Press Release
September 9, 2021

Gatchalian to DOH, DTI: Ensure COVID-19 testing laboratories' compliance with new price cap

As COVID-19 infections continue to rise in the country, Senator Win Gatchalian urged the Department of Health (DOH) and the Department of Trade and Industry (DTI) to put in place mechanisms that will oversee compliance of testing laboratories on the reduced price cap for real-time reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) or swab tests.

"Napapanahon itong ganitong hakbang lalo na't patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nahahawa ng COVID-19 dahil sa mas matinding Delta variant at kadalasan ay pami-pamilya na ang nagkakasakit. Kung naiimplementa nang tama at masigurong mas mababa ang presyo ng swab test, mas mahihikayat ang marami nating kababayan, bagay na makakatulong nang malaki sa COVID-19 response ng gobyerno," Gatchalian said.

Strict monitoring of the government-mandated price cap should be undertaken as the majority of Filipinos have been financially crippled by the COVID-19 pandemic, especially those rendered unemployed and underemployed since last year, the senator said.

From the previous P4,500 to P5,000 price cap for private testing hubs, the new price cap has been reduced to P2,940 to P3,360 for the private facilities while the public testing centers' previous P3,800 per swab test has been set from P2,450 to P2,800. The government has set a price cap of P1,000 for home service testing and this is on top of the testing cost.

The DOH issued last August 26 Circular No. 2021-0374 on the new price cap that took effect Monday, September 6, 2021. The last price cap was set on November 25, 2020.

Gatchalian said it's incumbent upon the DOH and the DTI to conduct a regular or even a random check on the testing prices of the licensed COVID-19 testing laboratories on their compliance with the price cap and impose appropriate penalties.

Based on the DOH order, breaching the price cap will earn a suspension of license to operate for 15 days for the first offense, 30 days for the second offense, and a revocation of license for the third offense. A fine of P20,000 and P30,000 for first and second offenses respectively will likewise be imposed on erring laboratories.

"Sa panahon ng pandemya, nais natin na maiwasan ang pananamantala ng ilang indibidwal sa mga kababayan nating nangangailangan at nagkakasakit dulot ng COVID-19. Mainam na masawata ang mga maling gawaing ito lalo na't kung makokompromiso ang kapakanan at kaligtasan ng publiko," Gatchalian said.

# # #

_____________________________________________________________________________________

Dapat siguruhin ang pagsunod ng COVID-19 testing laboratories sa bagong price cap - Gatchalian

Habang patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, nanawagan si Senador Win Gatchalian sa Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) sa pagkakaroon ng mekanismo upang masiguro ang pagtupad ng mga testing laboratories sa pinababang presyo ng real-time reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) o swab tests.

"Napapanahon itong ganitong hakbang lalo na't patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nahahawa ng COVID-19 dahil sa mas matinding Delta variant at kadalasan ay pami-pamilya na ang nagkakasakit. Kung naiimplementa nang tama at masigurong mas mababa ang presyo ng swab test, mas mahihikayat ang marami nating kababayan, bagay na makakatulong nang malaki sa COVID-19 response ng gobyerno," ani Gatchalian.

Aniya, dapat higpitan ang pag-monitor sa ipinatutupad na bagong price cap upang maging abot kaya ito sa mas nakararaming Pilipino na gipit sa pang-araw-araw na gastusin magmula nang magkaroon ng pandemya dulot ng COVID-19, lalo na sa mga hanay ng nawalan ng trabaho o nabawasan ng kita.

Mula sa dating P4,500 hanggang P5,000 na price cap sa mga pribadong laboratory, ang tamang singil batay sa bagong kautusan ay dapat nasa P2,940 hanggang P3,360 na lamang. Para sa mga pampublikong testing center, ang dating P3,800 kada swab test ay nasa P2,450 hanggang P2,800 na lamang. Samantala, ang price cap para sa home service testing ay P1,000, bukod ba diyan ang mismong bayad sa swab test.

Ibinaba ng DOH noong Agosto 26 ang Circular No. 2021-0374 para sa mga bagong price cap na sinimulang ipatupad noong Lunes, Setyembre 6, 2021. Huling nagpatupad ng price cap ang gobyerno noong Nobyembre 25, 2020.

Sinabi ni Gatchalian na marapat lamang na magsagawa ang DOH at DTI ng regular o kahit na random check sa pagtupad sa singil sa laboratory tests para sa COVID-19 ng mga lisensyadong laboratoryo at ang pagpapataw ng kaukulang parusa at multa sa mga lalabag sa nasabing kautusan.

Batay sa kautusan ng DOH, ang hindi pagtupad sa price cap ay maaaring magdulot ng suspensyon ng lisensya ng laboratoryong lumabag na aabot sa 15 araw sa unang beses ng paglabag, 30 araw sa ikalawang beses ng paglabag, at pagbawi ng lisensya sa ikatlong beses ng paglabag. Papatawan din ng P20,000 na multa sa unang beses ng paglabag at P30,000 naman sa ikalawang beses ang mga hindi sumusunod na mga laboratoryo.

"Sa panahon ng pandemya, nais natin na maiwasan ang pananamantala ng ilang indibidwal sa mga kababayan nating nangangailangan at nagkakasakit dulot ng COVID-19. Mainam na masawata ang mga maling gawaing ito lalo na't kung makokompromiso ang kapakanan at kaligtasan ng publiko," sabi Gatchalian.

# # #

News Latest News Feed