAA yung subpoenas. Tanungin natin sa BI kung umalis ba ito ng bansa. Ipapahanap natin sa NBI iyan.

Q: Hihilingin n'yo po ang tulong ng PNP at NBI?

SFMD: Tama po iyan dahil ang Pharmally po ang susi para malaman kung sino ang nasa likod nito.

Q: Sa tingin n'yo inilagay talaga si Lao sa PS-DBM para gumawa talaga ng pera?

SFMD: Hindi ko alam, wala akong ebidensya tungkol diyan kaya ayaw ko munang magsalita.

Q: Pero sa tingin po n'yo may kumita?

SFMD: Masyadong overpriced ang face masks at face shields; yung kumpanya na nag-supply mula zero income noong 2019 umabot ng mahigit kumulang P300 million ang kinita ng 2020, talagang may kumite rito. Ang sabi nga ni Sen. Gordon, ang bili niya sa face mask ay P5.00, dito P22.00, meron pang P27.00...

Q: Pwede po bang ebidensya yung video na ipinakita ni Sen. Gordon na parang ini-introduced ni Yang yung mga officials ng Pharmally kay Presidente?

SFMD: Sinasabi doon sa video na ito ay mga officials ng Pharmally. Patuloy nating tingnan kung totoo ba ito at ano ba ang nangyari. Doon sa Rappler, maraming sinasabi na connection ni Michael Yang at Pharmally, pero wala pa akong ebidensya diyan akya at this point, it is all news report.

Q: Dapat bang i-subpoena si Michael Yang?

SFMD: Kung hindi ako nagkakamali, pina-subpoena na iyan ni Sen. Gordon. Siguro tanungin natin kay Sen. Gordon.

Q: Kahit resigned na si Lao, maari pa ring imbestigahan ng Ombudsman?

SFMD: Tama po iyan, pwede siyang imbestigahan dahil itong mga possible violations ng anti-graft law ay ginawa niya nang siya ay official pa ng pamahalaan. Kaya pwede siyang imbestigahan ng Ombudsman.

Q: Bakit po na-transfer ng DOH itong P42B sa PS-DBM? Nasagot na po ba ito sa naging investigation?

SFMD: Inamin ni Sec. Duque na siya ang nag-utos, ngunit walang dokumento na pinirmahan. Ito ay gross negligence. Bilyon ang inililipat mo sa isang ahensya tapos wala kang pinirmahan? Maliwanag na negligence ito at kung Nawala ang pera ay may pananagutan si Sec. Duque dito.

Q: Iyan kaya ang dahilan ng pagbabago ng tono ni Pangulo at kahapon, si Sen. Go, sinabi niya na dapat gumawa raw ng supreme sacrifice si Sec. Duque.

SFMD: Hindi ko alam. Your guess is as good as mine. Ganunpaman, hindi po mada-divert ang aming attention at hahanapin pa rin naming itong Pharmally at kung paano nangyari ang overpricing.

Q: Yung P8.7B na na-grant sa kanila, mukhang hindi lang po ito ang na-award? Mukhang sa 2021 meron pa?

SFMD: Tingnan po natin iyan kung mahigit sa P8.7B ay mayroon pang konrata. Ipasa Ninyo sa akin at paimbestigahan natin.

Q: Maari po ba na plunder dito?

SFMD: Maaari po na plunder ito, pwede pong maging plunder kung mapatunayan na ang overpricing ay mahigit P50 million.

Q: Dapat bang ipagbawal na ang pag-transfer ng funds sa PS-DBM at PITC?

SFMD: Tama po iyan. Yung dalawang ahensya na iyan, talagang dito bilyun-bilyon ang pera ng pamahalaan na nakatengga dito. Yang PITC na iyan ay dapat ding imbestigahan. Dambuhalang GOCC din iyan na makikita rin natin ang kanilang kalokohan. Ilang bilyon din ang pera ng iba't ibang ahensya diyan, especially yung BFP. Ilang taon na ito, nakatengga yung pera, nakalagay sa bangko, at yung interest ay ginagawang income at siguro ginagawang bonus doon nila. Malaking pananagutan din ito. Parehas ang modus operandi nila ng PS-DBM. Kaya para sa akin, dapat itigil na itong fund transfer. Mayroon naming BAC ang bawat ahensya.

Q: Kung sakaling maging evasive si Lao, pwedeng ipa-cite for contempt si Lao?

SFMD: Hindi ko alam kung ipapa-cite for contempt. Iyan ay kapangyarihan ng Blue Ribbon.

Q: September na next week, malamang magsimula nang busisiin ang 2022 budget. Ngayon po ba nakita n'yo na kung gaano karami yung mga items na sa tingin ninyo ay dapat tanggaling?

SFMD: Hindi ko pa natitingnan ngunit agad-agad na nakikita natin yung NTF-ELCAC fund na P28.1 billion. That's an excess fat na kailangang tanggalin at dapat ilagay sa ayuda. Iyan ay malaking pork barrel lang kung sinuman ang namumuno diyan.

Q: Sino po ang itatapat ng opposition sa Go-Duterte tandem?

SFMD: Sa ngayon po, ang gusto ni VP Leni na magkaisa ang opposition. Huwag muna nating pangunahan ngunit para sa akin mahalaga na magkaisa ang opposition. Kung kalat na kalat ang opposition, lalo nang hindi magwawagi. Sa ngayon iyan ay pinag-uusapan pa nila VP Leni.

SFMD: Malakas po at siya po ang dapat na maging kandidato ng opposition.

Q: Next month malamang maging klaro na ang decision ni VP?

SFMD: Dapat po, iyan ang ideal.

Q: Kayo po ba ay tumutulong sa effort na magkaroon ng isang pambato ng opposition?

SFMD: Hindi po ako kasama doon sa mga usapan.

Q: Inabot kayo ng halos hanggang alas-9 kagabi, indikasyon ito na hindi kayo nagpapatinag sa sinabi ng Presidente.

SFMD: Sinagot na iyan ni Sen. Gordon at inisa-isa niya. Sa akin, ang taumbayan ang huhusga kung ito ba ay may katuturan. Dahil sa Blue Ribbon, na-convict itong ilang officials ng Bureau of Immigration. Maliwanag na dahilan sa investigation ng Blue Ribbon ay may mga taong nako-convict.

Q: Sa tingin n'yo tama po itong magkaroon ng casino sa Boracay dahilan kailangan daw po ng dagdag na source ng income ng gobyerno?

Hindi ko po alam iyang sa Boracay. Ako ay may problema kung ang maging source ng revenue ay mga casinos. Sa akin, hindi tama iyan. Hindi ako sang-ayon sa POGO dahilan sa aking paniwala, kung kailangan natin ng pera iyan ay dapat sa taxation at hindi sa mga casinos.

News Latest News Feed