Press Release
August 31, 2021

Gatchalian to IATF, DOH: Impose stiffer penalties vs fake, tampered unified vaccination certificates

Senator Win Gatchalian urged concerned authorities to consider imposing stiffer penalties to guard against those who will misuse or produce fake unified vaccination certificates, saying that such fraudulent acts could endanger public safety.

"Hindi maiiwasan na baka may magsamantala kaya dapat ngayon pa lang ay pinag-iisipan na kung ano ang mga maaaring posibleng hakbang kung gagamiting kasangkapan sa mali o iligal na gawain ang unified vaccination certificate," Gatchalian said.

"Dapat maglabas na ng stiffer penalties laban sa mga namemeke ng mga vaccination cards o gagawa ng mga bogus na vaccination cards. Marami tayong OFWs na aalis at babalik sa kanilang trabaho sa abroad. Baka merong mga sindikato na mang- abuso o magsamantalang gumawa ng fake vaccination cards for a fee. Dapat mahuli sila, parusahan natin dahil kawawa naman 'yung OFWs na mabibiktima," he added.

Gatchalian's call is in anticipation of the possibility of the unified vaccination certificates, serving as "vaccine passports" of fully vaccinated Overseas Filipino Workers (OFWs) due to leave for work abroad, being tampered with or manipulated by some unscrupulous individuals for a fee.

"It can jeopardize public health and put to waste all our efforts in containing the virus especially if fake ones end up in the hands of unvaccinated individuals," Gatchalian emphasized.

While Republic Act No. 11525, otherwise known as the "COVID-19 Vaccination Program Act of 2021", that was signed into law last February 26 provides for penalties based on the Revised Penal Code on the falsification of a vaccine card, most LGUs impose certain sets of penalties based on ordinances they have so far issued.

In Valenzuela City, an ordinance was recently passed against the illegal use, unauthorized printing, copying and issuance of its Valenzuela City Vaccination (VCVax) passport or vaccination card. Violators will be meted with fines ranging from P1,000 to P5,000 depending on the number of offenses as well as criminal charges. The Valenzuela City Ordinance No. 925 likewise prohibits residents from submitting false information to be printed on VCVax.

The Department of Information and Communications Technology (DICT) is set to launch the pilot test of the country's portal for issuing COVID-19 unified vaccination certificate, VaxCertPH on September 1, to be digitally signed by the Department of Health (DOH) to fully-inoculated Filipinos.

# # #

__________________________________________________________________________________

Mamemeke ng unified vaccination certificates dapat parusahan - Gatchalian

Inudyukan ni Senador Win Gatchalian ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) at ang Department of Health (DOH) na patawan ng kaukulang parusa ang sinumang gumawa ng peke o dinoktor na unified vaccination certificates para na rin sa kaligtasan ng lahat.

"Hindi maiiwasan na baka may magsamantala kaya dapat ngayon pa lang ay pinag-iisipan na kung ano ang mga maaaring posibleng hakbang kung gagamiting kasangkapan sa mali o iligal na gawain ang unified vaccination certificate," ani Gatchalian.

"Dapat maglabas na ng stiffer penalties laban sa mga mamemeke ng mga vaccination cards o gagawa ng mga bogus na vaccination cards. Marami tayong OFWs na aalis at babalik sa kanilang trabaho sa abroad. Baka merong mga sindikato na mang- abuso o magsamantalang gumawa ng fake vaccination cards for a fee. Dapat mahuli sila at parusahan dahil kawawa naman 'yung OFWs na mabibiktima," dagdag pa niya.

Ginawa ni Gatchalian ang panawagan sa gitna ng posibilidad na maengganyo ang ibang Overseas Filipino Workers (OFWs) na nakatakda nang umalis ng bansa at maloko ng mga indibidwal na gagawa ng pekeng unified vaccination certificates kapalit ng isang halaga.

"Maaaring makompromiso nito ang kaligtasan ng publiko at mapunta lang sa wala ang lahat ng ginagawa ng gobyerno para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19," pagdidiin ni Gatchalian.

Kahit na nakasaad na sa ilalim ng Republic Act No. 11525 o ang "COVID-19 Vaccination Program Act of 2021" na isinabatas noong Pebrero 26, ang mga kaukulang parusa sa pagpeke o pag doktor ng mga vaccine card batay sa mga probisyon ng Revised Penal Code, karamihan sa mga local government units (LGUs) ay naglabas rin ng kani-kanilang kautusan sa ipapataw na parusa sa pamamagitan ng sariling ordinansa.

Sa Valenzuela City, isang ordinansa ang ipinasa laban sa iligal na paggamit, hindi awtorisadong pag-print o pagkopya ng Valenzuela City Vaccination (VCVax) passport o vaccination card na ini-issue ng lokal na pamahalaan. Multa na mula P1,000 hanggang P5,000 o depende sa dami ng nagawang paglabag ang ipapataw. Dagdag pa ang posibleng pagharap sa kasong kriminal ang kakaharapin ng sinumang lumabag sa nasabing kautusan. Mahigpit ding ipinagbabawal sa mga residente ang pagbibigay ng mga maling impormasyon na ilalagay sa VCVax.

Nakatakdang ilunsad sa Setyembre 1 ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pilot test ng VaxCertPH, ang portal sa pag-i-issue ng COVID-19 unified vaccination certificate para sa mga bakunadong Pilipino.

# # #

News Latest News Feed