Press Release
September 16, 2021

TRANSCRIPT | Message of Sen. Francis "Kiko" Pangilinan
on the 30th Anniversary of the Senate vote ending PH-US Bases Treaty

https://drive.google.com/file/d/1RiUWo0b7hNnhqSL5ILzDNeoj5lu8i-1B/view?usp=sharing

Ngayong September 16, 2021, ginugunita at ipinagdiriwang natin ang tatlumpung taon matapos ang makasaysayang Senate vote na pinangunahan ng mga haligi ng Partido Liberal ng Pilipinas na sina Jovito Salonga, Wigberto Tanada, at Victor Ziga--'yung Senate vote, the Senate that said no to the retention of the US bases in the Philippines.

Tumayo sila at bumoto 12-11 para wakasan na ang pananatili ng base-militar ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Nawala kay Ka Jovy Salonga ang Senate presidency dahil sa botong ito, na taliwas sa posisyon ng pamunuan noon. Pinili niya ang bumoto ng "no" dahil alam niya na ang pagkawala sa latak ng kolonyalismo ay mas mahalaga kaysa sa anumang posisyon at sa poder na dulot nito.

Ang iba pang mga senador na bumubuo ng Magnificent 12 ay sina Senador Butz Aquino, Juan Ponce Enrile, Joseph Estrada, Tito Guingona Jr., Sotero Laurel II, Ernesto Maceda Jr., Orly Mercado, Aquilino Pimentel Jr., at Rene Saguisag.

Kahit iba-iba ang dahilan o partido, tumaya ang labindalawa para sa isang mapagpasyang boto na naghudyat ng ating pagkawala sa ating kolonyal na nakaraan at ng isang malaking hakbang tungo sa tunay na kasarinlan.

We broke chains of colonialism in our country in that regard, and move towards genuine sovereignty.

Pero pag-alis ng mga base militar, hindi gumuho ang ating ekonomiya. Sabi kasi ng iba, nakakatakot, baka daw bumagsak ang ekonomiya pagka wala na ang base-militar. Hindi tayo sinakop ng mga komunista. Hindi umalis ang mga mamumuhunan. Sa totoo lang, lalo pang nagkaroon ng dagdag na maayos na trabaho dito sa mga base-militar sa Clark at sa Subic.

Naging mas maunlad in terms of 'yung benepisyo sa mga komunidad.

Tinulak namin sa Partido Liberal ang pag-alis ng US bases dahil sa ating matibay na paninindigan at paniwala sa kakayanan ng ating mga kababayan-na kaya nating tumayo sa sarili nating mga paa at igiit ang ating soberenya.

Ginugunita natin ang September 16 bilang panalo ng bayan na merong paggalang sa sarili, political will at tapang na itulak ang ating mga karapatan, ang ating kasarinlan, ang ating interes bilang isang Republika.

Ngayon, tayo bilang isang bansa ay nakakaharap sa mga hamon sa ating pagiging isang Republika. Sa kabila ng ating panalo sa international arbitral tribunal, mukhang mas gusto ng mga namumuno ngayon na maging "Province of China."

Pero, sa pinakita ng mga nauna sa atin, kaya natin ang mga hamong ito. Kailangan lang ng pagkakaisa, kinakailangan lang mangibabaw ang ating pagkakaisa at ating pagtugon at paninindigan.

Salamat po at magandang araw sa kanilang lahat.

News Latest News Feed