Press Release
September 5, 2021

Transcript of Senator Nancy Binay's Interview on
dzBB's Bantay Balita sa Kongreso (hosted by Nimfa Ravelo and Isa Avendano)

Nimfa Ravelo/Isa Avendano (Q): Magandang umaga po sa inyo Senator Nancy...

Sen. Nancy Binay-Angeles (SNBA): Hello, magandang umaga Nimfa, magandang umaga Isa, at syempre good morning sa mga nakikinig at nanonood ng programa ninyo.

Q: Good morning po at salamat sa pagpapaunlak. Ngayon ma'am, meron na kayo this early na mga puna sa budget ng Department of Health, dun sa hinihingi nila for next year. Sa inyo na po manggaling, ano po ang napansin ninyo dito?

SNBA: Unang-una Nimfa, halos every budget lagi nating tinitingnan yung budget ng RITM. So laking gulat ko, for next year's budget nabawasan pa ito, alam naman natin, I expected, for next, kumbaga, sisipa ang budget ng RITM pataas, pero ang nangyari, sumipa pababa. Isipin mo nabawasan sila ng P170 million for their budget next year. Itong RITM, kumbaga, isa itong ahensya, sa tingin ko, frontliner natin laban sa COVID. Tapos sila pa yung hindi natin popondohan. Maganda ring anuhin na itong RITM, hindi lang naman COVID ang nagiging trabaho nila, sila din yung taga-tuklas natin, tagabantay natin kung mayroon bang lumalabas na sakit. Kung matatandaan natin, kahit hirap sila pondo, na-capture nila na nakabalik na pala itong polio sa ating bansa, kaya nagkaroon tayo ng programa para maging zero-free ulit sa polio.

Q: Ma'am, banggitin ko lang para masundan ng listeners natin, yung RITM po na tinutukoy ni Sen. Nancy Binay ay yung Research Institute for Tropical Medicine.

SNBA: Yes, pangunahin sila, sila talaga yung nangunguna pagdating sa research, not just on COVID, but for other diseases. And then, napansin din natin, cancer treatment, kung matatandaan mo Nimfa, pinasa namin ito sa Kongreso na dapat meron talagang specific line item para dun sa assistance na ibibigay natin dun sa mga cancer patients. So for this year, ang nilaan na pondo ay P620 million. Pero for next year ay nawala rin itong P620M.

Q: Wala at all ma'am, burado? O baka naman isinama sa ibang item?

SNBA: Siguro magandang tanong, pero nakasaad kasi doon sa batas Nimfa na dapat may specific line item siya e, so dapat nung ginawa nila yung budget hiniwalay na talaga nila. E bakit, kung totoo na naging lump, sinama nila sa ibang budget ay mali, kasi nga dapat ay may line item para dito.

Q: So ma'am dahil dito, premises considered, ano po ang balak ninyo, Sen. Binay?

SNBA: Unang-una, sisiguruhin natin na maibalik, kung kaya pa ngang taasan ay taasan natin, ang allocation ng DOH. Kasi ang layo, from P79 billion yung request nila sa budget call, ang binigay lang sa kanila ay P19 billion. Samantalang yung ELCAC, nakakuha ng P29B. Nakakagulat, kasi para sa akin, kumbaga ang number 1 enemy ngayon ay COVID. Ang number 1 na dapat nating pagtuunan ng ating pondo ito yung health crisis na hinaharap natin. So dapat talagang, alam naman natin na kulang talaga tayo sa funding, e dapat ito yung priority. Always.

Q: Ano Sen. Nancy, si Isa po ito, batay po sa pagbusisi ng mga kongresista sa panukalang budget ng DOH, pati pala yung mga ospital na kanilang hinahawakan ay may kaltas pondo na rin. May kaltas din ang PGH. Including PGH. Kasi ang PGH, nasa ilalim siya ng UP System, e yung UP System, Sen. Binay, may kaltas din, may budget cut din.

