Press Release
September 1, 2021

SPONSORSHIP SPEECH
Senate Resolution No. 875
Resolution Conferring the Philippine Senate Medal of Excellence to Nesthy Petecio

Ginoong Pangulo, sa aking mga pinagpipitaganang kasama sa Senado, magandang hapon po. Karangalan kong isulong ngayon ang Senate Resolution No. 875, na naggagawad ng Philippine Senate Medal of Excellence kay Nesthy Petecio. Nakamit ni Nesthy ang silver medal sa women's featherweight division sa boxing noong nakaraang Tokyo Olympics.

Si Nesthy Petecio po ay mula sa Santa Cruz, Davao del Sur, ang kauna-unahang boksingerang Pilipina na nanalo ng medalya sa Olympics.

Nakilala ko po nang personal, mahal na Pangulo, si Nesthy Petecio sa Jakarta, Indonesia noong 2018. Bagamat natalo po siya noon, ang sabi ko po kay Nesthy ay ituloy lang po niya iyong ginagawa niyang pagsasanay at mananalo rin siya.

Lumaki man siya sa hirap, napagtagumpayan ni Nesthy ang lahat ng hamon sa buhay upang maging isang world-class athlete. Kasama siya sa pangkat ng mga Pilipinong atleta na nagbigay ng pinakamaraming medalya sa Pilipinas mula ng sumali tayo sa Olympics noong 1924.

Sa pagkapanalo ng silver medal sa Tokyo Olympics at sa pinakita niyang pananalig sa Diyos, sipag, dedikasyon sa kaniyang larangan, at tapang sa kabila ng mga hamon sa kaniya, nagbigay ng karangalan at katanyagan si Nesthy Petecio sa Republika ng Pilipinas at sa sambayanang Pilipino. Isa siyang mabuting ehemplo sa ating mga kabataan at sa ating bayan.

Maraming salamat, Ginoong Pangulo.

News Latest News Feed