Press Release
September 10, 2021

TRANSCRIPT OF INTERVIEW
Senator Risa Hontiveros with Ms. Pinky Webb on The Source, CNN PH

Q: Do you think the government should simplify its quarantine classifications in Metro Manila and eventually of course the whole country?

Senator Risa Hontiveros (SRH): Why not simplify? To make it easier for people to understand ano yung inaasahan natin. Also to make it easier for us to understand kung ano dapat na health services ang idedeliver sa ilalim sa mga quarantine at anong klaseng mga economic support ang idedeliver din sa ilalim ng iba't ibang alert levels.

And these are important kasi hindi pwedeng magbagsak lang ng quarantine. Hindi pwedeng magbagsak lang ng lockdown o alert level, kung anumang numero nito. Importante na under these different alert levels, tuloy-tuloy at mas mataas ang testing ang contact-tracing, ang vaccination at dapat sa ilalim ng anumang alert level, lalo na yung mas mataas, tuloy-tuloy yung ayuda sa mga mahihirap na pamilya at sa mga MSMEs natin.

Q: Sabi po ni Mayor Joy Belmonte yesterday, sana it's a choice between maybe just MECQ, GCQ, etc or alert levels 1,2,3,4. Would you agree? Kasi of course right now what we know is eventually it's going to be GCQ with alert levels 1 to 4.

SRH: Oh dear, baka mas nakakalito pa iyon. I would go with Mayor Joy. After a year and a half of different quarantines, different Qs, nakakalito narin also because minsan ang hirap pa sabihin, ano ba ang diffrence ng isang modified na quarantine at ibang klaseng quarantine? I would go with Mayor Joy na baka mas simpleng tignan yung numero -- 1,2,3, or 4, tulad sa ating mga storm signals, halimbawa na ibinababa ng PAG-ASA para sa ating mga kababayan.

There's too much confusion already out here. Simplehan naman please ng gubyerno at kasabay ng pagpapasimple ng pagpapaintindi sa atin anong klaseng alert level tayo ngayon, galingan din nila, damihan at galingan, yung health services at yung economic services under whatever number of alert level.

Q: There was an IATF meeting, wherein si Dr. Tony Leachon had tweeted this and I quote "Heard about a Cabinet Secretary assaulting physician leaders during the last IATF meeting. We deserve an apology for this rude behavior." And also si Marlon Ramos of the Philippine Daily Inquirer had tweeted this, it was a video of Presidential Spokesperson Harry Roque blowing his top, galit na galit po siya, basically Sec. Roque was saying it's a whole government approach itong ginagawa natin kahit gubyerno does not want a single life lost but it was a visibly angry, irked Presidential Spokesperson. I'd like to get your reaction.

SRH: Well, diyan sa very rude na official na iyan, dapat talaga stand in the corner. He owes the doctors an apology. I agree with Dr. Leachon. Stand in the corner, Sec. Roque. Pagkatapos mo munang i-hair flip, Pinky.

Q: Iyan po ang lumabas na tweet recently. I want to move on to other issues. The President also accepting the nomination of PDP-Laban yesterday to run as Vice President, si Senator Bong Go po ay sinabi pa rin he refuses to be nominated as their President. Also, what are your thoughts on this kasi nagsalita narin si Mayor Sara Duterte na isang Duterte lang ang pwedeng tumakbo sa national post, hence, dahil tinanggap po ni Pangulo na tumakbo bilang Vice President, ay hindi na po siya tatakbo.

SRH: I really hope na yung sa mga Duterte na hindi tatakbo, pinaka si Presidente. Hindi ako magcocomment sa colleague ko. I still take his word at face value pero klarong-klaro kahit sa ating Konstitusyon at kahit sa sense ng delicadeza at tama at mali ng ating mamamayan, hinding-hindi dapat tatakbo si Presidente ulit kahit na bilang Bise Presidente. He will be violating the spirit of the letter of the Constitution if he does that. So please, tigilan na nila yung ganyang klaseng drama.

Q: Your reaction on Ombudsman Martires' yung kanya pong sinabi na he wants legislation against those people who will talking about the SALN of public officials. Do you think such a legislation is necessary and kailangan ho ba ito?

SRH: I don't think it's an urgent legislation at all. Ang SALN ay kilala naman natin bilang public document. Dapat ay madaling maihingi ng sinumang mamamayan ang SALN ng kahit sino sa aming nagtatrabaho sa gubyerno and since these are public documents, matters of public knowledge, edi bukas din sa pagkomento ninumang mamamayan, kahit kaming nagtratrabaho sa gubyerno. I really hope and pray that the Ombudsman would change his opinion about this at therefore yung magiging actions ng kanilang opisina on these matters of SALN.