SNBA: Yun na nga, kung matatandaan ninyo, in the past week, parang sinasabi sa mga statement ng Malacañang na naglaan talaga sila ng pondo for COVID, pero nung hinihimay na ngayon, e mukhang merong, kumbaga, hindi totoo na malaki yung na set aside na pondo para sa COVID, kasi pati nga yung Special Risk Allowance, e hindi siya kasama doon. Tapos hindi ko rin nakikita kung meron ba tayong budget for free COVID testing and pati na rin doon sa contact tracing, hindi rin nababanggit yung pondo na nakalaan para diyan for next year. And then yung sinasabi nila na P45B para doon sa booster shot for COVID e nasa unprogrammed yan. So ang ibig sabihin niyan, kung walang makukuhang savings from the other agencies or revenue, e hindi siya mabibigyan ng pondo. So kumbaga, question mark pa iyang P45B. Hindi talaga siya, kumbaga, sigurado na mapopondohan.

Q: So ma'am, ano ang ibig sabihin nun? Mali ang priorities?

SNBA: Parang ganun, parang hindi pa rin nakikita ng Executive na ang number 1 enemy is COVID. Dapat ang lahat ng ating pwedeng resources e kung sana, doon muna, kumbaga, pinaglaanan.

Q: Senator, balikan ko yung sa SRA kasi naalala ko sa budget briefing sa Kamara, ang binabanggit po ni Secretary Duque, yung pong sa Special Risk Allowance, wala talaga sa 2022 budget, although ang inaasahan pala ng DOH ay yung Bayanihan 3 bill. Your thoughts po about this.

SNBA: Ang sa akin ay bakit kailangan pang hintayin yung Bayanihan 3 e kung pwede na namang ilagay dun sa national budget for next year. Dahil ito na, kumbaga, mas sigurado na mapapasa ito by year end. Hindi katulad nung Bayanihan 3, hihimayin pa namin yan sa Senado. Alam naman natin na medyo gahol na rin sa panahon.

Q: Parang hindi hinihingi ni Presidente yung Bayanihan 3. Malamig ang Executive e. So kung hindi nila hinihingi yun, malabo po iyon.

SNBA: Yun na nga e, kaya mas maganda yung pondo na supposed to be nakalagay doon sa Bayanihan 3, kung kaya na ipasok for the budget next year e bakit hindi pa namin ilagay para talagang sigurado na may allocation.

Q: Ma'am may nakikita kayo na pwedeng pagkunan ng mga budget na ito para maibalik yung na-cut sa RITM, yung para sa cancer treatment program, at saka yung para sa Special Risk Allowance?

SNBA: At the moment ang nakikita ko lang ay yung sa NTF-ELCAC. Baka isa yun sa mga pwedeng pagkuhaan ng pondo, but titingnan natin Nimfa, alam naman natin I think sa September 8 mag-uumpisa na rin kami sa Senado para talakayin yung budget next year. And then titingnan natin dun sa iba't ibang agency kung ano ba yung mga programa na hindi talaga nagagamit sa ahensya nila kasi alam ninyo naman, every year, meron yung absorbtive capacity din ng mga ahensya.

Q: Mga unobligated funds...

SNBA: Yes, maganda ring tingnan ano ba yung mga projects na talagang hindi gumagalaw for the past, not just for this year, but for the past years kasi ang ibig sabihin nun talagang hirap na i-implement yung project na yun so bakit pa natin paglalaanan ng pondo? Siguro yun ang pwede nating ibigay sa DOH.

Q: Ma'am merong sinabi ang Commission on Audit na bahagi nung P67B na controversial ngayon, di ba sa COA report, out of P67B yung P42B dun yung napunta sa Procurement Service ng Department of Budget and Management. And then merong P11B plus na unobligated. Yun ma'am, pwede ba yung paghugutan, kasi kung unobligated yun from last year, e this year po effective pa yung 2020 budget dahil extended siya.

SNBA: Siguro magandang tingnan, kasi I think hindi pa ata final yung COA report. Di ba may exit conference, mga ganyan-ganyan, and baka documentation lang yung kulang. Tingnan natin, ang sa akin siguro naman sa P5 trillion na yun, e may mahuhugot tayo from the other agencies na pwedeng ibigay dun sa laban natin against COVID.

