Press Release
October 12, 2021

SEN. MANNY PACQUIAO's STATEMENT ON THE DSWD BUDGET HEARING

Nakakadismaya ang mga natanggap ko na sagot mula saDSWD tungkol sa status ng Social Amelioration Program. Paano natin aaprubahan ang kanilang hinihingi na 191.4 billion pesos para sa kanilang 2022 budget kung hindi nilamasagot ng maayos kung magkano nga ba ang allocation samga Financial Service Providers (FSP) at Electronic Money Issuers (EMI) sa SAP-1 at SAP-2.

Hanggang ngayon, hindi pa rin malinaw kung bakit Starpayang pinaburan. Out of the 14 Million beneficiaries for SAP-2, ang ipinagkatiwala pong ayuda sa Starpay ay para sa 6.9 Million beneficiaries. Sa 85.1 Billion pesos na pondo, ipinagkatiwala ng DSWD sa Starpay ang halos 60 porsyentong pondo o mahigit 50 Billion pesos. Ang natirang 40 porsyento ay pinaghatian ng limang FSP's at EMI na di hamakna mas malaki pa kesa Starpay.

Base sa financial records nila, from 70,000 pesos na sales nung 2019 naging 113 Million Pesos ito sa 2020. From losing 26 Million pesos sa 2019, kumita daw sila ng 20 Million pesos sa 2020. At pinaka-masaklap diyan, base sa financial records ng Starpay sa SEC, nagkaroon silang bigla ng 11 Bilyon na CASH noong December 2020, kumpara sa 5 Million lang noong 2019. Sa 11 Billion na cash, 10 Billion pala nito ang pera para sa ayuda. Ayuda na hindi nila agadpinamigay sa mga kababayan natin at pinatulog muna sa kanilang account para kumita ng interest.

Hinayaan ng Starpay na matulog ang pondo sa kanilang bank account sa isang pribadong bangko at hindi sa government banks katulad ng DBP at Land Bank mula July 2020 hanggang April 2021. According to my reliable source, kumita ng 200 million pesos na interest ang Starpay mula saaccount nila sa private bank.

Ang isyu ay ginutom ang maraming pamilyang naghihintayng ayuda sa loob ng sampung buwan pero ang pondo ng bayan pinatulog sa pribadong bangko at pina- interesan.

Matagal ko na pong tanong kung bakit may bawas ang ayudana 50 pesos pag nag cash-out ang beneficiaries. May iba pa ngang reports na nasa 100 pesos hanggang 150 pesos ang deduction kapag sila ay nag-cash out. Magkano ang kinita ng Starpay, Western Union, at MLhuiller mula sa kaltas?

Responsibilidad natin na protektahan ang kapakanan ng atingmga kababayan. Karapatan nating magtanong kung saannapunta ang pera ng bayan. Karapatan nating malaman kung ano ang hiwaga sa ayuda. CORRUPTION SHOULD NEVER GO UNPUNISHED.

News Latest News Feed