Press Release
December 18, 2021

Palace should summon NEA, LWUA to ensure restoration of power, water supplies in Odette-hit regions - Tolentino

MANILA - Senator Francis 'Tol' N. Tolentino on Saturday urged Malacañang to summon officials from the National Electrification Agency (NEA) and the Local Water Utilities Administration (LWUA) to ensure immediate restoration of power and water supplies in regions ravaged by Super Typhoon Odette.

In an interview with DZRH, Tolentino stressed that NEA at LWUA should provide the executive branch all the needed data in order to provide logistical response to hasten the restoration of electricity and water supplies in areas devastated by super typhoon.

"Alam nyo po executive action na ito eh, kailangan ito kaninang madaling araw pinagrereport na ang mga 'yun, anong status na nyan? Anong electric cooperative 'yan, ano ang maitutulong ng national government para maitayo ang mga poste? Ilang mga crane ang kailangan ninyo?" said Tolentino.

Tolentino also suggested that the government can tap the Philippine Contractors Association (PCA) to fast track the restoration of power and water supplies in Odette-hit regions, especially in Visayas and Mindanao.

According to Tolentino, the government can utilize the heavy equipment owned by PCA in its ongoing clearing operations, particularly in areas such as Surigao, Leyte, Tacloban City, Cebu, and Surigao.

"Dapat po iyan i-mobilize para sa road clearing, hindi lamang po ang DPWH ang magki-clear pati pribadong sektor. Isang kumpas lamang dapat 'yan ng mga concerned agencies, nandoon na rin po ang mga operator nila, dun na rin naka-barracks 'yun kaya mabilis-bilis na ang pagkilos" Tolentino stressed.

Meanwhile, Tolentino said that Malacañang should name a reliable point-person that will be responsible for the overall daily operations in the ongoing disaster response.

____________________________________________________

TOLENTINO: NEA AT LWUA IPATAWAG, PHILIPPINE CONTRACTOR ASSOCIATION, GAMITIN PARA MAPABILIS ANG CLEARING OPS SA MGA LUGAR NA SINALANTA NG BAGYO

Hinimok ni Senador Francis "Tol" N. Tolentino ang Palasyo na ipatawag ang National Electrification Administration (NEA) at Local Water Utilities Administration (LWUA) para agarang matugunan ang pagsasaayos ng supply ng kuryente at tubig sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette.

Sa panayam ni Tolentino sa DZRH sinabi nya na dapat hingan ng report ng gobyerno ang NEA at LWUA kaugnay sa logistics na kakailanganin para mapabilis ang pagtugon ng gobyerno sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

"Alam nyo po executive action na ito eh, kailangan ito kaninang madaling araw pinagrereport na ang mga 'yun, anong status na nyan? Anong electric cooperative 'yan, ano ang maitutulong ng national government para maitayo ang mga poste? Ilang mga crane ang kailangan ninyo?" ani Tolentino.

Dagdag pa ng senador, maari rin makipag-ugnayan ang gobyerno sa Philippine Contractors Association (PCA) para mapabilis ang clearing operations sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette.

Ani Tolentino, maraming heavy equipments ang mga pribadong contractors na nakatabi lamang na maaring i-mobilisa ng gobyerno, partikular sa mga lugar tulad ng Leyte, Samar, Tacloban, Cebu, at Surigao.

"Dapat po iyan i-mobilize para sa road clearing, hindi lamang po ang DPWH ang magki-clear pati pribadong sektor. Isang kumpas lamang dapat 'yan ng mga concerned agencies, nandoon na rin po ang mga operator nila, dun na rin naka-barracks 'yun kaya mabilis-bilis na ang pagkilos" Dagdag pa ni Tolentino.

Dapat din daw magtalaga ng point-person ang gobyerno na s'yang kukumpas para mapabilis ang pag-responde ng gobyerno sa mga pangangailangan ng mga lubhang naapektuhan ng Bagyong Odette.

News Latest News Feed