Q: Ma'am, yung mga health workers hindi po ba inirereklamo yung SRA nila. Yun po kasing SRA kasi, sa kabatiran ng ating mga nakikinig, ito ay naibigay, karagdagan itong benepisyo nung pumutok itong pandemic, nakapaloob siya sa Bayanihan 1, Bayanihan 2. At yung amount na yan, maximum P5000.00 so ididivide pa yan sa mga araw na, kung ilang araw ba silang na-expose. E ma'am sa situation ngayon, araw-araw naman exposed walang pinipili hindi lang yung pinoint out (point out) ninyo sa Senado, hindi lang yung nag-aalaga ng COVID-19 patient ang exposed, kundi lahat ng nasa ospital. Meron hong mga panawagan na yun nga, lahat bigyan na, tapos isa pa, gawin nang fixed, bakit hindi daw ho gawing fixed na, kung P5000, P5000 kesa magbilangan pa ng araw e hindi naman nagbibilang ng araw yung danger nila from COVID-19. Saka Senator, segundahan ko lang yung binanggit ni partner, kasi binanggit ni Sec. Duque sa last hearing, sinasabi niya kailangan ng isang panibagong batas para lahat ng healthcare workers masakop na doon sa SRA.

SNBA: I think hindi na kailangan ng batas kasi yung budget naman batas din yan. Puwede kami maglagay ng special provision na ang coverage ay lahat. Pwedeng isama na sya dun> In fact isa yan sa mga nagiging frustration namin sa kongreso, yung batas na pinapasa namin napakasimple lang naman e pero pagdating sa IRR o sa implementation, parang ang dami nilang nilalagay na colatilla. Na kailangan bilangin pa, pero kung babasahin mo naman yung provision nakasulta lang naman doon na kailangang bigyan di ba? So bakit may ganoong mga numbers days o bakit ganyan? Kumbaga minsan sila mismo ang nagpapacomplicate ng implementation ng programa na pinasa namin. But kung kailangan pa talagalinawin, siguro dapat nakalagay na or ilagay namin sa budget ngayon na ganito dapat yung pagdistribute ng SRA. Fixed amount, wala ng kwenta kwenta kung ilang days kasi pampadelay lang yun ng release ng pondo sa kanila.

Q: Totoo po yun kasi sabi ng isang doktor na nakausap ko, natatagalan daw sa provincial government dahil maraming guidelines. Sabi niya, anong guidelines e wala namang guidelines ang COVID pag kami tinamaan.

SNBA: Totoo yan at tsaka siguro baka pag kinopute natin yung number of days na naexpose sila sa COVID ay baka kulang pa yung ibibigay natin na SRA sa kanila. Siguro maganda upuan na kailangan may convergence siguro kasi may fear na sa dulo may findings ang COA na disaallowance. Yes kasi nga post audit tayo, maraming ahensya ang namomroblema for example yung mga bonus narelease na nila yun tapos biglang sasabihin ng COA na may disallowance. Paano mo ngayon kokolektahin yung naibigay na pero dahil siguro nasa crisi mode na tayo, baka may palatuntunan na na manggagaling from COA para wala ring takot itong mga taga release ng pondo na sa bandang huli ay magkakaso pa sila dahil may findings of disallowance. Pero kung ito na na malinaw ang guidelines ng COA na ito na ang kailangang documentation, na kailangan niyang makuha at pag nasubmit iyan ay di ko na kayo ididisallow. Baka kailangan may ganoong paguusap.

Q: Pag sumalang na po ba ang budget ng NTF-ELCAC, isusulong niyo ba na ibigay na lang ito sa SRA?

SNBA: For this year's budget nagsubmit tayo ng ammendment na ilipat yung pondo for NTF-ELCAC for Taal rehabilitation. Kasi for this year's budget walang specific item for Taal rehab. Kumbaga last year pa lang hindi na tayo ganoon kasangayon sa ganitong funding. During the committee hearing at maging sa floor, niraise ko na mukhang may double acllocation. Kasi for example, yung DOH may last mile school program sila and nung pinasubmit natin yung listahan ng DEPED at kinompara natin sa listahan ng NTF ELCAC, may mga baranggay dun na nasa listahan din ng DEPED. Yung NEA may programa din for electrification sa mga geographically isolated, so dinouble check natin yun nanaman. Pati sa DA yung kanilang farm to market so talagang may double entry.

Q: Baka sa DPWH meron din?

SNBA: Tapos nakikita nga natin ngayon na aside from NTF-ELCAC na P16 bilyon, may mga ibang ahensya pala na nagbibigay din. Di ba lumabas sa balita yung sa TESDA, meron din silang pondo for training na naibigay nila as part of NTF ELCAC...

