Press Release
August 28, 2021

Gatchalian seeks Senate probe on sufficiency of power supply on 2022 national elections

Despite pronouncements that there will be no brownouts during the week of the May 2022 elections, Senator Win Gatchalian wants the Senate to conduct an inquiry on the plans and preparations of the Department of Energy (DOE) and other stakeholders to ensure the uninterrupted electricity supply.

"It is crucial that programs are already in place, taking into account all eventualities to guarantee continuous supply of electricity during the 2022 automated elections. We must ensure the credibility and transparency in the conduct of elections as well as the delivery of fast and accurate results reflective of the genuine will of the people," Gatchalian said in filing Senate Resolution No. 867.

While the DOE already assured that there will be no yellow alerts and power interruptions during the election week as the initial outlook shows sufficient supply, Gatchalian emphasized that the said outlook does not take into consideration the forced and unplanned outages of power plants and the declining supply from the Malampaya gas field.

The Senate Energy Committee Chairperson cited the rotational brownouts during the summer of 2019 and the period from March to May this year that were attributed to unplanned outages and derating of power plans, among other reasons.

"Power interruptions last summer happened despite earlier statements from the DOE that it was optimistic that the country will not encounter major challenges or any alerts that may result in insufficiency of supply'," he pointed out.

Gatchalian also noted reports on DOE Secretary Alfonso Cusi, when he appeared in a Congressional hearing last July 30, being non-committal in ensuring a brownout-free national and local elections next year while some DOE officials were quoted saying that there will be "thinning of supply on election day and thereafter."

The DOE is mandated to ensure the reliability, quality, and security of electric power supply and exercise supervision and control over all government activities relative to energy projects, he said.

"Kaya tayo merong DOE para siguraduhing meron tayong kuryente sa lahat ng pagkakataon. Iyan ang pangunahing trabaho ng DOE. Kaya hindi katanggap-tanggap kung ngayon pa lang ay hindi natin mapaghandaan ang sapat na suplay ng kuryente pagdating ng eleksyon na isang mahalagang kaganapan sa kasaysayan ng bansa," Gatchalian concluded.

# # #

________________________________________________________________________________________

Sapat na suplay ng kuryente para sa 2022 national elections pinaiimbestiga ni Gatchalian

Naghain ng resolusyon si Senador Win Gatchalian para imbestigahan ng Senado kung may mga nakalatag nang mga plano ang Department of Energy (DOE) at stakeholders sa sektor ng enerhiya upang masiguro na hindi magkakaroon ng brownout at may sapat na suplay ng kuryente pagdating ng halalan sa Mayo 2022.

"Mahalagang nakalatag na ang mga paghahanda ngayon pa lang. Kailangan nating paghandaan ang mga ng posibleng sitwasyon para masiguro ang tuloy-tuloy na daloy ng kuryente lalo na pagdating ng halalan. Kailangang siguruhin natin ang kredibilidad ng halalan na magbibigay ng mabilis at tamang resulta na sumasalamin sa tunay na boses ng nakararami," sabi ni Gatchalian sa kanyang inihaing Senate Resolution No. 867.

Sa kabila ng pagsisiguro ng DOE na hindi magkakaroon ng yellow alerts, na senyales ng pagnipis ng suplay ng kuryente, o pansamantalang power interruption kung kailan isasagawa ang halalan, iginiit ni Gatchalian na hindi isinaalang-alang ng kagawaran sa kanilang power outlook ang pagkakaroon ng forced at unplanned outages ng mga planta ng kuryente at ang humihinang suplay mula sa Malampaya gas field.

Ipinunto pa ng Senate Energy Committee Chairperson na noong nagkaroon ng rotational brownouts noong summer ng 2019 at nitong taon lang mula Marso hanggang Mayo, napag-alaman na ang sanhi ng mga pangyayaring ito ay dahil sa mga unplanned outages at pagbabawas ng kapasidad ng mga planta na magsuplay ng kuryente.

"Sa kabila ng paniniguro ng DOE na walang mangyayaring brownout nitong nagdaang summer ay natuloy pa rin ang rotational brownouts. Ayaw na nating mangyari uli ito." pagdidiin ni Gatchalian.

Ikinalungkot din ng mambabatas na walang direktang sagot ang kalihim ng DOE kung magiging "brownout-free" ang parating na national at local elections sa susunod na taon, nang humarap ito sa isang pagdinig sa Kongreso. Pero ang iba namang opisyal ng DOE ay nakapagbitiw ng pahayag na magkakaroon ng manipis na suplay ng kuryente sa mismong araw ng halalan at sa mga susunod na araw.

Sinabi ni Gatchalian na mandato ng DOE na siguruhin ang pagkakaroon ng maaasahan at sapat na suplay ng kuryente, pangasiwaan at pamahalaan ang lahat ng mga aktibidad ng gobyerno sa mga proyektong may kinalaman sa sektor ng enerhiya.

"Kaya tayo merong DOE para siguraduhing meron tayong kuryente sa lahat ng pagkakataon. Iyan ang pangunahing trabaho ng DOE. Kaya hindi katanggap-tanggap kung ngayon pa lang ay hindi natin mapaghandaan ang sapat na suplay ng kuryente pagdating ng eleksyon na isang mahalagang kaganapan sa kasaysayan ng bansa," pagtatapos ni Gatchalian

# # #

News Latest News Feed