Press Release
January 21, 2022

Gatchalian backs progressive expansion of face-to-face classes

Senator Win Gatchalian backs the progressive expansion of limited face-to-face classes in areas under Alert Levels 1 and 2, calling the move a crucial next step in the recovery of the basic education sector from the impact of the COVID-19 pandemic.

President Rodrigo Duterte recently approved the recommendation of the Department of Education (DepEd) to expand limited face-to-face classes. According to DepEd Secretary Leonor Briones, only vaccinated teaching and non-teaching staff will be allowed to participate in the limited face-to-face classes while vaccinated learners will be given preference.

For Gatchalian, this presses the urgency of vaccinating minors aged 5 to 11 to further boost the confidence of parents and learners. He also reiterated his call on local government units to prepare for the rollout of COVID-19 vaccines among 5-to-11-year-olds.

The government is eyeing the vaccination of minors aged 5 to 11 by February. According to National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer and Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr., the target is to vaccinate 15.56 million minors aged 5 to 11 this year.

"Habang unti-unti nating binubuksan ang mga paaralan, lalo na 'yung nasa itinuturing na may low at minimal risk ng COVID-19, nananatiling prayoridad ang pagbibigay natin ng proteksyon sa ating mga mag-aaral. Kaya naman isinusulong natin ang pagbabakuna sa mga batang may edad 5 hanggang 11 upang matiyak ang kanilang kaligtasan," said Gatchalian, chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

There were 287 schools and around 15,000 learners that participated in the pilot run of limited face-to-face classes. According to DepEd, no COVID-19 infection was recorded among those who participated in the pilot run.

The DepEd added that attendance in limited face-to-face classes is high at 83%. Earlier this month, the DepEd shared results of a survey showing that 97% of learners from Grades 1 to 3 and 86% of senior high school students were satisfied with their overall experience of face-to-face classes.


Progressive expansion ng face-to-face classes suportado ni Gatchalian

Suportado ni Senador Win Gatchalian ang panukalang progressive expansion ng limited face-to-face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 at Alert Level 2. Ayon sa senador, mahalagang hakbang ito tungo sa muling pagbangon ng sektor ng edukasyon at sa pagbabalik ng mas maraming mga kabataan sa kanilang mga paaralan.

Kamakailan ay inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Department of Education (DepEd) na palawigin ang face-to-face classes. Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, ang mga bakunadong teaching and non-teaching staff lamang ang papayagang makalahok sa limited face-to-face classes. Samantala, bibigyan naman ng prayoridad ang mga mag-aaral na bakunado na laban sa COVID-19.

Para kay Gatchalian, mahalagang susunod na hakbang ang pagbabakuna sa mga kabataang may edad na lima (5) hanggang labing-isa (11) upang mapataas pa lalo ang kumpyansa ng mga magulang at mag-aaral. Muli rin niyang hinimok ang mga local government units na maghanda na para sa sa pagbabakuna ng mga kabataan sa naturang age group.

Balak ng pamahalaan na simulan sa Pebrero ang pagbabakuna sa mga batang may edad na lima (5) hanggang labing-isa (11). Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer and Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr., target ng pamahalaan na mabakunahan ang mahigit labing-limang (15.56) milyong mga batang may edad na lima (5) hanggang labing-isa (11).

"Habang unti-unti nating binubuksan ang mga paaralan, lalo na 'yung nasa itinuturing na may low at minimal risk ng COVID-19, nananatiling prayoridad ang pagbibigay natin ng proteksyon sa ating mga mag-aaral. Kaya naman isinusulong natin ang pagbabakuna sa mga batang may edad 5 hanggang 11 upang matiyak ang kanilang kaligtasan," ani Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

Halos tatlong daan o 287 na mga paaralan at may labing limang libong mga mag-aaral ang lumahok sa pilot run ng limited face-to-face classes. Ayon sa DepEd, walang naitalang kaso ng COVID-19 sa mga lumahok sa pilot run.

Ayon pa sa DepEd, umabot ng 83 porsyento ang attendance sa limited face-to-face classes. Sa isang survey naman na ibinahagi ng kagawaran ngayong buwan, siyamnapu't pitong (97) porsyento ng mga mag-aaral sa Grade 1 hanggang Grade 3 at walumpu't anim (86) na porsyento sa senior high school ang nagsabing kuntento sila sa kanilang karanasan sa face-to-face classes.

News Latest News Feed