Napakaimportante lalo na ngayong pilit talaga nating inaalam yung mga allegations of graft and corruption, halimbawa nga doon sa pagitan ng PS-DBM at DOH dito sa kaso ng Pharmally. And in fact just recently yung sa nakaraang hearing ng Blue Ribbon, hiningi ni Senate Minority Leader Sen. Frank yung mga SALN ni dating PS-DBM USec. Lao. So, ganon kahalaga ang mga SALN naming nagtratrabaho sa gubyerno and natural sa mga ganitong klaseng imbestigasyon eh mapupuna ito for better or for worse.

Ang hirap naman na magkaroon ng chilling effect sa pagpuna in a negative fashion if it is warranted sa ganitong mga dokumentong sinusumite naman namin taon-taon.

Q: Isn't your office, government officials' office hindi po ba public service is public trust?

SRH: Exactly. At ang isang konkretong paraan na pinapakita namin na ang turing namin sa public service namin ay public trust ay regular na i-account sa publiko sa mamamayan yung usapin ng aming liabilities at saka net worth. So yun at yun lang naman ang laman ng aming SALN. As I said, I hope and pray it will not be the subject of restrictions kasi nga sa napaka-challenging na nga nating sitwasyon, yung SALN ay isang dokumento na mapagbabatayan natin to get to the truth about any number of issues.

Q: During the Senate hearing later, inaasahan po sa hearing later ang presence ni Michael Yang. According to his lawyer, magpapakita daw po si Michael Yang mamaya. Ano ang una ninyong tatanungin kay Michael Yang?

SRH: Halos hindi ko alam kung ano ang uunahin ko sa dami ng gusto kong itanong kay Michael Yang. Si Mr. Yang na kahit noon ay nagpapakilala na Presidential Economic Adviser ay yes, confirmed na, after three attempts, na dadalo siya sa hearing mamaya, so itatanong ko sa kanya ang lahat tungkol dito sa lahat ng taong lumilitaw sa past hearings na may kinalaman sa Pharmally. Si Michael Yang po ay chairman ng Philippine Full Win Group of Companies na may interlocking directors dyan sa Pharmally companies.

Hindi lang ako nabigyan ng pagkakataon noong nakaraang hearing na matanong itong mag-amang Huang pero kakaGoogle namin, may lumabas na namang 2017 photo na may special access na sina Huang Wen Lie sa Pangulo at sa Malakanyang. So may ibang "special friendship" na naman ba?

Maaalala natin na si Mr. Huang, yung mas matanda, yung ama, pugante po siya sa batas sa Taiwan, para sa stock manipulation at saka embezzlement. An official from Taiwan confirmed to me that indeed the people we have identified last time are fugitives. The Philippines has a mutual legal assistance agreement with Taiwan kaya gusto ko rin sana ipa-subpoena kung may mga advisories ba nilabas ang Taiwanese government at pinadala sa atin, sa authorities sa atin.

Q: To clarify, ito po yung mag-ama hindi si Michael Yang?

SRH: Hindi si Michael Yang sa ating pagka-alam kundi yung mag-amang Huang at si Zheng Bingqiang na chairman naman ng Fullwin International, yung mother company ng Full Win na kung saan chairman si Michael Yang.

Q: Fugitive din po ito si Zheng?

SRH: Fugitive din ito si Zheng. So dumadami na, 3 na yung we have identified so far na may koneksyon si Mr. Yang na pugante sa Taiwan and yet ay nakakapegnegosyo sila dito sa Pilipinas. So itatanong ko sila kay Mr. Yang.

Gusto ko din tingnan yung entry and exit information ng mag-amang Huang and si Zheng kasi labas masok lang ba sa atin itong mga puganteng ito? We also got information na a certain Rose Lin, an incorporator ng parehong Full Win at Pharmally, possibly could shed more light on these matters, but napansin ko na wala pa siya sa mga iniimbita o sinu-subpoena ng komite. So mamaya ipapa-subpoena ko rin mamaya si Ms. Rose Lin.

Gusto ko rin tingnan yung identity ng isang Allan Lim na mukhang may malapit na relasyon kay Rose Lin. Itong si Mr. Lim ay lagi ring kasama ni Michael Yang sa mga events kay presidente. So nakikita na itong mga personality na ito, they seem to be running in the same circles. Itatanong ko kay Mr. Yang yung ugnayan nila sa isa't-isa.

Bakit ang dami yatang beneficiary nitong "special friendship" kay Presidente? Grabe ang development ng istorya na ito simula sa overpriced PPEs, papunta sa Pharmally na pugad ng pugante, tapos ngayon palaki ng palaki ang cast of characters.

