Press Release
October 11, 2021

Gatchalian: DepEd's 2022 budget should prioritize safe schools reopening

The 2022 budget of the Department of Education (DepEd) should prioritize the safe reopening of schools, Senator Win Gatchalian said.

Under the 2022 National Expenditure Program (NEP), DepEd and its attached agencies are allotted P630.8 billion which reflects a 6% increase in 'New Appropriations' as compared to 2021. Gatchalian pointed out, however, that P15 billion is still allocated to Flexible Learning Options which includes the use of television, radio, modules, and other modes of learning that do not require close contact between the teacher and the learners. The bulk of the budget will go mainly towards the printing of self-learning modules.

Under the P5.4 billion-budget for Basic Education Facilities, only P358 million has been allocated for Priority School Health Facilities. This is for the construction, replacement, repair and rehabilitation of water systems, handwashing facilities, toilet facilities, and other health and sanitation-related facilities. For School Year 2019-2020, 7,292 elementary, 2,082 junior high schools, and 2,085 senior high schools still lacked access to basic hand washing facilities.

"Of course, we all want to go back to face-to-face classes, but it seems to me that it's not reflected in the 2022 budget," said Gatchalian in a Senate panel hearing on the 2022 budget of DepEd and its attached agencies.

The pilot run of limited face-to-face classes in 120 schools is set on November 15. The expanded implementation is scheduled on March 7 next year. Gatchalian, however, urged DepEd to shorten the timeline on limited face-to-face classes to allow participation from more schools.

The Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture said he will propose amendments to DepEd's 2022 proposed budget to align with the new normal. He also pointed out declines in the budgets of the Senior High School Voucher Program (SHS-VP) and the Educational Service Contracting (ESC) for junior high school, which he said would result in lower subsidies and number of beneficiaries from private schools.

In 2021, the total budget for SHS-VP is P25.2 billion, which includes P11.5 billion in unprogrammed appropriations. However, the proposed 2022 budget for SHS-VP is only P16.5 billion, P8.7 billion lower than the budget for 2021. Because of this, the number of the program's beneficiaries is estimated to be 33,883 lower compared to 2021.

"Ang pondo para sa edukasyon sa susunod na taon ay dapat nakatuon sa pagbangon ng sektor mula sa epekto ng pandemya. At habang unti-unti nating binubuksan ang mga paaralan, kailangang piinaghahandaan na rin natin ang mas ligtas na pagbubukas ng mga ito para sa kapakanan ng mga mag-aaral at mga guro," Gatchalian said.

# # #

________________________________________

Gatchalian: Ligtas na face-to-face classes ang prayoridad dapat ng DepEd sa 2022

Ligtas na pagbubukas ng mga paaralan. Ito dapat ang maging prayoridad ng Department of Education (DepEd) sa isinusulong nitong pondo para sa 2022, ayon kay Senador Win Gatchalian.

Sa ilalim ng 2022 National Expenditure Program (NEP), 630.8 bilyong piso ang nakalaan sa DepEd at mga attached agencies nito. Mas mataas ng anim na porsyento ang nakalaan sa new appropriations sa 2022 kung ihahambing sa budget ng taong 2021.

Pinuna ni Gatchalian na malaking halaga pa rin o 15 bilyong piso ang nakalaan sa Flexible Learning Options. Ito ay ang paggamit ng telebisyon, radyo, modules, at iba pang mga paraan ng pagtuturo habang wala pang face-to-face classes. Malaking porsyento ng naturang halaga ay ilalaan sa pag-imprenta ng self-learning modules.

Sa ilalim naman ng 5.4 bilyong pisong pondong nakalaan para sa Basic Education Facilities, 358 milyong piso ang para sa Priority School Health Facilities. Ito ay para sa pagpapatayo, pagpapalit, at rehabilitasyon ng water systems, handwashing at toilet facilities, at iba pang health at sanitation-related facilities.

Noong School Year 2019-2020, may 7,292 na paaralan sa elementarya; 2,082 sa junior high school; at 2,085 sa senior high school na wala pa ring sapat na pasilidad para sa paghuhugas ng kamay.

"Nais nating bumalik sa face-to-face classes ngunit hindi natin nakikita ito sa 2022 budget," pahayag ni Gatchalian sa isang pagdinig sa panukalang budget ng DepEd para sa susunod na taon.

Nakatakdang magsimula sa Nobyembre 15 ang pilot run ng limited face-to-face classes sa 120 na mga paaralan. Sa Marso 7 naman nakatakdang palawigin ang naturang pilot testing. Ngunit panawagan ni Gatchalian sa DepEd, paikliin pa sana ang timeline sa limited face-to-face classes upang makalahok ang mas marami pang mga paaralan.

Ayon sa Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, magpapanukala siya ng mga pagbabago sa panukalang pondo ng DepEd upang gawin itong akma sa "new normal." Pinuna rin ng mambabatas ang lumiit na budget ng Senior High School Voucher Program (SHS-VP) at Educational Service Contracting (ESC) para sa junior high school. Ayon kay Gatchalian, maaari itong magdulot ng pagbaba ng halaga ng tulong pinansyal sa mga mag-aaral sa public school pati na rin sa bilang ng mga benepisyaryo mula sa mga pribadong paaralan.

Nitong 2021, may 25.2 bilyong pisong nakalaan sa SHS-VP, kasama na rito ang 11.5 bilyong pisong nakalaan sa unprogrammed appropriations. Ngunit sa panukalang 2022 budget, 16.5 bilyong piso lamang ang nakalaan sa programa o mas mababa ng 8.7 na bilyon kung ikukumpara sa pondo noong nakaraang taon. Dahil dito, tinatayang bababa ng 33,883 ang bilang ng mga benepisyaryo sa susunod na taon.

"Ang pondo para sa edukasyon sa susunod na taon ay dapat nakatuon sa pagbangon ng sektor mula sa epekto ng pandemya. At habang unti-unti nating binubuksan ang mga paaralan, kailangang pinaghahandaan na rin natin ang mas ligtas na pagbubukas ng mga ito para sa kapakanan ng mga mag-aaral at mga guro," ani Gatchalian.

# # #

News Latest News Feed