Press Release
September 6, 2021

Villanueva: First recipients of Senate Medal of Excellence shone light during pandemic

Senator Joel Villanueva extolled the first recipients of the Philippine Senate Medal of Excellence awards as heroes who shone light on the country in a time of pandemic gloom--Olympians Hidilyn Diaz, Nesthy Petecio, Eumir Marcial and Carlo Paalam.

Villanueva hailed the Filipino Olympians for "their solid performances in the Tokyo Olympics embodied the firm aspiration of every Filipino--to knock down challenges and lift the Philippines to a greater height of honor and prestige."

"Ang tagumpay ng ating mga atleta ay 'di rin nalalayo sa paniniwala natin noon pa man sa TESDA: Kapag sapat at de-kalidad ang training, malayo ang mararating ng Pilipino. At kapag ang isang Pilipino ay nagsumikap nang husto, kaya niyang manalo, at abot-kamay ang masayang pagbabago," said Villanueva, former TESDA director general who's known for his efforts in making the skills of Filipinos at par with the world.

"I am starstruck, not only as a former athlete representing the Philippines, but as a Filipino, I am starstruck to be here with our heroes," said Villanueva, who once suited up for the national basketball team.

"Theirs is the story of the Filipino strength and courage. They are the heroes that made the light shine through the darkness of the pandemic," he said.

Paying tribute to the awardees, Villanueva said Diaz made history as the first ever Filipino to win a gold medal in the Olympics. Diaz brought home the gold after winning in the 55 kg weightlifting category in the pandemic-delayed Tokyo Olympics last July 26.

"She rewrote Olympic history," Villanueva said of Diaz.

Villanueva also paid tribute to Petecio, who became the first Filipino woman to win an Olympic boxing medal when she won silver at the women's featherweight finals last Aug. 3.

Also cited by Villanueva was Marcial, who won the boxing bronze medal in the middleweight division last Aug. 5 in the Tokyo Olympics.

Paalam, who had risen from scavenging to being a top boxer, was also cited by Villanueva. Paalam won a silver medal in the flyweight division.

"Hindi po ba't tuwing sumusuntok sina Nesthy, Eumir at Carlo, nagngangalit din ang mga ugat natin sa braso, kasabay ng pagkuyom ng ating mga kamao na tila baga gusto na rin nating sumabak sa laban," Villanueva said.

"Ganyan daw po ang mga tunay na bayani, nakahahawa ang kanilang determinasyon!" the senator said.

"Kaya't natatangi at makasaysayan ang araw na ito dahil ang mga kauna-unahang Pilipinong pararangalan ng Philippine Senate Medal of Excellence ay mga kabataang atleta," he said.

"These athletes have the heart of a warrior--strong and unwavering," Villanueva said of the four Olympians and first recipients of the Philippine Senate Medal of Excellence.

"As the first set of awardees of the prestigious Senate Medal of Excellence, Hidilyn, Nesthy, Eumir and Carlo etched their marks not only in Philippine History, but more so in the hearts of 110 million Filipinos," Villanueva added.


Villanueva, pinarangalan ang mga Olympic medalists na ginawaran ng Senate Medal of Excellence

Binigyan ng pagpupugay ni Senator Joel Villanueva ang mga kauna-unahang mga indibidwal na gagawaran ng Philippine Senate Medal of Excellence--mga Olympians na sina Hidilyn Diaz, Nesthy Petecio, Eumir Marcial and Carlo Paalam--at inilarawan sila bilang mga bayaning nagbigay ng tanglaw sa bansang binalot lagim ng pandemya.

Pinuri ni Villanueva ang mga atleta sa kanilang "natatanging pagtatanghal sa Tokyo Olympics na kumakatawan sa mga pangarap ng bawat Pilipino--na tibagin ang mga balakid at iangat ang karangalan ng Pilipinas."

"Ang tagumpay ng ating mga atleta ay 'di rin nalalayo sa paniniwala natin noon pa man sa TESDA: Kapag sapat at de-kalidad ang training, malayo ang mararating ng Pilipino. At kapag ang isang Pilipino ay nagsumikap nang husto, kaya niyang manalo, at abot-kamay ang masayang pagbabago," ani Villanueva, dating TESDA director general na nakilala sa kanyang mga nagawa upang maiangat ang kakayahan ng mga Pilipino para maging pantay sa world standards.

"Starstruck po tayo, hindi lang bilang isang dating atleta na kumatawan sa atin bayan, ngunit bilang isang Pilipino, starstruck po tayo ngayong kapiling natin ang ating mga bayani," dagdag pa ni Villanueva na lumaro dati para sa national basketball team.

"Sinasalamin ng kanilang mga kuwento ang lakas at tibay ng loob nating mga Pilipino. Sila ay mga bayaning nagsilbing tanglaw sa dilim na bumabalot sa ating bayan ngayon pandemya," aniya.

Nagpugay si Villanueva kay Diaz, ang kauna-unahang atletang Pilipino na nakagamit ang gintong medalya sa Olympics matapos Manalo sa 55-kg weightlifting competition sa Tokyo Games noong Hulyo 26.

Pinarangalan rin ni Villanueva si Petecio, ang kauna-unahang Pilipina na nanalo ng Olympic boxing medal sa women's featherweight finals noong Agosto 3.

Pinuri rin ni Villanueva sina Marcial, na nanalo ng bronze medal sa middleweight division noong Agosto 5, at si Paalam, na nakamit ang pilak sa flyweight division.

"Hindi po ba't tuwing sumusuntok sina Nesthy, Eumir at Carlo, nagngangalit din ang mga ugat natin sa braso, kasabay ng pagkuyom ng ating mga kamao na tila baga gusto na rin nating sumabak sa laban," ani Villanueva.

"Ganyan daw po ang mga tunay na bayani, nakahahawa ang kanilang determinasyon!" ayon sa mambabatas.

"Kaya't natatangi at makasaysayan ang araw na ito dahil ang mga kauna-unahang Pilipinong pararangalan ng Philippine Senate Medal of Excellence ay mga kabataang atleta," dagdag pa niya.

"Bilang kauna-unahang mga indibidwal na pinarangalan ng Senate Medal of Excellence, nag-iwan na ng marka sina Hidilyn, Nesthy, Eumir at Carlo hindi lamang sa kasaysayan ng Pilipinas, kung hindi sa puso ng 110 milyong Pilipino," Villanueva added.

News Latest News Feed