Press Release
September 29, 2021

Mobile Number Portability begins Sept. 30; Gatchalian bats for privacy of subscribers' data

Safeguard personal information of mobile subscribers, ensure cybersecurity policies in place, and provide proper consumer welfare mechanisms in the course of porting activities, Senator Win Gatchalian said in reminding telecommunications companies as they roll out the implementation of the Mobile Number Portability Act (MNPA) on September 30.

"Sa panahon ngayon na talamak ang iba't ibang modus gamit ang mga online at mobile application platforms, importante na sinisiguro natin sa mga subscriber na mahigpit ang pagtalima ng telcos sa Data Privacy Act na kaakibat ng batas na ito at hindi mapapasakamay ng mga hindi awtorisadong tao ang kanilang personal data," said Gatchalian, author of Republic Act No. 11202 otherwise known as the Mobile Number Portability Act.

Gatchalian likewise called on the National Telecommunications Commission (NTC) and the National Privacy Commission (NPC) to oversee the proper implementation of the law which allows subscribers to switch between telecommunications service providers without having to change their mobile numbers and pay for interconnection fees for calling or texting across different networks.

The senator also urged these concerned agencies to ensure the promotion of subscribers' welfare and protect them against public exposure of mobile numbers.

Gatchalian cited the controversy now surrounding the popular Netflix's Korean series Squid Game where a supposed fictitious phone number used in the show turned out to be a real mobile number and the owner who has been using it for more than 10 years received a barrage of prank calls and texts from curious fans.

In one of its episodes, a business card with a phone number is given to a potential contestant to be able to be invited to a mysterious survival competition with a cash prize worth ?45.6 billion.

The unauthorized disclosure of personal information, such as an individual's name and phone number, is punishable under the Data Privacy Act as Gatchalian warned the public against posting online phone numbers without the consent of the owner.

"Sa panahon ngayon na kailangan natin ng mas maayos na serbisyo lalo na't halos nakadepende na tayo sa ating mga mobile phones sa mga araw-araw nating gawain, mahalaga na maisakatuparan na ito at libre tayong makapamili ng serbisyo ng gusto nating telco," he said.

# # #


Mobile Number Portability aarangkada na - Gatchalian

Aarangkada na ang Mobile Number Portability Act (MNPA) simula Setyembre 30. Kasunod nito, pinaalalahanan ni Senador Win Gatchalian ang mga telecommunications companies na ingatan ang mga personal na impormasyon ng mga mobile subscribers, siguruhin ang cybersecurity at maglatag ng sapat na mekanismo para sa kapakanan ng mga konsyumer habang nagpapalit ng service provider.

"Sa panahon ngayon na talamak ang iba't ibang modus gamit ang mga online at mobile application platforms, importante na sinisiguro natin sa mga subscriber na mahigpit ang pagtalima ng telcos sa Data Privacy Act na kaakibat ng batas na ito at hindi mapapasakamay ng mga hindi awtorisadong tao ang kanilang personal data," ani Gatchalian, may-akda ng Republic Act No. 11202 o ang Mobile Number Portability Act.

Hinikayat ni Gatchalian ang National Telecommunications Commission (NTC) at ang National Privacy Commission (NPC) na pangasiwaan ang tamang pagpapatupad ng batas na nagpapahintulot sa mga mobile phone subscribers na lumipat sa ibang service providers nang hindi na kinakailangan pang magpalit ng numero ng kanilang telepono at magbayad ng interconnection fees.

Hinimok din ng senador ang mga kinauukulang ahensya na siguruhing mapoproteksyunan ang kapakanan ng mga subscribers at iwasang isapubliko ang kanilang mobile numbers nang walang pahintulot.

Naging usap-usapan kasi ang ganitong konsepto sa kontrobersyal na Netflix Korean series na Squid Game. Bahagi ng naturang palabas ang paglalathala ng dapat sana'y gawa-gawang telephone number ng isang kalahok na kalauna'y lumalabas na siyang mismong telephone number ng contestant. Pinutakti tuloy ang isang may-ari ng numero ng prank calls at text messages mula sa mga sumusubaybay ng nasabing palabas.

Binalaan ni Gatchalian ang publiko sa pagpo-post sa online ng mga phone numbers lalo na kung wala itong pahintulot ng may-ari dahil may kaukulang parusa ito sa ilalim ng Data Privacy Act.

"Sa panahon ngayon na kailangan natin ng mas maayos na serbisyo lalo na't halos nakadepende na tayo sa ating mga mobile phones sa mga araw-araw nating gawain, mahalaga na maisakatuparan na ito at libre tayong makapamili ng serbisyo ng gusto nating telco," ani Gatchalian.

# # #

News Latest News Feed