Press Release
April 9, 2022

Gatchalian: Lack of database impeded distribution of Pantawid Pasada

The lack of an existing database has been the cause of delay in the distribution of the government's fuel subsidy program, Senator Win Gatchalian said. "Hanggang ngayon ay marami pang hindi nakakakuha ng ayudang ito halos tatlong linggo na mula nang magsimulang mamigay ng Pantawid Pasada dahil na rin sa kawalan ng listahan ng mga benepisyaryo. Inabutan na nga ng election ban na lalo pang nagpaantala dito," Gatchalian lamented.

It is in this light that Gatchalian pressed the need for a centralized database which should be prepared by different government agencies and other stakeholders for proper coordination and implementation of the program. The database should be updated yearly to serve as a guidepost for implementing agencies and ensure that there will be no wastage or misappropriation of government resources.

As of 4 April 2022, only 110,287 out of the 377,443 identified target PUV beneficiaries have received their share of the P6,500 fuel subsidy while fuel cards for the 22,932 PUV beneficiaries are still being processed.

The Department of Trade and Industry (DTI), which is tasked to identify those beneficiaries from the delivery services sector, transmitted last March 23 to the Department of Transportation (DOTr) the list of 27,777 intended beneficiaries.

Meanwhile, the Department of the Interior and Local Government (DILG) has yet to submit a list of the tricycle driver-beneficiaries.

"Kung gagawin nang pangmatagalan ang Pantawid Pasada Program, magkakaroon na ng database ang mga benepisyaryo nito at ipapanukala ko ang pagkakaroon nila ng bank accounts o e-wallets upang masiguro na sa mga intended beneficiaries ilalagak ang pondo at mapapabilis ang pamimigay nito," the re-electionist senator said.

In institutionalizing the fuel subsidy program, Gatchalian seeks to provide financial support to the domestic public transport sector as a relief mechanism to cushion the adverse effects of sudden and drastic increases in oil prices.

The Senate Energy Committee Chairperson said an initial funding requirement of P1.6 billion should be allocated to the program while the succeeding fund allocation shall be sourced from excess VAT collection.

# # #

_________________________________________

Gatchalian nababahala sa kawalan ng database na nakaantala sa Pantawid Pasada

Ang kawalan ng database ng mga benepisyaryo ang naging dahilan ng pagkaantala sa pamamahagi ng fuel subsidy program ng gobyerno, sabi ni Senador Win Gatchalian.

"Hanggang ngayon ay marami pang hindi nakakakuha ng ayudang ito halos tatlong linggo na mula nang magsimulang mamigay ng Pantawid Pasada dahil na rin sa kawalan ng listahan ng mga benepisyaryo. Inabutan na nga ng election ban na lalo pang nagpaantala dito," puna ni Gatchalian.

Dahil dito, iginiit ng senador ang pagkakaroon ng centralized database ng iba't ibang ahensya ng gobyerno at iba pang stakeholder para sa maayos na koordinasyon at implementasyon ng programa. Ang nasabing database, aniya, ay dapat na ina-update kada taon upang magsilbing gabay para sa mga ahensyang naatasang magpatupad ng programa at upang matiyak na walang aksaya o maling paggamit ng pondo ng gobyerno.

Sa pinakahuling pagtatala noong Abril 4, 2022 ng mga bilang ng mga benepisyaryo sa hanay ng mga nasa Public Utility Vehicles (PUV), nasa 110,287 pa lamang ng kabuuang 377,443 ang nakatanggap ng tig P6,500 na fuel subsidy samantalang prinoproseso pa rin ang fuel cards para sa 22,932 na mga benepisyaryo.

Ang Department of Trade and Industry (DTI) na may tungkuling alamin ang mga benepisyaryo mula sa delivery services sector ay nagsumite sa Department of Transportation (DOTr) noon lamang Marso 23 ng listahan ng 27,777 na mga benepisyaryong tatanggap ng nasabing ayuda.

Samantala, hindi pa rin nakakapag sumite ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng listahan ng mga tricycle driver-beneficiaries.

"Kung gagawin nang pangmatagalan ang Pantawid Pasada Program, magkakaroon na ng database ang mga benepisyaryo nito at ipapanukala ko ang pagkakaroon nila ng bank accounts o e-wallets upang masiguro na sa mga intended beneficiaries ilalagak ang pondo at mapapabilis ang pamimigay nito," sabi ng re-electionist na senador.

Sa pagsusulong ng programang ito, layon ni Gatchalian na mabigyan ng pinansyal na suporta ang sektor ng pampublikong transportasyon upang maibsan ang negatibong epekto ng biglaan at mataas na dagdag presyo ng langis.

Sinabi ng Senate Energy Committee Chairperson na kakailanganin ang paglalaan ng P1.6 bilyon bilang paunang pondo sa programa habang ang mga susunod na pantustos para sa ayuda ay kukunin mula sa tumaas na koleksyon ng VAT kasunod ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at pangunahing bilihin.

# # #

News Latest News Feed