Press Release
August 29, 2021

Transcript of DZBB Interview with Senate Minority Leader Franklin M. Drilon

Q: Ano po ang pwede ninyong i-conclude batay sa naging pandinig ninyo?

SFMD: Sa akin, mukhang plinano itong pandrambong. Sa Revised Penal Code, meron tayong tinatawag na premeditated murder. Dito po, premeditated plunder. Plinano talaga ang pandrambong. Sa akin, lalo na po at in times of pandemic, na kulang na kulang ang kaban ng bayan, ito ay treachery o panloloko at panlilinang sa kaban ng bayan.

Q: Paano pong plinano?

SFMD: Ako abogado ako, kung walang direct evidence tingnan mo yung circumstantial evidence. Kung titingnan mo yung series of events. Una, mayroon na siyang controversy sa HLURB, in-appoint pa rin siyang undersecretary ng DBM as early as August 2019. Dito sinabi niya nag—apply lang siya and he was appointed. Ang sabi nga, tell that to the marines. Alam naman natin na hindi ka ma-appoint kung hindi ka inendorso ng secretary mo. Ipagtabi na natin iyan.

Nasa DBM na siya around August 2019. Inilipat siya sa PS-DBM noong Enero 2, 2020, barely five months after, inilipat na siya noon.

Q: Wala pang pandemic nito?

SFMD: Wala pa pero ang trabaho ng PS-DBM ay procurement. Pagkatapos noong March 16, matapos ang declaration ng state of emergency o quarantine, naglabas kaagad ang GPPB ng resolution na isinasama ang face masks at PPEs sa common-used supplies dahil hindi naman talaga kasama ito. Sa DOH ito binibili.

Q: Kapag po common-used supplies, pwede siyang bilhin ng PS-DBM?

SFMD: Tama. At dahil emergency, negotiated lahat ito. Tapos barely 10 days matapos maisama ang PPEs at face masks, nagsimula nang maglipat ng pondo. Pagkatapos starting March 27, 2020, nagsimula nang ilipat yung P42B galing sa DOH papunta sa PS-DBM.

Q: Ang inilpat po ng DOH yung pandemic funds na po.

SFMD: Opo. Tapos ito na yung maliligayang araw. Bumili ng overpriced surgical masks sa Pharmally worth P22.5, P27.72 at P22 noong April 16, 2020, at April 20, 2020, two weeks after nailipat ang pondo. Noong panahon na iyon, bumili rin ng face masks sa ibang supplier sa halagang P13.00.

Q: Within the same period po?

SFMD: Opo.Tapos bumili ng test kits worth P688M April 23, 2020. Bumili ng PPEs sa Pharmally worth P3.82B Mayo 8, 2020. Documented ito. Bumili rin ng test kits sa Pharmally worth P2.88B June 9, 2020. Nag-resigned siya ng Hunyo 2021 ngunit last year, between April 2020 to June 2020, mahigit P6B yung inaward sa Pharmally. Kaya umabot sa mahigit na P8.7B ang kontrata ng Pharmally.

SFMD: Talagang nakikita natin na ginamit ni Lao ang position niya at minanipula ang presyo. Bakit ka bibili ng mahal kung may suppliers na nagbigay ng mas murang presyo.

Q: Ang katwiran po noon, gipitan na ang panaho, short ang supply...

SFMD: Alam mo, dokumentado, one week after bumili sila ng P22.50, nakabili sila sa isang supplier sa halagang P13.00.

Q: Lumilitaw po ba na si Lao lang nag nag-decide?

SFMD: Iyan ay isa sa magandang tanong. Mukhang may MBA hindi Masters of Business Adminsitration. Ang ibig sabihin, may marcker ako kaya malakas ang loob. Ang aking paniwala, itong Pharmally, meron ding MBA. Ang lalakas ng loob. Ang Pharmally, ang paid-up capital ay P625,000 pero ang nakuha niyang kontrata at P8.7B. Paano nangyari iyon? Ang tanong, sino ang backer ni Lao? Sino ang backer ng Pharmally?

Q: Sa ganitong sitwasyon sino ang dapat managot?

SFMD: Sa akin, si Lao talagang nagsisinungaling. Sa aming tingin sa senado, may pinagtatakpan siya. Sino kaya? Kami ipipilit namin na ilabas ni Lao kung sino ang kaniyang backer. Mahahalata mo naman kasi unang-una, sinasabi niya na walang nagrekomenda sa kanya sa DBM doon pa lang halata ng may pinagtatakpan siya.

Q: Ang sabi ni Sec. Avisado, he reported to no one... Ang tanong, kanin siya nag-report?

SFMD: Alam mo, human nature, bilyung-blilyon ang hawak ng isang ahensya sa ilalim mo bilang secretary of budget, hindi mo ba tatanungin kung ano ang nangyayari diyan, tama ba ang ginagawa? Tama ba yun? Huwag mo naming sabihin Sec. Avisado na hindi mo alam ang ginagawa. That is contrary to human experience.

Q: Hindi kayo naniniwala na hindi ito alam ni Avisado?

SFMD: Hindi ako naniniwala. Kahit attached agency lang iyan, subordinate mo iyan. In practical terms, sa araw-araw mong trabaho ay dapat tinatawagan mo yain. May pagkukulang.