Q: Just to establish, si Michael Yang, wala pang nakonek sa kanya that he is involved sa Pharmally?

SRH: Wala pang kaso, wala pang warrant sa kanya but as we are connecting the dots, at habang mas maraming dots na lumilitaw, ang bawat "dot" na lumilitaw - ang mag-amang Huang, si Mr. Zheng, at si Allan Lim na aalamin natin, ang common factor nila ay si Michael Yang. So importante ang sagot niya mamaya, ano ba ang koneksyon nila sa isa't isa sa sa Presidente. Q: So to be clear wala pang koneksyon si Michael Yang sa Pharmally, but ang sinasabi niyo ay connect the dots? Ang tawag ba diyan ay circumstantial evidence?

SRH: It could be, and pag-tiningnan natin yung drawing so far na nasketch nakin, may interlocking directorates yung Pharmally and Full Win, yung Pharmally International na nakatanggap ng matatabang kontrata sa PS-DBM and was headed by the Huang son, tapos yung Full Win International, na yung head ay si Zheng Bingqiang, at si Michael Yang na head ng Full Win Philippines.

Itong 4 na groups of companies, we can show, as of this morning, na may interlocking directorates, may common personalities na nagseserve bilang official o director o incorporator nila. So how did these group of companies benefit doon sa term of Mr. Michael Yang bilang presidential economic adviser.

Q: Merong Pharmally International and Pharmally Philippines, mayroong Full Win International and Full Win Philippines? At yung chair ng Full Win Philippines ay si Michael Yang?

SRH: Tama.

Q: Yung invitation for Michael Yang to attend the Senate hearing ay pinadala sa kanyang bahay sa Forbes and also sa Full Win Philippines at hindi tinanggap dahil hindi daw konektado si Michael Yang sa kanila? So does that disconnect Michael Yang from the "connect the dots" theory?

SRH: Not at all, and it even surfaces more "dots" kasi sa bakit sa kabila ng pagkaalam natin, chairman si Michael Yang ng Full Win Philippines, ay ganoon yung feedback na binigay sa messenger ng Blue Ribbon Committee nung unang iseserve yung subpoena sa kanya?

Ibig ba sabihin fake address yung binigay niya gaya nung mag-amang Dargani na bibigyan sana ng imbitasyon? And even more mysteriously, yung pangalawang pag-serve ng subpoena sa kilalang home address ni Michael Yang, so yung mga tao na nandoon, nung dumating yung messenger ng Blue Ribbon Committee, sinabihan na wala daw Michael Yang doon, hindi daw nila kilala.

Aba, sorry na lang sila, pero habang ganoon yung sinasagot nila sa messenger ng Blue Ribbon Committee may dumating na isang parcel para sa babae na ang apelyido ay Yang. And I am sure if we asked the village association, makukuha namin lahat ng ebidensiya na yan talaga ang kanyang home address.

In any case on third attempt, sa wakas ay nagconfirm si Mr. Yang sa pamamagitan ng kanyang attorney na dadalo siya sa hearing kaya sumagot siya dapat sa mga tanong.

Q: Si Mr. Yang, would you know if he would need an interpreter?

SRH: That's a good question. I'm not sure, but if so we could probably provide one. And in any case, he is able to communicate with his Filipino lawyer so hindi magiging imposible yung paginitindi niya sa aming mga tanong. Sana wag niya gawing mahirap sagutin ang aming mga tanong.

Q: One more point kay Michael Yang before we move on so many other issues regarding the Senate probe. Acceptable po ba sa Senado na hindi siya nagpunta sa mga nakalipas na Senate hearing, which I know magiissue nga ng warrant of arrest na pwede naman irevoke because he's showing up today.

SRH: Cinanite na namin siya and lima pang Pharmally for contempt.

Q: Ibig ko lang sabihin, tatanggapin niyo ba ang magiging posibleng defense na hindi nakarating sa kanya ang imbitasyon eh given the fact this has been talked about for weeks and the names Michael Yang, Atty. Lao, and even Huang Tzu Yen, the mag-ama ay usap-usapan na.