Q: So duplication na lang sa NTF ELCAC...

SNBA: Yes at ang isa pa nating concern kasi sa menu na puwedeng ipagawa sa P20 million na makukuha ng barangay, halimbawa puwede sila magtayo ng eskuwelahan, magtatayo nga sila ng eskuwelahan wala naman coordination sa DEPED dun sa staffing requirements kasi wala naman palang allocation na mag-aassign ng teacher dun sa tinayong eskuwelahan nila. So baka yung intent of the program hindi din sya masusunod kasi at the end of the day kailangan mo din ng convergence with the other agencies. Baka masmaigi na ilagay na lang natin sa DEPED para holistic yung approach hindi lang building, pati staffing requirements at yung gagamitin ng mga estudyante kasama na.

Q: Tapos yung NTF-ELCAC isang task force lang iyon, masmalaki pa yung budget sa ibang line agency...

SNBA: Kaya nga. At babalikan ko yung sa akin, maskalaban natin ang COVID kesa sa mga insurgency. Hindi ko sinasabing hindi problema ang insurgency. Pero sa heirarchy ng mga kalaban natin, number one ang COVID kaya dapat doon tayo nakatoon. Kumbaga para tayong nasa gera na dapat armahan natin yung mga health workers natin dahil sila yung mga frontliners natin sa war natin against Covid.

Q: Sana daw yung hazard pay ng health workers, wala na ding pipiliin kung ECQ, MECQ o GCG...

SNBA: Di ba parang sa mga lugar na iyan ngayon pag GCQ ka ibig sabihin wala nang COVID. Di ba? Siguro para mas simple, habang nakastate of calamity tayo because of COVID, regardless of quarantine status dapat automatic na may hazzard pay and the only time na hindi mabibigay yan is pag na lift na yung state of calamity natin dahil may pandemic.

Q: Tingin niyo magagawan ito ng paraan sa budget?

SNBA: I think pwede din siyang idagdag sa special provision na for as long as the country is under a state of calamity or pandemic because of COVID, continuous ang pagbibigay ng hazzard pay. Baka dapat may ganoong colatilla hindi na ispespecify na ECQ lang ang pwedeng mabigyan ng hazzard pay.

Q: Yung mga nurse natin at mga doktor pati mga danitor at utility, nakaexpose na wala nang CQ CQ...

SNBA: Totoo. Tsaka may iba't iabng factors kung bakit nagiging GCQ and hindi lang ito yung health situation ng lugar. Binabalanse yung economic at health. So yung isang lugar na nagmomove towards GCQ, hindi ibig sabihin noon na wala na ang problema ng COVID. Kinakailangan lang magbukas na dahil kailangan na kumita ng ating mga kababayan.

Q: Babaling lang po ako sa imbestigasyon ng blue ribbon. Ano po ang take niyo dito sa issue ng overpriced di-umano ng medical supplies?

SNBA: Actually din din ako nakaka-attend ng hearing ng blue ribbon dahil hindi tayo member ng blue ribbon committee. Pero base sa nababasa ko at nakikita ko, siguro maganda na paharapin itong Pharmally para ma-address nila yung binabatong issue sa kanila. But I think hindi ata mahanap ngayon e. Yun lang. In fact itong issue ng overprice, di ba natatandaan mo nung dinidiscuss yung procurement ng mga makina na gagamitin for testing lumabas na din yung pangalan na iyan. Parang may... noon, if I remember it correctly noong isang deliberation, na-raise na rin yan. And ang isa pa din nga iyong pagbili ng PPE, alam naman natin na marami tayong mga kababayan lalo na doon sa nage-export ng garments na nagka-problema sila, 'di ba. Kaya doon sa isang committee hearing iyon ang iniiyak ng mga garments manufacturers natin na parang kinonvince sila ng DTI na mag-produce ng PPE tapos hindi bumili ang government sa kanila kasi nga doon sa procurement naglagay ng isang item parang naglagay ng isang requirement na nakapasok tuloy itong foreign-made na PPE.

Q: Naaalala ko iyon, Ma'am, sabi nila pinakiusapan daw sila, partner, na gumawa, kasi nage-export sila, eh. Pang-export talaga ang ginagawa nila, mina-manufacture. Pinakiusapan gumawa ng PPE, nang gumawa naman hindi sa kanila bumili so kung daw sana, I'm sure natatandaan nyo Ma'am, kung sa kanila sana bumili naka-create daw sana ng 24,000 jobs.

