Press Release
October 3, 2021

Gatchalian: More working parents should be able to return to work as schools reopen

Following the government's decision to pilot run the limited reopening of schools in low-risk areas or municipalities which have zero COVID-19 cases, Senator Win Gatchalian urged the Inter-Agency Task Force (IATF) to carefully consider easing quarantine restrictions to pave the way for the resumption of many business operations.

"Maraming mga magulang ang natengga sa bahay dahil 'yung iba ay nawalan ng trabaho at 'yung iba naman ay pinili na lang na manatili sa bahay para gabayan ang mga anak sa distance learning," Gatchalian said.

"Sa muling pagbubukas ng mga paaralan, makakabalik na rin sa trabaho ang mga magulang at muling sisigla ang takbo ng ekonomiya kasunod ng inaasahang unti-unting paglawak ng pagbubukas ng mga sektor ng transportasyon, edukasyon at mga sangay na negosyo, pati na ang service sector," he added.

The Senate Economic Affairs Vice Chairperson took note of a study by the Asian Development Bank (ADB) saying that in terms of foregone wages of parents who need to stop working to care for their children, the economic cost would amount to P225 billion covering 11% of the affected workforce during the school year 2020 to 2021.

"Parents are also employees. Experience has shown that most working parents are unable to work as they need to stay home with their quarantined children, especially with granular lockdowns being enforced in Metro Manila," the senator said, adding that working parents will hopefully be more productive to focus on work with the reopening of classes.

Key findings by the NEDA showed that the long-run total cost of COVID-19 and quarantines on the present and future generations is estimated at P41.4 trillion.

Gatchalian likewise called for the acceleration of vaccinating informal sector workers and self-employed individuals to allow them to return to work or seek employment opportunities.

Data from the National COVID-19 Vaccination Dashboard showed that as of September 24, 2021 a total of 2,718,947 indigent population or those under the A5 category for inoculation have received the first dose while those who have already been given their second dose and single dose vaccines stood at 1,770,301 only.

A total of 8,895,442 front liners in the essential sectors or those under the A4 category have so far received their first dose while 5,307,222 already have their second jab and single dose vaccines. The A4 priority group covers those private sector workers and government employees who need to be physically present in their workplace, as well those so-called informal sector workers and self-employed individuals who work outside their homes and those working in private households.

# # #


Balik trabaho na rin ang mga magulang sa pagbubukas ng mga paaralan - Gatchalian

Kasunod ng desisyon ng gobyernong unti-unti nang buksan ang mga paaralan sa mga low-risk areas o kung saan kakaunti o walang kaso ng COVID-19, hinikayat ni Senador Win Gatchalian ang Inter-Agency Task Force (IATF) na masusing pag-aralan ang pagluluwag ng quarantine restrictions para dumami pa ang makapagbukas ng negosyo at makabalik na rin sa trabaho ang mga magulang.

"Maraming mga magulang ang natengga sa bahay dahil 'yung iba ay nawalan ng trabaho at 'yung iba naman ay pinili na lang na manatili sa bahay para gabayan ang mga anak sa distance learning," sabi ni Gatchalian.

"Sa muling pagbubukas ng mga paaralan, makakabalik na rin sa trabaho ang mga magulang at muling sisigla ang takbo ng ekonomiya kasunod ng inaasahang unti-unting paglawak ng pagbubukas ng mga sektor ng transportasyon, edukasyon at mga sangay na negosyo, pati na ang service sector," dagdag pa ng senador.

Ang pahayag na ito ng Senate Economic Affairs Vice Chairperson ay batay sa isang pag-aaral ng Asian Development Bank (ADB) kung saan napag-alaman na aabot sa P225 bilyon ang katumbas ng kitang nawala sa mga magulang na kumakatawan sa 11% na mga manggagawang apektado ng pandemya sa school year 2020-2021.

"Ang mga magulang ay mga empleyado rin. Batay sa karanasang nakita natin, karamihan sa mga magulang ay napilitan ring manatili sa kanilang mga tahanan at napatigil sa paghahanapbuhay dahil kailangan nilang gabayan ang mga anak nila lalo na doon sa mga isinailalim sa granular lockdown sa Metro Manila,"sabi ng senador.

Sa muling pagbubukas ng ilang mga paaralan, umaasa si Gatchalian na makakabawi na ang mga working parents dahil mabibigyan na rin sila ng panahon na muling makapaghanapbuhay habang nasa eskwelahan ang kanilang mga anak.

Sa pagsasaliksik na ginawa ng NEDA, aabot sa P41.4 trilyon ang katumbas na halaga ng epekto ng mga isinagawang quarantine sa kasalukuyan at sa hinaharap.

Upang maibsan ito, iminungkahi ni Gatchalian ang pagpapabilis ng pagpapabakuna sa mga manggagawa sa informal sector at mga self-employed na indibidwal upang makabalik na sila sa kanilang paghahanapbuhay o makahanap na agad ng kanilang bagong pagkakakitaan.

Sa datos ng National COVID-19 Vaccination Dashboard, napag-alaman na noong Setyembre 24, 2021 ay nasa 2,718,947 na ang kabuuang bilang ng indigent population o mahihirap na nasa ilalim ng A5 category ang nakatanggap na ng kanilang paunang bakuna samantalang ang mga nabigyan na ng second dose at single dose na bakuna ay umabot lamang sa 1,770,301.

Sa mga tinatawag na frontliners na nasa essential sectors o nasa A4 category, nasa kabuuang 8,895,442 ang nabigyan na ng paunang bakuna at 5,307,222 naman ang bilang ng mga nakakumpleto na o nabigyan ng single dose na bakuna. Ang A4 priority group ay sumasakop sa mga manggagawa sa pribado sektor at mga kawani ng gobyerno na kailangang pumasok sa kanilang mga trabaho kasama na rin ang mga nasa informal sector at mga self-employed na indibidwal na nagtatrabaho sa labas ng kanilang bahay at ang mga nagtatrabaho sa private households.

# # #

News Latest News Feed