Press Release
October 11, 2021

Gatchalian wants enactment of anti-nuisance candidates bill

Senator Win Gatchalian enjoins colleagues to consider the enactment of his bill seeking to institutionalize the grounds for declaration of nuisance political candidates and imposition of a fine for putting the election process in mockery or disrepute.

Gatchalian said that while the 1987 Constitution guarantees equal access to opportunities for public service, the Supreme Court resolution has clarified the view that running for public office is a privilege and not a right.

"Isang pribilehiyo ang makapaglingkod sa bayan kaya't dapat na siniseryoso ito ng sinuman na gustong magserbisyo sa publiko dahil kaakibat nito ang pagsusulong sa kapakanan ng taong bayan at pag-iingat sa kaban ng bayan. Hindi kailanman katanggap-tanggap ang mga gawain na ang intensyon ay halata namang makapanlito lamang o gawing katawa-tawa ang eleksyon," he said.

Among those who trooped to the Pasay City venue setup by the Commission on Elections (COMELEC) for the filing of certificate of candidacy (COC) were presidential aspirants Daniel Magtira who claims to be the "husband" of Kris Aquino and was previously declared by the poll body as a nuisance candidate and Laurencio Jun Yulaga, a self-proclaimed "international scientist" who claims to be a Harvard graduate and said that electrocution can cure COVID-19. His running mate, Alexander Lague, said he owns an oil company and wants collected urine converted into perfume and fertilizer if he wins as vice president. While candidates who will eventually be declared as "nuisance" by the COMELEC may have achieved their objectives of gaining 15 minutes of fame, they, however, should be held liable for their act, the senator said.

In Gatchalian's Senate Bill No. 726 or an Act Amending Sections 69, 261 (CC) and 264 of the Omnibus Election Code of the Philippines, he proposed the imposition of a fine of P50,000 to any person who was found by the COMELEC to have put the election process in mockery or disrepute.

Although the COMELEC is mandated by law to receive certificates of candidacies, Gatchalian said that accommodating a greater number of candidates entails an increased allocation of time and resources.

A counterpart measure in the House of Representatives proposing heavier fines against nuisance candidates had been already approved on final reading last August.

# # #

________________________________________

Anti-nuisance candidates bill dapat ipasa na! - Gatchalian

Nanawagan si Senador Win Gatchalian sa kanyang mga kasamahan sa Senado na ipasa na ang kanyang panukalang batas na magtatatag ng ligal na batayan sa pagdedeklara ng mga nuisance political candidates at pagmultahin sila bilang kaparusahan sa panunuya at paninira sa sagradong proseso ng halalan.

Kahit na nakasaad sa 1987 Constitution ang probisyon na gumagarantiya ng pantay na access para makapaglingkod sa bayan, iginiit ni Gatchalian na sa isang resolusyong inilabas ng Korte Suprema, nilinaw nito na ang pagtakbo para sa isang halal na posisyon ay isang pribilehiyo at hindi karapatan.

"Isang pribilehiyo ang makapaglingkod sa bayan kaya't dapat na siniseryoso ito ng sinuman na gustong magserbisyo sa publiko dahil kaakibat nito ang pagsusulong sa kapakanan ng taong bayan at pag-iingat sa kaban ng bayan. Hindi kailanman katanggap-tanggap ang mga gawain na ang intensyon ay halata namang makapanlito lamang o gawing katawa-tawa ang eleksyon," aniya.

"Kada eleksyon na lang ay hindi nawawala sa eksena ang filing ng mga nuisance candidates. Ang karapatang bumoto ay sagrado kaya dapat lamang na seryosohin ito hindi lamang ng mga botante, maging ng mga kumakandidato sa pampublikong posisyon," pagdidiin ni Gatchalian.

Kung ang layon lamang ng mga kandidato na kalauna'y idedeklara lamang ng Commission on Elections (COMELEC) na "nuisance" ay para makapukaw ng atensyon ng publiko kahit sa sandaling panahon lamang, sinabi ni Gatchalian na ito'y may kaakibat na kaparusahan.

Sa inihain niyang Senate Bill No. 726 o ang Act Amending Sections 69, 261 (CC) and 264 of the Omnibus Election Code of the Philippines, iminungkahi ni Gatchalian ang pagpataw ng multang P50,000 sa sinuman na mapapatunayan ng Comelec na nangutya o naninira; naging sanhi ng pagkalito ng mga botante bunsod ng pagkakapareho ng pangalan ng rehistradong kandidato; tumanggap ng pera o iba pang paraan na kanyang mapapakinabangan; at walang maipakitang kakayahan na magpapatunay na seryoso ang kanyang intensyon sa pagtakbo sa halalan.

Bagamat nasa mandato ng Comelec ang pagtanggap ng certificate of candidacies, sa pananaw ni Gatchalian kung masyadong marami ang maghahain ng kandidatura, makakadagdag lamang ito sa gastusin at trabaho sa komisyon.

Ang counterpart bill sa House of Representatives na nagtatakda ng mas mabigat na kaparusahan sa mga nuisance candidates ay naaprubahan na sa final reading noong Agosto.

# # #

News Latest News Feed