Press Release
April 28, 2022

Pangilinan: Palayain si Senator Leila, NOW NA

"Ngayong binawi na ni Kerwin Espinosa ang lahat ng mga paratang laban kay Senator Leila De Lima, dapat palayain na si Senator Leila -- now na!

Sinabi mismo ng aminadong drug lord na walang katotohanan ang mga paratang laban kay Senator Leila. Patunay na gawa-gawa ang mga ito.

Napakalaking sampal sa katarungan ang mahigit limang taong pagkakapiit ni Senator Leila.

Palayain na si Senator Leila, agad-agad!"

News Latest News Feed