Press Release August 30, 2021 MENSAHE SA ARAW NG MGA BAYANI Taas-pusong pasasalamat at pagpupugay sa ating mga bayani! Sa mga martir na nagbuwis ng buhay, dugo at pawis upang makamit at manatili ang ating kasarinlan at kakanyahan bilang isang bayan, taimtim na pagsaludo sa inyo. Sa mga kawal nating nakipaglaban para sa ating kalayaan at nagtatanggol sa ating teritoryo, sa health workers at frontliners nating nagsasalba ng buhay at nangangalaga sa ating kalusugan, sa mga tagapagtaguyod ng katotohanan at karapatang pantao, hanggang sa mga patuloy na isinusulong ang kapakanan ng pamilya at ng ating bansa, maraming salamat sa inyong lahat. Ang inyong makatao at makatwirang prinsipyo, pagpapahalaga sa buhay at dignidad ng ating kapwa, ang lakas at inspirasyon ng bawat isa para maibalik at muling mangibabaw ang hustisya. Dangal kayo ng lahing Pilipino at ng minamahal nating Pilipinas. (Sgd.) LEILA M. DE LIMA PNP Custodial Center, Camp Crame 30 Agosto 2021 |
Wednesday, March 27
Tuesday, March 26
|