Press Release
September 2, 2021

STATEMENT OF SEN. BONG GO:
Re: Bong Go refutes claims of any unethical behavior; says he is willing to face any investigation knowing his conscience is clean

Ako na po mismo ang nagsabi paulit-ulit na kung may kasalanan, kahit kaibigan o supporter namin ni pangulo, kasuhan at ikulong! Galit kami ni Pangulong Duterte sa mga corrupt!

Ano po ang unethical doon? Malinis po ang aking konsensya, wala akong itinatago at wala akong ikinakatakot dahil wala naman akong ginagawang masama.

Isa lang po ang hangarin ko dito. Ang magserbisyo at tumulong sa kapwa ko Pilipino.

Yung iba nga d'yan noon, kung anu-anong kabastusan na ang ginawa laban sa kapwa habang senador. Tapos ako na nagsasabing ikulong ang dapat ikulong at kasuhan ang dapat kasuhan para managot ang dapat managot -- ako pa ang balak nilang kasuhan ng ethics case?

I respect this institution that I belong to and I hope that fairness and due process will always be upheld in these halls. Kaya kung may mag-file man ng reklamo laban sa akin sa committee on ethics, rerespetuhin at haharapin ko 'yan.

Kung gusto nila akong imbestigahan, imbestigahan po nila. Wala naman akong ginawang mali, lalo na pagdating sa disorderly o unethical behavior na sakop ng komiteng iyan.

Hindi pa nga natatapos ang imbestigasyon sa Blue Ribbon Committee para mapatunayan na may anomalyang nangyari, puro patutsada na naman para sapilitang ikonek ako sa narrative nilang wala namang katotohanan, tapos may gusto na ng panibagong hearing na nakasentro sa akin? Hindi ba iyon ang mukhang mas unethical?

Sabi ko nga noon, kung mapatunayan nilang sangkot ako sa anumang korapsyon -- ni piso, I will resign. At kung napatunayan nilang may ginawa akong mali, tatanggapin ko kung anuman ang nasa batas o Senate rules.

Walang pili po dapat ang hustisya. Pero hindi naman pwedeng haka-haka at patutsada lang. Ako ay nagtatrabaho nang matino. At ang tanging puhunan ko lang dito ay prinsipyo at pagseserbisyo sa kapwa ko Pilipino. Hinding-hindi ko ito sisirain.

News Latest News Feed