SNBA: Yes. Saka kasi, matatandaan natin itong mga manufacturers nag-invest din sila sa ano ha, kasi nag-repurpose sila ng factory nila for PPEs. Then ang nakapagtataka, kumbaga si DTI ganitong grade ang sinabi na kailangan nilang i-produce. Which they complied doon sa standard, 'di ba. Pagdating naman doon sa nilagay doon sa purchase order, nagkaroon ng item na "and its equivalent" which means nakapasok tuloy ang, kumbaga ang ginawa nila ay mas mataas siguro ang presyo kasi ganitong standard, kumbaga it's not of the same standard iyong nabili at ginawa ng local manufacturers. Siyempre, may cost implication iyon, kaya ang nakuha tuloy, apparently, ay itong Pharmally.

Q: Ngayon po, may lumalabas na reports, actually may records, na hindi lang last year bumili sa Pharmally. Last year, P8.67 billion ang tinutukoy na binili sa Pharmally. And then this year, mayroon daw 2 kontrata pa, June and July. With the controversy, allegation ng overpricing tapos iyong sinasabi pa na mga wanted pala sa Taiwan ang officials ng Pharmally, dapat bang itigil ang pagbili nito? Anyway may mabibilhan naman na tayong mga local manufacturers, o iyong mga exporters, nitong mga PPE saka mga face mask?

SNBA: Saka very crucial din ang sinupply ng Pharmally, Nimfa, Isa, ha, kasi doon sa June na procurement, test kits ang isu-supply nila. So magandang malaman ano bang klaseng test kit itong pinrocure dito sa Pharmally. And kung matatandaan natin, doon sa isang hearing namin 'di ba may local supplier na rin tayo ng test kit. So ano na nangyari sa kanila, bakit hindi, mukhang hindi sa kanila nag-procure. So magandang malaman kung bakit may preference doon sa abroad compared doon sa locally manufactured.

Q: Pero, Ma'am, sa tingin n'yo ba dapat itigil na lang muna lahat ng transaction pending investigation?

SNBA: Hindi ko din kasi alam kung ano na, eh. I assume ang mga pinrocure sa kanila last year na-deliver na iyon. Pero itong June, magandang malaman kung anong stage na. Kasi ang nakikita kong problema baka magkaroon din tayo ng, kasi unang-una kailangan na kailangan na natin itong mga in-order sa Pharmally. So hindi ko alam kung anong magiging, kung gaano kalaki ang delay na magiging implication kapag hindi tinuloy itong inorder sa kanila noong in-award sa kanila noong June. Saka hindi rin natin alam baka na-deliver na ito.

Q: At saka Ma'am hindi pa nga tayo humahantong doon sa deliveries nila, kung may actual. Well, hindi sa sinasabi ko...

SNBA: Ah hindi pa ba umaabot doon?

Q: Hindi pa.

SNBA: Actually 'yun din nga. Well, hindi ako member ng Blue RIbbon, pero iniisip ko na din mag-attend kasi nga parang, hindi ko alam, ah hindi pa pala umaabot doon sa kung nasaan na itong mga dineliver.

Q: Kung nasaan na, anong itsura, kung nakasunod ba talaga sa standards ng DOH.

SNBA: Yes, kung na-test ba, mayroon ba tayong mekanismo na nate-test ang dineliver na PPE. Kasi kung natatandaan n'yo 'di ba, may mga reklamo ang healthcare workers natin, iyong mga sinupply noong kasagsagan ng Covid parang nabubutas yata o tumatagos, may mga ganoong reklamo.

Q: Last week po binanggit ni Sen. Frank Drilon na pre-meditated plunder daw itong sa issue ng PS-DBM. Ganoon din po ba ang nakikita n'yo rito? At second question, iyong DOH kasi dapat sila ang gumagawa ng ganito, iyong procurement ng mga gamit for Covid-19 pandemic, hindi hinahayaan ang PS-DBM. Sa palagay n'yo po ba dapat nang buwagin itong PS-DBM?

