Press Release
September 2, 2021

Villanueva seeks Senate OK of Magna Carta of Seafarers, 'a lifeboat of rights' for .5-M seafarers

For helping keep the economy afloat with their P1 billion a day remittance, Filipino seafarers deserve a "lifeboat of rights and privileges," Senator Joel Villanueva said in sponsoring the proposed "Magna Carta of Filipino Seafarers" bill on Wednesday afternoon.

Decades since the Philippines became a "shipping manning superpower," Villanueva said it is time "to put aboard one vessel all the rules that will protect the welfare" of an estimated 500,000 Filipino seafarers.

With Filipinos representing "the biggest nationality bloc" in world shipping, "codifying the rules that protect them is made more pressing by a pandemic which has placed a heavy stress on their health and livelihood."

Sponsored by Villanueva and co-authored by six of his colleagues, Senate Bill No. 2369 spans all aspects of a seafarer's career, from training to retirement, and covers all the institutions in between, from maritime schools and manning agencies to welfare funds.

"The Magna Carta lives up to its name as a forward-looking measure that responds to rising trends in the maritime world, like the growing participation of women, " Villanueva said.

"Kaya po may section to protect women cadets. Kabilang na rin ang mga anti-harassment, anti-bullying and anti-discrimination policies onboard ships," he said.

He said the bill fulfills standards set by international conventions and agreements on the occupational safety and health of seafarers, such as the Maritime Labor Convention of 2006, which the Philippines ratified in August 2012.

Rights to just employment terms, decent working conditions, and dignified living environments, including medical care rest periods, among others, are enumerated in the bill, said Villanueva.

Among the specific provisions are the rights to complete information on the exigencies of work engagement and to a standard employment contract, he explained.

Because seafaring is fraught with danger, "we have devoted an entire chapter to medical care and maritime occupational safety and health standards," Villanueva added.

In between deployments, the Magna Carna enumerates what services a seafarer can access.

"Bukod pa sa health and safety, malaki po ang maitutulong ng Magna Carta of Filipino Seafarers para tulungan ang mga marinong natetengga bago muling makasampa ng barko," he said.

The bitter lessons of the pandemic have made their way into the proposed law, with an entire chapter dealing on the repatriation of Filipino seafarers, Villanueva said.

The bill assigns to the shipowner or the manning agency all costs related to the repatriation, including basic pay and allowances.

Recognizing the seamen will "spend the sunset of their lives on land," the bill spells out reintegration services in Chapter 13.

"Darating ang panahong hindi na sasampa ng barko ang isang seafarer sa iba't ibang kadahilanan. Kung mangyari po yan, ang Magna Carta ang aagapay sa kanya, " he said.

Villanueva expects the Senate to unanimously approve the bill. "Maraming divergence sa ibang issues, pero pagdating sa batas na ito, united po tayo at walang hidwaan."


Villanueva, isinalang sa plenaryo ng Senado ang panukalang Magna Carta para sa kalahating milyong seafarer

Para sa patuloy na pagsaklolo sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagpapadala ng P1-bilyong remittance kada araw, karapat-dapat lamang na magkaroon ng "lifeboat" ng karapatan at pribilehiyo ang mga Pinoy seafarers.

Ito ang sinabi ni Sen. Joel Villanueva, chair ng Senate labor committee, nitong Miyerkules ng hapon sa kanyang sponsorship speech para sa panukalang "Magna Carta of Filipino Seafarers" na naglalayong ipahayag sa isang batas ang proteksyon sa karapatan ng higit sa kalahating milyong seafarers na Pilipino.

Dekada na umano ang binilang matapos maging "shipping manning superpower" ang Pilipinas, ani Villanueva, at oras na para gumawa ng isang Magna Carta para sa isang sektor na itinuturing na pinakamalaking "nationality bloc" sa pandaigdigang industriya ng shipping.

Dagdag pa ng senador, mahalaga ito para sa mga Pinoy seafarers lalo na sa panahon ng pandemya kung kailan kailangan nila ng ibayong proteksyon sa banta sa kanilang mga trabaho, kaligtasan at kalusugan.

Si Villanueva ang sponsor ng Senate Bill No. 2369 kasama ang anim pang may-akda ng panukala. Sakop ng panukala ang lahat ng aspeto sa buhay ng isang seafarer, mula recruitment hanggang retirement, at mula maritime schools, manning agencies at hanggang welfare funds.

"Ang Magna Carta na ito ay tutugon sa pangangailangan ng mga Pinoy seafarers sa maritime industry, tulad ng dumadaming kababaihan sa sektor," anang senador.

"Kaya po may section to protect women cadets. Kabilang na rin ang mga anti-harassment, anti-bullying and anti-discrimination policies onboard ships," dagdag niya.

Aniya, ang panukala ay kumakatawan sa standards na itinalaga ng mga international conventions para sa kaligtasan at kalusugan ng mga seafarers, tulad ng Maritime Labor Convention ng 2006, kung saan nakapirma ang Pilipinas noong Agosto ng taong 2012.

Karapatan sa makatarungang kontrata sa trabaho at maayos na kalagayan at pamumuhay sa barko, kasama na ang mga medical care rest period ay ilan lamang sa nilalaman ng panukala.

At dahil puno ng peligro ang paglalayag, "isang buong chapter ang inilaan namin sa medical care at maritime occupational safety and health standards," ani Villanueva.

"Bukod pa sa health and safety, malaki po ang maitutulong ng Magna Carta of Filipino Seafarers para tulungan ang mga marinong natetengga bago muling makasampa ng barko," dagdag pa niya.

Isang buong chapter din ang inilaan sa Magna Carta tungkol sa repatriation ng mga Pinoy seafarers, isag pangambang hatid ng pandemya.

Sa ilalim ng panukala, ang may-ari ng barko o manning agency ang nakatoka sa pagbabayad ng repatriation, kasama na ang basic pay at allowances.

Kasama na din sa SBN 2369 ang reintegration program para sa seafarers.

"Darating ang panahong hindi na sasampa ng barko ang isang seafarer sa iba't ibang kadahilanan. Kung mangyari po yan, ang Magna Carta ang aagapay sa kanya," ani Villanueva.

"Maraming divergence sa ibang issues, pero pagdating sa batas na ito, united po tayo at walang hidwaan."

News Latest News Feed