Press Release
September 29, 2021

Bong Go reminds Filipinos: 'Anuman ang ating kulay pulitika, iisa lamang ang ating layunin na malampasan ang pandemya'

Nalalapit na ang filing ng Certificate of Candidacy para sa halalan sa susunod na taon. Patungo muli tayo sa sagradong proseso sa ating demokratikong sistema kung saan pipili na naman ang taumbayan ng mga taong mamumuno at magsisilbi sa kanila.

Bilang isang mamamayang Pilipino at representante ninyo sa Senado, umaapela ako sa mga gustong tumakbo para sa susunod na halalan na palaging isaalang-alang ang interes at kapakanan ng ating mga kababayan.

Above all else, it is the interest of our people and their general welfare and not our personal political ambitions that should guide us in serving our country.

Sa pag-file ng COC, isipin dapat natin kung paano tayo makakatulong sa taumbayan na malampasan ang kasalukuyang pandemya at mga krisis na dulot nito o mga susunod pa. Unahin natin ang ating tungkulin na magserbisyo at proteksyonan ang buhay ng ating kapwa bago ang ating pansariling interes.

Para naman sa mga opisyal ngayon, dapat tandaan natin na mayroon po tayong trabahong dapat gampanan. Hindi dapat mawala ang ating focus sa ating tungkulin lalo na para maiahon sa hirap ang mga kababayan nating nangangailangan. Anuman ang ating kulay pulitika, iisa lamang ang ating layunin na malampasan ang pandemya. Bakuna muna bago pulitika.

Ito ang panahon ng pagtutulungan at bayanihan, hindi ng sisihan at siraan.

Sa mga kapwa ko Pilipino, ang halalan ang pinakamahalagang kapangyarihan na mayroon tayo. Pahalagahan at gamitin natin nang tama. After all, no less than our Constitution provides that "Sovereignty resides in the people and all government authority emanates from them."

Makiisa tayo upang maipaglaban ang kapakanan ng ating bayan at masigurong walang maiwan sa muling pagbangon ng ating bansa mula sa pandemyang ating hinaharap.

Maraming salamat po.

News Latest News Feed