SNBA: Actually iyong intent, which I think parang nagiging common na ito, iyong intent maganda, pero pagdating doon sa implementation doon nagkaka-problema. Maganda naman talaga ang intention ng PS-DBM, kasi supposedly ang mga common supplies sila magpo-procure kasi ang intent noon, mas mababa ang presyo 'di ba kung lahat ng ahensya gumagamit ng bond paper, syempre 'pag mas malaking volume, supposedly mas mababa ang presyo. So iyon talaga ang intention, common supplies dapat ang pino-procure. Hanggang sa nag-mutate na siya sa iba. Siguro babalikan ko lang doon sa committee hearing na in-attendan ko pagdating dito sa PPE. Naging issue din namin 'yan kasi iyong standard, kanino ba nanggaling? Nanggaling ba sa DOH o doon sa DBM-PS? So doon sa hearing nagtuturuan na 'yong dalawang ahensya. Kaya 'di ba parang, ayan nagiging cause pa ng delay ng procurement kasi parang pabalik-balik sa standard or ano. So maganda siguro baka kailangan talaga nakasaad kung ano lang ang parameters ng pwedeng i-procure ng DBM-PS, na dapat bond paper lang, ganito lang, ball pen...

Q: Kasi doon sa website ng DBM, ang sinasabi mga common used supplies iyon nga, bond paper, ball pen, printer, ink. Hindi kasama itong mga PPE. Kaya lang...

SNBA: Kaso lang nagkaroon sila ng parang mutation, 'di ba? 'Pag may memorandum of agreement, parang pinapayagan na ang DBM-PS ang magsasagawa ng bidding.

Q: Well, walang MOA, pero isinama na rin ang mga PPE saka face mask sa common used supply, kaya nabili siya ng PS-DBM, iyon ang katwiran nila. Isinama doon sa common used supply na description. Sa 2022 budget, iyong batas na gagawin ninyo, pwede bang isama doon ang provision o magkaintindihan sa hearing, o magkaroon ng provision na sinasabi na hindi na magta-transfer ng pondo ang DOH to PS-DBM kung procurement ng mga medical supplies, kasi bibili pa rin next year talaga eh.

SNBA: Pwedeng isaad din. And I think, tandaan natin hindi lang DBM-PS 'yan ha, pati iyong PITC nakakuha din iyon ng allocation sa pagbili ng PPE. So magandang tingnan din ngayon na baka kailangan ano na, isaad na parang ang mga ahensya, kayo ang mag-procure. Kasi sa inyo nga namin binigay 'yan eh, bakit n'yo ibabalik sa DBM. Eh 'di sana in-allocate na lang namin specifically sa DBM-PS na ito, ito ang ipo-procure n'yo as part your budget. Isipin n'yo na lang ang documentation nyan. Ida-download sa DOH, tapos ang DOH ibibigay kay DBM or kay PITC dahil itong PITC 'di ba pati pag-construct ng fire station nasama na sa ginagawa nila. So I guess kailangan, pero dapat siguro ibang ano 'yan, ibang hearing, or kung kayang ipasok ngayon dito sa budget, na dapat tigilan na ang practice na--kasi ang ibang ahensiya, 'di ba every budget tinitingnan namin ang utilization. Para lang maging compliant sila na nagastos nila ang pondo, nililipat nila sa ibang ahensya.

Q: Para end of the year wala silang isasauli sa National Treasury.

SNBA: Yes, and end of the year, ang ganda ng utilization nila, kasi na-disburse nila. Pero ang tanong, natayo ba? And then apparently, doon na nga lang, noong tinitingnan ang project, eh apparently nilipat lang pala sa ibang ahensya, na ang ahensyang iyon hindi pa pala ginagastos. Kaya 'di ba umabot sa ilang bilyon ang pondo ng PITC kasi nga hindi niya nae-execute ang project. So si DOH, kumbaga siya compliant siya na nagastos ang pera, pero nilipat lang pala niya. Hindi niya actually pinambili noong specific item.

Q: Nag-pasabuy siya.

SNBA: Yes, parang ganoon.

Q: Ma'am magpapasalamat na kami, salamat sa inyong paliwanag at aabangan namin syempre iyong budget deliberations dahil ano 'yan eh, sabi nga the devil is in the details.

SNBA: Totoo 'yan.

Q: Ma'am salamat po.

SNBA: Salamat, and ingat kayo. Ingat tayong lahat.

News Latest News Feed