Ito ay talagang nakakapagtaka na inamin ni Sec. Duque na inilipat niya yung P42B sa PS-DBM nang walang dokumento.

Q: Ano ang pananagutan dito?

SFMD: Bakit walang MOA katulad ng sinabi ng COA. Talagang maraming pananagutan. Nagkakuntsaba rito. Mayroon talagang tangkang pandarambong at nakawin ang pera nga taumbayan.

Q: Dapat po bang i-abolish ang PS-DBM?

SFMD: Pag-aralan natin nang husto dahilan sa hindi lang PS-DBM ang involved dito kasama yung PITC. Ganoon din ang trabaho. Bilyun-bilyon din ang nakabinbin doon. Inilalagay nila sa bangko ang pera ng gobyerno. Yung dalawang ahensya na ito magkapatid ito sa kalokohan.

Alam mo sa DOH, ang dami nilang undersecretaries. Marami sila sa BAC. Bakit hindi sila ang humawak nito na sila naman ang expert, hindi naman PS-DBM. The expertise of the purchases of medical supplies is with the DOH and the DOH has a lot of experts to handle these purchases. Pero bakit inilipat ang pondo tapos wala pang MOA?

Q: Hihikayatin n'yo ba si Lao na magsabi nang totoo. Baka kasi natatakot siyang magsalita. Ano po yung pwedeng protection na ibigay ng senado kay Lao?

SFMD: Sa Witness Protection Program, ako po ang secretary of justice nang ginawang batas iyas, kailangan doon you are the least guilty. You are not the most guilty. Bago siya mabigyan ng protection, dapat hindi siya ang may pinakamalaking kasalanan. Kaya ang dapat, sige kung gusto mong pumasok sa WPP, gumawa ka muna ng affidavit at sabihin mo ang nalalaman doon. Ang aaralin ng Blue Ribbon iyon kung may mas responsible doon sa plunder at kung ang kaniyang testimony ay kailangan ba talaga. Kailangang i-examine muna ang kaniyang sasabihin, ito yung nalalaman ko at bigyan n'yo ako ng protection at ito ang sasabihin ko.

Q: Hinihikayat n'yo siyang magsalita?

SFMD: Kung hindi siya magsasalita, kawawa naman siya, siya lang ang makukulong.

Q: Sino ang pwedeng managot?

SFMD: Sigurado ako si Lao. Si Sec. Duque, sinabi niya na siya ang nag-utos na ilipat ang P2B at kung hindi ito inilipat, walang pagkakataon para nakawin ang pera sa pamamagitan ng overpriced supplies.

Doon pa lang sa paglipat ng P42B nang walang MOA, dahilan diyan nagging possible ang pagnanakaw. Ano po ang liability doon ni Sec. Duque? Iyan po ay dapat pag-aralan kung ano ang pananagutan.

As late as June 2, 2021, mayroon pang in-award na test kits sa Pharmally sa halagang P774M sa Pharmally. Talagang maraming dapat tingnan dito. Bakit ang lakas ng loob niyang gawin ito.

Q: Nakita po ninyo na kabagu-bago ang Pharmally and, yet, nabigyan ng bilyong kontrata. Interesado rin po kayong malamang bakit nangyari ito?

SFMD: Yes. Ipinapahanap naming ang Pharmally... I-check namin kung iyan ba ay nagsialisan na.

Q: Doon sa hearing ipinakita sa video si Presidente kasama po si Michael Yang, anong significance noon?

SFMD: Ibig sabihin, kilala siya, yung Michael Yang. Iyan ay lumabas sa RTVM video other than that, aming iimbestigahan kung ano pa ang connection ni Michael Yang.

Q: Halimbawa hindi pa rin magsalita si Lao. Ano po ang pwedeng gawin sa kanya?

SFMD: Titingnan natin kung saan siya nagsisinungaling. Pwede siyang i-contempt dahil iyan ay base sa rules.

Q: Pwede n'yo rin pong ipakulong si Lao?

SFMD: Kapag napatunayan na ang sisinungaling siya o ayaw niyang sagutin ang aiming mga tanong.

Q: Based on the admission ng negligence, pwede na bang kasuhan si Lao?

SFMD: Sa akin, on that admission, pwede na siyang kasuhan sa ilalim ng anti-graft law. Because of his negligence, the government was prejudiced and damaged by the overpricing.

Makikita mo lahat yung badges of fraud kay Lao.

Q: Dahil mayroong kontroberysa sa Pharmally, dapat bang itigil muna ang transaction sa Pharmally?

SFMD: Dapat. Kung itinuloy nila ito, baka pumabor na ako sa reimposition ng death penalty. Biro lang po.

SFMD: Dapat may detailed auditing ang COA rito. Hinihingi ko sa COA to have a special audit kung saan napunta ang pera. Hinihingi ko po kay Chairman Aguinaldo na gumawa na siya ng special audit dito lang sa P67B na deficient ang documentation at prone to corruption. Do a special audit.

Q: Dahil dito sa magnitude ng usapin, kailangan din bang magsalita ang President na at paimbestigahan sa PACC?

SFMD: Nasa opposition ako, anuman ang sabihin natin hindi napapansin ng administration. Gawin na lang namin ang aming trabaho.

News Latest News Feed