Press Release
September 16, 2021

STATEMENT OF SENATOR RISA HONTIVEROS ON THE ICC OPENING THE INVESTIGATION INTO DUTERTE'S DRUG WAR

Panahon na upang harapin ng Pangulo ang imbestigasyon na ito. Huwag na nyang harangan pa ang mga opisyal ng International Criminal Court sa pagtupad ng tungkulin nila.

Ang Palasyo na mismo ang nagpapatagal ng prosesong ito. Ano ba ang kailangan nya pang pag-isipan? Wala ba syang kumpyansa sa sarili nyang paliwanag? Ano ba ang ikinakatakot nya?

Minsan dapat sundin ni Presidente ang sarili nyang mga salita: Kung walang itinatago, bakit matatakot?

Buo ang tiwala ko na itataguyod ng ICC ang kanilang mandato na mahusgahan ang mga mastermind at arkitekto ng mga malalang krimen, tulad ng madugong patayan sa ating mga pamayanan dulot ng drug war.

Inaasahan ko ring aktibong makikipagtulungan ang sambayanan, partikular na ang ating mga opisyal, upang siguraduhing mananagot ang lahat ng may sala.

Ito ay panibagong pag-asa para sa mga pamilyang Pilipino na biktima ng walang habas na pagpaslang. Noon, ngayon, at kailanman, hindi natin sila bibiguin.

"The arc of the moral universe is long, but it bends toward justice." -Martin Luther King

News Latest News Feed