Press Release
December 16, 2021

Gatchalian on new P1,000 bill design: Memories of heroes would be erased

Senator Win Gatchalian is urging the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) to reconsider its plan to replace the country's World War II heroes in the P1,000 bill with the Philippine eagle, a move that he says would erase our heroes from the consciousness of future generations and deny their rightful place in history.

"We should always enrich our history by preserving the names and faces of wartime heroes as often as possible. These people are part of who we are as a nation. Erasing them from the P1,000 bill will erase them from the memory of generations to come," said Gatchalian, who chairs the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

"We should, at all times and in all places, take pride in, preserve and promote our rich history, especially to the youth and generations to come. This entails refraining from acts that trivialize the symbols of recognition of our heroes' sacrifices and martyrdom," he added.

Last week, the central bank released the proposed new design of the P1,000 bill, which was already approved by the Office of the President and the Monetary Board. The BSP said that it came up with the design of the new banknote, which the National Historical Commission of the Philippines (NHCP) approved.

But the NHCP, the primary government body responsible for the promotion of Philippine history, denied approving the removal of World War II heroes' portraits in the P1,000 bill. The agency's chairman Rene Escalante said all queries on the P1,000 banknote should be addressed to the BSP. Escalante added that the changes in the banknotes are up to BSP and Malacañang.

Kin of Jose Abad Santos, Vicente Lim, and Josefa Llanes Escoda—all of whom were executed during World War II—also expressed dismay on the banknote's new design. They have pointed out that the P1,000 bill is the only banknote featuring martyrs and removing their portraits would also remove one of the few ways they are remembered.

The BSP said that the new design will be used on the new banknotes made of polymer, citing that it is safer amid the COVID-19 pandemic and more cost-effective. It is scheduled for circulation in April 2022 and the first in a new series of Philippine currency that will focus on the country's rich flora and fauna.

BSP Governor Benjamin Diokno, on the other hand, said that the banknotes featuring the World War II heroes will remain in circulation and will not be demonetized.

# # #

________________________________________

Gatchalian: Alaala ng mga bayani mabubura sa bagong disenyo ng P1,000 bill

Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na muling pag-aralan ang plano nitong ipalit ang larawan ng Philippine eagle sa larawan ng mga Pilipinong bayaning nakaimprenta sa P1,000 bill.

Para sa senador, mawawala sa kamalayan ng mga susunod na henerasyon ang mga bayani noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig o World War II. Aniya, mapagkakaitan sila ng pagkilalang naaayon sa kanila kung matuloy ang pag-alis sa larawan ng mga naturang bayani sa bagong banknote.

"Dapat palagi nating pagyamanin ang ating kasaysayan at panatilihin hangga't maaari ang mga imahe at pangalan ng ating mga bayani. Sila ay bahagi ng kung sino tayo bilang isang bansa. Malilimutan sila ng mga susunod na henerasyon kung mabubura sila sa P1,000 bill," pahayag ni Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

"Sa lahat ng pagkakataon at saan mang lugar, dapat nating ipagmalaki, panatilihin, at isulong ang ating mayamang kasaysayan, lalo na para sa mga kabataan at sa mga susunod na henerasyon. Kasabay nito ang pag-iwas sa pagsasawalang-bahala sa mga simbolong kumikilala sa mga sakripisyo at pagbuwis ng buhay ng ating mga bayani," dagdag na pahayag ng senador.

Noong nakaraang linggo, isinapubliko ng Bangko Sentral ang panukalang bagong disenyo ng P1,000 bill na naaprubahan na ng Office of the President at ng Monetary Board. Ayon sa BSP, sa kanila nanggaling ang disenyo na inaprubahan din ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), ang pangunahing ahensya ng pamahalaan na nagsusulong ng kasaysayan ng bansa.

Ngunit ayon sa NHCP, hindi nila inaprubahan ang pag-alis sa larawan ng mga bayani sa P1,000 bill dahil hindi naman daw sila kasama sa proseso ng pag-apruba. Sinabi ng chairman ng ahensya na si Rene Escalante na lahat ng mga katanungan tungkol sa P1,000 bill ay dapat itanong sa BSP at ang BSP lang at ang Malacañang ang may huling pasya tungkol sa mga pagbabago sa mga banknotes.

Dismayado rin sa bagong disenyo ng P1,000 bill ang mga kaanak ng mga bayani na sina Jose Abad Santos, Vicente Lim, at Josefa Llanes Escoda. Ayon sa kanila, ang P1,000 bill lang ang nag-iisang banknote na nagpapakita sa kasaysayan ng mga naturang bayani. Ayon pa sa mga kaanak, ang pag-alis sa kanilang mga imahe ay pag-alis din ng isa sa mga kakaunting paraan kung paano sila inaalala.

Ayon sa BSP, ang bagong disenyo ay gagamitin sa mga bagong banknotes na gawa sa polymer na umanoy mas ligtas, lalo na sa gitna ng pandemya ng COVID-19, at mas mura. Nakatakdang ilabas sa April 2022 ang bagong banknote, ang una sa bagong serye ng mga salapi kung saan itatampok ang mga halaman at mga hayop.

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, mananatili sa sirkulasyon ang P1,000 bill na may larawan ng mga bayani noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

# # #

News Latest News Feed