SRH: Exactly, at napaka-imposible naman na isang dating Presidential economic adviser who was at the center of so many apparently exciting developments at mukhang nasa gitna pa rin kasi naawardan pa muli ang Pharmally ngayong taon at mukhang may mga napipintong mga kontrata na iaaward pa rin sa kanila. Imposible namang bigla na lang hindi na siya up-to-date sa mga current affairs. Siguro naman kung nasa Pilipinas, kung andito siya, ay nababasa niya, nasubaybayan ang mga balita. So please in any case, he is finally, kinailangan pa namin siyang i-cite in contempt, kailangan pa magkaroon ng banta ng pagaaresto, sa wakas ay haharap siya sa hearing, so andami talagang mga tanong sa kanya, pati kila Rose Nono Lin, Allan Lim, atsaka of course sa Pharmally, kay Usec. Chris Lao din, at sa mga Dargani, Ms. Garado, Mr. Ong, at Ms. Mago. da

Q: I know in the last hearing, you were very eager to ask yung nakakabatang Huang Tzu Yen ng iyong mga tanong. Just for the benefit of theviewers, hindi po siya nabigyan ng pagkakataong sumagot ng tanong ng mga Senador because he had to take his oath, which Im sure he did, you'll be able to ask questions today. I want to jump to something I think needs to be clarified here. Ano ba talaga si Pharmally? Siya ba ay ahente, siya ba ay manufacturer, siya ba ay supplier?

SRH: Yan talaga ang tanong. Kasi kung gusto talaga ng government mag-procure ng gobyerno natin sa Taiwan, at sinabi na rin ito ni Senate Minority Leader Sen. Frank, pwede na lang sana mag government-to-government, G to G na kontrata, bakit nag mahabang detour pa dumaan sa Pharmally na actually napakaliit na kompanya, bakit ito yung pinili kahit wala siyang track record sa pag-supply ng PPEs, ni sa ibang supplied na kinontrata sa kanya katulad ng face masks, at yung misteryosong face shields, and despite the fact na ang meager ng capitalizaiton ng Pharmally, hundreds of thousands of pesos lamang, para maka-capture ng bilyong bilyon kontrata. A mere P625,000 kumpara sa P8 billion.

Q: So what are they?

SRH: And that's the question. Mukhang hindi sila manufacturer ng PPEs, so nagmumukhang talaga trader lang siya, nagmumukhang middleman lang siya, and ang masakit pa diyan sabi ng ating local manufacturers who were requested by government, therefore repurposed their production lines, offered medical grade DOH-standards compliant and cheaper products, they said they did all these, hindi dahil lang proyekto ito sa kanila, they felt it was their duty to help their fellow Filipinos and they stepped up. Sa huli, iniwan sila sa ere at sila ay nalugi pa. Sabi ng Confederation of Wearable Exporters of the Philippines (CONWEP) they were capable of producing 10,000 PPEs per day, so may capacity, but they did not receive any supply contracts. Pinakita pa ni Blue Ribbon Committee Chair Sen. Dick yung listahan ng face masks na pinroduce ng PS-DBM. Yung Pilipinong kompanya EMS nagprovide ng masks for P13.50. Samantalang ang Pharmally nagbenta between P22-P27 per mask. What gives? Ang laki ng mark up para sa isang non-manufacturer, para sa isang mere trader o supplier middleman.

Q: Isang tanong pa rin sa akin, nasa itong mga supplies? Sabihin nating mga face shields, face masks, PPE. Nakatambak po ba sila? I do remember at some point tinanong nasaan sila dahil parang binibili pa supposed to be ng DOH itong mga supplies na ito na ibinigay naman nila ang pera sa PS-DBM so parang lumalabas double-buy, to which I remember Sec. Duque said he needs to check on this. Two things: Are we saying merong naka-store na supplies at nasaan po sila, at totoo bang kailangan bilhin ng DOH yung mga ito.

SRH: Precisely diba? Saan ka nakarinig ng ganyang double purchase, double whammy, so finlag ng COA, nilipat ng DOH ng P42 billion sa PS-DBM mukhang anag bahagi nga nito ay ginamit sa pangbayad sa mga overpriced pandemic supplies sa isang kaduda-dudang kompanya na may mga kaduda-dudang personahe at its helm, and even if government can prove that these are still in the DOH inventory o ito ay pinamudmod na sa mga health facilities natin nationwide may karapatan pa rin tayong Pilipino malaman kung ginamit ng tama o hindi ang limited pandemic funds natin at dapat sa mga legit, mga bonafides na mga entities eh nagmumukhang hindi kasi gaya ng sinabi ni Senate Minority Leader Sen. Frank, bakit yung pera galing sa DOH inintrega muna sa PS-DBM, ginamit ng DBM pang procure ng supplies, tapos ibebenta hindi ibibigay lang sa DOH? Pati sa DOH, ang PS-DBM na kapwa government agency ay may mark up? Oh wow, people are making money on so many sides here talagang lumalabas na pati pandemya pinagkakakitaan.

News Latest News Feed